CHAPTER 50

2K 38 3
                                    

Chapter 50: She’s Gone

MIKO’S POV

ILANG beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya tatanggapin pa ulit sa buhay ko. Na hahayaan ko na lamang siyang umalis at mawala na nang tuluyan.

Nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan na lamang ako, wala na akong pakialam pa sa kanya ngunit sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak niya ay katumbas na iyon nang sakit sa dibdib ko. Ang makita ko ang mga luha niya ay parang sinasakal na ako sa leeg. Ngunit nangingibabaw pa rin ang galit ko sa dibdib ko. Isang bagay lang ang kailangan kong gawin upang mapatunayan ang lahat.

“Saan ka pupunta?” Kuya Markin asked me coldly when he saw me stood up from my seat.

Si Kuya Michael ay agad niya akong ibinalik sa upuan ko. I hissed and he glared at me.

“Uuwi na ako,” mariin na saad ko.

“Sino naman ang nagsabi sa ’yo na uuwi ka? Dito ka lang,” mas malamig pa sa yelong banta ni Kuya Markin. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko.

“Stay.”

“Fvck! Wala na akong gagawin sa babaeng iyon! Uuwi lang ako para makita ko ang mga anak ko!” iritadong sigaw ko.

Mas tumigas lang ang emosyon nilang dalawa. Nasa mansion kami ng parents namin at hindi nila ako hinayaan na makalapit sa babaeng iyon. Kanina pa nila ako ikinukulong dito. Maski si Mommy ay hindi rin makalapit.

“Galit sa ’yo si Grandma. Alam mo ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya ay nagkakatotoo. Binalaan ka na niya, Miko.”

“Fvck! Why can’t you see the situation, Kuya?! Ako ang biktima rito!”

“Pareho kayong biktima. Hintayin natin si Kuya Markus na makabalik saka ka aalis na tang-ina ka. Wala akong kapatid na kagaya mong makitid ang utak!” asik niya na kulang na lang ang sugurin ako at suntukin sa mukha. Sa pagkakaalala ko rin ay minsan nang tumama ang kamao niya sa panga ni Kuya Mergus.

“Just be obedient, Miko,” pagsingit naman ni Kuya Mergus.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napahilamos sa palad ko.

“Akala ko ba ay nasa side ko kayong lahat? Bakit niyo kinakampihan ang babae—”

“Ibang usapan na ang ginawa mo. Pinagbuhatan mo siya ng kamay. Hindi ka namin kukunsintihin sa ginawa mo. Alam mong wala sa pamilya natin ang nananakit sa isang babae, Miko. Ina pa siya ng mga anak mo.”

“She fvcking deserve it!” Nawala ang pisi ng pasensiya niya at tumayo na siya para lapitan ako. Hinablot niya ang kuwelyo ko at balak pa sanang lumapit ang ibang mga kapatid namin nang magsalita siya.

“Subukan niyong pigilan ako dahil makatitikim din kayo ng kamao ko,” walang emosyon na saad niya.

He’s our second brother, sunod kay Kuya Markus, kaya takot din kami sa kanya kapag naging seryoso na ito. Sa lahat kaming magkakapatid ay alam kong siya ang pinakamabait at nakatatakot kapag nagalit siya.

Umigkas nang malakas ang kamao niya sa panga ko. Hindi ako nagpatinag at nanatiling wala ring ekspresyon ang mukha ko. Kahit namanhid pa ang panga ko. Sinákal niya ako gamit ang kuwelyo ko. Galit na galit ang makikita sa mga mata niya. Sa higpit nito ay hindi na nga ako makahinga pa.

“Kuya Markin! You could fvcking kill him!”

“Stop it!” Hindi rin naman sila nakatiis at pinigilan na nila ito. Nang mabitawan ako ay napaubo ako at habol-habol ko ang hininga ko. “Just go, Miko! Umalis ka na rito!” sigaw naman ni Kuya Michael. Tumayo na rin ako at hindi ko na sila nilingon pa. Hindi kasi ako tinantanan nang masamang tingin ni Kuya Markin.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now