CHAPTER 72

2.1K 47 4
                                    

Chapter 72: Pagsuko & Kasiyahan


"ARAY, Jean! Masakit!" reklamo ni Miko nang ilang beses kong diniinan ang bulak sa sugat niya. Putok ang labi niya at ang daming pasa sa kanyang mukha. Mabuti na lamang ay wala siyang black-eye. Kahit ang mga kamay niya ay namumula rin.


"Bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo?" naiinis na tanong ko. Nanggigigil na ako sa sobrang inis ko sa kanya. Nang halikan niya ang labi ko ay tinulak ko siya sa dibdib niya. Putok na nga ang labi niya ay nagagawa pa niya akong halikan.


"Noong isang araw ko pa siyang gustong bugbugin, Jean. Hindi ko lang magawa dahil wala akong dahilan para gawin iyon. Baka kasuhan pa ako," sabi niya kaya muli kong idiniin ang bulak. "Aray naman! Nakararami ka na Donna Jean!" sigaw niya at may pumitik sa noo niya. "Theza baby! Ikaw rin!" 


Nakaakbay si Kuya Markus sa wife niya. Si Ate Theza na naniningkit ang mga mata nito.


"Tatakutin mo lang ang mga anak mo sa hitsura mo, Miko. Nagawa mo pa talagang gawin iyon. Mas lalo mong pinapatagal ang problemang ito kaysa ma-settled na natin nang maayos."


"Mahal ko si Jean, kung hindi lang siya naging mabait ay matagal ko na sanang hinayaan na makulong ang Valderama na iyon. Alam ng isang iyon na talo na siya. Maraming ebedensiya ang inilabas natin laban sa kanya," iritadong saad niya.


"Hindi iyon aamin agad dahil sa nangyaring gulong sinimulan mo, Miko."


"Aray, Kuya! Bakit ba kayo nananakit?!" reklamo niya dahil sa pagsapak nito sa kanya. 


"Manahimik ka muna riyan, Miko. We need your cooperation." Maingat akong hinila ni Kuya Markus.


"Saan niyo dadalhin ang asawa ko, Kuya?" tanong niya at tumayo pa talaga siya. May mga anak lang kami ni Miko pero wala kaming label, dahil kung mayroon may ay baka iyong mag-ex na kami.


Pero dahil nga sa pinapirma niya sa akin ay naging mag-asawa na kami legally at hindi pa rin ako nasasanay kapag tinatawag niya akong 'asawa ko'.


"She needs to talk with Archimedes. Remember that she's pregnant, Miko. Kapag hindi umamin agad ang taong iyon ay alam mong hindi matatahimik si Jean," paliwanag sa kanya ng kuya niya.


"Sasama ako."


"Utang na loob, Miko. Just stay here. Nasaan na ba ang tatlong iyon?"


"Ihatid mo na muna si Jean, baby. Ako na ang bahala kay Miko."


"But kuya..." Nang hilahin siya nito paupo ay wala siyang choice kundi ang sumunod.


Sa labas ng meeting room ay nandoon sina Randell at Dalia. Napangiti ako nang makita kong maayos ang lagay ni Dalia.


"Dalia," I uttered her name.


"Kalla or Jean?" nakangiwing tanong niya dahil hindi siya sigurado kung ano ang itatawag niya sa akin. May pag-aalinlangan din siya.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now