CHAPTER 45

1.2K 17 0
                                    

Chapter 45: Disappearance

“ARE you alright, Jean?” narinig kong tanong ni Ate Theza. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at hindi man lang naglaho ang kaba sa aking dibdib. “Jean...” Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “These past few days ay napapansin ko na parang may problema ka. Tell me, Jean.”

She sat down beside me on the bed. Tipid akong ngumiti. Ayokong madamay siya dahil sariling problema ko ito. Dapat ako lang makakaalam nito. Baka pati siya ay madamay pa.

“Wala po, Ate Theza. Ayos lamang po ako,” sabi ko at pilit kong pinasigla ang boses ko. Pero kakaiba rin siya sa lahat ng mga babae. Isa siyang observant at kaya niyang basahin ang tumatakbo sa isip ng isang tao, titingnan niya lamang ito.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kung saan suot ko ang dalawang singsing ko. Pinisil niya ito.

“Jean, alam kong may problema ka. Hindi ko man ito makikita sa mga mata mo ay halata ito sa mga ikinikilos mo. Puwede mong ibahagi sa akin ang nagpapabigat sa dibdib mo. Kung hindi mo masabi kay Miko ay maaari mo namang sabihin sa akin. Parte ka na ng family ng Brilliantes kahit hindi ka pa kasal kay Miko. Panganay na apo ang asawa ko, ang Kuya Markus mo, kaya gusto kong ako naman ang tumingin-tingin sa mga babae ng Brilliantes clan. Ako ang magsisilbing ate ninyo,” mahabang saad niya.

“May takot at pangamba lang sa puso ko, Ate. Pero hindi pa ako handang magbahagi. Sana maintindihan mo po,” saad ko at naramdaman ko ang pagtango niya.

“I understand, Jean. Basta kung handa ka na ay puwede mo akong ipatawag sa bahay anytime,” aniya. Sa huli ay napangiti na lamang ako. Hindi rin naman siya namilit na magsalita ako.

Inaya na lamang niya ako na magtungo sa silid ng triplets. Nakakonekta ang kuwarto namin ni Miko sa silid ng mga anak namin at sa ngayon ay magsasama muna sila. Saka na sila maghihiwalay ng kuwarto kapag kaya na nilang matulog nang mag-isa.

SA SUNOD na mga araw ay kakaiba ngayon. Kasi halos hindi ko na bitawan ang mga anak ko. Ilang beses ko na silang pinaghahalikan sa mga pisngi, labi, tungki ng ilong at sa noo nila. Gising na gising din sila sa mga oras na iyon at ang naririnig ko lang ay ang baby sounds nila.

Nasa sahig kami na may banig naman at may kutson pa. Nakontento akong paglaruan ang mga daliri nila.

“Ang Shynara ko, ang panganay kong love-love ni Mommy. Ikaw ang mag-aalaga sa baby sisters mo,” nakangiting sambit ko. Hinalik-halikan ko ang matambok niyang pisngi at naramdaman ko na sinusundan niya iyon ng munting labi niya. Natawa ako kaya hindi ko tinanggal ang labi ko sa pisngi niya hanggang sa maramdaman ko ang pagsipsip nito. Umiyak siya nang wala man siyang makuhang gatas. Mahinang natawa ako. Ibinaba ko na siya at sunod kong kinuha si Shanara. “Ikaw, baby ko. Ang pinakamakulit at iyakin. Huwag mong pasakitin ang ulo ng daddy mo, anak ko.” Napangiti ako dahil sa narinig kong mahinang bungisngis. “Si Shanea ang pinakamabait kong baby. Siya ang magiging kakampi ng daddy niyo kapag bugnutin kayong dalawa, mga anak ko.”

Nasa ganoon kaming eksena nang pumasok si Grandma at narinig ko agad ang mahinang halakhak niya.

“Do you think ay kaya nilang pasakitin ang ulo ng daddy nila, apo?” malambing na tanong nito sa akin.

Naglahad agad ako ng kamay. “Halika ho rito, Grandma. Nakikipaglaro po ako sa mga apo niyo sa tuhod ni Grandpa,” nakangiting pag-aaya ko.

Sa paglapit niya ay hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ko siyang makaupo sa aking tabi. “Opo, sigurado po ako roon, Grandma,” pagsang-ayon ko. Nakisabay na rin siya sa pakikipaglaro sa mga apo niya sa tuhod.

***

“Are you sure na kayo lang ang pupunta sa clinic ni Dra. Vladimir?” tanong ni Mommy Jina sa amin. Ngayong araw na kasi ito ay bibisita kami sa doctora para sa triplets namin.

The Blind Lost Her Trace (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Where stories live. Discover now