Under The Twilight Sky (KOV #...

Por xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... Más

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

Wandering Freely

33 1 0
Por xxxSerenityxxx22




**************************


Jared Vincent Chavez



Dahil may pasok ngayon, kaylangan namin mag hiram ng uniporme kay West. Mukha kaming mga tanga ngayon, mas malaki yung katawan ni Thor kaysa sa kambal kaya masikip pay dating sa kaniya. Kay Eros, sakto lang yung sukat pero sa'kin? Medyo maluwag yung sleeves pero okay na to. Mamimili pa ba ako? Wala akong susuotin, nakalimutan kong mag dala este wala pala talaga akong dala maliban sa sarili ko.





Mabuti na nga lang at mayroon akong damit na naiwan sa locker room namin sa Cielo, alangan namang gumala ako sa labas ng naka uniporme diba? Edi napag kamalan pa akong kriminal o peke. Baka maging dahilan pa yon ng pag kakakulong ko dito tapos si dad yung magiging abogado ko, grabe! Nakaka takot yung scenario na yon. Parang mas malala pa yon sa trailer ng the ring na palabas tapos mag isa ka lang nanood.






Maaga kaming papasok ngayon kase masyadong advance mag isip si Thor, ginising niya kami ng wala sa oras. Sabi niya pa sa'min, tanghali na kaya nag madali kaming maligo lahat. Yon pala? Ala singko pa lang ng umaga! Punyeta tong taong to. Huwag na daw kaming mag reklamo, maaga din naman daw pumapasok si Lauren atsaka Cece eh galit nga sa'kin yung babes ko kaya paano yon?






Malamang hindi niya ako gustong makita, baka nga galit pa yon sa'kin hanggang ngayon. Sa tuwing mag papadala ako ng text, nag rereply naman siya pero sobrang iksi lang. Parang freezer yung conversation namin, hinahayaan ko lang muna siya kase alam kong kusa siyang babalik sa'kin. Wala naman siyang ibang pwedeng puntahan kung hindi ako lang, hindi ako papayag na sa ibang lalaki siya mapupunta no!





"Jared! Dalian mo! Malapit na mag umaga!". Sigaw ni Thor. Gago pala to eh, umaga na kaya! Pasikat pa lang yung araw! Napaka OA mo! Akala mo naman maagang pumapasok si Dawn. Mag hihintay lang tayo doon eh.





"Dalian daw natin sabi ni boss, tangina neto akala mo tatakbuhan ni Aurora". Bulong na reklamo ni Eros sa'kin. Natawa ako sa sinabi niya, eh anong magagawa natin? In love yung tao eh. Ganon talaga kapag nahulog na, ang kaso kase kay Thor? Matagal na siyang nahulog kay Dawn. Ngayon? Ayan, nahuhulog pa rin naman siya.






Pag tapos kong mag ayos, sumabay na ako kay Eros at kapwa kami lumabas. Mukha na kaming mga tao pero inaantok pa rin talaga ako, punyemas kase tong taong to eh. Masyadong OA, wala namang ibang lakad si Dawn. Hindi rin naman mag hahanap ng iba yon, pwede naman kaming hindi sumama o pumasok ng maaga kaso hindi uso sa'min yon eh. Gawain ng isa, gawain ng lahat. All for one, one for all.





"Oh? Hindi na tayo kakain? West? Pag kain, penge ako". Sambit ni North habang naka lahad ang palad niya sa harapan ng kakambal niyang sinapian nanaman ng espiritu ng biyernes santo, maaga pa kase kaya wala siya sa mood.






"Bakit sa'kin? Una sa lahat, ikaw ang mas matanda kaya dapat ako ang nang hihingi sayo. Pangalawa, kay Thor ka mang hingi kase siya naman may pakana kung bakit tayo papasok ng maaga". Walang ganang sagot ni West. Napaatras kaming lahat, high blood siya ngayon. Tangina kase nito ni Thor eh! Kutong lupa ka talaga! Tama si Dawn!





"Ako na mag papakain sainyo, gusto niyo pati magpa aral pa eh". Natutuwang sagot ni Thor. Sabagay, hindi naman kuripot si Thor kaya walang problema yon sa kaniya. Kung si North yan? Auto ghosting na yan, kahit tumawag ka pa ng exorsist? Wala kang North na makikita sa paligid.






"Bago mo ko pakainin, gawan mo ng paraan yung high blood ng kapatid ko. Tingnan mo oh? Nang hingi lang ako ng pag kain tapos ang daming sinabi". Paawang aniya ni North. Natawa kami ni Eros, buti pa kaming dalawa. Walang masyadong problema sa mundo, pwede naman kaming matulog sa classroom mamaya eh.





"Doon na tayo kumain sa school mamaya, mag diet naman kayong lahat". Paalala ko sa kanila. Una na akong lumakad palabas, may dala naman akong sariling sasakyan. Uuwi rin naman ata ako mamaya, hindi ako sigurado pero bahala na muna sa ngayon. Walang plano eh.





Sumunod na silang lahat sa'kin, si Thor lang ata ang walang dalang sasakyan kaya sasabay siya sa kambal. Sasakyan namin ang taga bulabog ng mga nakatira din dito sa condo ni West, mabuti na nga lang at walang umaalis sa kanila. Hindi naman ata naririnig pero kahit na, maingay pa rin lalo na tong si North na ubod ng gago. Biglang bubusina kahit wala namang sasakyan o hindi naman siya nag mamaneho sa highway.





Pag pasok ko sa loob ng sasakyan ko, nakita kong puno na ang tank kaya hindi ko na kaylangang magpa lagay ulit. Baka nilagyan na to ng mga gas boy sa Cielo kahapon, wala akong maalalang nag utos ako pero salamat na rin sa kanila. Agad kong binuhay ang makina at nag simulang humarurot palabas ng building, alam ko na kung bakit gustong pumasok ni Thor ng sobrang aga. Ayaw niya sa traffic!






Dahil hindi pa sumisikat ang araw, wala pa ring masyadong sasakyan na dumadaan kaya halos solo lang namin. Si Eros na tarantado nakikipag karera nanaman kaya siyempre hindi mag papahuli si North, hindi ugali ni Thor na sumali sa mga ganito pero himalang sumali din siya. Ayokong mahuli ng mga MMDA officers tapos mag babayad nanaman ng malaki para lang sa over speeding, bahala na silang tatlo o apat diyan.







Nang makarating kami sa St. Valentine, literal na kaming apat pa lang ang tao doon. Solo namin ang parking lot ngayon kaya bahala na kung papaano yung pag kakaayos ng mga sasakyan namin, wala rin namang makikialam niyan mamaya. Ipinarada ko ng maayos ang sa'kin para hindi ako ipapatawag para lang ayusin yan, pinatay ko na ang makina atsaka bumaba.






"Sige nga Thor, saan ka hahanap ng pag kain? Nakikita mo bang may tao na?". Tanong ko sa kaniya. Tinawanan lang ako ng gagong to, mabuti na lang dumayo kami kila Dawn kagabi kaya naka kain ako ng matinong pag kain.






"I thought you're on a diet?". Tanong ni Mr. Kupido. Iba talaga kapag stress free, tangina buti pa si Eros? Blooming kahit hindi naman in love katulad ni Thor.





"Huh? Kailan ko sinabi yan?". Tanong ko rin pabalik. Sabi ko kanina subukan nilang mag diet, wala akong sinabing pati ako magdi diet din kase you can't spell DIET without DIE. Mahal ko pa ang buhay ko no!





"Okay, paalam na mga kutong lupa. Didiretso na ako sa classroom ko para mag aral, may quiz kami mamaya eh". Paalam ni North sa'ming lahat. Masaya siyang kumakaway sa'min habang nag lalakad palayo ng patalikod tapos kami naman tong mga uto uto na nakiki kaway din sa kaniya, mukha kaming tanga pero mabuti na lang ay wala pang tao.





"Tayo? Paano na tayo?". Tanong ko sabay tumingin sa kanilang tatlo. Napakamot si West sa ulo niya, hindi siguro to naligo ng maayos ngayon at si Thor pa rin ang may kasalanan non kase siya tong nag mamadaling pumasok.






"Where else? Let's go to our classroom and go back to sleep". Si West na ang nag sabi niyan kaya siyempre? Choosy pa ba kaming tatlo? Hindi na no! Matulog daw ulit eh. Tamang-tama dahil sa Sabado, simula na ang special training namin na nakakamatay dahil mapapagod ka agad.






Nakapag desisyon na kaming lahat at desidido na kaming matutulog kami pag dating sa classroom, English literature naman ang unang subject namin kaya hindi yon magagalit pero mapapagalitan naman kami kapag bigla kaming nagising sa kalagitnaan ng klase niya. Sa madaling salita, dapat manatili kaming tulog hanggang sa matapos ang subject niya.





Ilang oras din siguro kami naka tulog, naalimpungatan ako dahil tumama yung sikat ng araw sa mga mata ko atsaka naiingayan ako sa mga nag dadabog ng upuan nila. Anong oras na ba? Ako ang naunang nagising at naliligo nanaman ako sa sarili kong laway, hindi naman masarap ang tulog ko pero laging ganito ang scenario kapag bagong gising ako.







"Thor? West? Eros? Gising, tapos na ata yung klase". Aniya ko. Agad na gumising si West at Eros, inabot pa ng ilang minuto bago dumilat si Thor. Antok na antok siya dahil sa sarili niyang kalokohan, eh kung hindi kami pumasok ng maaga? Edi sana lahat kami hindi mga puyat at gutom ngayon.






"First subject pa lang ang natatapos, iba ang susunod na subject mo diba? Bakit nandito ka pa?". Tanong ni Thor sa'kin. Oo nga pala, hindi nga pala business management ang kurso ko kaya dapat mauna na ako sa kanilang lahat.






"Sabi ko nga, paalam na. Kita-kits na lang mamaya". Maiksi kong paalam sa kanilang lahat. Kinuha ko na ang g- ay wala pala akong dalang bag ngayon. May gamit naman sa locker ko pero puro supplies lang yon atsaka notebooks, hindi ako nag iiwan ng libro dito sa school.





Dumiretso na ako sa susunod na klase ko, naalala kong may exam pala kami ngayong araw. Palagi naman akong nag a-advance reading kase kaylangan, ang atensyon ko ay nahahati sa maraming parte pero ngayon? Ang porsyento ng Cielo ang may pinaka malaki dahil sa punyemas na virus at tarantadong scientist na yan.






Pag dating ko sa silid, lahat sila mga seryoso ang ekspresyon at lahat naka tingin lang sa mga libro nila. Naiiyak na nga ang ibang mga babae sa kanila eh, gusto ko sanang tumawa kaso huwag na lang. Baka isipin nila na nag yayabang ako porket palagi akong nakaka tiyamba ng mataas na score kahit hindi ako kumukopya sa iba, hindi naman nila alam na tatlo ang digit ng IQ ko eh.





Lahat ng agent sa Cielo, puro three-digit IQ. Base sa mga senior agents mula sa ibang sector ay walang dalawa at mas lalong walang isa ang digit doon pero ang alam ko meron din namang ganon kahit kaunti, wala namang perpektong tao sa mundo. Minsan mas kaylangan ang pisikal na lakas kaysa sa utak, hindi ka rin makaka ligtas sa ganong klase ng buhay kung mahina ang katawan mo.






"Chavez! Nag review ka? Paturo naman ako sandali!". Sino to? Amputcha hindi ko siya kilala, wala akong maalala na mayroong bagong lipat sa department namin. Napa-awkward smile tuloy ako ng wala sa panahon, nag papaturo siya sa topic namin sa mathematics. Sisiw na lang to sa'kin pero nag panggap akong walang alam at hindi nakinig noong itinuro to.






"Sorry but I didn't review either, I don't even have an idea what topic did our professor taught last meeting". Natatawa kong sagot sa kaniya. Malungkot siya kase wala na siyang ibang malalapitan, stress din lahat ng mga tao dito at ako lang ata ang kalmado pero kabado din.






Nakakakilabot pa naman bumagsak sa subject na to, walang exception. Kapag bagsak ka? Yon na yon, auto re-take mo na yung subject lalo na kapag hindi ka kumpleto sa mga outputs atsaka projects. Ang nakakatawa pa nga dito, magpapa pasa sila ng essay tungkol sa natutunan namin. Papaano kapag walang natutunan? Edi nganga?





Maya maya pa ng kaunti, dumating na ang professor namin. Si Prof. Kilay pala tong magpapa quiz eh! Tropa namin to! Este ako lang pala. Professor Kilay ang tawag namin sa kaniya kase ang kapal ng kilay niya, parang lintang mataba. Siyempre hindi yon ang tawag namin sa kaniya, kapag nakatalikod lang siya.






"May limang minuto pa bago ang klase natin, ipapaalala ko lang sainyo na kapag si Chavez nanaman ang pinaka mataas, may consequences na kayong haharapin". Paalala sa kanilang lahat. Aba bakit ako madamay dito? Bakit parang kasalanan ko? Mabuti na lang, hindi uso dito ang mag check ng IQ kung hindi? Huling huli na nag sisinungaling ako.





"Prof! Ang unfair naman po non! Palagi siyang nakaka swerte eh!". Protesta ng isa kong kaklase. Oo nga naman kase Prof. kilay, lugi naman talaga sila kase hindi naman talaga ako sinuswerte. Literal na matalino talaga ako, wala na tayong magagawa sa bagay na yon kung hindi ang tanggapin na lang para mas masaya.





"Hindi ako naniniwala sa swerte at malas, sa sipag at tiyaga lang kaya kung inaral niyo ng maayos ang mga lessons? Hindi kayo babagsak". Masayang sagot ni Prof. Kilay. Tama tama, napaka galing talaga mag bigay ng advice ni Prof. Kilay! Idol ko talaga to! Kaso sa mathematics lang namin siya guro eh. Mas maganda sana kung pati sa major subjects.





"Inaral ko naman Prof. Kaso walang pumapasok sa utak ko eh!". Ani ng isa ko pang kaklase na hindi ko naman kilala. Halos lahat sa kanila hindi ko alam ang pangalan, puro kase si Thor, Eros at West ang palagi kong nakaka sama. Buong maghapon pati magdamag, 24/7 na puro sila lang. Naiiba lang ng kaunti kapag nasa Cielo kami kase nandoon din sina Primo at ang iba pa naming kasama.






"Okay, wala na akong ibang makikita kung papel at ballen lang a ibabaw ng desk niyo. If you're gonna cheat, don't because if you're caught? I have no choice but to give you zero automatically. Huwag kayong gumaya sa mga ex ninyong cheater din maliwanag?". Tong si Prof. Kilay, may asawa at anak naman pero ang bitter minsan. Ano kayang hinanakit neto sa mundo? Niloko na siguro siya noon. Laki ng problema amputcha.






"Prof? Niloko na po ba kayo noon?". Tanong ko sa kaniya. Sa lahat ng guro namin, siya lang ang mahilig makipag bonding sa mga estudyante. May limits pa rin naman dahil guro namin siya at tinuturuan niya lang kami pero kahit na ganon, hindi siya katulad ng iba na palaging high blood at akala mo menopausal.







"Ikaw Chavez? Nagka girlfriend ka na ba?". Pabalik niyang tanong sa'kin. Huli na si Prof. Kilay sa balita, yon ang sigaw ng isa sa mga kasama ko. Binati niya ako ng belated congratulations pero goodluck na rin kase mag sisimula na ang exam namin, wala lang naman daw ito pero recorded pa rin.






Last semester, pinasagutan din to sa'min eh. Siya rin mismo ang nag bigay, naalala ko pa yung formula atsaka mga solution kaya pumikit ako sandali para bahagyang maka idlip. Mga twenty minutes na ang nakaka lipas, may natitira na lang na halos kalahating oras kaya nag simula na akong mag sagot para maka habol sa mga kaklase kong stress na sa mga buhay nila.






Akala siguro nila madali lang ang mag abogado, hindi nila alam na mas madali maging kriminal pero hindi ko pino-promote yon ah! Sumbong niyo pa ako sa mga nanay at tatay niyo eh. Pinili ko to kase kahit medyo hindi maayos ang samahan namin ni dad ay iniidolo ko pa rin siya, alam ni ate Riane yon kaya hindi niya ako pinigilan nung sinabi kong gusto kong maging abogado.





Mabilis lang akong natapos, wala pa nga atang sampung minuto ang itinagal ko sa pag sasagot habang stress pa rin ang mga katabi ko. Hindi naman mahirap to para sa'kin pero siyempre, iba iba ang kapasidad ng utak ng ibang tao. Iba ako sa kanila, ipinanganak akong matalino at talentado hindi tarantado.





"Time's up everyone! Pass your papers, no IFs nor BUTs". Kanina pa ako naka tulala sa kawalan, hindi ko na namalayang tapos na rin pala ang oras. Masaya kong ipinasa ang papel ko sa harapan habang sila? Malungkot, stress at badtrip dahil sigurado akong hindi na nila naalala ang lesson na to. Last semester pa yan tinuro eh!






"Let me remind everyone na recorded ang exam na ito pero hindi naman makaka apekto sa grades ninyo okay? Class, dismissed". Ani ni Prof. Kilay. Pinauna muna namin siyang lumabas ng classroom dahil ayaw din naman nilang maging bastos na basta na lamang lalabas ng hindi pa nakaka labas yung guro, may mga pinag aralan naman sila kaya may common sense sila.






"Kung hindi ka nagre review o nag babasa man lang, papaano ka nakaka pasa sa mga exams?". Mausisang tanong sa'kin ni Biboy. Siya lang kilala ko dito, siya lang kase yung hindi nababadtrip kapag mataas ang nakukuha kong grade sa mga exam, quizzes o essays.






"Nag dadasal ako sa lahat ng diyos, subukan mo rin! Baka sakaling pumasa ka". Natatawa kong sagot sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na 'Hindi kase ako two-digit IQ katulad niyo' pero ayaw ko rin namang mag yabang, totoo namang matalino ako! Gwapo pa!!






Maya maya, tumunog ang telepono ko dahil may nag text sa'kin. Laking gulat ko dahil nakita kong si Lauren yon. Sa sobrang excited, kumaripas ako ng takbo patungo sa labas habang masayang binabasa ang mensahe mula sa kaniya. Gusto niya daw akong makita kaya mag punta ako sa parking lot, doon sa may malapit sa sekretong lagusan kung saan kami dumaan dati noong na-late kami ng pasok. Okay, aye aye captain!






Masaya akong lumakad patungo doon, hindi ko alam kung anong meron pero mukhang gusto niya lang akong makita kase miss niya na ako pati na ang gwapo kong mukha. Miss na miss ko na rin ang Lauren ko, miss na miss ko na siyang yakapin ng sobrang higpit pero sa totoo lang? Parang may mali ngayon. Ayoko namang mag isip ng kung ano pero may hindi talaga tama ngayong araw, kinikilabutan ako.







Nakasalubong ko na ang mga dati kong ka-batchmates na u ulit ng year kase hindi ko pinakopya sa final exam, hindi umabot yung grades nila eh. Puro quatro atsaka singko eh hindi naman pwede yon diba? Kaya nag repeat sila ng year. Masama pa rin ang tingin nila sa tuwing makakasalubong nila ako, ang laki ng mga problema nila no? Kasalanan ko bang ginusto nilang kumuha ng kursong hindi naman nila kaya?







Pag dating ko doon, wala pa naman si Lauren kaya nag tataka ako. Nasaan na kaya yon? Akala niya siguro hindi ako puputa dito eh matitiis ko ba siya? Hindi ko yon kaya, hinding hindi kaya ang tanong? Nasaan na siya? Siya ba yung nang ghosting sa'kin? Puntahan ko na lang kaya siya sa dorm nila? Sigurado naman akong nandoon na yon ngayon.







"Jared? Anong ginagawa mo dito?". Pamilyar sa'kin ang boses na iyon. Si Nikka, ang Trinity the second ng team three. Isa sa mga pinaka brutal na babae ng grupo namin pero may sekreto yan, alam niyo kung ano? Siyempre hindi! Secret nga diba?






"Huh? Hindi ba dapat ako ang nag tatanong niyan sayo? Ikaw anong ginagawa mo dito? Bakit suot mo ang uniporme ng St. Valentine? Dito ka na rin ba nag aaral?". Tanong ko habang naka taas ang isa kong kilay. Kamukha niya yung mga cheerleaders ng St. Valentine, yung mga alaga ni Psyche? Ganitong ganito pa naman ang pormahan nila lalo na kapag walang practice.






"Me? I'm here because of my mission, this is my disguise. Happy?". Paliwanag niya sa'kin. Misyon? Ano namang klaseng misyon yon? Ang siguraduhing hindi kami mag iinom? Jusko naman! Hindi na kami mga batang pasaway! Slight na lang!!






Abala kaming nag uusap habang hinihintay ko si Lauren dahil baka may ginawa lang siya sandali, nakipag kwentuhan muna ako kay Nikka habang wala pa naman. Maya maya pa, biglang lumapit si Nikka sa'kin. As in literal na malapit, hindi ko naman minamasama ang mga kalokohan niya dahil alam ko namang hindi to mahuhulog sa'kin. Ihuhulog niya ako sa bangin, yon ang gagawin niya!





Nagulat ako dahil bahagya niyang inilapit pa ang katawan niya sa'kin, aminin ko man o hindi pero parang sasabog na ang hinaharap ni Nikka. Hindi kayo mag kakamaling akalain na lalaki siya kahit minsan ganon siya kumilos, napag kamalan na siyang bakla noon at alam niyo kung anong ginawa niya? Secret pa rin! Magagalit yan sa'kin kapag sinabi ko!






"Hoy Nikka, may girlfriend ako at mahal ko yon! Lumayo ka sa'kin! Sumpa ka!!". Reklamo ko sa kaniya. Umismis lang si Nikka at hindi nag salita, kung tarantado ako? Malamang nahulog na ako sa kalokohan niya pero sorry kase hindi to uso sa'kin. Kung si Eros to, may posibilidad kaso hindi naman ako siya diba?






Sobrang lapit na ng mukha niya sa'kin, pakiramdam ko ay balak niya na akong halikan! Huwag po! Maawa ka sa'kin Satanas! Ayokong makita ang mga kriminal na nasa impeyerno na dahil baka doon pa sila gumanti sa'kin. Siyempre lugi ako, wala doon si Bathala. Umatras ako ng kaunti at may narinig na yapak ng paa mula sa likuran namin kaya tumalikod ako, nakita ko doon si Lauren habang nakatulala.







Umiiyak na siya habang pinag mamasdan ang itsura namin kaya agad ko tuloy itinulak palayo si Nikka sa'kin, nag tungo ako sa kaniya at sinubukang hawakan ang mga kamay niya pero iniwas niya yon. Sa halip, tumama sa kaliwang pisngi ko ang isang napaka lakas na sampal mula sa babaeng pinaka mamahal at kaisa-isang iniibig ko mula pa noon magpa hanggang sa ngayon. Bakit ang sakit? Ganito ba ang pakiramdam non kapag nag mula sa taong nasasaktan?






"A-AL, I-I can e-explain. Wala lang yung nakita mo, it's a misunderstanding". Nauutal kong aniya. Her eyes were bloodshot, galit ang nasa mga mata niya at hindi pag mamahal. Sa mga oras na to, hindi ko na alam ang gagawin ko o kung ano bang uunahin kong ipaliwanag.






"Explain?! A-Anong sasabihin m-mo? L-Lasing ka?! N-Naka inom lang?!! Gasgas na yan Jared! Huwag mo kong gaguhin!". Sigaw ni Lauren sa'kin. Parang paulit ulit akong pinapaulanan ng bala at kahit paulit ulit na rin akong namamatay, may bumubuhay pa rin sa'kin. Sobrang sakit pakinggan ng mga salitang lumalabas sa bibig niya.






"HINDI KA LANG MANLOLOKO! SINUNGALING KA RIN!! MAHAL MO KO DIBA? YON ANG PALULIT ULIT MONG SINASABI SA'KIN DIBA?! MAHAL MO KO PERO SINO YAN?! BORED KA KASE GALIT AKO SAYO?! HUWAG NA TAYONG MAG LOKOHAN!". She raised her voice but this time, it's louder. It's like someone is throwing a knife on my heart or someone is cutting off my skin while I'm still alive and conscious.






"AL, totoong mahal kita! Bakit ba ayaw mo kong mag paliwanag? Sasabihin ko sayo ang totoo! Lahat lahat! Pabayaan mo lang akong mag paliwanag sayo, please...". Pag mamakaawa kong sagot sa kaniya. Sasabihin ko na sa kaniya ang lahat ng tungkol sa'kin, tatanggalin ko na ang maskarang suot ko para makita niya kung sino talaga ako.






"What truth? That you and I are still in a relationship? Oh that's so sweet babe!". Sabat ni Nikka. Putangina naman netong taong to, pasalamat siya wala akong baril na hawak ngayon. Talagang pasasabugin ko na ang utak niya, ano bang ginagawa niya?! Ginagatungan niya pa eh!







"Don't bother Jared, I won't listen. I'm here to end our relationship anyway. Both of my brothers were right about you, you're a jerk and nothing but a liar". Malamig niyang sambit. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, end our relationship?! Tangina naman! Bakit ba siya nag kakaganito?! Ano bang nang yayari?!






"AL, huwag naman ganito! Hindi yon totoo! Ikaw lang yung mahal ko AL! Maniwala ka naman sa'kin! Please... Baby.. Please believe me!". I still kept on begging. I'm on my knees now, hindi ko kayang mawala si AL sa'kin. Hind ko na kakayanin kapag nawala siya ulit.






"Tumayo ka diyan Jared.. Huwag mo nang sayangin ang mga oras at panahon natin kase tapos na tayo, ayaw na kitang makita kahit na kailan". She replied without hesitation. Inalis niya ang pag kakahawak ko sa mga palad niya at lumakad palayo habang patuloy na may tumutulong luha mula sa mga magaganda niyang mata, balak ko siyang habulin pero inawat agad ako ni Nikka.







"Nikka, bitawan mo ko. Hindi ko alam kung bakit mo yon ginawa pero ayaw kitang saktan, nag mamakaawa ako sayo. Alisin mo yang kamay mo sa balikat ko at pabayaan mo kong habulin siya". Walang gana kong pababala. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkaka kapit sa'kin, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya pero bigla siyang nag labas ng baril at itinutok yon sa ulo ko.






"Try to run off, I don't wanna do this either Jared. I just don't have a fucking choice, I'm doing this for your own sake". Sagot niya sa babala ko. Naka luhod ang posisyon ko, ilang segundo bago ako maka tayo at maka takbo palayo kaya kung babalakin ko yon ay siguradong tatapusin niya na ang buhay ko. Silencer ang baril na hawak niya, kahit iputok niya yan ngayon? Walang makakarinig ng ingay na nag mumula sa baril niya.







"So this is your mission? Who ordered you to do this? Tell me now, sino?". I asked. She's shaking, nararamdaman ko ang takot na bumabalot sa kaniya pero sinusubukan niyang huwag iyon ipakita o ipahalata sa'kin.






"Im so sorry Jared, forgive me. I can't tell you that either, just trust us and let her go for now". Kalmado niyang sambit. Tangina! Let her go?! Alam niyo ba ang ibig sabihin non?! May tiyansa na mapunta siya sa iba! Ang tagal ko nang nag hintay! Tangina halos dalawang dekada akong nag hintay tapos sasabihin niyo sa'kin na iwan ko muna siya ngayon?!






"Just pull the fucking trigger Nikka, do it now or I'll do it myself". Huli kong sagot. I'd rather die than live without my Lauren, she's my life, my home and my everything.






The only reason why I'm still fighting for what's right, why I wanted a fucking peaceful world is because of her. Without her then what's the point of continuing the battle? She's gone. My world is gone now, I should be gone as well.





Wala na akong ibang rason para mabuhay pa dahil kinuha na nila ang babaeng pinaka mahalaga sa buhay ko, ang dahilan ng lahat ay wala na.





"Jared please, stop acting like this! Remember why you chose to became one of us and remember why you joined our organisation, just hurt me instead. Do whatever you want, threw a punch or kill me. Do as you pleased but don't go after her or she'll die like your biological mother". She uttered. Her last sentence made me think twice about doing something destructive, what does she meant by that? Die like my mother?






"I may never understand your pain but I felt it once, I've lost something precious too and you knew about it right? I shouldn't be saying this but if you want answers, hurry up and go to our quarters now". Paalala niya sa'kin.






Dahan dahan niyang ibinaba ang baril at pinabayaan akong tumayo sa sarili kong mga paa, humarap ako sa kaniya at nakita ang ekspresyon niyang blangko.






Hinayaan niya akong umalis na parang walang nang yari, agad akong tumakbo patungo sa sasakyan ko dahil didiretso ako sa Cielo para mag hanap ng mga kasagutan sa mga katanungan ko. Akala ko ba wala silang alam tungkol sa nang yari kay mama? Bakit tinatago nila sa'kin ang bagay na yon? May karapatan ako bilang anak!






Masasaktan ako kung sakali mang malalaman ko pero hindi yon sapat na dahilan para itago nila sa'kin ang katotohanang alam nilang matagal ko nang hinahanap, gusto kong malaman ang totoo at anong ibig sabihin ni Nikka kanina? Kapag hinabol ko si Lauren, magagaya siya kay mama?






Kaylangan ko ng kasagutan sa lahat ng mga tanong ko, gusto kong malaman ang totoo dahil ang gulong-gulo na ako pati ang isip ko at wala na akong maintindihan.





**************************



Seguir leyendo

También te gustarán

539K 28.7K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
20.5K 643 118
Matagal ng gusto ni Karylle si Dave Tyla na isang kilala bilang isang sikat na modelo at painter sa bansa. Hindi naman sinasadya ni Karylle na makapa...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
290 51 22
A KISS TO REALITY [COMPLETED] "Ako ang nauna, siya ang wakas." - Moira, Paubaya. ••• Start: Oct. 30, 2020 End: Nov. 3, 2020 ••• ALL RIGHTS RESERVED ©...