The Possesive Man (Del Fauric...

By MsGishLin

758K 13.6K 148

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... More

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 22

12.3K 256 8
By MsGishLin

Kabanata 22

Tears

Nang makarating na kami sa library ay ako na sana ang magtatanong sa librarian kung saan kami magsisimula pero naunahan na ako ni Luis kaya hinayaan ko na lamang siya.

"Don muna daw tayo sa second floor dahil wala ng gumagamit sa palapag na 'yon." Sabi nito sa akin kaya napatango ako at sumunod sa kanya.

"Sariah, pwede bang magtulungan tayo dito? Para matapos agad natin." Nahihiyang tanong nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Why not? Nandito ka para tulungan ako, diba?"

"Ahmm.. Akala ko ayaw mo akong kasama." Nahihiya nitong sabi kaya napangiti ako sa kanya.

"Ano ka ba naman Luis! Masaya nga ako na may kasama ako dito at mapapabilis pa ako dahil may kasama ako." Nakangiti kong sabi. I saw him blush and smile at me.

"Wait.. Why are you with me? May ginawa ka bang mali ha?" I asked him for that because I'm curious why he's here and I know that he's not a kind of person na may ginagawang masama. He's a good man.

"Ahmm.. I asked Ma'am if I can help you to do this and at the same time, I don't have so much work to do in my house that's why I request to help you." Nahihiyang sambit nito kaya napangiti ako ng palihim dahil kahit hindi kami masyadong nagkakausap ay tinurin ko siyang malapit na lalaking kaibigan sa akin.

"Thank you so much for your effort to help me with this." I said and smiled at him. We decided na ipagpatuloy yong naudlot naming ginagawa.

After an hour. Natapos na rin kami kaya agad naming niligpit ang aming gamit at nagpaalam na kami sa librarian. Nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa makalabas na kami sa gate. Gabi na rin pala at wala na akong masasakyan dito kapag ganitong oras kaya kailangan kong pumunta sa kabilang kanto para makasakay sa mga nakaparadang tricycle doon.

"Wait.. Saan ka sasakay? Sumabay kana sa akin nandoon si manong at dadaanan nalang namin ang bahay niyo." Sambit nito sabay turo sa pwesto ng kanilang sasakyan pero agad akong napailing sa kanya.

"Wag na, ang laki na ng tulong mo sa akin ngayon at magpapahatid pa ako, nakakahiya.."

"Wag ka nang mahiya ayokong maiwan ka dito habang naghihintay sa masasakyan mo." Sabi nito pero tumutol ako sa kanya. Sa gitna ng aming pagtatalo ay tumunog ang cellphone ko kaya parehas kaming napatingin dito at nahihiyang tumingin ako kay Luis.

"Excuse me, sasagutin ko lang ito." Sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Medyo lumayo ako sa kanya at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Grayson. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag nito.

"He---"

"What are you doing? Don't you ever agree to that boy!" Seryoso nitong sabi na nagpataas ng balahibo ko. Seryoso ito at nandito siya.

"O-Okay.." Nauutal kong sabi at agad kong binaba ang tawag. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng takot na aking nararamdaman. Ngumiti akong lumingon kay Luis at nilapitan siya.

"Sino 'yon?" Agad nitong tanong sa akin.

"Ahmm.. Si mama, may susundo sa akin ngayon kaya mauna ka nang umuwi." Pagsisinungaling ko sa kanya. Patawad, kung nagsisinungaling ako ngayon.

"Are you sure?" Ulit nito at tumango ako sa kanya.

"Yes, sige na mauna kana." Pagtataboy ko sa kanya kaya wala na itong nagawa kundi mauna na.

"Bye see you tomorrow, goodnight Sariah." Nakangiti nitong paalam at nagpaalam na rin ako sa kanya. Umalis na ito at hinintay ko munang makaalis ito bago ko hanapin kung nasan si Grayson. Nang makaalis na ito ay agad kong nilibot ang paningin ko at nasilaw ako sa sasakyan na pumarada sa pwesto ko at alam kong si Grayson ito. Hindi nga ako nagkamali.

"Get in." Malamig nitong sabi kaya wala na akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya. Pagkasakay ko ay inaayos ko na rin ang seat belt. Lumingon ako sa kanya ng hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan.

"Grayson.." Tawag ko sa kanya pero nanatili pa ring seryoso ang mukha nito.

"Why are you with him, again?" Malamig nitong sabi kaya napabuntonghininga ako.

"Tinulungan niya lang ako, okay?" Pagod kong sabi at sumandal dahil pagod na pagod ako sa ginawa namin kanina.

"What? Ano bang ginawa mo na kailangan pa ng tulong niya?"

"Grayson, nagmamagandang loob lang 'yong tao, tinulungan niya lang ako sa school service ko kanina, okay?" Paliwanag ko sa kanya.

"What did you say? School service!?" Galit nitong tanong kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Sh*t nadulas ako, bakit ko 'yon nasabi.

"K-Kanina l-lang 'yon.." Mahina kong sabi at umiwas ng tingin.

"What? Sa pagkakaalam ko ay walang school service diyan sa University. Yes, I know that you are a schoolar pero walang ganyan. How come na meron na ngayon?" Seryoso nitong sabi kaya lumingon ako sa kanya.

"Pwede ba Grayson, wag ka nang makialam." Seryoso kong sabi at sumasakit na ang ulo ko sa pagtatalo naming dalawa.

"No, babalik ako dito bukas para--"

"I said, it's enough! Okay?" Galit kong sabi pero hindi pa rin ito natinag sa galit ko dahil galit pa rin itong tumingin sa akin. Wala na itong nagawa kundi padabog na pinaandar ang kotse.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay namin ay agad akong bumaba ng tumigil ito. Akala ko ay lalabas rin ito at susundan ako pero bigla nitong pinaharurot ang sasakyan kaya pinagmasdan ko na lamang itong umalis hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

Tumingala ako sa langit dahil nararamdaman kong tutulo na ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit palang seryoso kaming nag-aaway ni Grayson. Ang daming nangyari ngayon tapos sumabay itong pag-aaway namin.

Wala na bang katapusan itong sakit na nararamdaman ko ngayong araw? Natatakot ako na baka bukas ay mas dumadagdag pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Huminga ako ng malalim at pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Pinilit kong ngumiti bago pumasok sa bahay. Sumalubong sa akin si nanay na agad kong niyakap.

"Nay," malambing kong tawag.

"Oh.. Nandito kana, pumunta kana sa silid mo at magbihis para sumabay na tayong kumain ng tatay mo." Sabi nito at ngumiti akong tumango. Kumalas na ako sa yakap at pinuntahan si tatay upang magmano pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto.

Hindi ko nalang muna iisipin ang pag-aaway namin ni Grayson dahil siguradong bukas ay magiging maayos na kami.

Matamlay akong gumising dahil hindi pa rin nagpaparamdam si Grayson sa akin simula kagabi pero naiintindihan ko naman siya dahil baka busy ito sa trabaho at alam ko namang hindi niya ako matitiis kaya okay lang.

Nandito na ako sa University at hindi pa rin humuhupa ang tsismis tungkol sa akin dahil kahapon pa lamang iyon pero alam kong pag lumipas na ang isang linggo ay huhupa na rin ito at kailangan ko na lamang tiisin ito.

"Hi, Sariah!" Nagulat ako ng sumalubong sa akin si Luis at sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Hi, Luis," nakangiti kong bati sa kanya.

"Pwede ba  akong sumabay sayo?"

"Sure, why not? Parehas naman tayo ng pupuntahan." Natatawa kong sabi sa kanya kaya nahihiya itong tumango.

"Oo nga noh.. Hahaha" tumatawa nitong sabi kaya napatawa na rin ako sa kanya. Nang makarating na kami sa magiging room namin ay naghiwalay na kami dahil sa left side ako nakaupo at nandoon siya sa right side.
Pagka-upo ko ay nagulat ako ng tapikin ako ni Leanne.

"Ano ba naman Leanne, nakakagulat ka naman."

"Sariah, anong meron sainyo ni Luis?" Sabi nito sabay tingin kay Luis kaya napakakunot ang noo ko sa sinabi niya at naguguluhan ako sa tinuran niya.

"Wala naman, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Magkasama kayo kahapon tapos ngayon, magkasama rin kayo." Turan nito kaya mahina ko siyang pinalo.

"Ano ka ba naman! Kaibigan ko lang siya, okay?" Sabi ko sa kanya at tiningnan siya. "Alam mo namang may boyfriend na ako." Mahina kong sabi sa kanya at tila natauhan na ito kaya ngumiti na lamang ito.

"Ayy oo nga pala, sorry.." Nakangiti nitong sabi at tumango na lamang ako. Tumigil na kami sa kakausap ng dumating na si Ma'am kaya nagsimula na kaming magsulat at nakinig na lamang kami sa discussion ni Ma'am.

Nang matapos ang klase namin ngayon ay agad na nagpaalam sa akin si Leanne dahil magdidinner ang pamilya nila sa labas kaya mag-isa kong tinatahak ang daan papunta sa office ni Ma'am pero napatigil ako ng biglang may tumawag sa akin kaya nilingon ko ito at si Luis ang tumatawag sa akin.

"Hi,"
"Bakit ka nandito?"

"Syempre, tutulungan ka." Nakangiti niyang sabi.

"What? Akala ko ay kahapon lang 'yon?" Naguguluhan kong sabi.

"Wag nang masyadong maraming tanong, halika na." Sabi nito at hinila na ako papunta sa office ni Ma'am kaya wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Good afternoon, Ma'am." Sabay naming bati kay ma'am.

"Oh.. Buti nandito na kayo, pwede na kayong umuwi dahil bukas na kayo magpapatuloy sa gawain niyo, okay?" Nakangiting sabi nito kaya napalingon kami isa't isa ni Luis.

"Totoo po ba yan Ma'am?" Nakangiting tanong ni Luis at agad na tumango si Ma'am.

"Yes!" Sabay naming sabi kaya napatawa na lamang kami.

"Sige na, umuwi na kayo." Natatawang sabi ni ma'am.

"Salamat, ma'am!" Masaya naming sabi at lumabas na kami sa office nito.

"Hays buti nalang makakapagpahinga rin." Masaya kong sambit pero napatigil ako ng mapansing tumigil si Luis kaya nilingon ko siya.

"Sariah, gusto mo bang suklian ang pagtulong na ginawa ko sayo?" Sambit nito kaya pinagmasdan ko siya. Buti nasabi niya 'to ngayon dahil plano ko palang na sabihin sa kanya ang tungkol dito.

"Oo naman, paano nga ba?" Tugon ko at nakita kong napangiti ito sa tinuran ko.

"Samahan mo lang ako sa Mall."

"Anong gagawin mo 'don?"

"Mamasyal at kakain, ganon."

"Sure, libre na kita." Nakangiti kong sabi pero agad itong umiling.

"No, ako ang manlilibre sayo, sasamahan mo lang ako, okay?" Bumuntonghininga ako at tumango na lamang ako. Sabay na kaming pumunta sa labas ng gate dahil nandoon daw ang kotse nito at agad naman kaming sumakay dito. Sinilip ko muna ang cellphone ko kung may tawag ba galing kay Grayson pero nalungkot ako ng wala akong nasilayan. Pinagaan ko na lamang ang dibdib ko at ngumiting lumingon kay Luis. Sa oras na ito, pansamantalang kakalimutan ko muna si Grayson.

Nang makarating na kami sa Mall ay pumunta muna kami sa isang restaurant na hindi ko kilala dahil na rin sa mahal ito at hindi pa ako nakakarating dito. Wala na rin akong nagawa ng magsimulang pumili si Luis ng makakain namin. Siya daw ang lilibre sa akin, nakakahiya man pero tatanggapin ko na lamang. Babawi nalang ako sa kanya sa susunod.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot ikot kami at napansin kong masaya palang kasama si Luis at napapatawa niya ako sa mga oras na ito. Marami kaming pinuntahan at pinipilit niya akong bilhan pero hindi ko ito pinapayagan kaya wala na rin itong nagawa kundi sundin ako. Nang makuntento na kami sa pamamasyal ay naisipan naming umuwi na dahil gumagabi na rin.

"Nag-enjoy ka ba?"

"Oo naman, nabawasan na rin 'yong pagod na naramdaman ko kahapon." Nakangiti kong sabi.

"Good," sambit nito at habang pababa na kami sa parking lot ay nilabas ko ang aking cellphone dahil tinext ko kanina si Grayson na sunduin niya ako dito sa Mall.

"May hinihintay ka ba?" Tanong nito kaya napatigil ako.

"Oo eh.."  Tugon ko at napansin kong  na nasa harap na pala kami ng kotse nito.

"Okay, hihintayin nalang kita."

"No, mauna ka ng umuwi--" napatigil ako ng tumunog ang cellphone nito kaya napatingin sa akin si Luis.

"Wait lang, sasagutin ko lang 'to." Pagpapaalam nito kaya tumango ako at medyo lumayo ito sa akin. Napansin kong walang reply kahit isa galing kay Grayson pero alam ko namang babasahin niya 'yong message ko at Hindi niya ako matitiis kaya siguradong papunta na 'yon dito.

Napalingon ako sa gilid na may kalayuan sa akin dahil familiar ang kotseng nakaparada dito. Hindi nga ako nagkakamali dahil sa paglabas nito ay si Grayson kaya napangiti ako. Sabi ko na eh, Hindi niya ako matitiis.

Lalapit na sana ako ng tila natulos ako sa aking kinatatayuan. May kasamang babae si Grayson. Pinagmasdan ko sila at nakita kong nakangiti si Grayson sa babae at ngiting 'yon ay unti-unting tumutusok sa dibdib ko. Nang inalalayaan niya ang babae ay doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Tila ang saya nila, ito ba ginagawa ni Grayson kaya kahit isang reply ay wala akong natanggap? Naghihiganti ba siya dahil sa ginawa ko sa kanya? Sobra naman siya, sobrang sakit na makitang may kasama siyang babae. Hindi ko namalayang sunod sunod na tumulo ang luha ko at halos Hindi ko na sila makita dahil sa luha ko.

Nabigla ako ng may humatak sa akin at niyakap ako. Nakilala ko agad ito, si Luis ang yumakap sa akin. Hindi ko alam sa sarili ko pero sa mga oras na ito ay  niyakap ko rin siya.

"A-Ang... S-Sakit.." Humahagulgol kong sabi.

"Sshh.." Pagpapatahan nito sa akin habang hinihinamas ang likod ko. Dahil sa pagpapatahan nito sa akin ay mas lalo akong napaiyak. Sobra akong nasasaktan sa nakita ko kanina. Hindi ba manlang ako naisip ni Grayson? Hindi niya ba naisip na naghihintay ako sa kanya.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at naninikip rin ito dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sana sa oras na ito ay makalimutan ko ang nakita ko kanina at sa pag-iisip kay Grayson. Gusto ko munang magpahinga at pawiin itong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
2M 55.2K 46
"I dont do love, Maddy. I do fucking." Nagulat ako sa sobrang bulgar ng mga salita niya ngunit hindi ako nagpahalata. "Then atleast make love to me."...
25.4M 906K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...