Under The Twilight Sky (KOV #...

By xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... More

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

In Another Time But The Same Place

24 1 0
By xxxSerenityxxx22








**************************






Jared Vincent Chavez






Kakatapos lang ng graduation day namin, isang linggo na ang nakaka lipas matapos kaming makapag tapos sa unang taon ng kolehiyo. In short 2nd year na ko sa susunod na pasukan. Sobrang bilis ng pag lipas ng bawat araw kaya ang misyon namin sa Cielo ay non-stop din, sunod sunod ang pag dating kaya minsan naiipit kami. May oras na ang team talaga namin ang para sa misyon na yon pero may oras din naman na maaaring iba ang gumawa non, sa dami ng agent ng Cielo ay imposible namang lahat kami pare-parehas na nag aaral.








Maraming in training na agent, marami ding mga bata pa katulad namin pero iba iba ang sector namin. Sa madaling salita, may gumagabay pa rin sila. Kahit naman kaming mga sumasabak na sa misyon ay nag sasanay pa rin, siyempre tao pa rin kaming lahat atsaka hindi naman kami palaging nasa misyon no. Nag papahinga rin kami, si Thor lang talaga ang pinaka matibay na akala mo robot.






Nasa misyon siya kasama si Eros ngayon imbis na mag didiwang sana kami ay mauudlot dahil wala silang dalawa, busy rin si West kaya nasa bahay lang ako ngayon. Wala naman akong ibang pupuntahan eh, isa nanamang nakaka bagot na araw ang kaylangan kong pag daanan.









Hindi ko sigurado kung kailan babalik yung dalawa, wala rin akong ideya kung tungkol saan yung misyon nila. Confidencial ang mga impormasyon, kahit pa mag kakaibigan kaming lahat ay hindi kami maaaring mag share ng mga ganong bagay. Rules are rules, we can't decide on our own. Meron kaming mga batas na sinusunod, batas na hindi namin pwedeng suwayin unless may sapat kaming rason na katanggap tanggap.









Nag sisimula na ang araw ng bakasyon, kaya wala kaming ibang gagawin kung hindi ang manahimik sa bahay o tumapos ng naka atas na gawain. Hindi talaga ako maka move one dahil imbis na nasa bar kami ngayon ay naudlot ang lahat, hindi kami makapag diwang dahil etong si Thor mukhang broken hearted kahit wala namang jowa. Dinaig pa si Nikka, buti pa yon kahit broken nag papahinga pa rin. Siya? Hindi mo maintindihan.









Sino kayang pwede kong maistorbo ngayon? Si ate Riane wala, si Jacob? Wala rin kase nasa field trip kasama si tita Jacqueline pero hindi ko sigurado kung kasama si dad. Baka Oo, baka hindi. Bihira ko lang naman silang maka sama sa bahay eh, kapag nag kikita pa kaming lahat ay nag kakaroon ng kaunting clash of clans o league of legends. Hindi naman yon maiiwasan, sanay na kaming dalawa ni ate Riane.









Akala kase ni dad ay ayaw pa rin namin kay tita Jacqueline, hindi naman sa hindi namin siya gusto kaya lang hindi nga kami ready na tawagin siyang 'mom' o 'mommy' o kahit 'mama' man lang. Yon ang bagay na hindi maintindihan ni dad, pinipilit niya kaming tanggapin ang katotohanang yon. Sana madaling tumanggap ng mga bagay bagay sa mundo, ni minsan hindi ko man lang marinig mula sa kaniya ang love story nila ni mama.









Hindi naman ibig sabihin non ay hindi niya minahal ang nanay namin ng nakaka tanda kong kapatid pero minsan hindi ko rin maiwasang mag duda, bakit ganon? Simula nung nawala si mama ay hindi ko na siya naririnig na nag babanggit maski ang pangalan niya. Lahat ng gamit katulad ng damit o litrato ay ipinatago niya sa basement namin kaya ginawa kong tambayan ang lugar na yon para palagi ko pa rin siyang makita, ipinaayos ko lang ng kaunti para mag mukhang maayos.








Etong mansyon namin? Mag kasama nila tong pinatayo, naninibago pa rin ako sa tuwing nakikita ko ang malaking litrato sa sala namin. Imbis na kaming apat ang nandoon ay naging lima na ngunit hindi si mama ang katabi ni dad, kung hindi si tita Jacqueline. Labag sa kalooban ko ang pag kuha ng litratong yon kaso nagka taon na kaarawan ni ate Riane at yon ang gusto niya, ang ending? Wala akong nagawa.









Wala ako sa kwarto ko ngayon, nandito ako sa basement habang nanonood ng isang Korean drama na series. Bakit ako nandito? Kase si ate Riane, nang aasar sa tuwing makikita biya ako. Hindi ko naman ikinakahiya kaso sekreto lang kase to, baka mapag kamalaman pa akong bakla o kung ano pa man dahil lang dito. Alam to ng mga kaibigan ko siyempre, iba iba kami ng hilig pag dating sa palabas pero automatiko kaming nahahawa kay West dahil sa cartoons niya.








Abala akong nanood ngayon kaso hindi ko maiwasang ma-distract dahil sa mga litrato ni mama, namimiss ko nanaman siya eh. Kasabay nito ay ang pag babalik ng mga masasamang alaala ko tungkol kay Lauren, sabi nila edad na dise sais pero ako wala pang sampung taon nung nalaman kong siya ang gusto kong maka sama. Mula noon magpa hanggang sa ngayon ay wala pa ring pag babago ang nararamdaman ko para sa kaniya, nung binalita sila ay doon lalong lumala ang sitwasyon ko.








Ayoko nang balikan ang mga nakalipas na yon dahil masakit, tao pa rin naman ako at nakakaramdam katulad ng isang normal na tao. Oo iisipin niyo wala akong karapatang tawagin ang sarili ko bilang isang tao, bakit ko alam? Kase yon ang sinasabi ng iba tungkol sa mga katulad naming agent. Masama, mamamatay tao, walang kwentang nilalang at higit sa lahat ay alagad ng dilim. Yan ang mga salitang binibitawan ng mga taong hindi alam kung bakit namin to ginagawa.










Alam namin ang bawat nakaraan ng mga taong nasa watch list ng Cielo, unti mong oras nila pag kain o basta bawat kilos ay nalalaman ng organisasyon namin. Sa totoo lang, ang tagal ko ng nandito pero hindi ko pa rin kilala ang nasa likod ng samahang kinabibilangan naming lahat. Sina tita Adrianna o mas kilala sa pangalang Code XV ay kasapi rin kasama si tito Isaac, halos ang buong pamilya ng Alonzo ay nandito dahil pati ang kaisa isa nilang anak na babae ay agent din.










Si Aurora Isabelle o code XXII, parang coincidence o ewan pero parang magkasunod sila ni Primo ng code. Pansinin niyo ah, si Primo XI tapos si Aurora naman ay XXII. Wala namang tiyak o specif na dahilan kung ano ang meron sa likod ng mga code namin maliban kay Thor, ang code niya ang pinaka espisyal sa lahat. Pag mamay ari yon ng isang matapang at mapag kakatiwalaang agent ng Cielo, nasaan na siya? Common sense, edi wala na!









Pinipili at sinusuri ng mga bathala o naka tataas ang susunod na mag mamay ari ng code na yon kung sakali mang mawawala o may mang yayari sa ang kasalukuyang nag mamay ari non, sa sobrang espesyal non ay pinag lalabanan yon ng libo libong mga agent ng Cielo pero hindi every year nag papalit. Inaabot ng taon o dekada bago mag palit ng panibago, si Thor ang napili pero nagawa niyang talunin ang anak ng dating may ari non. Ginamit ng gago ang kagwapuhan niya, effective at para yong sexy jutsu ni Naruto.








Bago palang si Thor sa pagiging legendary code niya pero sa maraming paraan na niya kaagad pinatunayan na para talaga sa kaniya ang titulong hawak niya ngayon, halos hindi na nag papahinga ang kaibigan naming yon kaya siyempre biglang mas matino sa kaniya ay kami naman tong nag aalala para sa kaniya at sa kalusugan niya.








Nandito ang nanay nila ni Trinity, si tita Thalia o code V. Akala ko noon, the lower the number is the lower position pero baliktad pala yon dahil kapag mas mababa ata ang numero mo ay mas mataas ang ranggo mo pero siyempre hindi kami kasali doon.







Special agent palang kami, si Thor at Primo? Senior special agent sila parehas. Merong pinag kaiba yon, medyo malaki. Mas mataas ang sahod pero mas maraming gawain. Palagi ring wala dito sina Primo atsaka Trinity, may sarili silang mundo kaya minsan nag dududa na kaming lahat na kasama nila sa grupo. Yung kambal? Hindi sila nag tatalo sa misyon, para silang robot na naka sync in. Ganon din naman sa labas ng Cielo o kapag hindi sila naka usot ng uniporme, minsan nakaka sama namin yon si North.









Apat lang ang kings of Valentine, hindi kami lima okay? Hindi package deal ang kinuha namin pero kaibigan pa din naman ang turing namin sa kaniya. Natatakbuhan at mahihingian mo ng payo pero hindi mo siya mauutangan, napaka kuripot ng kakambal ni West. Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, nakaka lungkot ang scene na pinapanood ko tapos dumadagdag pa ang mga masasamang alaala ko. Ano to? Torture?!!









Balak ba nila akong paiyakin? Ang sama naman nila kung ganon, wala akong maiistorbo maliban sa malaking TV ng basement na to. Ayoko rin sa kwarto ko dahil kapag bigla silang dumating ay parang bagyo na papasok nalang bigla, ang bastos lang no? Lalo na si Jacob. Hindi naman ako galit sa kaniya, masaya akong magkaroon ng kapatid na lalaki kahit hindi kami parehas ng nanay.










Wala akong personal na galit sa kaniya at kay tita Jacqueline, kung may kinaiinisan man ako ay si dad yon. Porque ba may bago na siyang pamilya ay hindi na kami mahalaga? Ginagawa niyang alila si ate Riane, gusto niyang manatiling naka tayo ang kumpanya ni mama pero maaga niya yong ipinaubaya sa kapatid kong marami pang pangarap at gustong gawin.










Gustong tumugtog at mag tanghal ni ate pero limitado lang ang oras na meron siya dahil sa kumpanya, hindi siya makakapag sanay ng maayos kung pag sasabayin niya yon parehas. Abala si ate Riane sa school dahil parte siya ng cheerleading squad na pinamumunuan ni Psyche, kilala niyo na siyang lahat dahil pinsan siya ni West atsaka North. Kasama din doon si Trinity na kapatid ni Thor at ang reyna ng mga amazona pati si Avianna o Avi na pinsan naman ni Mr. Kupido.










Marami pang ibang kasama doon kaso lang tinatamad na akong mag enumerate, ang dami kaya nilang lahat! Pero pinaka sikat at kilala talaga si Psyche dahil sa kaniya at sa grupo nila ay naging sikat ang St. Valentine kaya may mga kaklase kaming imported at fresh from all around the world. Malaki ang campus pero ginto ang tuition fee sa eskwelahang yon, marami rin namang mga lugar na napapakinabangan kaya ayos lang na ganon ang presyo.











Isa pa, wala rin naman kaming magagawa dahil naka tayo na ang St. Valentine bago pa man kami nabuo at lumabas sa mundong to. Nabuo ang maraming samahan sa eskwelaha yon na itinuturing naming pangalawang tahanan, may sekreto kaming lugar doon kaya minsan nag papaiwan kami para doon mag pahinga. Para kaming F4 kaso mas gwapo kami sa kanilang apat atsaka mas mataas kami kaysa sa kanila no, flower lang sila pero kami? Mga hari ng St. Valentine.











Sa totoo lang? Kanina pa ako nababagot, wala na ba talaga akong pwedeng maistorbo? Naka patay ang telepono ni West tapos wala naman yung dalawa ngayon. Si North naman malamang kasama sina Landon, ayoko na rin manood dahil hindi pa tapos mag drama moment ang mga bida. Kanina pa sila nag iiyakan, napapa luha na rin ako ng kaunti dito. This shit has to stop now, ang tunay na gwapo? Sa harapan ng tropa umiiyak. Hindi ganito, mag isa tapos walang kasama.











Maya maya biglang nag ring ang isa kong telepono, malamang si ate Riane ang tumatawag saakin ngayon. Kapag siya kase ang tumatawag saakin ay automatiko akong nagugulat sa hindi malamang kadahilanan, kapag si Thor o kahit sino naman sa mga kaibigan ko ang tumatawag ay hindi naman ako nag kakaganito. Ang weird non no? Kahit ako nawe-werdohan sa sarili ko eh. Basta yung tawag ni ate parang nakaka istorbong alarm clock sa umaga.










Ang tanong, bakit niya ba ako tinatawagan? Maliban sa utos niyang pang our of this world. Wala na bang ibang rason? Sabagay ayos lang naman na utusan niya ako ngayon, wala rin naman akong ibang pupuntahan o pinagkaka abalahan eh. Ikaw ba naman maiwan dito mag isa, ang laki ng mansyon pero nandito ako sa basement kasama ang mga lumang gamit at litrato ni mama. Agad ko nalang sinagot ang tawag ni ate, baka sigawan pa ko nito kapag hindi ko kaagad yon ginawa.









Ate Riane: Hoy panget, may ipapagawa ako sayo.








Ako: Maka panget naman to, ikaw rin no atsaka ano nanaman ba yung ipapagawa mo? Pati nasaan ka ba? Di ka ba uuwi ulit?








Ate Riane: Oo baka bukas pa ako makaka uwi, anyways. Kunin mo yung naiwan kong flash drive sa locker ko sa St. Valentine. Ah pero bago ang lahat, may ibibigay akong mga documents kay Viktor kaso hindi ko magagawa yon dahil nandito pa ako kaya ang gagawin mo ay kunin yon at iabot sa kaniya tutal naman pupunta ka sa school ngayon.








Buti pa si Lord sampu lang ang utos, si ate Riane? Daig pa ang diyos kung mag request. Non-stop at ang complicated ng paliwanag niya, naintindihan ko naman ang mga sinabi niya atsaka wala rin naman akong reklamo. Madali lang naman ang bagay na gusto niya eh, kunin ang flash drive tapos ibigay kay Viktor yung dokumento o kung ano man yon.








Ako: Sige sige, yon lang ba? Wala na? Sure ka? Wala na next time kaya lubos lubusin mo na ang kabaitan ng gwapo mong kapatid.









Ate Riane: Ang tigas naman ng mukha mo, Oo wala na akong idadagdag. Dalian mo nalang, baka kase umalis nanaman siya doon eh.







Ako: Sabihin mo wag muna siyang gagalaw, o kahit hihinga. Basta hindi siya pwede ng gumalaw hangga't hindi ako nakakarating doon, kalma lang muna siya.







Ate Riane: Shunga edi bangkay na ang inabutan mo, dalian mo nalang para mag pang abot kayo sa isa't isa. Sige na mauuna na rin ako, marami pa akong gagawin dito sa opisina. Kumain ka ng maayos ha atsaka yung gamot, utang na loob Jared wag kang pasaway pwede?







Sasagot pa sana ako kaso bigla niya naman akong binabaan ng telepono, napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko. Agad din akong tumayo para mag bihis ng maayos na damit dahil naka boxer lang ako ngayon, wala namang ibang tao maliban saakin eh kaya ayos lang na ganito ang itsura ko. Isa pa, maganda naman akong lalaki eh. Kahit pa nga puro babae dito o kung sino pa man ay hindi mag rereklamo, sa halip ay mag papasalamat pa sila kay Bathala.








Dahil palaging wala si dad atsaka tita Jacqueline sa bahay, nagawa kong makapag patayo ng elevator ng hindi man lamang nila nalalaman. Ang elevator na to ay papunta sa dalawang lugar, sa library ko atsaka dito sa basement. Hindi rin naman to gumagawa ng ingay katulad ng normal na elevator sa mga hotel o mall, tahimik lang to dahil kapag may naka rinig sa kaniya ay aalagwa ako ng wala sa panahon.







After all, si dad pa rin ang may ari netong mansyon. Conjugal property nila to ni mama pero dahil wala na siya at legal na asawa si tita Jacqueline, siya na ang papalit sa pwesto ng nanay ko. Inampon niya kami kaya dapat iba ang apelyido namin ng ate ko, ang kaso lang ay huli na ng mapalitan nila ang mga birth certificate naming dalawa. Either way, I won't change my name. Kahit pa palayasin niya ako dito sa mansyon, may minana naman akong pera galing kay mama tapos yung inipon ko pa galing sa mga misyon ko kaya hindi ako titira sa kalye.






Pag dating ko sa kwarto ko ay agad akong kumuha ng damit, mag susuot lang sana ako ng simple kaso naalala ko na may mga pumapasok ng summer classes kaya sigurado akong may mga estudyante pa rin doon. Nag pasya akong mag suot nalang ng jeans atsaka plain white polo, simple lang pero gwapo pa rin dapat!!








Ngayon hindi ako makapag pasya kung aling sasakyan ang dadalhin ko, pwede naman yung BMW nalang o yung Lamborghini kaso masyadong mamahalin eh. Baka mapag kamalan nila akong driver kahit gwapo ako, may ganon naman diba? Minsan kung sino pa yung mga taxi driver ay sila pa tong mas may itsura, sabagay nag babanat sila ng buto kumpara sa mga bigating CEO ng mga kumpanya.









Huwag niyo kong tanungin, may abs ako kaso minsan nawawala din dahil napapa sobra ako ng kain lalo na kapag galing ako sa misyon tapos ilang araw kaming walang kain o pahinga. Nag kakaganon lang ang sitwasyon namin kapag grupo ng sindikato ang dapat naming hulihin, kapag wanted din sila sa batas ay doon namin sila dinidiretso ng hindi kami napapansin o nahuhuli pero kapag naman hindi ay mananatili sila sa loob ng pasilidad ng Cielo dahil mas mabuting nandoon sila naka kulong.











Hindi binababoy ang pag kain, sari-sariling kwarto atsaka banyong matino pati may maliit na TV pero nasa loob ng isang matibay na materyales pero mukha lang itong plastic. Siyempre pwede nilang gamitin yung TV para sa kung ano mang masamang balak nila para maka alis kaya nasa loob yon ng protektado at safe na lugar. Ang telebisyon para sa panonood at hindi sa masamang gawain okay?









Tao pa rin naman ang mga kagaya nila, hindi nga lang halata dahil sa inaasal nila. Yung mga nag titino ay binibigyan ng pangalawang pag kakataon habang ang mga hindi naman? Ayan, nabubulok sila sa kulungan ng Cielo. Tinatayang nasa mahigit isang daan ang ayaw mag tino habang dalawang daan o higit pa ang in training para maging kabilang namin.










Highly trained sila, marunong nang lumaban pero hindi pa rin yon sapat. Isa pa kaylangan naming masigurado na hindi sila tatakas o aalis, kami ang maiipit ulit sa alanganin dahil alam na nila ang quarters ng Cielo. Maraming agent ang malalagay sa panganib, makakalaban kami at makakaligtas pero sigurado akong maraming masusugatan kapag nang yari yon. Malaki ang pasilidad ng Cielo, maraming lagusan pero ayun nga din ang problema doon dahil nakaka ligaw ang daanan.








Pumikit nalang ako, kung saan titigil at kung anong madadampot ko ay ayon nalang ang dadalhin kong sasakyan papuntang St. Valentine. Sa huli, yung BMW din ang nakuha ko kaya yon nalang, matapos kong maka pili ay dumiretso naman ako sa kwarto ni ate para kunin ang mga sinasabi niyang dokumento. Nasa ibabaw lang yon ng lamesa niya kaya mabilis kong nakita, agad ko iyong kinuha atsaka ako lumabas sa silid ng kapatid ko.








Para lang akong nasa isang malaking blangkong lugar dahil walang tao ang mansyon maliban saakin, wala ka ring makikitang mga katulong. Nasaan ba ang mga tao dito? Multo ba mga kasama ko? Nakikita ko lang sila tuwing umaga dahil sa almusal, sa tanghali dahil sa tanghalian malamang atsaka sa gabi dahil naman sa hapunan. Yung mga driver naman, kapag nandito sina dad atsaka tita Jacqueline pati na si Jacob dahil pumapasok siya sa school.









Ang weird ng mga tao dito sa mansyon no? Dalawa lang ata kaming normal tapos palagi pang wala si ate Riane kaya ako lang talaga ang natitira dito, bahala na nga kaylangan ko ng mag madali. Baka bigla pang umalis yon si Acyn, ako ang tatamaan kay ate kapag nalaman niyang hindi ko naibigay ang mga to ngayon din mismo. Lumakad ako palabas ng bahay at dumiretso sa kotse ko, hindi ko naman to ipinasok sa loob ng garage kagabi kaya madali ko lang siyang makukuha ngayon.









Nag double check ako ng sarili ko dahil baka may naiwan akong gamit o kung ano pa man, wala naman ata kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan at agad na humarurot paalis ng mala sementeryo naming mansyon dahil puno ng misteryo ang mga naka tira doon. Walang traffic ngayon dahil bakasyon, wala ang mga tao dahil nasa galaan silang lahat. Karaniwan sa mga mayayamang kagaya namin ay nag pupunta sa ibang bansa pero ang iba nama'y sa mga beach, masaya din sanang mag punta doon kaso nalibot ko na ang buong Pilipinas.









Kaming lahat nila Thor at dahil yon sa misyon namin, siyempre minsan kakaylanganin naming mag ikot ikot lalo na kapag nag iimbestiga kami. Kaya nga hindi kami umuuwi minsan diba? Pwede naman akong mag dahilan na nasa school lang ako o nasa condo ni West, tutal doon din naman kami palaging naka tambay. Kami ni Eros ang magkaka problema kapag nahuli kami, yung dad niya may alam pero yung mom niya? Wala kaya ano sa tingin niyo ang magiging reaksyon niya? Edi malamang mag wawala yon.










Yung ugali ng nanay ni Eros ay parang ugali ng pinsan ng kambal, si Psyche? Pero pustahan hindi sila mag kakasundo kapag mag kasama silang dalawa. Parehas silang nakaka takot pero wala pa ring tatalo kay Trinity kapag naging tyrant yon, daig pa non yung combo ni Devil Jin sa Tekken. Kinikilabutan ako sa tuwing naalala ko kung papaano niya pulbusin yung mga sindikato sa isang misyon namin, parang hindi siya ang kasama namin pero agad din naman siyang bumalik sa dati kase tapos na ang misyon namin non.










Mabilis lang ang byahe ko papuntang St. Valentine, agad akong nag parada sa pinaka malapit para hindi na ako matatagalan tutal ganon din naman yon. Pinatay ko ang makina ng sasakyan atsaka kinuha ang mga dokumento, pag baba ko ng sasakyan ay mayroong grupo doon ng mga babae. Lahat sila naka tingin saakin at kapwa nag bubulungan, binilang ko sila at nasa sampu sila? Wow, para silang kuto... Sa sampung babae, isa lang ang may lakas ng loob na lumapit saakin. Makapal ang make up, maiksi ang suot at oh my good friend, kita ang kaniyang C! Kaya napaiwas ako ng tingin dahil kasalanan to.









"Hi Jared.... Free ka ba later?". Maarte niyang tanong saakin. Hindi eh, reserved lang ako para kay Lauren. Ang tapang ng pabango neto, ang sakit sa ulo! Nakaka punyeta!! Kaylangan ko ng maka alis dito dahil kung hindi? Eto na ang magiging katapusan ko!










"Sorry miss, mayroon nang nag papatibok ng puso ko eh". Kalmado kong pag sisinungaling. Kinakabahan ako putangina pero wala akong choice! Maya maya may babaeng pinag halong kahel at pula ang kulay ng buhok, agad ko siyang hinatak at inakbayan. She seems innocent and she smells so nice, hindi nakaka hilo ang amoy niya.









Pinipilit niyang umalis kaso mahigpit ang pagkaka kapit ko, kaya bahagya rin siyang tumigil. Yan, be a good girl. I'm doing you a big favor, mukhang bago lang siya dito kaya malamang wala siyang ideya kung gaano siya ka–swerte. Inakbayan ka lang naman ng pinaka gwapong nilalang dito sa St. Valentine! You should be honoured atsaka dapat kang mag diwang dahil daig mo pa ang nanalo sa lotto.









"Sorry again miss, gutom na ata yung girlfriend ko eh. Baka kagatin kayo nito". Natatawa kong sambit. I left them speechless, naka akbay pa rin ako sa babae kaya wala siyang choice kung hindi ang sumunod. Kinurot niya ako sa tagiliran ko and I swear sobrang sakit non ngayon, kaso hindi ako maka sigaw.








"Get off of me, you damn pervert...". Matigas niyang aniya. Wow!! ako? Perv? Putang–!! Hoy kahit ganito ako, hindi ako manyak no! Tao lang din ako pero grabe namang pambibintang yan!! Hindi mo ba ako kilala!? Either way, I'm surprised. Kalmado lang siya...








"Hindi mo ba ako kilala?". I asked. Baka kase hindi niya lang ako namukhaan eh, malay mo naman knows niya ako diba? Hindi naman malabo yon. Sa sobrang sikat ng pamilya namin? Mas malabo pa yon sa mata ni West kapag may nakikitang hindi kaaya aya sa paligid.








"Hindi at wala akong pakealam sayo, now get off of me. Bibilang ako ng tatlo and trust me you won't like it if it reaches the final count". Seryoso niyang babala saakin. Mas matangkad ako sa kaniya kaya agad kong napansin ang isang pamilyar na braided cord, kamukha ito ng kaparehas na disenyo na ibinigay ko kay Lauren dati... Imposibleng may iba pang katulad non, nag iisa lang yon eh.









Masyadong mahaba ang buhok ni Lauren, palagi niyang natatapakan yon dahil sa sobrang haba tapos ang liit niya pa kaya iniyakan ko si mama para magpa gawa non. Niregalo ko yon sa kaniya bago siya umalis at maaksidente, binitawan ko siya at napatigil sa pwesto ko. Her long beautiful wavy hair looks so familiar, I can't be mistaken. Can't I? Teka lang, siya yung nasa picture diba!? It's her! I'm 100% sure! Oh my gulay! She's even prettier in person, and she smells so fucking nice. Hindi na niya kaylangan ng gayuma para mapa ibig ako, I'm already falling...









Hindi siya nakapag bilang dahil bumitaw ako bago niya pa yon magawa, I saw her walking away without even looking back at me. I stood frozen while staring at her while full of mesmerise, pain and grieving because of Lauren. If it's her then my mission is already complete, ni hindi man lang ako pinag pawisan o nahirapan sa pag hahanap. Saan ako mahihirapan? Kung papaano ipapaliwanag sa kaniya ang totoo, malamang may nag ampon sa kaniya.








Napag tanto kong tumatakbo ang oras kaya nag madali na akong tumakbo papunta sa opisina ng guidance, nag text kase si ate Riane kanina at doon ko daw siya hanapin. May mga bagong estudyante na magta take ng entrance exam, wala si Avi pati na ang iba pang part ng student council ngayon kaya si Acyn lang mag isa.






Siya lang kase ang hindi busy, palagi naman siyang ganito eh, palibhasa kase single. Pag dating ko doon ay itinuro ako ng isang guro sa isang silid, kasalukuyan pala siyang nagpapa test pero hindi pa naman nag sisimula kaya pumasok ako doon.








"My friend Acyn! Kamusta? Single pa rin?". Pang aasar ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako, inabot ko na sa kaniya yung mga dokumento dahil pinag mamasdan na niya ang mga ito ng matalim. Baka kagatin niya pa ako ng wala sa panahon eh, ang creepy ng my friend ko.








"Wala ka bang ibang gagawin?". Tanong niya saakin. Ngumiti ako ng malawak atsaka umiling sa kaniya, kung meron edi sana wala ako dito ngayon diba? Common sense yon, my friend! Jusko namang mindset yan. Pati bakasyon ngayon tapos wala akong misyon, hindi ako binibigyan ni Commander atsaka Vice Commander. Manahimik daw muna ako, kahit sandali lang.








"Maraming magagandang transferred student ngayon, single ka rin diba? Humanap ka na, baka agawan ka ni Eros". Natatawa niyang sambit. Matapos niyang sabihin yon ay sunod sunod na nagsi pasok ang mga tinutukoy niya, totoo naman ang sinabi niya pero isang babae lang talaga ang naka agaw ng atensyon ko. She's here, she's taking an entrance exam. Kapwa nanlaki ang mata namin ng makita ang isa't isa, parehas kaming hindi maka paniwala.








"Siya ba? Ang bilis mo naman naka hanap". Bulong niya saakin. Tinuturo niya si Sungit, hindi ako maka sagot dahil ang sama talaga ng tingin niya saakin. Grabe parang galit na galit ah? Kakalmutin na ata ako nito eh! Mukha siyang pamilyar pero parang hindi siya si Lauren, mahinhin yon atsaka hindi nangungurot sa tagiliran pero sa pisngi? Oo at ganon din kalakas.









"Before we start, I just want to introduce someone special. Don't be afraid because he's my friend, he's single and looking for a girl. He's Jared Vincent Chavez, if you don't know him then better search his name on the internet. That'll give you a clue about him". Paalala ni gago sa lahat.







Kapwa tuloy napataas ng kilay yung mga lalaki habang yung mga babae naman kaagad na nag search sa google, lahat sila akala mo naka kita ng multo pero mayroong isang nilalang ang nanatili lang naka tulala habang diretso pa rin ang tingin saakin.








Siniko ko si Acyn dahil para kaming kumakandidato sa ginagawa niya, mabuti pang magpa tuloy na ako. Kaylangan ko pang kunin yung flash drive ni ate Riane sa locker niya, nag paalam na ako sa gagong to atsaka nag bilin na bantayan ng maayos si Miss Sungit. Baka may mag tangkang pumorma sa kaniya eh, ako ang nauna kaya saakin na niya. Kung ayaw niya saakin? Edi aagawin ko nalang siya, kahit sapilitan pa yan. Don't get me wrong, I'm just marking what's mine and that includes her.








Pag labas ko ng silid na yon ay napabuntong hininga ako ng malalim, hindi ko nalang muna siya inisip at nag focus sa pag kuha ng flash drive kaya dumiretso ako sa locker area ng mga babae. Alam ko naman ang pass code ni ate Riane, nakuha ko ang bagay na pinapakuha ng hindi sinisira ang pintuan ng locker niya. Dati kase mag utos din siya ng ganito saakin kaso hindi ko alam ang code kaya sinira ko nalang, pag uwi ko? Ayun hinambalos niya ako ng tatlong beses.







Matapos kong kunin yon ay umuwi na rin ako kaagad, wala naman na akong ibang gagawin eh. Bukas nalang ako magre report kay Vice Commander, wala rin siya ngayon eh. Napansin ko lang, lahat ng tao wala? End of the world na ba? Lahat sila wala eh. Ano to? No Jared day? Grabe naman, nakaka touch ng puso. Ang sarap sigurong pumatay ngayon...







**************************




Continue Reading

You'll Also Like

32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
1.5K 424 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...
7.4K 746 88
She needs saving. Can he save her?
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...