Under The Twilight Sky (KOV #...

By xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... More

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

The Two-Faced Knight

34 0 0
By xxxSerenityxxx22



A/N: Huwag sana kayong malito, basahin niyo muna yung BTLS atsaka CT (KOV SERIES #2 BOOK 2) dahil may clues din don. (^_-)




**************************







Jared Vincent Chavez







Kasalukuyan kaming nasa Cielo ngayon, halos dalawang araw na akong hindi bumabalik sa bahay dahil sa misyon namin. Mag kakasama pa rin kaming lahat at kapwa kami naka bihis ng magarang suit and tie dahil may pupuntahan kaming auction event sa bansang Korea na gaganapin kinabukasan na kaagad, ah anong gagawin namin doon? Kalma lang dahil nandoon kami para iligtas ang halos kinseng babae na ibinenta para maging hindi ko alam. Basta yon na yon, hindi rin ako masyadong nakinig sa paliwanag ni Vice Commander eh.











Aminado naman akong ako ang pinaka gwapo saamin pero kay Thor kaseng misyon to, saling pusa lang kaming tatlo nila West atsaka Eros. Kaylangan ni pareng torpe ng back up dahil limang daan lang naman ang kalaban na nandoon, lugi yon kung 1 vs. 500 ang mang yayari. Dibali sana kung may gatling gun na dala si Thor eh, kawawa naman siya kung uuwi nanaman siyang basag o parang tinapakan ng kabayo ang mukha niya. Baka sa susunod hindi na siya makilala nina tito Oliver atsaka tita Thalia.









Ayoko sana sumama, pwede naman akong tumanggi kaso natalo ako sa pustahan. Nasampal ng malakas si Reidly kahapon, galing kami sa California tapos pauwi na sa Pilipinas. Alam niyo ba kung anong ginawa niya? sinubukan niyang makipag landian sa magandang stewardess kaso may boyfriend na pala, I mean fiancé. Ikakasal na ata sila tapos tong gagong Reidly ay hindi sinasadyang mahawakan yung pwetan nung babae kaya naka tikim siya ng ultimate sampal.










Natalo ang manok ko kaya eto, kasama ako ngayon sa misyon ni Thor. Nag pustahan kase kami kung success o hindi ang kagaguhan niya, nagka taon naman na pumalpak siya. Expert din naman si Reidly pag dating sa landian, nabihag niya nga si Trinity na torpe eh. Hindi aamin ang babaeng yon hangga't hindi nahahalata ni Reidly, makunat pa yon sa nahanginan na Pringles. Mas matibay pa siya kaysa sa baril namin, ewan ko ba kung bakit pero unti mong si Thor alam na may gusto ang kapatid niya sa pinsan ni West at North.










Napansin ko lang, si Eros may gusto sa pinsan ng kambal pero patago muna tapos si Trinity ganon din? Si Thor may gusto sa kapatid ni Primo tapos si Primo may gusto naman sa pinsan ni Eros? Naguguluhan na ako, basta yon na talaga yon. Yung gusto ko? Hindi ko pa siya nakikita eh, sa picture pa lang. Wala pang sinasabi si Vice Commander kung kailan ako mag sisimula sa misyon na yon, kalma lang daw muna is me kaya okay fine. Isa lang naman ang gusto ko, ang maalala niya pa ako dahil ako hindi ko siya nakalimutan pati na ang pangako kong pakakasalan ko siya.










Ewan ko ba, nahawa na ata ako kay Thor. Ang motto ni Thor ay isa lang naman kase ang puso natin kaya dapat isa lang din ang mahal, hindi pwedeng dalawa o tatlo. Ano ka alien? Mula noon magpa hanggang sa ngayon ay si Aurora pa rin ang mahal niya at kahit iharap na siya sa pinaka magandang modelo? Ni walang epekto, siya pa ang umaayaw! Ayaw ni Thor ng misyon na related sa babae dahil pakiramdam niya ay nagkaka sala daw siya ng wala sa panahon.










Hindi naman maiiwasan yon, kay Eros atsaka West ay wala namang problema pero saakin? Depende dahil may mga tipo talaga ng misyon na mapapa atras ka, katulad nalang nung isang beses na nag punta kami sa LA tapos kaylangan naming harutin yung anak nung may ari nung casino. Illegal silang nagpapatakbo ng sugalan at nandoon kami para humanap ng ebidensya, mas madali naming magagawa yon dahil may alam yung anak na babae. Si Eros ang nanalo at naka tapos ng misyon, para yon saaming apat pero ayaw ni Thor atsaka West tapos ako rin kaya no choice si Mr. Kupido.










"Pumorma pa kayong lahat, eh si Eros naman ang tatapos ng misyon ninyo". Natatawang sambit ni Abigail. Kapwa kami nagulat at napatalon dahil don, mabuti nalang naka bihis na kaming apat. Bigla nalang sumusulpot ng walang pasabi, papaano nalang kung mga naka hubad pa kami? Edi nakita nila si Junior, kawawa naman yung alaga ko.










"Abigail naman! Kumatok ka!". Reklamo ko sa kaniya. Natawa pa siya atsaka naupo sa isang upuan, maya maya sumulpot na rin si Nikka atsaka Primo. Kapwa sila naka bihis ng uniporme pero mga kumakain lang, napaka swerte naman nilang dalawa. Palibhasa kase kakabalik lang nila galing sa pag iimbestiga doon sa may lumang factory sa Manila, may mga naligaw daw doon na illegal immigrants. Mga hapon na drug lords? Pero dito sa Pinas nag hahasik ng lagim.








"Yuck Jared, kadiri ka naman. Maka reklamo to, hindi kita type kaya hindi kita pag nanasaan, mag dasal ka nga. Assumerong frog ka, you know?". Pag tataray niya saakin. What? Sa gwapo kong to? Palaka? Baka Prince pero hindi frog, hindi naman ako naka tira sa kung saan no. Masyado akong mamahalin para mapag kamalang naka tira sa mga palayan o sakahan, hindi ko alam kung saan nakaka kita ng palaka eh.








"Che! Tong white lady na to este black lady pala!". Pang aasar ko sa kaniya. Napag alaman kase naming hindi pa siya nagkaka boyfriend, nalasing si Nikka tapos aksidente niyang nai–broadcast saaming lahat kaya nalaman namin ang tungkol sa bagay na yon. Buong akala namin ay may kasintahan siya kase ang galing niyang mag advice tungkol sa pag ibig pero siya pala tong single hanggang ngayon, napaka imposible pero legit.









"Hindi ako negra! Morena lang! Nag swimming kase ako! You dumb cow! Hmp!". Reklamo niya saakin. Sinabi ko bang negra siya? Kayo ba may nabasa? O narinig? Wala naman eh! Baliw na ata tong babaeng to, dala siguro yan ng pagiging single niya ng halos dalawang dekada. Kung ako sa kaniya? Nag hahanap na ako, malay mo nasa tabi tabi lang pala sila o ayan katabi mo pero hindi si Primo siyempre. Kay Avi lang yan kakalampag, torpe lang din katulad ni Thor.









"Bakit ka ba naman kase nag swimming doon? Puro chemicals yung tubig sa hotel o resort na yon eh, yan tuloy para kang nasunog na tilapya". Muli kong pang aasar. Totoo naman ang sinabi ko dahil grabe ang ipinagbago ng kulay niya, as in nawala ang puti ni Abigail pero siya pa rin naman yan kaso maitim version nga lang!!











"Che!!! Impakto ka talaga!". Iritado niyang aniya. Nag tatawanan silang lahat na nakakarinig, walang pakialam yung dalawang kumakain habang yung tatlo nama'y nag aayos ng mga sarili nila. Kasalukuyang inaalis ni Thor yung contact lenses niya dahil hindi niya naman sinusuot yon kapag may misyon kami, simpleng trabaho man o hindi.











Matapos naming mag ayos ng sarili ay nag handa na kami dahil tutungo na kaagad kami doon, pribadong eroplano naman ang gagamitin namin dahil baka may maka kilala saamin sa pampublikong eroplano. Mapupurnada ang misyon namin kapag nang yari yon, kung sa loob ng eroplano kami mahuhuli ay medyo mahihirapan kaming pumalag dahil may mga pasahero din doon na walang kamalay–malay.










Madadamay sila at maaaring may maaksidente din, edi humanda nanaman kami sa mga bathala ng Cielo. Nakakatakot kaya silang lahat kahit ang nanay ni Thor atsaka nanay ni Primo, mukha lang silang mabait pati malumanay pero joke lang nila yon. Nakita na namin sila kung papaano sila tumapos ng misyon at kung gaano sila ka–walang puso, may mga hidden files ang agency na to kaya minsan ni re-record ang mga remarkable mission ng bawat agent.









Nandoon din ang huling misyon ni tita Adrianna kung saan kasama niya sina Vice Commander, tita Thalia atsaka Commander ata yon? Hindi ako sigurado, yung sa year 1995? Pero hindi naman yon ang pinanood nila saamin. Mayroon na rin kami doon at si Thor ang may pinaka maraming alaala, naka tago ang lahat yon sa isang vault ng establisyementong to at malupit ang security system non. Kahit ata ang bunsong kapatid ni Primo ay hindi uubra, mahirap maka pasok dahil sa sobrang higpit nila.










Wala naman sigurong malaswang video doon diba? Kaya nag tataka kaming lahat kung bakit hindi kami pwedeng literal na pumasok doon, sila lang na mga bathala pero kami? Bawal daw. Bago kami umalis ng tuluyan ay kumuha muna kami ng litrato ng mga sarili namin, sayang naman ang outfit namin kung basta nalang masisira tapos hindi man lang namin nakuhanan ng memory. Si Thor ang naka suot ng kulay asul na neck tie, kay West naman ang berde habang Burgundy ang saakin. Kaming tatlo ang the powerpuff boys kaso naligaw si Eros, sa kaniya ang kulay itim at talagang gentleman ang itsura niya ngayon.









"Sana gawin na nilang apat yung powerpuff para kasama na saatin si Eros, palagi nalang siyang naliligaw eh". Pag bibiro ko sa kanila. Tumawa si West atsaka Thor habang bahagya namang kumunot ang noo ni Eros, mas nakaka tawa yung ekspresyon niya kaysa sa tawa ko eh.










"Siya nga yung unggoy doon eh o yung spoiled brat na kulot?". Natatawang sabat ni West. Pati sila Nikka nag tawanan din dahil sa sinabi niya, matapos naming mag photo shoot kuno ay lumabas na kami upang dumiresto sa sasakyan. Mag papanggap kaming mga VIP clients kaya ganito ang suot at itsura namin, kunwari kasama kami pero baguhan. Huling ipapakita ang mga babae base sa nakuhang bagong impormasyon ni Abigail, kinabukasan na kaagad yon.











Nagpatuloy na kaming lahat habang nag bibiruan pa rin, wala namang problema si Eros pero minsan para siyang si West. Palaging naka poker face, ano ba tong mga to? Tropa ni Lady Gaga?? No you can't read my poker face?? Di joke lang! Pero parang ganon talaga eh. Kami nga ni Thor ang pinaka problemado sa lahat tapos sila tong mukhang pinag sakluban ng langit atsaka lupa, kung buhay pag ibig ang pinoproblema nila ay wala akong maibibigay na payo dahil wala naman akong babes.










Yung ibinigay nilang litrato at impormasyon saakin ay hindi pa naman literal na final, maaaring nagkamali lang si Luther kaya kaylangan ko munang masigurado na tama nga ang hinala niya. Ayoko namang masampal katulad ni Reidly no, mamaya amazona din pala yong babaeng yon tapos nilandi ko ng bongga. Una kaylangan ko ng isang pirasong hibla ng buhok niya para sa DNA test, pangalawa dapat maging close kami at pang huli kaylangan kong mag isip ng paraan kung papaano sasabihin sa kaniya ang totoo. Mukha lang yang simple pero hindi, yung una pa nga lang imposible na eh.










"Red, galaw galaw. Baka ma–stroke ka na diyan, ayan na yung sasakyan oh. Sasagasaan ka na ni Kap". Natatawang paalala ni Thor saakin. Akala ko ayan na talaga pero wala pa naman pala, inaasar lang ako ng gagong to. Umalis na rin ako dahil baka talaga ngang masagasaan ako ng wala sa panahon, sayang naman ang lahi naming mga Chavez kung saakin mapuputol. Siyempre gusto kong maging proud saakin si Mama, gusto kong makita niya na kinaya ko kahit wala siya sa tabi ko.










"Problema mo? Tulala ka nanaman? Lutang?". Tanong ni Eros atsaka umakbay saakin. Bumibigat ang gago kaya inalis ko ang braso niya sa balikat ko, parang sampung kilong bigas ang pumatong saakin eh.










Si Kap ang hahatid saamin papunta sa Airport pero hindi siya sasama saamin, dito muna silang lahat pansamantala. Incase na kaylangan namin ng back up edi pwede silang sumunod pero malabo namang kaylanganin namin yon, kami pa ba? We are the kings of Valentine! Puso! Di joke lang. Tao kami pero ubod ng gwapo, mas gwapo pa sa kuya mo. Kapag nag reklamo, hindi na makaka hanap ng forever tapos habang buhay single!










"May mabigat akong dinadala tol, grabe di ko na kaya. Sawang sawa na talaga ako". Pagda drama ko sa kaniya. Siyempre charot lang yon, keme lang ganon. Masyado akong magandang lalaki para maging araw araw problemado, hindi niyo ba alam na nakaka panget ang stress at over thinking? Kung hindi niyo alam edi ngayon alam niyo na? Kapag alam niyo naman edi congrats dahil tatlo nalang tayo.











"Ano ba yon? Gusto mo tulong? Nandito kaming tatlo oh, nandiyan din si North pati Primo". Pag aalala niyang tanong saakin. Ano bang akala nila saakin? Suicidal? Jusko naman, isusumpa ako ni dad tapos hahambalusin ako ni mama kapag hindi ko sila nabigyan ng mga apo. Wala pa akong balak makipag kape kay Bathala! Masyado pa akong fresh pati virgin coconut oil pa ako no!!










"Sawang sawa na talaga ako, di ko na talaga kaya". Dagdag ko pa para mas effective. Talent ba yung magaling mag pigil ng tawa? Grabe yung itsura ni Eros ngayon, hindi maipinta ang reaksyon niya. Mahal na mahal talaga ako neto ni Mr. Kupido, mahal ko rin naman silang lahat. Para na kaming mga tunay na magka kapatid, kaso aminin na muna nilang ako ang pinaka gwapo sa lahat.









"Putangina mo, ano nga yon? Hindi ako si Avi kaya tantanan mo ko pwede? Sasabihin mo ba yan o paiinumin ka namin ng truth serum katulad nang ginawa namin kay Nikka?". Medyo iritado na niyang tanong saakin. Bigla akong natawa, hindi na ako nakapag pigil dahil ipinaalala niya pa yung ginawa nila kay Nikka nung nakaraang linggo lang.










Hindi niya kase kami kinakausap, ni wala siyang kinikibo tapos magang maga yung mga mata kaya sa inis ni Kapitan Light ay pinainom siya ng truth serum edi lumabas din ang totoo kaya nalaman namin ang problema niya. Nanonoblema siya doon sa boyfriend niya, nobyo niya pala yung kapitan ng Team 1. Ngayon lang namin nalaman ang bagay na yon, curious kaming lahat kung papaano nang yari yon pero hindi kami nag tatanong sa kaniya kase mas lalo niyang malalaman na gumawa kami ng katarantaduhan laban sa kaniya.










"Napapagod na ako maging gwapo, ayoko na Eros. Sawang sawa na talaga ako matawag na pogi". Pag kukunwari kong naiiyak. Hindi siya sumagot pero binatukan niya ako ng malakas atsaka sinamaan ako ng tingin, sakto namang pumarada si Kapitan sa harapan namin kaya isa isa na muna kaming pumasok sa loob. Tumabi saakin si Thor habang si West atsaka Eros naman ang mag kasama sa  upuan.








Si West lang talaga ang mukhang problemado saamin, ano nanaman kayang tumatakbo sa isipan ng kupal na to at tila pinag sakloban siya ng langit at lupa? Palagi namang biyernes santo ang itsura niya kaso kakaiba ngayon eh, sure akong may something. Wala naman siguro siyang magiging problema sa kumpanya nila dahil una sa lahat sina tito at tita pa naman ang namamahala non, sa pag ibig siguro ang iniisip neto kaya tahimik tapos parang wala sa sarili.








*Code XIV is calling*







Kapwa kami nag titigan lahat ng makitang tumatawag si Vice Commander sa telepono ni Thor, wala naman atang gumawa ng katarantaduhan saamin diba? Hindi sila tatawag ng walang dahilan, galing sa HQ yung mismong signal kaya malamang kasama niya ang mga bathala ngayon. Nag laro pa kami ng rock–paper–scissors para lang malaman kung sino saamin ang sasagot, siyempre talo si West kaya siya ang sasagot. Pwede naman kaseng hindi si Vice Commander yang tumatawag eh. Malay mo si tita Adrianna o Commander lang yan diba?








Code XIV: Hoy mga impakto sa kanal, si Trinity to! Humanda kayong apat saakin pag balik ninyo!







CODE XIV: Anyways, nag suot ba kayo ng bulletproof vest? Baka kase hindi. Sinisigurado lang namin..






West: Yung bagong gawang suit ang suot namin atsaka Oo meron kaming suot, huwag kayong mag alala. Mga scouts ata kami noon.







Code XIV: Ah mabuti naman, sige na. Bigla ko lang kase naalala, nakitawag pa ako kay Vice Commander para lang icheck kayong apat.









Sasagot pa sana si West kaso bigla naman siyang pinatayan ni Trinity, oh diba? Sabi ko naman sainyo eh. Pwedeng hindi si Vice Commander ang tumatawag, tumpak naman ang sinabi ko. Palaging ganiyan si Trinity saaming lahat, hindi yan basta matatahimik at gagawa yan ng paraan para lang masiguradong okay lang kami. Nakakatuwa naman minsan pero nakakatakot talaga siya kapag nagagalit, naalala ko sa kaniya si ate Riane. Parehas silang matapang atsaka mabait kaya siguro magka sundo din sila, parang kami lang ni Thor.










"Nag aalala si ate Trinity sa gwapo niyang kapatid, sabagay naiintindihan ko naman siya". Pag yayabang na sambit ni Thor. Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Eros, hindi ko rin siya masi–sisi sa bagay na yon. Natawa nalang ako sa sinabi ni Thor, to talagang kaibigan namin minsan parang wala sa sariling pag iisip.










"Siyempre wala ng mag aalaga kay Loki kapag nawala ka atsaka isa pa Thor, kaya mo bang makita na inaagawan ka ni West o Eros? Imagine tol? Nasa langit ka tapos pinanood mo silang ikinakasal". Tugon ko naman sa sinabi niya. Nag tawanan yung dalawa habang nakakunot naman ang noo ni Thor saakin, nag tatanong lang naman ako ah? Ano bang masama doon??










"Ang tanong, kung sa langit ba mapupunta si Thor?". Sabat ni Eros. Aba bakit naman hindi? Mabait naman si pareng Thor, huwag nga lang magagalit. Kahit ata bawang hindi na siya tatablan, mas demonyo pa yan kay Satanas kaya kung ako sainyo? Hindi ko siya iinisin. Hindi naman siya pikon, malamang magagalit lang siya dahil may ginawa kayo doon sa kapatid ni Primo. Yon talagang hindi niya kayo mapapatawad, ibang usapan na yon eh.










"Bakit naman hindi? Mukha kayang anghel si Thor, wala nga lang pakpak". Natatawa kong sagot sa tanong ni Eros. Sa totoo lang, yung nanay ko nga anghel na pero wala rin naman siyang pakpak o halo man lang. Alam niyo kung ano siya? Multo na, wala naman akong third eye kaso napapanaginipan ko siya minsan. Nakikita ko siya kung ano yung itsura niya bago siya mawala, noon akala ko masamang panaginip yon pero napag tanto kong hindi naman pala. Baka namimiss niya lang din ako, gustong bumisita ganon....









Saaming apat, ako siguro ang pinaka malas pag dating sa pamilya. Mataray atsaka masungit lang naman si tita Joana pero kahit ganon siya ay mahal niya si Eros, may kapatid si West tapos kumpleto pa yung mga magulang niya habang ganon din ang sistema ni Thor. Ako? May kapatid lang, pero kulang na ang magulang. Hindi ko tinatawag na mama o mommy si tita Jacqueline kase hindi ko naman siya tunay na ina, hindi pa ako handang palitan o kalimutan si mama.










Ganon din ata si ate Riane, sinusunod niya naman ang mga utos ni dad pero sa totoo lang minsan gusto kong magalit sa kaniya. Bakit niya hinahayaang kunin ni dad yung kalayaan niya? Nasa tamang edad na siya para mag sarili, sa totoo lang? Mapapag aral niya rin ako. Pwede na kaming umalis sa puder ni dad kung gugustuhin namin pero ni minsan hindi niya naisip ang bagay na yon, naiintindihan ko namang ayaw niya dahil sa huling habilin ni mama kaso lang kung hindi siya aalis o kami aalis ay papaano na siya? Ako?










"West? Buhay ka pa? Kamusta buhay pag ibig?". Pag iiba ni Thor sa usapan namin. Sinipa ni Thor yung gilid ng inuupuan ni West para magising naman siya sa katotohanan, kanina pa nakatulala eh. Bigla bigla nalang ding tatawa, aba malay ko ba kung ano yung tinatawanan niya. Mamaya nakaka kita pala siya ng multo o kung ano pa man tapos yon pala yung tinatawanan niya diba? Tangina goosebumps malala! Hayop ka talaga West, ang creepy mong kupal ka!!










"Hindi ako natutuwa, nasampal ako nung bagong scholar tapos napag kamalan pa akong namboboso. Mukha ba akong rapist?". Walang gana niyang reklamo. Ahh kaya pala para siyang pinag sakloban ng langit at lupa ngayon, nasampal naman pala siya eh. Kaunting kaalaman, kapag sinampal ka ng babae ay isa lang ang ibig sabihin non. Alam niyo kung ano? May gusto yon sainyo, tingnan mo si Trinity? Palaging sinasampal si Reidly.









"Ano ba kaseng nang yari? Palagi ka ba namang humihiwalay saamin tuwing uwian na, magugulat nalang kami na wala ka na pala sa tabi namin". Tanong ni Eros sa kaniya. Oo nga naman, may punto doon si Mr. Kupido. Pag lingon mo? Wala na siya sa tabi namin, minsan nandoon na sa dulo o hindi kaya wala na talaga siya. As in hindi na makita, minsan iniisip nalang namin na may lahi silang alien o mutant.








"Gusto ko lang namang jumingle kase hindi na kaya ni Junior, eh kaso naka sarado yung cr ng mga lalaki tapos wala naman atang tao sa cr ng mga babae kaya doon ako pumasok. Pag tapos ni Junior, may mga pumasok na babae...". Paliwanag niya. Hindi pa niya natatapos yung kwento pero tawa na kaagad ng tawa sina Eros atsaka Thor kaya pati ako nahahawa, ano ba naman yang alaga mo? Napaka pasaway.










"Akala ko umalis na silang lahat pero may naiwan pa pala, nung lumabas ako ay sakto namang lumabas din siya kaya nagkabanggan kami. Nataranta kami parehas tapos pinag bintangan na niya akong manyakis at kung ano ano pa, that woman is like the nicer version of my cousin Psyche plus Thorin's  sister Trinity". Dagdag niya pa. Parang ang gulo non ah? Mabait naman si Psyche kaso maarte nga lang, amazona din yon kaso mas nakakatakot pa rin su Trinity dahil siya ang boss nilang lahat.









"Eh tol? Baka naman kase sinilipan mo nga?". Natatawang tanong ni Thor sa kaniya. Si West maninilip? Kung si North yon ay baka Oo pa, ang gulo ng kwento ng kupal na to. Basta natatawa lang ako dahil sa dalawang baliw na wala ring tigil ng kakahalakhak, yung itsura at mismong tawa lang nila ay sapat na para mapatawa ako.









"Umiiyak siya, akala ko multo kaya sumilip ako. Hindi ko naman alam na makikita niya ako eh". Sagot niya naman sa tanong ni Thor. Ah umiiyak pala naman si ate, teka scholar siya diba? Taga saan kaya yon? Maraming bagong pasok sa St. Valentine, hindi pa namin sila nakikita pero yon ang naririnig ko sa tabi tabi. Ang balita kase para yang napkin, minsan may wings kaya nakakalipad.








"Pinaiyak mo? Grabe ka naman tol, bakit ka naman nag papaiyak? Masama yan". Singit ni Eros. Walang connect yung sagot niya pero natatawa ako dahil sa tawa niya, nakaka hawa na parang sakit. Kakasabi lang ni West na naririnig niyang umiiyak yung babae kaya siya sumilip, ang mali niya doon eh bakit ba naman kase siya sumilip? Pwede namang hindi diba? O katukin niya nalang, walang multo sa St. Valentine.









"Gago tol, hindi ako ang nagpa iyak sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit o kung anong problema niya, basta napatahan ko siya kaso nasampal naman ako". Medyo dismayado niyang tono. At least napatahan niya diba? Ayos na rin yon, isa pa alam niya naman sa sarili niya na wala siyang kinalaman kung bakit umiiyak yung babae. Tinamaan siguro tong gunggong na to kaya nagkakaganito, mayroon siyang hindi sinasabi saamin at mukhang disappointed siya doon sa reaksyon nung babae. Kung iba yon? Alam niyo na.









Nakasalamuha na naming apat ang iba't ibang klase ng mga babae sa mundo, una diyan ang mga low class na tipo ng babae. Wala akong intensyong maka offend pero totoong maraming ganito sa buong mundo, sila yung mga klase ng babae na pera lang ang habol sayo. Jackpot na kung pogi ka tapos mapera, hindi ka na iiwan niyan at gagawa pa ng paraan para manatili ka sa kaniya. May nakilala kaming ganiyan sa isa sa mga misyon ko kasama si Eros, magtiwala kayo kapag sinabi kong nakaka awa sila pero nakakainis din at the same time.








Sumunod na diyan ang mga semi low class girls, sila yung 50-50 na tipo ng babae. Minsan para silang low pero minsan naman ay hindi, depende siguro sa sitwasyon. Matitino yung iba sa kanila, hindi ko naman nilalahat. Again wala akong intensyong maka offend, baka awayin na nila akong lahat eh. May mga babae ring tahimik, mahinhin at mala Maria Clara, si Avianna? Yung pinsan ni Eros ay ganiyang klase ng babae. Yan ang mga tipong babae ni Primo, pero sa totoo lang? Nakaka takot din si Avi minsan. Basta kapag kaibigan ni Trinity ay automatikong may tinatagong sungay at buntot.








Mayroon ding maarte to the bones, tinutukoy ko doon yung high maintenance na pinsan ni West. Si Psyche, ang taga pag mana ng St. Valentine. Siya ang cheerleader captain ng Valley Vixxiens, reyna ng lahat at pinaka nakakatakot na kalaban sa loob ng campus. Kasundo naman namin siya minsan, mabait din naman siya minsan atsaka galante pero maarte nga lang. Kilala niyo naman si pareng West na may galit sa mga kauri niya pero take note, magkasundo silang mag pinsan. Kapatid na ang turing nila kay Psyche kaya over protective sila.









Marami pang iba't ibang klase ng babae kaso aabutin tayo ng kinabukasan bago matapos, nandito na kami sa Airport kaya next time ko nalang itutuloy ang kwento ko tungkol sa kanila. Stay tuned and don't forget to subscribe to my channel! Charot lang, wala akong balak maging influencer. Masyado na akong gwapo at sikat para maging ganon, baka matabunan na yung mga kaibigan ko kapag ginawa ko pa yon. Ni hindi pa nga kami nakakapag record ng panibagong cover eh, last week ang huling update namin sa YouTube channel namin kaya pag balik namin ay dapat maka gawa na kami ng bago.









No comment na si Kap saamin, basta sumenyas nalang siya na mag ingat kaming apat at huwag kaming mag papahuli. Hindi naman sila kaagad makaka lipad papuntang Korea, aabutin sila ng oras o araw bago maka punta saamin. Sumakay na kami sa pribadong eroplano na pag aari ng Cielo, hindi ako sigurado kung sinong piloto ngayon dahil nandito si Thor tapos hindi naman sasama saamin si Kapitan Light. Sino kaya ang mag mamanehon nitong eroplano? Ah baka yung sinasabi ni Vice Commander saamin nung isang araw, bahala na basta huwag niya kaming ihulog.









"Thor? Sinong mag pipiloto nitong eroplano? Nandito ka tapos wala si captain Light". Tanong ni West sa kaniya. Mahalaga pa ba kung sino yung driver? Ang mahalaga ay hindi niya tayo papatayin diba? Mahal ko pa ang buhay ko, baka magalit saakin si mama kase hindi ko man lang siya nabigyan ng apo.








"Aba malay ko, baka multo ata". Pag bibiro niyang sagot. Kumunot nanaman tuloy ang noo nitong isa, sunod sunod kaming sumakay pero ngayon mag kakahiwalay na kami ng upuan. Hindi naman sila mataba pero ayaw nila ng masikip na pwesto, lalo na tong si West atsaka Eros. Akala mo mga 300kg ang timbang, dinaig pa yung mga sumo wrestlers.









"Baka naka auto pilot to, pwede naman yon eh". Sagot ko sa kanilang dalawa bago ako naupo. Ayos na rin na walang katabi, makakapag pahinga ako habang nasa flight. Parang kitikiti si Eros habang parang patay si West, si Thor naman 50-50 kase depende sa mood niya. Mukha naman siyang good mood ngayon kaya malamang mang iinis yan, hindi pa ata siya nakaka pili ng aasarin niya pero si West ang pinaka nakakatuwa ngayon.








Halos apat na oras ang flight papuntang Korea kaya hindi na kami matutulog, pahinga lang talaga ang kaylangan namin dahil minsan hindi naiiwasang maipit kami sa laban. Auction yon na annual event ng mga sindukato at siguradong maraming naka bantay na security sa mga babaeng ibebenta nila, kabisado na namin ang pag pasok at labas sa lugar kaya kinseng babae ang kaylangan naming itakas. Posible yon dahil kasama naman namin si Thor, kaya niyang makipag basag ulo ng hindi basta basta napapagod.









Kakayanin din naman namin yon pero hangga't maaari ay dapat naming iwasan na magpahuli sa kanila, ayokong mabalatan ng buhay no. I love my life because my life is mine atsaka hahambalusin talaga ako ni mama kapag bigla akong umakyat sa langit, isipin niya pang bading ako kase ni hindi ko man lang siya mabigyan ng apo man lang kahit isa o dalawa.









**************************




Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 178 35
"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she m...
290 51 22
A KISS TO REALITY [COMPLETED] "Ako ang nauna, siya ang wakas." - Moira, Paubaya. ••• Start: Oct. 30, 2020 End: Nov. 3, 2020 ••• ALL RIGHTS RESERVED ©...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
Lowkey By Beatrix

Fanfiction

232K 6.5K 109
A Joaquin Jaymalin and Sofia Ildefonso Fan Fiction #WPLowkey ©️ Full Credits to the owners of the pictures used in the story.