Under The Twilight Sky (KOV #...

By xxxSerenityxxx22

4.7K 51 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... More

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

Tale Of Little Red Riding Hood

26 0 0
By xxxSerenityxxx22






**************************





Aviery Louisse Cortez








Imbis na matutulog na sana ako kaagad pag baba ko sa sasakyan ni Mino ay kinausap pa ako nina mama atsaka papa, balak daw kase akong isama ni tita Tosia papunta sa San Nicolas. Hindi ko alam kung anong gagawin namin doon dahil hindi naman ako nakinig sa usapan nilang matatanda, tango lang naman ako ng tango kapag nag tatanong sila saakin. Inaantok na at wala pa akong pahinga, bonus na yung brokenhearted tapos kakausapin nila ako? Sa tingin ba nila makaka kuha sila ng matinong sagot mula saakin? Huwag na silang umasa, gusto ko ng matulog sa kama ko!!









Ngayon din kami mismo aalis, huwag na daw akong matulog at sa halip ay mag palit na lamang ng damit ngunit huwag ko daw munang alisin ang kolorete sa mukha ko. Hindi ako kumportable pero wala naman akong magagawa dahil utos iyon ni tita Tosia saakin, sa sasakyan nalang siguro ako babawi ng pahinga kapag dumating na ang susundo saamin. Nag suot na lamang ako ng pula na sweat pants atsaka crop top na hoodie, terno ito at kapwa parehas ang kulay na mayroong tig tatlong puting linya sa bawat gilid.










Naka ilang baso na ako ng kape pero inaantok pa rin talaga ako, buti pa si Mino natutulog na samantalang ako eto pa rin. Para na akong panda na naka make up dahil sa itsura ko ngayon, pwede naman kaseng mamayang umaga o tanghali na lamang umalis pero ayaw ni tita Tosia. Sa hotel room niya na lang daw ako mag pahinga, dalawang araw lang naman daw ako doon kasama niya. Ibabalik na rin ako sa linggo ng gabi bago siya bumalik ng ibang bansa, as usual wala akong magawa kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang mang yari.










Kasalukuyan pa kaming nag hihintay ng limousine niya kaya kumain muna ako ulit matapos kong mag palit ng damit ko, hindi talaga ako kumportable kapag naka suot ng stilettos atsaka ball gowns. Tanggap ko na talagang hindi yon para saakin pero at least hindi ito nasayang, naka sayaw ko naman si Rylan tapos hinatid ako ni Mino pauwi kaya panalo pa rin ang gabi ko.












Wala na akong ibang magawa kung hindi ang mag scroll up and down sa social media account ko, pinost na nila ang mga picture na galing sa dance night event at naibuga ko ang kapeng mainit dahil sa nakita ko. May pahabol na hunting event ang ibang mga estudyante at hinahanap nila ako, naka post doon ang litrato habang nag sasayaw kami ni Rylan. Nakuha doon ang malaki kong peklat sa kanang balikat, buti nalang naka uniporme ako palagi kaya hindi na nila malalaman na ako ang babae sa likod ng pulang maskara.









Well tapos na ang dance night kaya ano pang sense na mahanap nila kung sino yon? Liligawan nila? Hindi ako interesado no, sayang lang ang oras ko kung ibang lalaki yon. Hindi bali sana kung si Mino pero malabo din naman yon kaya never mind, iilang tao lang naman ang nakaka alam ng tungkol sa malaki kong peklat kaya ligtas ako sa kaguluhan at katangahan ng mga kapwa ko estudyante ng ASM.








"Aviery hija? Let's go now, nandiyan yung sundo natin". Masayang anunsyo ni tita Tosia. Inubos ko na lamang ang natitira kong kape sa tasa atsaka tumayo ako sa kinauupuan ko, nag paalam muna ako sa mga kapatid ko pati na sa mga magulang ko bago ako tuluyang lumabas ng pintuan namin.








Isang magarang limousine ang naka parada sa harapan ng bahay namin, buti na lamang at tulog pa ang mga kapit bahay dahil kung hindi ay siguradong chismis nanaman ang aabutin ng buong pamilya namin. Alam nilang nasa ibang bansa si Tita Tosia pero hindi nila alam na pag mamay ari na nito ang eskwelahang pinapasukan ng mga anak nilang tarantado at kulang sa mga aruga, marahil magugulat din silang lahat na walang ideya dahil ganon din ang naging reaksyon ko nung ipinaliwanag at ipinaalam saakin ni tita Tosia ang tungkol doon.










"Nag paalam ka ba ng maayos sa kanila?". Tanong niya saakin. Sa halip na sumagot ay tumango na lamang ako sa katanungan niya saakin, hindi ko na talaga kase kaya at gusto ko nang matulog pati mag pahinga. Ayoko naman sanang maging bastos pero suko na ako pati na ang mga mata ko, I really want to sleep so bad.









"Tita malayo po ba yung pupuntahan natin?". Tamad kong tanong. I just want to know, kung hindi naman edi hindi na muna ako matutulog para hindi maiistorbo o maputol ang pagpa pahinga ko. Gusto kong matulog ng tuloy tuloy, ayoko ng mapuputol pa kase nakaka inis at nakaka frustrate yon.









"Hindi naman masyado hija, mga kalahating oras lang naman ang byahe kase walang traffic ngayon dahil maaga pa". Masaya niyang tugon sa katanungan ko. Buti naman at hindi masyadong matagal, hindi na muna ako matutulog. Pipigilin ko na lamang para mamaya at tuloy tuloy na lang ang pahinga, sasama lang naman ako doon eh pati wala naman ata akong gagawin kaya walang pipigil saakin.








"Tita ano po bang gagawin natin doon?". I curiously asked. Para hindi ako antukin, kaylangan kong mag daldal kahit labag yon sa kalooban ko. Walang silbi yung kapeng ininom ko kanina kahit ilang baso na ang ininom ko dahil wala namang epekto yon, ramdam ko pa rin ang antok.








"May meeting ako doon hija, makikipag kita tayo sa isang may ari ng eskwelahan na sikat sa San Nicolas. Gusto kitang isama kase nais kong malaman ang opinion mo tungkol doon". Paliwanag niya saakin. So ayun ang main agenda namin doon? Gaano ba kaganda ang school na yon para pag puyatan ni tita Tosia? Imagine, she and I would travel early in the fucking morning just to attend a meeting? Or just to see the owner of that place? Wow, it's leaving me so damn speechless right now.










"Hindi ko po kayo masyadong maintindihan, bakit naman po ang opinion ko? May silbi po ba yon?". Pangungulit kong katanungan sa kaniya. Ngayon ko lang na nalaman na mayroon pala yong halaga, akala ko kase wala eh. Kina mama atsaka papa baliwala, sa mga kapatid ko ganon din kaya sa tingin ko rin ay hindi na iyon mahalaga. At least na inform ako na may silbi pala yon pero ang tanong ko lang ay para saan ba talaga yon?








"Hija may silbi ka at ang opinion mo, kung tinutukoy mo ang hindi pag payag ng mga magulang mo na kumuha ka ng kurso para sa batas ay mayroon iyong malalim na dahilan kaya huwag mong isipin na wala kang halaga". Malumanay niyang paalala. Those words put me at eased però hindi rin ako sigurado kung maniniwala ba ako o hindi, nakakatakot kausap si tita Tosia dahil kaya niyang mag basa ng isip.









"Nais nila na maging ligtas ka at malayo sa kapahamakan kaya sana maintindihan mo ang bagay na yon, mahal ka nila Aviery kaya ka nila pinahahalagahan at iniingitan". Dagdag niya pang sambit saakin. You mean sinasakal? Hindi hinahayaang maging masaya? At higit sa lahat, hindi binibigyan ng kalayaan. Yon ang perfect explanation doon, kung mahal nila ako bakit ganon? Hindi ko naman maramdaman. Ganon na ba talaga ako ka–manhid?








"Alam ko naman po yon pero gusto ko po kase talagang maging abogado katulad ni papa, masama po ba yung pangarap ko?". I asked in return. Talking to tita Tosia makes me wonder kung ano ba talaga ang pag mamahal, she's single or I don't know pero wala pa siyang anak sa pag kakaalam ko. Worth it ba na sundin ko yung gusto nila para maging ligtas ako? O may gusto silang pagtakpan?










"Sa totoo lang po, the more na pinag babawalan nila ako ay mas lalo akong nacu–curious at pakiramdam ko ay mayroon silang tinatago saakin". I added. Walang matinong eksplenasyon tungkol sa malaking peklat ko sa balikat, I mean impossible na galing yon sa isang maliit na aksidente o dahil nadulas ako. Those scar marks aren't just simply scar itself, parang nag mula ito sa isang operasyon.










"Hindi ko alam ang mga sagot sa iba mong katanungan Aviery, silang mga magulang mo lang ang nakaka alam ng mga iyan". Maiksi niya namang tugon sa mga sinabi ko. Ngayon pati tuloy siya pinag dududahan ko na rin dahil sa paraan niya ng pag sagot saakin, perhaps tama ang hinala ko na mayroon silang tinatago saakin at related iyon sa batas.









Maya maya hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa aming pupuntahan, tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang maragang hotel at 'Villa Amore' ang pangalan nito. Isa to sa mga hotel na mayroong sikat na advertisement saamin, mga Collins ang may ari ng establisyementong ito. Kapatid nito ang classico atsaka nakalimutan ko na yung isa pero lahat ng mga iyon ay pag mamay ari ng pamilyang Collins, kilalang kilala ang apelyido nila kaya huwag na kayong mag taka kung bakit may alam ako tungkol doon.










May mga emplayado kaagad na nag asikaso saamin ni tita Tosia, mga night owl ba tong mga to? Anong oras palang pero alive silang lahat? Ako nga inaantok na eh, sabagay pang gabi hanggang umaga ata ang schedule nila kaya nandito sila ngayon. Naka reserve na pala ang kwarto namin doon, nasa VIP pa dahil high maintenance ang tita kong to. Ever wonder why she doesn't stay? Kase kapag may kasama daw siya ay walang privacy, she hates nosy folks but she doesn't hate me kase hindi naman ako ganong klase ng tao.










"Hija? Dito ang kwarto mo, nandito lang ang saakin kaya pwede kang kumatok kapag may kaylangan ka". Malumanay niyang paalala saakin. Nasa room 1891 siya habang nasa room 1982 naman ang sarili kong silid, pag bukas ko ng pinto ay halos malaglag ang panga ko dahil sa sobrang pagka mangha dahil sa ganda ng buong lugar. Sa Internet ko lang to nakikita, ngayon nandito na talaga ako!? Awesome! Sana pwede kong isama dito ang buong squad ng student council, sure akong matutuwa sila.










"Sige po tita salamat po, mag papahinga po muna ako". Sagot ko sa kaniya atsaka ako nag mamadaling tumakbo papasok sa loob ng hotel room. Malawak ang lugar, puro ilaw lang ang matatanaw mo sa ibaba at bahagyang nakikita ang mga ulap kung titingala ka sa itaas.







Nasa mataas na bahagi kami ng gusaling ito kaya lahat ng bagay sa ibaba ay tila mga langgam dahil sa sobrang liit habang ang mga ilaw naman doon at maaaring ihalintulad sa mga alitaptap dahil naman maliwanag ang mga ito, parang nawala ata ang antok at pagod ko nang makita ko ang tanawing ito. Kung mayaman lang ako, dito nalang siguro ako maninirahan tapos isasama ko lahat ng mahal ko sa buhay para maranasan din nila.








Napapangiti ako kahit wala namang dahilan, baliw na ba ako kapag ganon? Nag pasya akong kunin ang telepono ko para kumuha ng mga litrato, gusto ko tong ipakita kina Mino at sa iba pa. Gusto ko ulit bumalik dito minsan pero sana iba naman ang taong kasama ko, pwedeng kaibigan sana ngunit hindi na ako aasa na kasintahan. Bakit? Ni wala nga akong manliligaw eh tapos mangangarap pa ako ng boyfriend? Jusko naman, malabo pa yon sa mata ni Ashryver eh!







*Minonggoloid is calling*






Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa demonyong ring tone ng telepono ko, ano nanaman kayang problema ng impaktong to at bakit gising pa rin siya hanggang ngayon? Akala ko ba tulog na to? Hindi ba?? Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba tong tawag niya o hindi? Oo o hindi? O? Aish! Bahala na nga, hindi ko rin naman siya matitiis eh.







Ako: Oh? Bakit gising ka pa??






Mino: Ikaw, bakit gising ka pa?








Ako: Kase hindi ako tulog, ako unang nag tanong sayo eh.







Mino: Nagba baka sakali lang naman ako, hindi ako maka tulog kaya naisip kong istorbohin ka.







Ako: Kung hindi ka pa inaantok, pwes ako inaantok na kaya goodbye sayo!







Mino: Huwag muna, ang daya naman nito. Sandali lang, gusto ko lang magpa antok.









Ako: Ano namang pag uusapan natin? Wala naman eh.









Ako nanaman ang nakita nitong impaktong to, bakit hindi niya kaya gambalain si Marga? Ay Oo nga pala, hiwalay na sila. Nasanay ako na palagi silang magka dikit kaya siya palagi ang naiisip ko, ewan ko ba kung bakit pero parang mas ayos din na mayroong girlfriend si Mino. We can make each other happy but we all know that happiness exist in different ways, napapasaya namin ang isa't isa pero mag kaibigan lang naman kami habang napapasaya ni Marga si Mino kase magka sintahan sila.








Mino: Nakita mo na ba yung mga pictures? Hinahanap ka nilang lahat, ang ganda mo daw kase eh.







Ako: Ano namang gusto mong gawin ko? Magpakita? Nako Mino, baka bigla silang tumakbo palayo kapag nalaman nilang ako ang babaeng nasa likod ng maskara.







Mino: Bakit naman sila tatakbo? Maganda ka AL, sobra.








Ako: May napanood akong palabas na cartoons Mino, yung pangalan nung babae doon ay Cerise Hood. Nanay niya si Little Red Riding Hood tapos tatay niya naman yung Big Bad Wolf, sa tingin mo ba tatanggapin nila ako kapag nalaman nilang may lahi akong lobo? Hindi Mino, hindi...







Mino: Anong pinag sasa–sabi mo diyan AL? Abnormal ka ba? Tao ka hindi lobo, hindi naman ikaw yung cartoon character na sinasabi mo eh.







Ako: Mino alam kong shunga ka pero hindi yon ang punto ng paliwanag ko, sa tingin mo ba matatanggap nilang ako yung babae sa likod ng maskara?









Mino: Oo naman, bakit naman hindi? Kami nga ni Rylan nagulat pa na ikaw yon eh. Sila pa kaya?







Ako: Ewan ko sayo Mino, kulang ka talaga sa brain cells?






Pinindot ko muna ang mute button para tumawa sandali, sumasakit ang ulo ko dahil sa kaniya pero hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Lumipat na ako sa kama ko at nahiga doon, nakakaramdam na ako ng antok. Hindi ko na talaga ito magawang pigilian kahit anong gawin ko, plano ko pa sanang mag paalam kay Mino pero hindi ko na namalayang naka pikit na pala ako at tuluyang naka tulog ng mahimbing.







Dala siguro ng sobrang pagod atsaka antok kaya hindi na rin ako nakapag pigil, mang hihingi na lamang siguro ako ng pasensya mamaya pag gising ko. Basta kaylangan ko na munang mag pahinga ngayon, I badly need it dahil bugbog ang katawan ko ng buong isang linggo dahil sa event ng school. Masaya ang mga araw na yon pero sa totoo lang? Parusa yon para sa buong student council, pinaka kawawa kaming walo dahil kapag may pumalpak doon ay saamin sasampal.







Wala naman akong pinag si–sisihan, mahal ko ang trabaho at responsibilidad ko bilang presidente ng student council sa loob ng paaralan namin. Minsan nakaka pagod din, nakakainis atsaka nakaka sawa dahil mga pasaway talaga ang iba sa kanila lalo na ang mga lalaki. Curious ako, ano kayang klaseng pag papalaki ang ginawa sa kanilang mga tarantado at nagka ganon sila? Lahat naman ata ng bahay sa mundo ay mayroong paliwanag hindi ba?






Gusto ko silang intindihin at unawain, hangga't maaari ayokong magalit sa kanila dahil hindi naman lahat saatin ay masayang pamilya ang inuuwian. Ayaw ko silang saktan o pahirapan pero kung hindi ko naman gagawin yon edi mas lalo silang mag titigas ang ulo at hindi makikinig, matatanda na ang mga guro na nagtuturo saamin at halos malapit ng mag retire ang iba sa kanila kaya hangga't maaari ay ayaw ko silang nakaka ranas ng pambabastos mula sa mga estudyante.





Mas maganda kung aalis sila ng mayroong ngiti sa mga labi at puro masasayang alaala ang dadalhin nila, pupwede pa nila iyong ikwento sa mga apo nila kung sakaling nagkaroon sila ng ganon. Sa buhay ng isang tao, at least once in his/her lifetime ay nakaranas siya ng masayang pamumuhay. Wala namang perpekto sa mundo natin, siguro kaya nagkaka ganon yung ibang estudyante kase hindi sila kumpleto. Perhaps, all of them are all wrecked and destructive.








**************************







Kinabukasan, hindi ko na namalayang tanghali na pala pero tulog pa rin ako at kusa akong naalimpungatan ako dahil sa ingay ng doorbell ko. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko, partikular na doon ang paa kong nabugbog ng stilettos. Nagsi sisi talaga akong pumunta ako sa event na yon, iyon na siguro ang huling beses na mag bubuwis buhay ko. Bahala na silang magka gulo sa susunod na taon, kaya na nilang lahat yan.







Walang tigil ang pag iingay ng bell kaya tuluyan na akong nairita, nag pasya akong tumayo at dumiretso sa pintuan para makita kung sino ba ang hampaslupang istorbo sa pahinga ko. Sabado na at lahat lahat pero ayaw pa rin nila akong patahimikin?? Balak ba nila akong patayin? Gusto ko lang naman matulog! Pero ayaw nila akong bigyan ng katahimikan, yung totoo? Mahal niyo ba talaga ako??








Pag bukas ko ng pintuan ay bumungad saakin ang malalawak na ngiti ni tita Tosia at kasama niya ang mga babaeng hotel staff na may hawak na mga magagarang bistida, sapatos tapos pag kain, nakaramdam tuloy ako ng gutom matapos ko yong maamoy. Dumiretso sila ng pasok sa loob, wala na akong nagawa at pinabayaan na lamang silang lahat sa gusto nilang gawin. Napatingin ako sa wall clock at napag tantong tulog na pala ako ng kalahating araw pero inaantok pa rin ako.








"Pasensya na po kayo tita, pagod lang po talaga ako ng sobra. Nahuli po ba kayo sa meeting ninyo?". Nahihiya kong katanungan. Naka pikit pa ako habang nag tatanong, ayokong mag mukhang mannerless pero hindi ko pa talaga kayang imulat ang mga mata ko dahil sa labis na antok na nararamdamam ko sa mga oras na to.







"Hija maaga pa para sa meeting, mamayang alas siyete pa iyon ng gabi kaya ayos lang na matulog ka pa kahit kaunti. Huwag mo lang kakalimutan na gumising ng mga ala singko ng hapon para makapag ayos ka ng sarili mo, ikaw na ang bahalang mamili ng isusuot mo". Mahabang paalala ni tita Tosia saakin. Sa totoo lang? Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya, blah blah blah blah ang naririnig ko.






"Nandiyan ang mga damit at sapatos na binili ko para sayo, babagay lahat yan sayo kaya lang hindi ko kase alam ang paborito mong kulay atsaka kung maaari lang baka gusto mo munang alisin ang nasa buhok mo". Dagdag niya pang sambit. What? Nah, definitely not possible... Mamamatay ako kapag hinubad ko ang braided cord na nasa buhok ko, parte na to ng araw araw kong pamumuhay kaya hindi niyo to pwedeng alisin saakin. Sabagay pwede ko naman tong gawing bracelet, bahala na basta hindi ko to aalisin. Tapos ang usapan, period at no erase kahit hindi ako si Nadine!








"Sige po tita". Maiksi kong tugon. Bahala na si batman mamaya, maaga pa naman kaya matutulog na muna ako. Hihiga na sana ako ng tuluyan sa sofa kaso nagulat naman ako dahil binasa ako ni tita Tosia sa mukha ko, kaunting wisik lang naman yon ng tubig pero nagawa nitong gisingin ang natutulog kong diwa.








"Hindi mo naman ako narinig eh, gumising ka na rin diyan para maka kain ka na". Natatawa niyang aniya saakin. Gutom na ako dahil sa amoy ng pag kain kaso lang inaantok pa talaga ako kahit anong gawin ko, pwede bang kumain habang natutulog?






Muli kong imunulat ang mga mata ko atsaka humikab, ni hindi ko na nga naalis yung make up ko tapos nakatulugan ko na si Mino kagabi... Oh shit... Oo nga pala, nah nevermind. Hindi naman magagalit yung impaktong yon saakin, inaantok na ako at sinabi ko ang bagay na yon sa kaniya kaya huwag niya akong sisisihin dahil baka tadyakan ko siya.







"Linisin mo muna ang sarili mo bago ka kumain, susunduin kita bago mag 6:30PM maliwanag ba? Dapat naka ayos ka na bago pa ako mag punta dito". Malumanay niyang paalala saakin. Tumayo silang lahat at sunod sunod na lumakad paalis, hotel staff ba sila o mga sekretarya ni tita Tosia? Akala nagta trabaho sila dito sa hotel, yung uniporme kase nila eh.







Narinig kong sumarado ang pintuan ko, hudyat yon naka alis na ulit sila at mag isa nanaman ako dito. Akala ko pa naman maaga yung meeting tapos late na ako kaya hindi ko na kaylangang sumama, ayun pala? Mamayang gabi pa yung oras. It doesn't make sense na kasama ako doon, I mean si tita Tosia ang importante doon pero pati ba naman ako isinama niya? Pinagti tripan niya ba ang sarili niyang pamangkin?








Nag pasya akong tumayo at dumiretso na lamang sa banyo para linisin na rin ang mukha ko, baka dapuan naman ako ng isang damakmak na pimples dahil hindi kaagad ako nag tanggal ng make up sa mukha. Medyo kumalat na yung mascara atsaka eye liner, talkshit yung salon atsaka mga nag ayos saakin dahil sabi nila ay water proof to. Binasa lang ako ng kaunti ni tita tapos kumalat na? Edi peke yung sinabi nila saamin.








May mga naka handa na make up wipes dito atsaka kung ano ano pang kaartehan sa mukha, ni hindi ko alam kung para saan sila kaya bahala na muna ulit si bathala. Una kong kinuha ang mga wipes at ipinahid sa mahiwaga kong mukha para maalis ang kolorete doon pati yung pekeng linta este fake lashes pala. Masyadong makapal ang nilagay nila sa mukha ko kaya nahihirapan akong alisin, hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong bagay.







Inabot ako ng halos kalahating oras sa pag aayos palang ng mukha ko, matapos ko ay lumabas ako para makapag simula na ng pag kain ng agahan atsaka tanghalian ko. Sabay na yon since kakagising ko lang, masyado na akong late para sa almusal pero kumakain pa rin naman ako non kahit tanghali na, binuksan ko ang takip at nagulat nanaman dahil ginto ang presyo ng mga putaheng nasa harapan ko.







Nag simula na akong kumain, inuna ko na ang Japanese souffle pancakes na parang tore sa sobrang taas. Pinaliguan ko pa ito ng mapple syrup para mas lalong tumamis, kung itatanong ninyo ay wala pa naman akong balak magka diabetes. Minsan lang naman ako kumain ng matatamis, once in a blue moon at asul ang buwan ngayon.








Dapat huli sana to kase dessert sana pero almusal ang nauuna kaya eto na ang una kong kinain, sunod ang steak atsaka hipon. Hindi ako pamilyar sa mga mamahaling pag kain kaya hindi ko alam kung anong tawag sa mga to, basta masarap silang lahat at halatang professional na chief ang nag luto nito. Habang kumakain ako ay naisipan kong mag text kay Mino, alam ko namang hindi siya magagalit pero nakaka hiya pa rin na hindi ako hihingi ng tawad mata pos ko siyang tulugan.








Bago ako nag padala ng mensahe ay pumunta muna ako sa Facebook dahil parang sasabog na ata ang notifications ko sa sunod sunod nitong pag sulpot, halos thousand plus ang friend request tapos hindi ko na mabilang ang message na request pa rin. Ano bang meron? Nanalo na ba ako sa lotto? Milyonarya na ba ako kaya ang daming gusto akong maging kaibigan? Mahirap lang ako, jusko naman tong mga to.






Holy mary mother of–!!! Sinong nag kalat ng pictures namin ni Rylan habang magka usap kami sa isang classroom kagabi?! Pati yung pag alis namin ni Mino ay nakuhanan! Anak ng tipaklong! Kaya pala ang daming notifications eh!! Halos lahat puro mention, idol daw kuno mga putangina. Ngayon lang ba sila naka kita ng babaeng naka gown? Ang daming mas magaganda saakin nung gabing yon pero ako ang pinapansin ng mga ignoranteng to, yung totoo? Galing ba silang lahat sa Manila Zoo? Sa ocean park ata yung iba.







May video dito kung saan ina–announce ni Ashryver kung sino ang dance night queen at ako ang nanalo? pero kahit wala ako doon ay hindi nila ipinasa ang korona sa iba, saakin daw ang pinaka maraming boto base sa reply ni Mirella sa isang comment. Bigla akong nawala matapos nung last dance kaya hindi ko na inabutan yung coronation, tinadtad din ako ng text mula naman sa student council lalo na si Mino.








Halos lahat ay binabati ako, yung iba naman hindi makapaniwala, yung iba pinupuri ako at sinasabing sana nag aayos nalang ako palagi dahil bagay naman saakin. Tanong ko lang, required ba talaga na mag make up para makita ang tinatagong ganda? Kung Oo then I'll refuse to show my beauty if I'm wearing make up. mas kumportable ako sa natural kong itsura. Iwas tawag atensyon din yon lalo na sa mga lalaking ignorante, binabasa ko lamang ang usapan nila sa comment section ng mismong pictures at kahit taga ibang eskwelahan ay pinag pi–piyestahan din ang litrato kong nananahimik.








Nakita ko rin na nag iwan ng komento si Marga at ang mga kaibigan niya, nilalait lang naman nila ang peklat ko pero maraming nainis sa kanila imbis na makisali. Insecure lang daw sila which is totoo naman, hindi yon kasinungalingan. Kung hindi sila naiinigit saakin, bakit nila ako lalaitin ng walang dahilan? I can even report them para masuspend sila dahil cyber bullying ang ginagawa nila, aalagwa na siya sa ASM kapag ginawa ko yon.








Dagdag nanaman yon sa kahihiyan ng pamilya nila, buti nalang talaga may itsura siya dahil kung wala? Baka matagal na siyang ipinatapon sa kung saang impeyerno tutal bagay naman doon ang ugali niya. Hindi ko na tinapos ang pag babasa at mulling bumalik sa news feed, nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko dahil naman sa balitang nagpakirot ng dibdib ko. Nagka balikan nanaman sina Mino atsaka Marga? Kaya pala ang lakas ng loob ng babaeng hampas lupa na yon na mang lait, alam niyang may mag tatanggol sa kaniya.









Isang oras palang ang nakakalipas mula nung pinost yon pero halos five thousand reacts na kaagad ito sa facebook, malamang mayroon din nito sa Instagram atsaka twitter. Naka ngiti nanaman si Mino katulad ng dati, iba talaga ang aura at lawak ng ngiti niya kapag si Marga ang kasama niya. Tanghaling tapat tapos pinapasakit nila ang mata ko? Ayan tuloy, napapaluha ako! Mga bwesit!








Ano naman kung sila na ulit? Yung asawa nga naagaw pa eh, boyfriend pa kaya? Hindi pa sila kasal pero kahit ganon ay wala pa rin naman akong pag asa. Sa huli, baliwala ang mga payo nina Rylan, Ryuu atsaka Arc sa kaniya dahil binalikan niya rin. Malamang nakarating na sa kanila ang balita kaya sigurado akong hindi nanaman sila mag papasinan katulad nung dati, ang ending ako nanaman ang magiging tulay para magka ayos silang lahat.








Muli ko munang kinuha ang nahulog kong kubyertos at itinabi iyon sa gilid bago nagpatuloy sa pag kain, pinipilit kong ubusin kahit nawalan na ako ng gana dahil sa nakita ko. Akala ko ang balitang itinalaga akong dance night queen ang pinaka malalang nakita ko ngayon araw na ito ngunit mali ako dahil may mas malala pa pala doon, ayaw tuloy tumigil ng luha ko at nakakairita na ito dahil hindi ako maka kain ng maayos.








Kaya ba gusto akong makausap ni Mino kagabi? Dahil doon? Gusto niyang ipaalam saakin? Buti na lamang at nakatulog na kaagad ako bago niya pa iyon banggitin saakin, hindi ko na dapat siya iniisip. Sapat naman na siguro ang higit isang dekada kong pagiging tanga, hindi naman madaling mag move on lalo na't si Mino ang una kong minahal pero kakayanin ko. Sawa na rin akong masaktan at umiyak, nag sasayang lang ako ng luha para sa taong hindi naman ako mamahalin pabalik.









Matapos kong kumain ng pinag samang almusal at tanghalian ay sandali akong tumambay sa balcony ng silid, doon muna ako nagpahingin at palamig. Kaylangan ko lang sigurong kumalma at mag isip ng iba para mawala ang lungkot pati sakit na nararamdaman ko sa mga oras na to, I should think about happy thoughts or funny things kaso kapag tumawa naman ako ng mag isa ay mag mumukha akong baliw kaya nevermind.








**************************








Continue Reading

You'll Also Like

For A Moment By komi

Teen Fiction

9.3K 793 28
He was a good thing, my good thing. And we ended.
20.5K 643 118
Matagal ng gusto ni Karylle si Dave Tyla na isang kilala bilang isang sikat na modelo at painter sa bansa. Hindi naman sinasadya ni Karylle na makapa...
3.2K 956 44
Studying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most...
5.7K 359 70
"I love you seven thousand."