Under The Twilight Sky (KOV #...

By xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... More

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Live Your Truth
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

Pictures In The Wall

55 0 0
By xxxSerenityxxx22





***********************






Aviery Louisse Cortez





Todo todong sermon ang inabot ko kay mama at papa dahil nahuli kami ng barangay, minor lang kaming tatlo nina Ryuu atsaka Rylan kaya agad din kaming pinauwi matapos may sumundo saamin habang naiwan doon sina Margaret kasama nung mga lalaki niya. Of course I'm happy kase nabangasan ko ang mukha niya pero sigurado akong hindi matutuwa si Mino, he'll throw a fit at mukhang hindi nanaman kami mag papansinan dahil dito.








As usual palagi niyang ipag tatanggol yung babaeng iyon pero kung iisipin ay sina Ryuu ang nag aya kaya hindi ko to kasalanan, sumali lang naman ako kase gusto kong maki sapak sa mukha ni Margaret atsaka babae pa rin yong malanding iyon kaya sigurado akong hindi magagawang bangasan ng mga lalaki ang pag mumukha niya, ligtas sana siya kung wala ako doon eh kaso nimamalas siya dahil nakita ko rin gamit ang dalawang mata ko at malinaw saakin na niloloko niya si Mino patalikod.










Ang walang kamalay-malay na si Mino ay nandoon, abalang nagpapakatanga sa lomihan habang siya nakikipag harutan sa mga kabit niya. Hindi naman literal na kabit kase hindi naman sila kasal hindi ba? Pero ang ibig kong sabihin ay mali pa rin iyon dahil una sa lahat kahihiyan ni Mino ang nakasalalay, hindi man siya buong prinsepe pero may lahi pa rin siyang dugong bughaw at sampal iyon sa pangalan ng ama niya kapag nalaman ng lahat na nag papaloko lang pala siya sa isang alipin na katulad ni Margaret. Pangalawa magiging issue to sa buong bayan namin na kung tutuusin ay hindi ko naman concern pero since kaibigan ko si Mino, edi madadamay kaming mga nag mamalasakit sa kaniya hindi ba?













Pang huli ay wala naman akong ibang hinangad kung hindi ang kasiyahan ni Mino kahit alam kong hindi ako ang rason non, Oo napapatawa ko siya o sige na napapasaya pero hindi yon katulad ng nararamdaman niya kapag kasama niya si Margaret. Nakita ko na kung papaano sila maging masaya, ang sakit sakit nilang pag masdan kaya hangga't maaari noon ay hindi ako lumalabas para lang maka iwas sa sakit. I tend to close my eyes for as long as I can hold it, I don't want to see his smiles nor his laughs because I know it's not mine. It will always belong to someone else and that person? will never be me.











Hanggang kaibigan lang ako, iyon lang ang kayang ibigay ni Mino saakin. Hindi naman natin maaaring ipilit ang isang bagay na hindi para saatin diba? Isa pa may something talaga na kulang saakin na kahit si Mino hindi kayang punahan iyon, isang bagay na ibang tao ang makaka kumpleto dahil kung si Mino lamang iyon ay sana matagal na akong ayos hindi ba? Minsan nag kakaroon ako ng weird dreams, nakaka kita ako ng isang mag asawa, batang lalaki, at tila isang aksidente pero lahat iyon ay malabo tapos hindi ko na masyadong maalala kapag gising ko kaya hindi ko magawang maikwento kina kuya Allard at ate Azalea para sana itanong kung mayroon ba iyong ibig sabihin o hindi kaya'y pahiwatig man lang.










Sa tuwing malungkot ako o matutulog ng galit ay iyon ang napapanaginipan ko dahilan kung bakit hindi na ako nakaka tulog pag tapos, pilit kong inaalala pero sumasakit lang yung ulo ko pero wala namang nang yayari at hindi ko na muling maalala yung mismong panaginip. Parang totoo ang lahat ng iyon, pati yung malabong pang yayari ng isang aksidente ay tila tunay at hindi basta basta panaginip lamang. Una kong mapapanaginipan yung batang lalaki na naka suot ng pula ngunit hindi ko makita ang mukha niya, sumunod doon yung mag asawa na wala ring mukha pero kakulay ng buhok ko yung sa babae tapos huli naman yung sa aksidente tapos bigla na akong magigising kahit hindi pa ito tapos. 








Nag simula ito noong ika sampung taon ko, hindi ito alam nina mama at papa pati na ang mga kapatid ko dahil baka wala lang naman ito o naiimagine ko lang sa utak pero parang hindi ito coincidence dahil sa tuwing may matinding lungkot o galit akong nararamdaman ay kusa ko na lamang itong mapapanaginipan. Ngayon kasalukuyan akong grounded, madaling araw na sila natapos sa kakasermon saakin habang ako naman ay hindi makatulog dahil iniisip ko si Mino at kung ano ang magiging reaksyon niya kinabukasan.










I'm pretty much sure na magagalit siya kay Ryuu atsaka Rylan dahil sila ang nandoon at promotor ng lahat, pero baka it's another way around. Magaling din gumawa ng kwento si Margaret at most of the time siya ang pinaniniwalaan ng lahat kahit hindi naman siya yung nag sasabi ng totoo, she's a good story maker kaya baka balak niyang maging author ng isang libro dahil baka sumikat siya. Tutal magaling naman siyang mag iba ng storya, bakit hindi niya nalang panindigan ang pagiging manunulat hindi ba? She has a great potential, she should use it for good para hindi masayang.









Hihiga na sana ako sa kama ko kaso lang biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna ito para tingnan kung sino yung nag padala ng mensahe saakin, galing kay Ryuu tapos yung isa kay Rylan at tinatanong nila ako kung ayos lang daw ba ako o kung ano ang sinabi saakin. Seryoso pa talagang nag tanong sila? Ano pa bang bago doon? Edi inulan ako ng sermon! Isang pasa lang naman ang inabot ni Margaret saakin pero yung mga lalaki baka mas madami pa sa isa dahil sukat akalain mong magpa bugbog sila sa mga profesional fighters? Mabuti nga wala si Arc na isang MMA fighter eh kung nandoon din siya malamang mas lalo silang lasog-lasog, baka pare-parehas silang nasa ospital ngayon.








*Ryuu's calling*







Nagulat ako dahil biglang tumawag si gago saakin, mabuti nalang agad kong napindot yung silent button kaya nanahimik atsaka ko sinagot yung tawag niya. Malamang kapwa rin siya hindi maka tulog kaya nag hahanap ng maiistorbo, sakto namang ako rin hindi pa dinadalaw ng antok kaya makikipag chismisan muna siya saakin pampaantok lang.






Ryuu: Hindi ka rin maka tulog? Same same.








Ako: Alam mo ikaw gago ka, bigla kang tumawag ng walang pasabi.







Ryuu: Grounded ka rin no? Same same, pati si Rylan din eh.








Ako: Isa pang same same mo tatadyakan kita bukas.








Ryuu: Same same, Di joke lang. Bakit ka ba bumubulong? Gumagawa ka ba ng vlog? Asmr? Ano kinakain mo?







Ako: May dalawa ka kaagad saakin, pati hindi ako kumakain. Hindi lang ako nag iingay kase baka marinig nila ako, edi mas lalo akong malalagot hindi ba?








Ako: Nasa 7/11 na tayo kanina sana bumili ka na rin ng utak doon baka mayroon silang tinitinda.







Ryuu: Wala nga eh, bibilihan ko rin sana si Mino.







Ako: Ano namang pag chi-chismisan natin? Kung gaano ka kabobo? Nako mahaba habang usapan yon.









Narinig ko siyang tumawa kaya pati ako palihim na tumawa, eto talagang si tangkad hindi pumapalya sa pag papasaya saakin kahit kailan. Para siyang mas matinong version ni Mino, medyo malalang version kase si Arc eh. Literal na walang sinasanto yon at kapag naisipan niya ay talagang gagawin niya, mabuti na nga lang wala siya kanina. Ako na naaawa sa mga nabugbog namin kanina, imagine ang lalaki ng katawan nila tapos mas marami sila saakin pero kami yung nanalo?











Nag usap kami hanggang sa sumikat na ang araw, pinatay niya lang yung tawag dahil kapwa kami mag hahanda na para sa pag pasok atsaka kaylangan ko pang kunin yung mga uniporme ko sa laundry shop. Halos limang oras ata kaming nag dadaldalan, walang tigil at napag usapan din namin sina Mino pero iniiba niya rin kaagad kase alam niya naman kung bakit, mabuti nalang hindi ko na kaylangang ulit ulitin sa kaniya. As much as possible ayaw niya kaming nag uusap tungkol sa nang yari dahil nakaka bad vibes daw, tama naman siya kaya lang medyo weird yung huli niyang tanong saakin.











Nag tanong siya saakin na kung halimbawa ba daw na mang liligaw siya eh kung may pag asa ba daw siya at kung bibigyan ko ba daw siya ng chance na patunayang mas deserving siya kaysa kay Mino. Parang totoo pero tinawanan ko nalang ang tinanong niya saakin dahil tila hindi si Ryuu ang kausap ko, sinapian atang Ryuu iyon kaya bigla niya nalang ako tinanong ng ganong klase ng katanungan. It's unusual for him to asked something like that, he's the kind of guy na walang paki sa mga babae then he'll ask me out of the blue?












Huwag kayong mag isip ng kung ano dahil una hindi naman ako assumera kase sinabi niya eh kung halimbawa lang iyon, pangalawa walang lalaking mag kakagusto sa isang katulad ko na manang tapos basagulera at pang huli si Ryuu ang pinag uusapan okay? Isa lang naman siyang sikat na basketball player, kapitan ng grupo nila kaya kahit sa isang daang bituin pa ako humiling ay hindi ako magugustuhan non. Nalito lang talaga ako kase sa dinami-rami ng babae sa ASM ako pa talaga ang napili niyang example, comedy amputa.









Ngayon tahimik akong kumakain, maaga pa akong lumabas kanina para kuhanin yung mga damit namin ni ate Azalea na kasamang ipinalaba kasama nung saakin. Hindi ako makapag reklamo kahit na inubusan nila ako ng kutsinta, puro puto yung tinira nila saakin kahit alam naman nilang hindi ako kumakain ng mga ganon tapos pati yung sinangag inubos din na parang hindi nila ako kapamilya. C'mon! Alam niyo naman kung bakit ko yon ginawa eh!! Fine I was wrong pero hindi niyo ko kaylangang ubusan ng pag kain, ang overacting niyo nanamang lahat eh.









Umaarte lang naman sila ng ganito kase nag aalala sila, I was bullied once during my third grade tapos hindi ko maipag tanggol ang sarili ko then out of the blue biglang dumating ang mga mokong sa buhay ko kaya mula noon sila na ang nag tatanggol saakin pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ako papayag na palaging ako ang iiyak kaya nag suot ko ng isang damakmak na maskara para takpan ang kahinaan at pagiging iyakin ko.








Tinuruan ko ang sarili ko kung papaano lumaban ng pisikat atsaka sa salita para walang taong aapak saakin, pero kapag si Mino ang nag sasalita eh iba na ang dating dahil parang totoo kapag nang gagaling sa kaniya. May oras at panahon na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya saakin pero iyon kase ang katotohanan, a truth that definitely slaps the shit out of my pretty face. Ngayon I just have to ready myself, malamang mamaya mag tatalo nanaman kami dahil sa nang yari kagabi.













Hindi na ako mag tataka kung nag sumbong na kaagad si Margaret kay Mino, may pasa siya sa pisngi dahil sa lakas ng sampal ko sa kaniya samantalang may mga galos din ako galing naman sa tama ng upuan na hinampas saakin nung isa sa kanila pero hindi ko nakita kung sino ang gumawa non kase nakatalikod ako, iyon ang lalong ikinagalit ni Ryuu kaya napuruhan ng kaunti yung isang lalaki. Nang yari naman ang gulo sa labas ng school atsaka hindi iyon school hours kaya hindi nila maaaring idamay ang eskwelahan sa issue, kung sakali mang makakarating ay wala silang magagawa so ligtas kami sa suspension or expelled.








Kung may nag video non, naka uniform ng ASM yung panig nina Margaret kaya sila lang ang malalagot dahil kahihiyan ng eskwelahan ang dinadala nila samantalang mas malaki ang tiyansa naming makalusot kase naman naka sibilyan kaming damit at hindi katulad sa kanila. Wala kaseng utak sina Marga atsaka yung mga kasama niya kaya siyempre hindi nila maiisip na mag tanggal ng suot na uniporme bago gumanti, galit na galit ba naman sila kase may sumugod kahit wala naman silang ginagawang kahit ano saamin pero kay Mino mayroon at malaki ang kasalanan nila.








Hindi ko na tinapos ang pag kain ko dahil nawalan ako ng gana lalo na't nakikita ko silang ganiyan ang ekspresyon, kinuha ko na kaagad ang pamasok kong atsaka tahimik na nag mano sa mga magulang ko bago tuluyang lumakad palayo. Wala namang tumawag saakin na bastos ako, wala rin silang imik at hinayaan lang ako sa gusto kong gawin tutal hindi naman na ito ang unang beses na may ganito kaming scenario dito sa bahay. Tuwing gagawa ako ng malalang kagaguhan sa buhay ko ay aarte sila para pahirapan ako at ang intensyon lang naman nila ay sobrang simple, ang mapatino ako ulit kahit sandali lang.









Matino naman ako ah, eto na iyon kaya ano pa bang hinahanap nila? I can still hold back myself. Imagine? I can be a serial killer or a psychopath pero hindi naman ako nagiging ganon atsaka maayos pa ang utak ko kaya wala silang dapat ipag alala na maging kriminal ako, I won't and will never be one. Dalawa lang naman ang posibilidad na mang yari mamaya eh, either ako ang susugurin ni Mino o kaming tatlo nina Ryuu atsaka Rylan. Ah may isa pa pala, baka yung mga lalaki lang ang punahin niya kung sakaling hindi niya ako mahahagilap mamaya pero sigurado akong hindi papayag si Marga na hindi magagalit si Mino saakin.








Mukhang maagang pumasok si Mino ngayon kaya mag isa akong pupunta ng school, sakto nalang pala ang pera ko para sa pamasahe so malamang diet ako mamaya. Napabuntong hininga nalang ako atsaka pumara ng taxi, agad naman akong nakakuha kaya sumakay na ako doon. Himala ata at mabait si manong driver, ginawa niyang libre ang pamasahe ko kase daw mukhang problemado daw ako. Ipang kain ko nalang daw ang perang natitira saakin, hindi ko na raw kaylangang bayaran ang pamasahe ko.









Nang makarating kami sa tapat ng school, I tried to insists na mag babayad ako pero hindi ako nanalo kay manong driver dahil mas makulit siya kaysa saakin, he even told me to cheer up cause he knew that everything will go well today so I'm holding on to his statement. Sana nga maging maayos lang ang lahat, sana talaga. Nag patuloy na ako sa pag lalakad papasok at katulad ng araw araw naming routine ay binabati pa rin naman nila ako, I mean ganon talaga kase walang mag tatangkang mambastos saakin dahil tatamaam sila.








"Suprema? Kanina ka pa hinahanap ni Mino, punta ka daw sa rooftop now na". Bulong na anunsyo ni Ashryver saakin. Alam ko na kung bakit kaya hindi ako nag tanong at sa halip ay muli akong lumabas ng classroom atsaka dumiretso sa rooftop kung nasaan si Mino nag hihintay. Hindi ko na muna ininda ang sakit na nararamdaman ko dahil kaya ko pa naman, pag dating ko doon ay naka dungaw siya sa ibaba habang pinag mamasdan ang mga estudyanteng dumadaan katulad na lamang ng mga araw na mag kasama kami.










Iba ang aura ni Mino, hindi katulad kahapon. Ibang iba at tila ibang tao ang nasa harapan ko ngayon, hindi rin siya naka proper uniform dahil naka bukas ang apat na butones niya kaya naka expose yung sando niya ng kaunti. Nag lakad ako papunta sa direksyon niya kaya automatikong naging seryoso ang blangko niyang ekspresyon ng sandaling makita niya akong papalapit, his expressions were enough to hurt me inside and out tapos dadagdag pa yung mga sasabihin niya. Well figures, ginusto ko naman ito kaya nararapat lang na panindigan ko.











"What do you want? If you're here to lecture me just say so". Diretsahan kong sambit kay Mino. What's the point of going round and round? We'll still end up with the same bullshit, isa pa kung sesermonan niya rin ako ay wala na akong panahon para doon kase lahat ng sasabihin niya malamang nasabi na nina mama at papa saakin kagabi.











"Why would you that to her? You promised that you wouldn't hurt her! Goodness AL!! Bakit ka ba nagkaka ganito sa kaniya ha!? What did she ever do you you!?? Answer me!". His voice sounded so frustrated. Promises were made to be broken, just like a piece of glass. Sana minsan may alam ka nalang Mino kase ang hirap mong kausap kapag wala kang clue, you're dumb.









"Oh that? She deserves a punch but I slapped her, don't worry it'll heal in no time". I replied in a serious tone. I need to cover up, I can't be weak in front of Mino now. I have to be strong enough to handle his hurtful words, this is my decision so I have to face its consequences. "What the hell is wrong with you!? Hindi na kita naiintindihan AL". Muli niyang reklamo saakin. Then you don't have to get it Mino, I'm not forcing you to do so but I just really you do understand how I feel but unfortunately you're numb and dumb at the same time.










"My explanation would be useless, do you know why? It's because I know you wouldn't believe me. Admit it or not, in your sight I'm a liar Mino". Walang gana kong tugon sa kaniya. Lumakad siya papalapit sa direksyon ko atsaka ako hinahawakan ng mahigpit sa parte kung saan nandoon tumama ang upuan na hinampas ng kasamahaan ni Margaret kagabi, labis na sakit ang nararamdaman ko parehas sa pisikal atsaka emosyonal.









"Then I'll believe you! Just make me understand why!! I just wanna know why AL!? WHY!?". He asked with desperation in his tone. Believe me huh? What a liar, hindi marunong mag sinungaling ang boses mo Mino so forcing me to explain won't work on me. You have to find out for yourself kase ayokong isipin mo na sinisiraan ko si Margaret sa harapan mo, we don't have a proof maliban sa mga salaysay naming tatlo kaso ang katanungan pa rin ay bumabalik sa tanong na kung maniniwala ka ba sa mga sasabihin namin? That one, I doubt.











"Mino bitawan mo ko, nasasaktan ako". Paki usap ko sa kaniya. He didn't listen and held me even tighter kaya lalo akong nasasaktan, sobrang kirot at sakto pa talaga ang pag kakahawak niya sa mismong parte kung saan yung masakit. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo saakin ipinapaliwanag! Ano? Bakit mo ginawa yon!?". Muli niyang sigaw saakin. I want to burst into tears so bad but I'm stopping myself from doing that so at least I won't look so guilty because I'm not, I didn't do anything wrong to Margaret because that slap? she deserves more than just a hard slap pero yun lang ang natanggap niya mula saakin, am I not nice enough?











"Kung gusto mong malaman ang katotohanan, edi mag tanong ka kay Margaret! Siya ang tanungin mo tutal siya naman ang papaniwalaan mo hindi ba!? Bitawan mo ko kase nasasaktan na ako!". Sigaw ko rin pabalik. Hindi na ako nakapag pigil dahil sobrang diin ng pag kakatawak niya saakin, namamaga ng todo yan tapos hihigpitan niya pa yung pag pisil? Kanina ko pa sinasabing masakit eh, ang hirap siguro maging bobo at bingi.












Pinilit kong makawala kaso nasasaktan lang ako lalo dahil sa higpit ng pagkaka kapit niya saakin, wala akong lakas para kumalas dahil mukhang napuruhan ata ang parteng likod ko hanggang sa balikat. Isa rin to sa dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi, ramdam ko ang kirot nito sa tuwing hihiga ako sa kama ko tapos hindi pa man din iyon malambot kaya mas doble yung sakit. Sinusubukan ko talagang pigilan yung luha ko, ni minsan hindi pa ako nakikitang umiyak ni Mino pero sa sitwasyon namin alam kong baliwala ang pag iyak ko dahil sa mga mata niya ay ako ang may kasalanan.










Una sa lahat, Oo nakita ng dalawang mga mata ko pero si Ryuu ang naunang nag aya na sumugod kami. Pare-parehas kase kami ng iniisip kaya lang sa kwento ni Margaret malamang ako ang promotor ng lahat, tapos dinamay ko lang sina Rylan atsaka Ryuu dito para may kasama ako na maaari kong sisihin. Pangalawa, totoo namang nararapat na masampal si Marga para magising siya sa katotohanan at pang huli para sa pang loloko niya iyon kay Mino. Alam kong hindi naman saaking ang perang ginagamit niya pero kahit pa, kaibigan ko si Mino at ang sampal na iyon ay tanda na wala siyang karapatang gamitin si Mino sa kahit na akong pamamaraan.









"Bakit ba parang hirap na hirap kang ipaliwanag saakin kung bakit?! paniniwalaan kita AL! matagal na tayong mag kasama kaya maniniwala ako sa sasabihin mo!". He kept on insisting that I should give him an explanation. I hate wasting time Mino, alam mo naman pala ang ugali ko pero iyon ang ginagawa mo ngayon.






"Sa susunod nalang natin to pag usapan Mino, bitawan mo na ako kase kanina mo pa ako nasasaktan". Muli kong paalala sa kaniya. Is he that clueless? I already told him that it hurts, why can't he fucking understand me!? He's a one big fucking brainless prince indeed, now I know why you never want the crown nor your own kingdom cause you're selfish. You only care about your self, the others? you don't give a single damn about their feelings because your point? it's not your feelings, why would you bother to think about it??










"Am I hurting you? Ikaw ang naka sakit AL! hindi ako! Ikaw!". He pointed out my so-called mistakes again. I can't help but feel annoyed with him, see? hindi niya pa nga alam yung totoo pero nag a-assume na kaagad siya na kasalanan ko ang nang yari. "Just let me go! Sinabi ng nasasaktan ako eh!". Reklamo kong sigaw sa kaniya. I forced to get out kaya mas lalong kumirot ang parten hinahawakan niya, a tear drop fell on my cheek and I knew that any second another one would follow so I run away like what a super hero does every single time. I run as fast as I could to get away, I'm crying because of the physical pain not because of what he told me.









Walang patutunguan ang pag takbo ko, basta gusto ko lang na  malayo sa rooftop at malayo kay Mino kahit pansamantala lang. Hindi ko na rin kaya yung sakit kaya dumiretso ako sa clinic, sigurado naman akong walang tao doon ngayon dahil ganitong oras atsaka maya maya pa yung nurse kaya maaari kong gamitin ang sarili ko tutal kaya ko naman dahil marunong ako. Pag dating ko naman doon ay tama ang hinala ko, agad kong kinuha ang mga gamot na kakaylanganin ko atsaka ako naupo sa isang kama.








Kinuha ko rin yung salamin bago ako nag tanggal ng uniporme, namamaga nga ito mula sa likod hanggang sa kanang balikat at mukhang malala kaya baka kaylanganin ko pang mag punta sa ospital mamayang pag uwi ko. Hindi ko maabot kaya namomoblema ko kung papaano ko lang naman mailalagay tong gamot sa likod, habang nag iisip ako ng paraan ay hindi ko sinasadyang matabig ang naka saradong bote ng ointment kaya nahulog ito sa lapag. Kaylangan ko pa tuloy literal na lumuhod, pag kuha ko non ay nagulat ako at napaupo lalo dahil may nakita akong paa ng isang lalaki.








MAY TAO PALA DITO TAPOS HINDI NAKA BUTONES YUNG UNIPORME KO!? PUTANGINA!! SINO BA TONG ULUPONG NA GINAGAWANG SILID TULUGAN TONG CLINIC!????







Nag ayos muna ako ng uniporme, agad naman akong tumalikod atsaka naka higa siya kaya sigurado akong wala siyang nakita dahil kung meron ay kaylangan kong tanggalin ang mata niya. Matapos kong ayusin, tumayo ako at hinawi yung kurtina. Nadatnan kong natutulog doon si Ryuu habang may kayakap na isang manika na mukhang kambing, eto ata yung tinatawag niyang lam–lam. Walanghiyang impakto talaga to, anong gimagawa niya dito!? Asshole!








Ginigising ko siya gamit yung paa ko, napakamot pa ang gagi kaya kumuha ako ng alcohol para buhusan yung maliit niyang sugat sa braso. Edi success, nagising siya dahil sa hapdi nung galos niya na nakuha niya rin kagabi. Naka kunot ang noo niya saakin kaya ngumisi ako ng malawak sa kaniya, ayaw niya ba naman kaseng gumising eh naka ilang ulit na ako para lang maalimpungatan siya kaso baliwala kaya kaylangan ko ng mas mabisang paraan.







"Ang sama mo naman! Natutulog ako eh!!". Reklamo niya saakin. Natawa ako sa ekspresyon niya, para siyang batang nakakaawa pero himala naman at hindi siya umiyak. Sabagay parang kagat lang naman yan ng langgam, mga limang kagat kaya medyo mahapdi sa una pero agad din namang mawawala.









"Ayy sorry, natutulog ka pala diyan. Akala ko kase duming kaylangang ipagpag eh". Sarkastiko kong tugon. Lalong kumunot ang noo niya saakin, hinihipan niya yung sugat niya para mawala yung hapdi atsaka para na rin lumamig. Hanggang dito ba naman bitbit niya yang manika niya? Akalain mong ganito pala to si Ryuu, parang bata amputa. "Ano ba kaseng ginagawa mi dito? Inaway ka rin ni Mino? Same same". Tanong niya saakin. Minsan nag tataka talaga ko kung bakit o papaano sila naging parte ng student council, siya atsaka si Rylan kasama si Mino? Labis akong nag tataka dahil tila imposible pero totoo eh.







"Malamang, tanong ba yon? He's asking me why I did that, akala ko ba hindi pa kayo nag kakausap? Hindi mo man lang ba ipinaliwanag na ikaw yung may pakana non?". Sunod sunod kong tanong sa kaniya. Kung hindi pa nga sila nag uusap, edi malamang iyon pa rin ang paniniwalaan niya hanggang sa mag kausap silang tatlo kasama ni Rylan. "Umiyak ka? Halata sa mata mo, sabi ko naman sayo huwag kang iiyak kase ako bahala sayo". Malumanay niyang paalala saakin. Tumayo na siya atsaka kinuha ang telepono niya, baka may tinext siya ngunit hindi ko naman alam kung sino iyon o kung para saan.









Nag usap kami tungkol kay Mino, aalis na sana ako kaso sabi niya mag hintay lang daw ako sandali kase pinatawag niya si Blanche para tulungan akong mag lagay ng gamot sa likuran ko. Hindi niya naman daw nakita yung suot kong pang loob pero naramdaman niya na niya raw na mayroong nag papalit kaya natulog muna siya sandali, he wasn't expecting me at all kaya nagulat siya kase bigla nalang akong nag punta dito ng hindi man lamang kumakatok.









Maya maya pa dumating na si Blanche kasama si Ashryver, nandoon din pala si Arc pero hindi siya pumasok atsaka sumunod na lamang kay Ryuu na lumabas na para pabayaan kaming mga babae dito sa loob. "AL? malala tong pag kakahampas sayo ah? Saan ba to galing?". Pag aalalang tanong ni Ashryver saakin. Gusto ko sanang ipaliwanag kaso ang hapdi eh, kumikirot at mas masakit pa to kaysa sa kagat ng limang pulang langgam.








"Sa pakikipag basag ulo sa grupo nina Marga kagabi no? Naikwento na saakin ni Rylan kagabi". Sabat ni Blanche saamin. Madaldal talaga tong impaktong to kahit kailan, pasalamat nalang siya kase nakuha niya ang kagwapuhan ng tatay at tito niya kaya pwede na rin kahit papaano. "Oh? Kasama siya no? Mga baliw talaga kayo eh no? Nakipag basag ulo nanaman kayo?". Hindi kakapaniwalang tanong ulit ni Ashryver saakin. Tumango na lamang ako, wala ako sa mood mag salita dahil masakit talaga ang parteng ginagamot niya.







"AL? Ngayon ko lang napansin, may mahaba ka palang peklat sa kanang balikat mo?". Tanong ni Blanche saakin. Ayan ba? Hindi ko alam kung saan galing yan, hindi rin kase sinasabi saakin nina mama at papa kahit anong tanong ko sa kanilang dalawa samantalang wala namang alam sina kuya Allard atsaka ate Azalea."Oo mayroon nga, pabayaan niyo lang yan huwag na ninyong pansinin". Sambit kong paalala. Nakaka curious naman kase talaga yang peklat ko, masyado itong malalim para maging simpleng sugat o hiwa at base sa research ko noon ay maaaring galing ito sa isang operasyon o hindi kaya'y nahiwa ng isang matalim na bagay na maaaring tumagos ng malalim kaya tila para itong napunit.









Matapos nila akong gamutin ay agad nila akong ipinadala sa ospital, ipapaalam pa sana nila kay mama atsaka papa pero agad ko silang pinigilan dahil lalo lang silang magagalit saakin at ayokong maka istorbo sa mga trabaho nila kaya maigi pang mag isa na lamang akong mag punta doon. Magiging problema ko lang naman kung saang kamay ng panginoon ako mag hahanap ng pambayad sa bill, malamang kaylangan ko ng malalang x-ray dahil baka may butong nadamay o kung ano pang maaaring nang yari sa loob ng katawan ko.








Hindi na rin pumasok si Arc atsaka Rylan dahil kasama ko sila, wala naman daw silang mga guro ngayon kaya sila nalang muna ang pansamantalang mag babantay saakin ngayon. Hindi ko naman daw ata kaylangang mag tagal kaya ayos lang na manatili sila kahit sandaling oras, naiwan sina Blanche, Arc, Ashryver, atsaka Mirella para mag bantay sa school dahil baka sakaling hanapin kami. Wala rin sigurado si Mino kaya sila na muna ang bahala sa lahat habang wala ako, mabuti nalang maasahan din sila kaya nag papasalamat pa rin akong kasama ko sila sa student council.








*********************





Continue Reading

You'll Also Like

186K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
20.5K 643 118
Matagal ng gusto ni Karylle si Dave Tyla na isang kilala bilang isang sikat na modelo at painter sa bansa. Hindi naman sinasadya ni Karylle na makapa...
Lowkey By Beatrix

Fanfiction

232K 6.5K 109
A Joaquin Jaymalin and Sofia Ildefonso Fan Fiction #WPLowkey ©️ Full Credits to the owners of the pictures used in the story.