Under The Twilight Sky (KOV #...

By xxxSerenityxxx22

4.7K 52 17

This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get... More

Author's Note
Prologue
Rebel Royals
Denial
Twisted
Pictures In The Wall
Coffees And Magics
Bleeding Hearts
Home
Spinning In Circles
Holding Me Back
A Night To Forget
Heather
Crossing Fields
Tale Of Little Red Riding Hood
Lost And Found
Beautiful Stranger
Middle
Someone That I Can't Call My Own
Before You Go
The Two-Faced Knight
The Faceless Maiden
Steps Like Turtle's
Withered Feelings
In Another Time But The Same Place
In Every Direction
Pillows
Reset
Lego House
Rock
Her Poisonous Red Apple
~~~~~~~~
In Your Arms
Confusion
Sun's Little Prince
Until The Sky Is Clear
Just One Day
Still You
Trust
The Prince And The Wolf
Having You Near Me
So Close Yet So Far
Where Love Was Left Behind
Record Of Youth
A Broken Glass
Nightfall
A Wolf's Cry
When The Sun Goes Down
Wandering Freely
Day Breaks
What's Worth Fighting For
The Sky Falls
Bittersweet
World Without Limits
The Future Of Our Paradise
An Agent's Mission
Little League
Cherries And Strawberries
A Star Around My Scars
Intersecting Lines
Burn So Bright
Howling Winds
Hoping For A Miracle
Night Changes
What The World Needs: Love
Irreplaceable
Lilacs
Encounter
Every Step Of The Way
Better Days Are Near
Love Drunk
13th
The Golden Hour
The Bad Wolf's Weakness
Whispering Walls
An Eye For An Eye
Every Flaws And Imperfections
Balancing Scale
End Game: Your Always And Forever
Epilogue
UTTS: Jared And Lauren (AL)
xxxSerenityxxx22's Note

Live Your Truth

65 0 0
By xxxSerenityxxx22









**********************








Aviery Louisse Cortez







Pag dating ko sa bahay ay naka pamewang na nag hahantay si papa saakin, malamang nakarating na rin sa kanilang lahat ang balita tungkol sa ginawa ko nanaman. Inaasahan ko ang sermon nilang apat, hindi na talaga ako magugulat dahil alam kong masasayang lamang ang effort kong gawin iyon. Blangko lamang ang ekspresyon niya, agad akong lumapit upang mag mano at mag bigay galang saaking ama. Wala naman siyang sinabi hanash tungkol sa nang yari, imbis na pagalitan ako ay ngumiti pa siya kaya inisip ko na lamang na baka natuwa siya saakin.










Oh well, regardless. Baka mamaya pa niya gagawin ang sermonyas niya saakin lag dating ni mama at ng mga kapatid ko para full power, mala sailor moon atsaka multiple shadow clone ni Naruto ang lakas nila kapag mag kakasama sila eh. Lugi ako don kase ako lang mag isa tapos apat sila, sino ba naman ang mananalo? Isa laban sa kanila?? Kay papa palang wala na eh tapos isasama pa yung iba? Edi lalo na akong nawalan ng chance na manalo, unless may kakampi ako ngayong araw na ito o kung may mag babalak na gumawa non.











Wala pa sina kuya Allard at ate Azalea kaya tahimik pa ang buhay ko, maya maya pa uuwi si mama kaya may oras pa ako para ikalma ang sarili ko. Naiinis pa ako sa kabobohan ni Mino, hanggang sa pag uwi ba naman ay hindi niya ako tinantanan sa pang aasar at pang iistorbo niya. Mamayang gabi niya daw ako susunduin tapos itutuloy namin yung contest namin, tutal parehas daw kaming mukhang problemado kaya magandang timing para maipag patuloy na namin iyon.










Pag akyat ko ng kwarto ay agad akong nag palit ng kumportableng damit, napag tanto ko na kaylangan ko pa nga palang mag laba ng uniporme dahil ito na pala ang huli kong pamasok. Napabuntong hininga ako, kung kailan naman ako tinatamad atsaka ko kaylangang mag laba. Pag tapos kong mag palit ay agad kong kinuha ang wallet ko para tingnan kung may sobra akong pera, mayroon naman kaya mag papalaba nalang ako para hindi na madamay ang damit ko sa inis ko.










Naiirita talaga ako kay Mino, bwesit na impakto yon kahit kailan. Ewan ko ba kung bakit basta ayun na yon, nagka mental block ako sandali kaya naupo muna ako sa kama ko para muling isipin kung ano nga ba ulit yung kaylangan kong gawin. Ah naalala ko na, pupunta pala ako sa laundry shop para mag palaba ng uniporme ko. Tayayo na sana ako ngunit nakita ko si Mino sa bintana habang may hawak na isang malaking sketch pad at mayroong naka sulat doon, pinapa alala niya lang yung lakad namin mamaya kaya nag taas nalang ako ng gitnang daliri. Nakita ko siyang umiling at bahagyang umismid saakin, kaya dinagdagan ko pa ng isa, with feelings yon.









Nag pasya na akong bumaba, dinala ko na lahat ng mga ipapalaba ko para mamaya ay doon na ako didiretso bago ako sumipot sa lakad namin ni Mino. Nang makarating ako sa sala namin ay saktong kakarating lamang ni mama, nandito na rin pala sina kuya Allard pati ate Azalea. Ngayon sila naman ang mga naka pamewang saakin, si papa lamang ata ang matino yung posisyon habang nanood ng TV. Nag taas ako ng isang kilay atsaka ko sinalubong ang mga tingin nilang kakaiba lalo na ang saaking ina, nakarating na talaga iyon sa kanila at hindi na ako nag kakamali ngayon dahil hindi na ito joke time.









"Anak ano ba ang nang yayari sayo? Nakipag away ka nanaman! Doon pa talaga sa anak non ni Nadya!". Iritadong panimula ni mama saakin. Para akong nasa live concert habang nag hihintay ng beat drop ng dj, nag drop na siya at talagang napaka gandang mix tape. Inilipat ko ang atensyon ko saaking ina na hindi pa man din nakakapag bihis, si papa lang talaga ang matino ngayon tapos lahat silang tatlo? Ayan mga dragon at tigre nanaman ang ekspresyon.









"Ma, sana inalam niyo po muna yung nang yari bago ninyo ako sigawan ng ganiyan. Si papa nga hindi ako pinagalitan eh". Depensa ko sa sarili ko. Ngayon inilipat naman ni mama ang atensyon niya kay papa at pinag masdan niya ito na tila ba nalilito siya, masyado kayong overreacting at saktong tumapat pa iyon na wala ako sa mood. "Kumalma ka, tama naman ang anak natin ngayon dahil principal mismo ang nag sabi saakin na laking pasasalamat niya sa anak natin". Kalmadong sambit ni papa kay mama. My jaw almost dropped off my mouth, for the first time and forever pinag tanggol ako ng promotor ng seremonyas.











Naka kain ata ng masarap na pag kain si papa ngayon o baka nabingi lang talaga ako, sinabi niyang tama ako ngayon at mukhang matutuwa pa siyang ginawa kong pang alikabok ang anak ni aling Nadya kahit hindi ko nga kilala kung sino yong babaeng yon o kung sino yung anak niya. Pakialam ko ba kung sino yon? May mapapala ba ako doon? Mukhang wala naman kaya bahala siya, wala akong pake kahit sino pang Poncho Pilato ang tatay niya o lolo niya sa tuhod.










Kahit si kuya Allard nag bago ang ekspresyon at tila kasama siya ni papa na naniniwalang wala akong ginawang masama ngayon, ginawa ko lang naman ang trabaho ng isang matino at responsableng pinuno lalo na't binastos nung hayop na iyon ang flag ceremony tapos pati mismong school at mga guro ay tila nadamay na rin. Mabait pa nga ako kase iyon lang ang inabot nung anak daw ni aling Nadya, isa pa mabuti na ako yung naka huli dahil kapag si Mino at Ryuu ang natiyambahan niya ay baka nasa ospital na sila ngayon pare–parehas.










Walang patawad ang mga lalaki na kasapi ng student council pati isa pa ipapaalala ko lang na una sa lahat anak mayaman din sila kaya kung gugustuhin nilang maka alis ay madali lang nilang magagawa iyon lalo na si Mino, pangalawa may kapit din sila may tita Tosia at pang huli saakin kase malakas ako sa tiyahin kong iyon. Maililigtas ko kaagad ang sino mang malalagay sa alanganin, atsaka hindi ko rin naman matitiis ang bwesit na Mino na iyon dahil tong puso ko masyadong assumera. Feeling niya mamahalin din siya non pabalik, hindi niya alam na abala na iyon doon kay Margaret.









"Alam ko naman iyon, masaya nga ako sa ginawa mo at tama lang na ipinakita mong Cortez ka". Biglang pag sangayon ni mama saakin. What the fuck? Kanina lang sintron nalang ang kulang atsaka bilao na may munggo tapos papaluhurin na niya ako para mag maka awa tapos ngayon? Ang weird ng mga tao dito, pag tapos manigaw bigla ka nalang kakampihan. "Ginawa ko lang naman po ang tama, pati sino po ba si aling Nadya? Kakilala po ba natin yon?". Nalilito kong tanong sa kanila. Tinawanan ako ni kuya Allard habang si ate Azalea bahagyang ngumisi rin, hindi ko naman kase talaga kilala yon atsaka sino ba anak non? Well doesn't matter, bahala na.









"Yung chismosang dikit ng dikit sa nanay ni Maximino? Ayun, siya yun". Tugon naman saakin ni mama. Ahhh, hindi ko talaga maalala, wala akong pakialam sa kaniya eh. Maraming ginang ang dikit ng dikit sa nanay non ni Mino, wala rin iyong pakialam kase alam naman niya kung bakit nila iyon ginagawa. Halos lahat ata ng mga nanay dito sa bayan namin eh tinitingala ang pamilya nila dahil prinsipeng tunay ang tatay nito ni Mino.









"Ma naman, marami sila kaya sino doon?". Muli kong pag tatanong para maiba ang usapan. Hindi lang naman ang mga kapatid ko na ipinanganak na matatalino atsaka maparaan, ito lang ata ang ugaling nakuha ko sa kanilang dalawa eh. "Yung taga kabilang kanto na nag bebenta ng double dead na baboy? Sila iyon". Muling tugon ni mama saakin. I was laughing the shit out of my beautiful ass kaso hindi ko pwedeng ilabas dito, gusto kong tumawa kaso baka maalala nila yung nang yari at baka maungkat nanaman ulit.









"Saan ka pala pupunta? Bakit dala dala mo yung mga uniporme mo?". Ate Azalea randomly asked. Tuluyan na nilang nakalimutan ang pinag uusapan namin kanina lang kaya kalmado na ako, kanina medyo let's say na kinakabahan talaga ako lalo na kay papa. Ikaw ba naman, imagine? Nakita mo siyang naka pamewang sayo tapos seryoso pa yung mukha niya, hindi ka ba makaka ramdam ng kaba o takot? Siyempre iba iba naman tayo, may takot pa rin naman ako sa kanila ni mama at kahit ganito ako ay wala akong balak na lumaban sa mga magulang ko.










"Ipapalaba ko nalang, wala ako sa mood mag laba ngayon". Diretsahan kong sagot sa tanong niya. Nag walk out na si kuya Allard kase mag bibihis na rin daw siya pati si mama ay umalis na rin kaya tatlo nalang kaming naiwan nina papa at ate Azalea, tinanong pa ako muli ng kapatid ko kung may pera ba daw ako para kung wala daw ay bibigyan niya ako. Mayroon pa naman ako kaya hindi na ako nang hingi sa kanila pero alam kong aabutan ako ni papa, nakita ko na kanina eh.









Kumain muna ako dito sa bahay ng hapunan ngunit kaunti lamang dahil makakarami nanaman si Mino tapos mahuhuli na ako, wala akong balak magpa talo dahil kaylangan ko talaga ang kahilingang iyon kaya gagawin ko lang lahat para lang manalo laban sa kaniya. Pag tapos ng hapunan ay agad kong niligpit at hinugasan ang mga pinag kainan namin bago ako dumiretso palabas dahil kanina pa ako kinukulit ni Mino, hindi daw siya kumain sa bahay nila para matalo niya ako sa contest namin.









Mukha talagang problemado tong si Mino ngayon, ang nakakapag taka lamang ay mayroong sugat sa mga kamay niya. Baka nakipag talo nanaman siya sa tatay niya at hindi siya nanalo, palusot nalang siguro yung hindi siya kumain para matalo niya ako. Ganon naman palagi eh, hahanap siya ng bagay na maaari niyang isagot saakin kung sakaling mag tanong ako ng tungkol sa nang yari. He doesn't want me to worry which is why I'm even more bothered, he's making me worry way too much though I wasn't trying to show it because I know he'll only asked me not to because he's fine like he always were.









Pretending to be independent, that's one of Mino's annoying traits na ayaw niyang alisin mula noon magpa hanggang sa ngayon ganon pa rin siya. Ayaw niyang mag bago pero nagustuhan ko pa rin ang mokong na iyon, ang weird no? pero Oo I can't deny that fact. Ngayon kasalukuyan kaming nag lalakad papunta sa laundry shop dahil ipapalaba ko muna ito, kukunin ko nalang kinabukasan ng umaga para plansyado na rin at isusuot na lamang.










"AL? May knock knock joke ako sa'yo". Masaya niyang sambit saakin. Kanina lang tahimik to tapos ayan nanaman ang bibig niyang walang sawa sa pag daldal, goodness Mino utang na loob huwag mo ng ituloy yan dahil alam kong corny yan. "I don't have a choice, do I?". Walang gana kong tanong. I'm wondering why is this thing heavy then it crossed my mind that ate Azalea asked me to bring her clothes along para maisama na rin daw, kapwa kami tinatamad kaya dinagdagan niya nalang ang pera ko na pang bayad sa mga damit.










"Knock knock?". He asked. Ganito talaga tong si Mino, ayaw ng tahimik na mundo kaya nga siguro nagustuhan niya si Margaret eh, mahilig din yon sa maingay at mga tao kaya hindi na dapat ako nag tataka kung bakit sila pa rin hanggang ngayon. "It's open". Maiksi king tugon sa kaniya. Lumakad siya papunta sa harapan ko habang pinapa kita ang noo niyang naka kunot, nag lalakad siya ng patalikod kaya naka harap siya sa direksyon ko ngayon. Hindi naman siya kulang o sobra sa buwan pero bakit ganito siya? Why the hell am I in love with someone like Mino?? Ako ba yung weird o siya??? Or I guess we both are.








"Huwag mo naman tong gawin saakin, ikaw naman masyadong masungit! Nireregla ka no?". Walang pag aalinlangan niyang tanong saakin. Hindi Mino pero pakiramdam ko parang Oo ata dahil sa pinag gagawa mo ngayon, wala ka bang balak mag pahinga? Kayo ng maingay mong bibig? Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita para manahimik ka na, oh wait– hold up? Hindi ba dapat baliktad yon? Oo nga pala naalala kong nasa wattpad lang naman ako nag eexist so yeah fuck it.









"Oo Mino kapag hindi ka tumigil, ipapahid ko tong napkin na may dugo sa mukha mo". Babala kong tugon sa tanong niya. Tinawanan lang ako ng impakto bago tuluyang umayos ng paraan niya ng pag lalakad. "Sungit mo naman, akin na nga to. Maliit ka na nga tapos nag bubuhat ka pa ng mga mabibigat edi lalo kang hindi na tatangkad niyan". Pang aasar niya pang aniya saakin. Kinuha niya lahat ng nga dala dala kong damit na nasa loob ng basket atsaka kami nag patuloy. Pag dating namin doon sa laundry shop ay ako na lamang ang pumasok para mas mabilis, gwapo si Mino at sigurado akong pag kakaguluhan nanaman siya ng mga babae doon sa loob kaya matatagalan kami










"Miss hindi mo ba kasama yung gwapo mong kaibigan? Single ba yon? Ipakilala mo naman kami oh". Maarteng sambit nung babae sa cashier. Alam niyo ba yung 'What the fuck' expression? Ganon ang itsura ko ngayon dahil sa mga salitang binitawan niya saakin, aba ang tigas naman ng mukha mo no? Ako nga matagal ko na siyang gusto tapos wala pa ring nang yayari tapos ikaw? Saakin ka pa talaga magpapa tulong? Trust me wala kang pag asa kay Mino, manhid tong gagong to eh.











"Miss kasama ba sa job description niyo ang lumandi? Kung Oo baka maaari kong ipasok yung girlfriend nung kaibigan kong tinutukoy ninyo". Walang gana kong tugon sa kaniya. Nanahimik siya dahil sa sinabi ko, napairap pa ako kase nakita ko silang nag bubulungan. Wala namang mali sa tinanong ko kase una sa lahat customer nila ako dito, pangalawa nasa office hours sila kahit hindi sila sa literal na opisina nagta trabaho at pang huli utang na loob baka naman gusto nilang ayusin ang mga ginagawa nila, madali na nga lang to tapos hahaluan pa nila ng kalandian kaya minsan mga palpak.











"550 po lahat miss, kasama na diyan yung mga ibang services". Malumanay na sambit nung isang katabing babae na nag tanong kung nasaan si Mino. Inabot ko na sa kaniya ang bayad ko, nginitian ko na rin siya kase nag iisa lamang siyang matinong kausap hindi katulad ng mga kasama niyang haliparot. "Miss kukunin ko to bukas ng umaga ah, pati yung mga uniporme paki lagyan ng hanger, dadagdagan ko nalang yung bayad ko". Kalmado kong paalala sa kaniya. Hindi na pala kaylangang ipaalala kase kasama na pala talaga yon doon, kaya pala limang daan ang bayad ko. Gintong hanger ang gagamitin nila, tapos yung detergent may halong golden leaf kaya ganon kamahal yung kaylangan kong bayaran.












Nang matapos ako ay agad kong binalikan si Mino na abala sa pag lantak sa isang bote ng delight na inumin, yung parang yakult kaso iba yung brand? Mahilig siya sa ganon tapos ayaw niyang mamigay, parang bata lang na spoiled brat. Umiinom din naman ng alak to kaso mabilis siyang malasing kaya kadalasan siyang napag titripan, kapag nalalasing siya ay doon lamang lumalabas ang mga tunay niyang nararamdaman at hinanakit lalo na sa girlfriend niyang ubod ng bait.










"Sabi mo mabilis ka lang, nakaubos na ako ng tatlong ganito tapos wala ka pa rin? Oh eto para sa'yo, kawawa ka naman". Aniyang reklamo niya bago nag abot ng isang delight. Tinarayan ko muna siya bago ko kinuha ang delight sa kamay niya, malapit lang naman dito ang pupuntahan namin kaya doon na kami dumiretso. Naka tatlo na siya? Hindi naman masyadong halata na gutom na siya, medyo lang ngunit hindi talaga obvious pero mukhang mas makaka rami ako dahil puro tubig niya ang laman ng tiyan niya at siguradong mabigat iyon.









"Bobo ka ba? Kasalanan mo kung bakit ako natatagalan no, dinadaldal pa nila ako para hanapin ka kaya huwag kang mag reklamo saakin". Sambit kong pag susungit kay Mino. Tumawa naman siya sa sinabi ko atsaka umakbay, pasaway talagang mo kong to! Sukat akalain mo ba namang mag pabigat saakin!?? Ang liit ko na nga tapos aakbay pa ng todo?! Edi lalo akong hindi tatangkad niyan. "Sa sobrang liit mo pwede ka ng patungan ng braso". Pang iinsulto niyang sagot saakin. Kinurot ko siya ng malakas sa tagiliran, dahilan kaya siya agad na napatakbo palayo saakin habang hawak hawak ang bewang niyang tinamaan.










Itinaas niya yung damit niyang suot upang tingnan ang tagiliran niyang nakurot ko, namumula ito at sigurado akong masakit yon. Ayan ang mapapala mo saakin bwesit ka, aakbay ka pa ng todo mamaya may makakita sayo tapos makuhanan tayo ng litrato na mag kasama edi mag aaway nanaman kayo non ni Margaret, ang masaklap pa ay madadamay ako sa gulo niyong magka relasyon. Hindi bali sana kung ikaw lang, eh pati ako hindi nanaman titigilan non. Ayos lang sana kung palagi kang nasa tabi ko para protektahan ko eh kaso wala ka naman din kapag kaylangan kita, kaya maigi pang distansya na lamang tayo sa isa't isa para maka iwas sa issue at problema.











"Mino umayos ka nga, mamaya may maka kita saatin. Alam mo namang napapaligiran tayo ng mga chimosang kapit bahay". Paalala ko sa kaniya. Hindi nakinig ang gago saakin, kinurot ko na at lahat lahat pero ayan pa rin siya. Tumakbo na ako para hindi niya ako gawing patungan kaya agad kaming nakarating sa lomihan ni aling Ysah, may sarili kaming pwesto doon at sa hindi inaasahan ay nandoon din pala sina Ryuu atsaka Rylan ngayon. Kumakain din sila as usual, wala namang wifi doon kaya hindi sila tatambay doon ng walang dahilan.













"Oh? Nandito nanaman ang MiLo himala?? May problema nanaman kayo parehas no? Iyak nalang mga tatlo". Panimulang bati ni Ryuu. Naupo ako sa tabi niya habang nasa harapan ko si Minonggoloid, sila ni Rylan ang mag katabi tutal naman parehas silang feeling mabait. "Ako? wala, hindi naman ako pinagalitan eh, si Mino mukhang meron". Walang gana kong sagot. Kapwa nila inilipat ang atensyon nila kay Mino habang eto namang isa todo iwas, halata kaya nag sasayang nanaman siya ng effort na umiwas sa mga tingin nila.











"Mino? Alam mo ba ang kabaliktaran ng firefly ay waterfalls?". Seryoso kong tanong. Yeah I know, I suck at jokes kaya shhh! Don't judge me, corny ka rin minsan kaya itigil mo yang pagiging husgado mo lalo na't hindi ka naman hurado sa isang singing contest. "Gumagaling ka na sa mga corny jokes ah! Isa ka talagang loyal na alagad ni Prinsipe Mino!! Tama yan alipin ko! Galingan mo pa!!". Natutuwa niyang papuri saakin. Ako ang palihim na nag papasaya sa kaniya kase ganiyan din siya saakin, we lift each other's mood kaso patago nga lang.











"Tangina tol tara na nga, parang gago tong dalawang to nag lalandian amputcha". Reklamo ni Rylan. Inaya niya pa talaga si Ryuu, pati anong landian?! Gago ka ba??? Isa rin tong impakto kahit kailan, nagkakaibigan talaga kayong lahat without a doubt. "Oo nga tangina eh, kanina pa ako nagugutom tapos mag lalandian?". Pag sangayong sagot ni Ryuu. Napakunot ako ng noo sa kanilang dalawa habang ito namang nasa harapan ko at natatawa pa, gutom na talaga siguro silang tatlo kaya kung ano ano na ang naiisip nilang lahat.










Maya maya dumating na yung pag kain naming apat, kami ni Mino ang mag lalaban habang pinanood lang kami nung dalawa sa pinag gaga gawa namin sa mga buhay namin. Kalmado lang akong kumain kase una sa lahat ayokong mabulunan pati mas mabilis kayang mabusog kapag para kang patay gutom kumain, I mean wala akong masamang ibig sabihin don pero lang ang sinabi ko kase parang mauubusan tong si Mino. Natatapon na sa kaniya yung mga sabaw kaya nag gpakuha ako ng panibago para sa mga natapon niya, siyempre bawas kase yon kaya hindi patas at dapat lang na fair kami.










Nadagdagan na ng dalawa kaagad yung record niya kaya mayroon ng twenty-eight si Mino habang twenty-seven na ang saakin, mukhang malapit na siyang mabusog kaya hanggang doon lang muna ang kaya niya. Ako naman dito hindi pa rin busog, kaya nag papatuloy pa rin ako sa pag kain ng tuloy tuloy ngunit mabagal lamang. Effective na technique tong sinabi ni kuya Allard saakin kaya dapat mapasalamatan ko siya ng todo todo mamaya pag uwi ko, pinababayaan ko lang na mag madali si Mino para mas mauna siyang mabusog at sigurado akong kaunti na lamang ay bibigay na siya.










Malapit na akong matapos sa pang bente siyete ko pero sumusuko ata tong isa, tapos na sa pag kain sina Ryuu at Rylan kaya nag papahinga na lamang sila sandali. Tila aliw na aliw rin silang pag masdan kami ni Mino habang nag paparamihan ng makakain, maya maya pa ay hindi na kinaya nitong isa kaya nag madali siyang tumakbo papunta sa banyo para sumuka. Okay hindi counted iyon kaya twenty-eight lang talaga ang bagong record niya, naka tatlong bote siya ng delight kanina kaya isa rin iyon sa dahilan kung bakit mabilis siyang nabusog.











"For the first time makaka lamang saakin si AL, picture tayo para remembrance na naunahan mo ko!". Masiglang pag anyaya ni Mino saakin. Inilabas niya ang telepono niya atsaka ako kinuhanan ng litrato kasama silang tatlo, nakakahiya kase puro panget na stolen yung kuha niya saakin habang silang tatlo ay effortless na mga gwapo. Naka bente nuwebe ako kaya lamang ako ng isa ngayon, medyo nabusog na kase ako dahil sa kakainom ng tubig kaya sa susunod kaylangan ko ring pag aralan kung papaano hindi mauhaw kaso mukhang imposible yon.










Nanlibre si Rylan ngayon kaya siya ang nag bayad ng lahat lahat kasama na yung kinain namin ni Mino, bago kami umalis ay nagpa take out ako ng dalawa lomi para kay kuya Allard at ate Azalea. Nang makuha ko na ay agad kaming umalis doon para sandaling mag lakad lakad para bumaba lahat ng kinain namin lalo na yung saakin, hindi naman ako masyadong tumataba kase wala namang tabain sa pamilya namin. Kahit anong kain ang gawin ko ay nananatili pa rin akong payat ngunit bumibigat lamang ng kaunti, hindi naman masyadong literal na mabigat.










Tumigil kami sa isang 7/11 na malapit lamang doon para bumili ng ice cream, siyempre maalat yung kinain namin kanina kaya ngayon at matamis naman para balance na sweet and salty. Nanatili muna kami sandali doon, gusto lang naming mag palamig atsaka makinig ng music kase nag papatugtog ng OPM yung cashier o kung kanino mang cellphone o radio ang ginamit doon. Ang dami na naming picture dahil kanina pa nila ako pinagti tripan, impakto rin itong si Ryuu kase siya ang promotor this time at himalang hindi si Mino ngunit nakikisali rin siya.












"Ngumiti ka naman AL, palagi ka nalang naka simangot". Paalala ni Rylan saakin habang hawak niya ang telepono niya. Kanina ko pa sinasabing ayoko nga sumama, anak ng mga tipaklong tong mga to ha! Hmp! Nakakainis!! Puro na ako stolen, ayaw nila akong tigilan lalo na tong si Ryuu. "Ayoko nga kase bat ba ang kulit ninyong tatlo? Ilayo ninyo saakin yang camera utang na loob". Medyo iritado kong paalala. Naka takip ako ng mukha kaya hindi ako makakain ng matiwasay, ayaw pa nila akong tigilan kahit ang dami na nilang nakuha kanina.












"Last na nga to eh, dali na!!!". Pangungulit muli ni Mino saakin. Wala akong magawa at tuluyan na akong ngumiti sa harap ng camera, ito lang ata ang pinaka maayos kong litrato kasama nilang tatlo dahil puro ba naman epic stolen ang kinuha nila kanina saakin. Pag tapos nila akong kulitin ay bigla namang may tumawag kay Minonggoloid kaya kaylangan niya iyong sagutin, lumabas na rin kami ngunit mas nauna lamang siya ng kaunti kaya nasa hulihan kaming tatlo nina Ryuu atsaka Rylan.











Nagulat si Ryuu dahil nag text na si Mino na mauuna na siyang umuwi kase hinahanap siya sa kanilang tahanan, hindi na sana ako mag papahatid sa dalawang lalaking to kaso bilin daw ni Mino na huwag akong pababayaang umuwi ng mag isa. As usual makulit din sila kaya wala akong choice, nag kwentuhan kami ng kung ano ano hanggang sa maubos ang mga kinakain namin. Nakasalubong ko pa si ate Azalea kaya inabot ko na sa kaniya yung mga binili kong Lomi, nag pasya pa kase kaming mag ikot ikot ng dalawa pang beses dahil sobrang busog pa talaga ako at gusto ko itong bumaba.










"AL? Hindi ka ba nag sasawang samahan si Mino?". Rylan randomly asked. Kung nag sasawa na ako edi sana matagal ko na siyang pinabayaan hindi ba? Eh kaso hindi ko kayang umalis, hindi ko pa siguro kaya sa ngayon pero alam ko namang darating ang araw at panahon na matatanggap ko ang masakit na katotohanang hindi ako ang para sa kaniya. Hindi lang ngayon yon pero one day, isang araw na mapapagtanto ko na dumating na ang taong para saakin.










"Tanong ba yan? Alam niyo kaibigan ko si Mino, kahit hindi maging more than friends ang relasyon namin eh may pake pa rin ako sa impaktong yon". Tugon ko sa tanong niya. That's the truth for me cause regardless, kahit ano pang mang yari saakin ay mananatili siyang isang malapit na kaibigan at hindi mawawala ang pakialam ko pag siya na ang usapan namin.









Paliko na kami sa susunod na kalye ngunit may narinig kaming mga pamilyar na boses, umaalingawngaw ang malalakas na sigawan at hagikhikan ng mga babae at kung hindi ako nag kakamali ay kay Margaret ang pinaka malakas doon. Nag tago kami sa likuran ng isang pick up truck, halos malaglag ang panga naming tatlo dahil sa nadatnan namin. Naka upo ang hinayupak na si Margaret sa binti ng isang lalaki habang nakapulupot ang braso niya sa leeg nito, how dare you fucking cheat behind Mino's precious back!? You whore!









"Ry, kuhanan mo ng picture tapos isend mo kay couch now na". Utos ni Ryuu kay Rylan. Agad niya namang sinunod at ginawa iyon, matapos nilang gawin iyon ay binilang naman nila kung ilan ang tao roon at tila balak pa ata nilang makipag basag ulo tutal kasama naman daw nila ako. "AL? Ayos lang ba na makipag basag ulo muna tayo para kay Mino?? Game ka?". Masayang tanong ni Ryuu saakin. Ngumisi pa ako ng malawak, ginawa kong donut ang buhok kong mahaba para hindi sagabal habang nang bubugbog ako. Siyempre game ako no, tinatanong pa ba yon? Iba na tong usapan dahil una sa lahat namumuro na tong malanding to, sobra na kaya dapat na siyang turuan ng leksyon.









Unang lumabas sina Ryuu atsaka Rylan, mga naka shirtless na sila kase ayaw daw nilang madumihan ang bago nilang damit. Ang aarte, mag hahamon ng away tapos mga takot madumihan amputcha parang mga babae at talagang dinaig pa ako. Walang intro ang ginawa nilang pag sugod, agad silang tumakbo papunta doon atsaka tinadyakan yung mukha nung lalaki na inuupuan ni Margaret. Lumabas na rin ako dahilan kung bakit tila nakakita ata ng multo tong girlfriend ni Mino, nagulat ka ba? Huwag kang mag alala kase mamaya hindi mo na mamamalayang sumakit ang katawan mo kase ididiretso na kita sa impeyerno kung saan ka talaga nababagay.









Hindi naman maka kalaban tong si Marga kase wala yang kahit na akong alam maliban sa pagiging maharot at gold digger, pwede na siyang mag trabaho sa minahan tutal magaling siyang humanap ng mga ginto kahit saan pa iyon naka lagay. Tumulong muna ako kina Rylan at Ryuu bago ko itinuon ang atensyon ko kay Margaret, hindi naman lumalaban sa babae tong dalawang mokong kaya ako lang talaga ang natatanging makakapag bigay ng isang leksyon sa kaniya na hindi niya magagawang kalimutan magpa kailanman.









Sisiguraduhin ko lang naman na mag tatanda siya, sinasaktan niya si Mino ng todo kahit na hindi naman alam nung isa. Iyon na nga ang mas nakakainis doon eh, patalikod niya kung tirahin tapos piniperahan atsaka ginagamit niya lang?! Hindi yon tama! Kung ako ang girlfriend ni Mino edi sana nasa maayos siyang kalagayan, walang manloloko sa kaniya pero tanggap ko naman kahit hindi na ako kaso mas lalong hindi ko matatanggap na isang katulad lang ni Margaret ang magiging nobya niya.









She doesn't deserve Mino's love, care nor support cause she's a one big liar, whore and most of all a cheater bitch who doesn't know anything about his own boyfriend!







***********************






Continue Reading

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
186K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
56.4M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...