Book 1: When I Met This Gangs...

By Ladymania

267K 7.6K 197

We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls... More

PROLOGUE <3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19- SabNeth
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
SC #1
#2
#3
*****
#4
#5
#6
BOOK 2: We Meet Again, Gangster!

Chapter 7

5.1K 153 6
By Ladymania

+++++

Together

Tinanong ko si Philip kung anong nangyari sa kanya pero hindi niya sinabi ang totoong rason. He kept on ignoring my questions every time I asked him. Ayaw niyang pag-usapan ang nangyari sa kanya. At hindi iyon nawala sa isipan ko hanggang sa pagtulog. I am bothered really. I am curious at the same time.

Hindi palaaway na tao si Philip. Kaya nakakapagtaka na nagkaroon siya ng tama ng baril. Hindi naman siya iyong tipong pweding pagtripan ng kung sino kasi kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Malakas siya kahit na babakla-bakla. Hindi naman siya nasasangkot sa mga illegal na mga gawain. Kaya nakakapagtaka talaga kung saan niya nakuha iyon.

Pero imbes na isipin iyon ay pinagtuunan ko nalang ng pansin ang puson kong sumasakit ngayon. Kanina pa ako daing ng daing at parang gusto ko nalang gumapang papuntang pinto ng bahay namin.

"Lintik na puson talaga ito!"

Gusto kong manuntok at manabunot. Nakakaimbyerna. Ngayon pa talaga dumating ang monthly period ko? Kaya pala parang naglilihi ako kahapon. Kung ano-anong kinakain ko, na akala mo naman ay buntis ako.

"Nak, pasok ka na?" tanong ni Tatay nang mahawakan ko ang doorknob. Napalingon ako at sinagot siya.

"Opo tay."

Kahit namimilipit sa sakit ang tiyan ay kailangan kong pumasok dahil dalawang araw rin akong absent sa kadahilanang kinulong nila ako. Hindi naman pweding three consecutive ang absent ko. Baka maireport ako sa kaitaas-taasan.

"Okay ka lang?" Umiling ako. Hindi ako okay dahil masakit ang puson ko.

"Huwag ka ng pumasok Nak. Baka matagusan kalang."

I shook my head. "Hindi pwedi Tay...aray!" Pinisil ko iyong tiyan ko dahil biglang kumirot at kasabay no'n ang pagtulo ng dugo sa ilalim ko. Shit naman! Ramdam na ramdam ko talaga.

"Magpahinga ka nalang."

"H'wag na tay. May quiz kami mamaya sabi ni Michael kaya hindi ako pweding umabsent," pagsisinungaling ko.

Umalis na'ko bago pa magsalita si Tatay. Gusto ko kasi talagang pumasok. Sawa na'ko dito sa bahay at saka mawawala din naman itong sakit mamaya. Tiwala lang dahil kaya ko pa namang tiisin.

Nakaraos ako hanggang gate ng school namin pero hanggang doon lang kasi hindi ko na nakayanan. Napaluhod nalang ako bigla sabay mura.

"Langya!"

Sinubukan kong tumayo pero nanginginig iyong paa ko. Ang resulta, napaluhod ulit ako. My ghad!

Wala pa namang tao dito, siguro ay nagsisimula na ang klase. Napadaing ako ng husto. I bit my lower lip to control the pain that I am feeling right now pero pakingtape ayaw talagang mawala.

Namimilipit na'ko sa sobrang sakit nang maramdaman kong bigla nalang umangat ang aking katawan. Namalayan ko nalang na mayroon na palang bumubuhat sa akin kung saan. Magrereklamo na sana ako kaso nanghihina ako.

Gustuhin ko mang pukpokin ang taong bumuhat sa'kin ngayon, hindi ko magawa. Nanghihina talaga ako ng sobra.

"Where's your house?"

Napatingin ako sa lalaking bumuhat sa'kin. Ganoon nalang nanlaki ang mata ko ng makilala siya.

"Z-zenberg?"

Pati ba naman sa bagay na ito ay tutulungan niya ako? Wala talaga siyang mintis sa tuwing kailangan ko ng tulong.

"Shit!" I cursed in so much pain. Napabuntong hininga ako ng malalim at itinago ang ulo sa kanyang dibdib.

Nahihilo ako at nasusuka. Iba talaga ang epekto ng dysmenorrhea sa akin. Hindi ko talaga maexplain ng maayos ang nararamdaman ko.

Tumakbo ito at nakita ko nalang ang sarili kong nasa loob na ng kanyang sasakyan. Anong ginagawa niya? Bakit...

"Saan tayo pupunta?" nanghihinang tanong ko sa kanya.

"Where going to the hospital. Parang manganganak ka na sa sobrang sakit d'yan," sabi nito na ikinainis ko.

Anong akala niya sa'kin buntis? Langya! Kung hindi lang talaga masakit ang puson ko ay nakatikim na ang gagong ito. How dare him say that to me? Ha!

"No need. Monthly period lang ito!"

Uuwi nalang ako kung dadalhin niya lang rin naman ako sa ospital. Wala akong pera at dagdag gastos lang ito. Buti sana kung ililibre niya ako pero parang kuripot naman ang isang ito.

"No. I will bring you to the nearest hospital," he insisted.

Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Ano pa nga bang magagawa ko? Wala akong lakas para kontrahin siya ng paulit-ulit. I let him bring me to the hospital.

Bahala na.

Ito ang unang pumasok sa isip ko nang paandarin niya ang sariling sasakyan. Kung malaki man ang babayaran ko e mangungutang nalang ako kay Michael. Bahala na talaga.

****

Pagdating namin sa ospital ay agad akong chineck ng doktor at pinainom ng gamot na hindi ko alam ang pangalan. Basta ang alam ko lang, pag-inom ko nawala nalang bigla ang sakit ng puson ko. Parang magic na sa isang iglap lang ay nawala agad at naging matiwasay ang pakiramdam ko.

At heto, kung makangiti ang Doktora kay Zenberg ay parang may pinapahiwatig itong kakaiba. Hindi ko nalang pinansin kasi hindi ko naman alam ang nasa isip nito. Palinga-linga ako sa kabuuan ng kwarto habang silang dalawa ay nag-uusap tungkol sa'kin.

"Okay lang siya Arl. Natural lang 'yon sa mga babae," sabi ng doktora sabay tapik sa balikat ni Zenberg.

Tumango ako bilang sang-ayon sa sinabi niya. Palibhasa kasi hindi sila nakakaranas ng ganito kaya ospital agad ang landing. Akala niya siguro malala na itong nararamdaman ko. Napailing ako ng wala sa oras.

"Okay," sabi ni Zenberg at kasabay no'n ang pag-alis ng doktora sa harapan namin. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Are you okay?" he asked worriedly.

I bit my lower lip to suppress my smile. Bigla tuloy uminit ang pisnge ko sa tanong niya. Mababaw lang naman kasi akong tao kaya heto parang hinahalukay ang tiyan ko.

Huwag ka ngang ganyan Zenberg! Baka umasa ako. Hmp.

"Yeah. Okay na. Sabi naman sayo h'wag mo na akong dalhin dito eh," nahihiyang sabi ko.

"No thank you? Psh."

I pouted my lips unto that. "Oh edi thank you!" sabi ko with open arms pa. Pero hindi ko inasahan ang gagawin nito. Pinitik lang naman niya ang noo ko.

I glared at him.

"Hoy, kailangan pitikin?!" singhal ko sa kanya. Nagpasalamat na nga ako pipitikin niya pa ang noo ko? How ungrateful of him.

"Lets go," he said instead of answering my question. Hinigit niya ako patayo dahilan para masaktan ako ng onti.

"Aray naman," reklamo ko.

Makahigit sa'kin akala mo naman isa akong manika na hindi nasasaktan.

Tao rin ako Zenberg! I want to say this to him.

"Saan bahay niyo?" he asked.

"Nah, sa school nalang. Papasok ako. Hindi na naman masakit ang puson ko," sabi ko sabay ngiti bago pumasok sa kotse niya. Nakita kong sumunod rin ito at tinungo ang driverseat.

"Your seatbelt," he said kaya tumango ako.

Kinuha ko iyong seatbelt sa gilid ko at inaamin kong nahirapan akong ikabit ito kaya naman huminge ako nang tulong sa kanya. Medyo naduling ako ng onti sa ginawa niyang paglapit sa mukha ko. Isang minuto ay nahirapan akong huminga. I can feel his breath in my face. I gulped consecutively.

Ano ito? Bakit ganito? Hindi naman ako naiilang pero ewan, kinikilabutan ako sa sarili kong nararamdaman.

"T-Thank you," sabi kong medyo kinakabahan. Napaayos ako ng upo at binalingan siya ng tingin.

"You're not welcome."

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. And for the first time nakita ko siyang ngumite pero slight lang. Hindi iyong todo na pag-ngiti na abot hanggang tenga. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti na din sa kanya. Nakakahawa siya. Sinundot ko ang tagiliran niya.

"Ang gwapo mong ngumite ha," tukso ko dito at sa isang iglap lang ay nag-iba ang timpla ng mukha nito. Kung kanina ay naka half smile ngayon wala na, emotionless na. Masyado siyang seryoso ngayon.

"I'm driving." Napangisi ako.

"Asus! Nahiya ka pa. H'wag kang mag-alala totoo iyong sinabi ko. Hindi joke iyon noh!"

"Stop," he seriously said so I stopped.

"Okay tatahimik na nga. Shy type ka pa," sabi ko sa sarili ko pero hindi ko aakalain na maririnig niya iyon kaya nagpeace sign ako.

Binalot ng katahimikan ang sasakyan. He was serious while driving his car at ako naman panay ang ikot ng mata ko kung saan.  Hindi kasi ako sanay sa ganito. Masyado akong madaldal seriously.

"Arl ilang taon na kayong magkakaibigan nina Kenneth?" I asked. Sobrang tahimik kasi. Naririnig ko na ang paghalukay ng tiyan ko dahil sa sobrang katahimikan.

Napasimangot ako ng hindi ito sumagot. Na hear zone ako. Hindi man lang ako binalingan ng tingin at hindi man lang siya nag-abala na sagutin ang tanong ko.

"Nice talking to the air Sunny," I muttered to myself sabay balik nang tingin sa labas. Ang sarap niya talagang kausap. Ang saya-saya niyang kasama. Nakakaenjoy ang mga jokes niya. Kainis. Ni one word hindi man lang nagsalita. Pipi ba'to?

"We're here," he said sabay labas sa kotse niya. Lumabas din ako at hinabol siya.

Ang bilis namang maglakad ng lalaking ito. Akala mo naman may hinahabol siyang appointment.

"Dahan-dahan naman sa paglalakad. Nagmamadali, nagmamadali?" sabi ko habang hinahabol siya.

"Yeah. Late na tayo," he said. Nanlaki 'yong mata ko.

"Classmate kita?!" nagawa ko pang itanong imbes na pansinin iyong sinabi niya. Eh sa curious ako eh!

"Yeah. And we are fucking late," ulit nito dahilan para mapatingin ako sa relos ko. And my eyes widened when I saw that we are now thirty minutes late!

"Oh shit! Late na nga, bilis!" sigaw ko sabay higit sa kanya patakbo. Nagpatianod ito at hindi nagreklamo.

Late na nga kami, magrereklamo pa siya? Si maam History pa naman yong teacher namin ngayon, a terror teacher.

Pagdating namin sa tapat ng classroom ay isang sigaw ang bumungad sa'min. Galing sa isang babaeng maganda pero kung umasta magiging matandang dalaga in the future.

"YOU TWO, WHY ARE YOU BOTH LATE?!" sigaw nito na feeling ko rinig sa buong campus. Grabi lang diba? Tinginan tuloy ang mga classmates namin sa'ming dalawa. Pero iyong anim naming kaibigan sa baba nakatingin.

What's with their look? Sinundan ko iyon at ngayon ko lang narealize na magkahawak kamay pala kaming dalawa ni Zenberg. Para akong napaso sa higpit nang pagkakahawak nito sa aking kamay. Tiningnan ko siya at hindi ko ini-expect na nakatingin rin pala ito sa'kin. Sabay naming binitawan ang kamay ng isa't-isa at tumayo ng maayos.

Gosh, ano 'yon?

"We went to the hospital," Zenberg calmly said.

"Is that so?" sabi ni ma'am habang nakataas ang kilay.

"Yes, Ma'am!" sabi ko dito kasi iyon naman ang totoo.

Umayos ang mukha ni ma'am at biglang nawala ang galit sa kanyang mukha. Iyong tigre niyang mukha ay napalitan ng mas maamo pa sa kinakawawang aso. Yeah. I am not exaggerating things! I am telling the truth.

"Okay, you may now two take your seats."

I sighed in relief. Buti nalang at pinapasok pa kaming dalawa. Naisip ko, kung hindi ko kaya kasama si Zenberg, papapasukin kaya ako ni Ma'am? Kasi pakiramdam ko nadaan ng shitzu na ito si Ma'am Isagan sa charm niya.

Iba talaga kapag gwapo. I can't believe this!

Umupo ako sa aking upuan at napanguso ako ng makita ang mapanghusgang tingin ng mga kaibigan ko. Tinaasan ko sila ng kilay kalaunan ng tumagal ang mga titig nilang tatlo sa akin.

What? Kasalanan ko?

"Explain everything later," bulong sa'kin ni Sabrina. What? Anong ee-explain ko? Ang pagkakasakit ng puson ko o iyong pagpunta namin sa hospital ni Zenberg? Alin sa dalawa doon?

.

.

(A/N: Vomment po.)

#ladymania.

Nakakatamad palang mag-edit!! Oh siya guys pagtiyagaan niyo nalang muna ang mga typos. Hahaha. Lol.

Continue Reading

You'll Also Like

375K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
8.2K 661 34
Remedy Kei × Jack Throp Covers not mine crdts to rightful owner Highest rank 1:aspiringauthor COMPLETED Start: July 9, 2020 - September 7, 2020
99.3K 1.6K 39
"I'M INLOVE WITH MY BROTHER'S BESTFREIND"
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...