The Possesive Man (Del Fauric...

By MsGishLin

793K 14K 149

Si Sariah Ashlyn Cornello ay simpleng babae lamang. Grade 7 siya nang makita ng lubusan ang taong nagpapatibo... More

DEL FAURICO 1
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
ANNOUNCEMENT
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
GROUP
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 11

17K 346 1
By MsGishLin

Kabanata 11

Hurt

Dali-dali akong lumabas ng room namin ng agad kaming matapos sa last subject namin ngayon. Hindi ko rin nakita ngayong araw si Leanne, wala na man siyang sinabi na aabsent siya ngayon. Di bale nalang dahil mamaya itetext ko siya kung bakit wala siya ngayon dito.

Nang nasa labas na ako ng unibersidad ay hindi ko pa rin nakikita si Grayson. Wala pa yata siya dito kaya pumunta muna ako sa waiting shed at doon na lang naghintay.

Lumipas na rin ang ilang minuto ay wala pa rin ito kaya tumitingin na lamang ako sa mga studyanteng lumabas-pasok sa university. Napalingon ako ng makita ang sasakyan ni Grayson na kadadating lang at pumarada ito sa may coffee shop.

Napangiti ako at agad na akong tumayo. Tatawid na sana ako papunta sa kanya ng makitang lumabas ito at parang nanlumo ako ng lumapit siya sa isang babae na kalalabas palang.

Napaatras ako at agad na tumago sa likod ng poste. Nakita kong yumakap ito kay Grayson. Nakaramdam ako ng inggit sa babaeng 'yun dahil niyayakap niya si Grayson. Parang may nagbara sa lalamunan ko ng pinagmasdan ko ang babae. Makinis, maganda, matangkad at maputi ang balat. Halatang mayaman ito dahil na rin sa suot nito.

Nakita kong pumasok sa sasakyan nito ang babae at agad na silang umalis. Napasandal ako at nanghina sa aking nasaksihan. Hindi niya ba naisip na naghihintay ako sa kanya? Sabi niya pupunta siya dito para sunduin ako pero nagkakamali yata ako dahil ibang babae ang sinundo niya at hindi ako.

Napahawak ako sa aking dibdib ng makaramdam ng sakit dito parang pinipiga nito ang puso ko at hindi ko namalayan na may tumulong luha sa aking pisngi kaya agad kong pinunasan ito.

Agad akong tumigil at nilabas ang cellphone ko ng makitang may tumatawag. Hindi naka rehistro ang numero nito sa cellphone ko kaya kahit na nag aalinlangan ay sinagot ko ito.

"Hello.." sambit ko at nakarinig ako ng hikbi sa kabilang linya.

"I-ikaw b-ba.. Si Sariah?" Humihikbing tanong nito. Pamilyar ang boses nito.

"Opo, sino po sila?" Tanong ko.

"Ako ang mommy ni Leanne." tugon nito na nagpakaba sa akin.

"A-ah.. Hello po, ano pong maitutulong ko sa inyo?" nahihiya kong tugon dito.

"Pwede ka bang pumunta dito sa bahay? Kanina pa kasi siyang hindi lumalabas sa silid nito at kanina pa kami nag aalala sa kanya." Naiiyak nitong sabi.

"S-si.. L-leanne p-po?" Nauutal kong sabi. Anong nangyayari sa kanya? Kaya ba hindi ito pumasok?

"Oo, pwede ka ba ngayon?" Tanong nito.

"Opo, wala rin naman po akong pasok."sabi ko sa kanya.

"Salamat hija, nasaan ka ba ngayon at pupuntahan ka nalang ng driver diyan."

"Nandito lang po ako sa waiting shed."

"Okay, salamat hija.." sambit nito at nang wala na ito sa linya ay bumuntong hininga ako. Nag-aalala na ako kay Leanne kung bakit ganito ang inaasal niya ngayon.

Napatingin ako sa kotseng pumarada sa aking harapan at nakita ko si manong Edel na driver nila Leanne.

"Halika na, hija.. Kanina pa naghihintay si ma'am Lorraine sa'yo" sambit nito kaya agad na akong sumakay dito at kinalimutan ko muna yung nakita ko kanina.

Pagkarating namin sa bahay nila Leanne ay agad na akong lumabas at hindi na ako sinamahan ni manong na pumasok sa bahay dahil nakapunta na rin naman ako dito. Yun ngalang kapag pumupunta ako dito ay wala ang parents ni Leanne kaya ngayon ko lamang sila makikita.

Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung strikto ba ito o mabait? Katulad sa mga teleseryeng nakikita ko na ang mayayaman ay matapobre pero hindi naman yata ganon ang mama ni Leanne dahil nakausap ko ito kanina sa telepono.

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa kanilang front door at nakita agad ako ng isang kasambahay nila kaya agad niya akong dinaluhan.

"Hinahanap mo ba si ma'am?" Nakangiti nitong sabi at tumango ako sa kanya.

"Halika, kanina ka pa niya hinihintay." sambit nito habang ginagabayan ako kaya sumunod na lamang ako. Nang makarating kami sa sala ay nakita ko agad ang isang babaeng nakaupo at napahanga ako sa mukha nito dahil ang bata pa. Ganito ba talaga kapag mayayaman? Magaganda ang kutis?

"Ma'am, nandito na po siya." sambit ng kasambay na kasama ko kanina kaya agad namang lumingon sa akin ang mama ni Leanne.

"G-good afternoon po ma'am." Naiilang kong bati sa kanya. Ngiti ang sinukli nito sa akin at Nagulat ako ng yumakap ito sa akin.

"Finally, na meet rin kita, don't call me ma'am, tita nalang ang itawag mo sa akin." sabi nito at kinalas na niya ang kanyang yakap sa akin. Naiilang na ngumiti ako sa kanya.

"Okay po."

"Pwede ka nang umalis at iwan mo na kami dito." sambit niya sa isang kasambahay na kasama ko kanina at agad naman itong umalis.

"Halika, maupo muna tayo." sabi nito kaya sumunod ako sa kanya.

"I'm happy na may kaibigang mabait na katulad mo si Leanne."

"Mabait rin po si Leanne kaya nagkakasundo po kami." Nakangiti kong sambit at tumango ito sa akin.

"Matagal ka nang kinikwento ni Leanne sa amin pero wala kaming time na makita ka dahil sa mga business trip namin ng daddy niya." Sambit nito.

"Okay lang po." tugon ko sa kanya at napatingin ako sa kamay niya ng hinawakan nito ang kamay ko.

"H-hindi ko alam kung bakit nitong mga araw ay iba ang kinikilos ni Leanne at nag simula lamang ito nang...." malungkot nitong sabi at hindi niya matuloy tuloy ang sinasabi nito.

"Simula po nang ano...?"

"Simula ng sinabi ko sa kanyang lilipat na kami sa states dahil palagi siyang naiiwan dito." Malungkot nitong sabi at nagulat ako sa aking nalaman. Lilipat na sila?

"K-kailan p-po k-kayo l-lilipat?" Nauutal kong sabi.

"Kapag nasa 3rd year college na siya ay plano na naming umalis ng bansa."

"Malapit na po pala, isang taon nalang..." Malungkot kong sabi. Next month na ang aming finals exam at huling semester na ito kaya ilang buwan nalang mag sesecond year na kami.

"Pwede mo bang puntahan sa silid si Leanne?" sabi nito at agad akong tumango.

"Ihahatid nalang ni Betsy ang snack ninyo. Ikaw nalang ang bahala kay Leanne at may aasikasuhin pa ako." Sambit nito kaya Napa tango ako at umalis na ito sa aking harapin.

Humakbang na ako papunta sa room ni Leanne at kumatok dito pero walang sumasagot.

"Leanne, si sariah 'to..." Tawag ko sa kanya at ilang minuto lang ay pinagbuksan niya ako. Nagulat ako dahil namumugto ang mata nito.

"L-leanne..." gulat kong usal. Tumalikod ito sa akin at bumalik sa kanyang pagkakahiga. Napabuntong hininga ako at sinara ang pintuan. Hindi ko na alam ang nangyayari kay Leanne at nalulungkot ako dahil wala akong magawa para pawiin ang sakit na nararamdaman nito.

***

Continue Reading

You'll Also Like

357K 6.8K 52
When your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tangga...
22.3M 716K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
23.6M 598K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
13.2M 554K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...