Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

715K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With Bataan

10.9K 313 19
By AlbertLang

CHAPTER 24

Gorilla na sana ang kantang magpapaalala sa akin sa mga halik ni Gabriel. Buong oras na magkayakap kami kanina at magkadikit ang aming mga katawan at mga labi, iyun ang paulit-ulit na tumutugtog. At gusto ko iyun. Pero parang hindi na lang pala.

Si Jessie ang tumatawag.

"Why busy?" tanong ni Jessie.

Hindi ako nagsalita.

"Huy? Sagot!" may tigas ang kanyang pagkakasalita.

Huminga na muna ako nang malalim. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Dropped.

Hindi ko kailangang sumagot kay Jessie.

Tumalikod na ako para bumalik sa kama. Si Gabriel naman, nakatayo na sa pinto. Nagring muli ang phone ko. Gorilla ulit ang tumugtog.

"Awwww," sabi ni Gabriel. "Im not part of the special ring tone club."

"Sorry," sabi ko.

"It's okay," sabi ni Gabriel. "Ano ba naman ang paghihintay pa? Ang mahalaga, nahahalikan na kita. Nang ganito."

Lumapit sa akin si Gabriel at hinalikan muli ako, pabagsak sa kama at paikut-ikot muli.

Tumugtog ulit ang Gorilla. Pinigil ko muna si Gabriel.

"You have to take that call?"

"Nope," sabi ko.

Pinatay ko ang telepono at bumalik sa kama. Tumayo si Gabriel para salubungin ako. Hinila ako at bumagsak kami sa kama. Sa pagbagsak namin, nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa mga mata ko. Muli, nagsalubong ang aming mga labi.

Hindi tumigil si Gabriel nang pag-iisip ng paraan para makumbinsi si Mama na huwag na akong pabalikin sa mansion. Nagawa na kasi ang renovations sa guest room. Pwede ko nang i-occupy.

Madaling araw, wala nang hila-hilamos, naghintay kami sa tapat ng isang building sa Eastwood. May tig-isa kaming kape ng McDonalds. May naisip na naman si Gabriel. Noong ginising niya ako, medyo hindi ko pa naiintindihan pero sumunod na lang ako. 

Tiwala lang. Pero nang ang kotse niya ay sumampa na sa flyover ng Katipunan, alam ko na. Magugustuhan ko nga ang gusto niyang mangyari.

Bago pa maubos ang kape ko ay lumabas na si Mama. Sumalubong.

"Sorry, tita," sabi ni Gabriel. "Hindi ko alam kung anong kape ang gusto ninyo."

"It's okay," sagot ni Mama. "Okay nang pampagising itong anak ko."

Yumakap sa akin si Mama. "Itong anak ko, anlandi-landi. Ang aga-aga makipag-live-in."

Pagkabitaw niya ay naglakad na kami patungo sa kotse ni Gabriel.

"Ma," sabi ko. "Hindi naman kami nagli-live-in."

"Chika lang," sabi ni Mama. "At hindi ako papayag. Ang babata pa ninyo. Hindi dahil walang mabubuntis sa inyo e papayagan ko na kayong gawin ang mga..."

"Not yet, Tita" sabi ni Gabriel. "I Promise. Hindi pa ako sinasagot ng anak ninyo e."

"I love it," sabi ni Mama. "Ganyan kaming mga Bautista, façade lang namin ang kalandian pero hindi namin agad-agad isinusuko ang Bataan."

"Twenty ka lang kaya nung nabuntis ka ng tatay ko,"

"Gusto mong pag-usapan natin ang tatay mo?" tanong ni Mama.

"Okay na po," sagot ko.

Dumeretso kami sa unit ni Gabriel. Sumabay na lang ako sa mga plano ni Gabriel. So far, nae-enjoy ko naman. Naupo kami sa dining area. Nagtimpla ng kape si Gabriel para sa aming tatlo. May tinapay na rin at palaman siyang inihain.

Magkatapat kami ni Mama, nagkakape, kwentuhan tungkol sa mga achievements niya sa call center at kung gaano siya kasaya sa bahay ni Tito Raul, at ako, kung gaano kadali ang buhay ko sa bahay ni Gabriel.  

Matapos ang ilang sandal, mainit na ang sinangag at may mga fried ham and eggs na. Umupo na sa tabi ko si Gabriel.

"Wow, thanks chef Gab. But let's go to business," sabi ni Mama na parang nag-iba ang tono. "Formality lang naman ito. Ayoko kasing isipin na nagli-live-in kayo, kaya..."

"Ma? Gabriel?" sita ko. "May na-line up na ba kayong discussion points bago tayo magkita-kita?"

"Uy, ang Alex ko," sabi ni Mama. "Humihirit na. In fairness sa'yo Gab. You're bringing out the best in my bagets."

"Thanks," sabi ni Gabriel. "And so he is to me."

"Huwag tayong magbolahan," singit ko. "Nag-usap na kayo, 'no?"

"Tinawagan ako ni Gabriel kagabi," sabi ni Mama. "Gusto daw niya na magkita tayo ngayong umaga, para daw hindi na kita namimiss habang doon ka nakatira sa kanya. Good idea naman, briliant naman pala talaga ito, sagutin mo na, chika lang... pero diba, kung magkikita nga naman tayo..."

"Ma," singit ko ulit. "Focus. Ano nang napag-usapan ninyo?"

"E papunta na nga ako dun, kung hindi mo ako siningitan," sabi ni Mama. "Iyun na nga. Maganda nga na nakatira ka sa kanila, pero parang ayokong nakikitira ka sa kanya. Mukha kayong nagli-live-in. So, we need to pay him. Rerenta ka na sa kanya, bedspacer kumbaga. Like that. Diba, para malinis ang usapan."

"And I think that's a good idea as well," sabi ni Gabriel. "Even your kuya Albert thinks so, too."

"Ito naman," may inilabas na card si Mama. "Para hindi ka na mahirapan, ayan, nakasulat na dyan ang password, baguhin mo na lang."

May atm card na ako. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nagningning ang mga mata ko. Tumayo ako at niyakap si Mama.

"Alam ko naman kasing hindi na ako laging nandyan para sayo, una, dahil imposible yun, lumayo ka nga sa akin, e, pero drama aside, alam ko rin na college ka na, may mga issues ka na, na gusto mong solohin. Pero hindi kita tinataboy ha, mahal na mahal kita anak, pwedeng pwede ka pa ring lumapit sa akin. Go lang, anak, push lang, lapit ka lang sa akin at kering keri natin yan. Wala na ako palagi sa tabi mo, pero promise anak, isang tawag mo lang, darating ako."

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ni Mama.

Hindi naman ako manhid. Humihinga na rin ako ng malalim. Nagpipigil na rin ako ng luha. Pero iyun, tumulo na rin, hindi ko napigilan.

"Mahal na mahal din kita, Ma," sabi ko. "Alam mo naman yan. Ito na ba ang start ng regular na pagsasabi ng I love you sa isa't-isa?"

"Oo," sabi ni Mama. "Yung I love you na live na live worldwide. Hindi text-text lang."

"Pero, Ma," sabi ko. "Lagi kitang kailangan. Hindi darating ang panahon na hindi kita kakailanganin. Kaya huwag kang mawawala, ha."

"Hindi naman ako mamatay, anak," sabi ni Mama at pinunas ang mga luha niya. "O siya, enough is enough. Tama na ang drama na to. Panira ng make-up, buti at uuwi na lang ako."

Buong umaga si Mama sa bahay, nanood kami ng DVD, kwentuhan pa. Bumaba siya ng condo, namalengke at nagluto ng lunch. Pagkatapos ay kumain kami. Kwentuhan pa rin. Hanggang sa magpaalam si Mama. Nasa baba na daw si Tito Raul, sinusundo na siya. Gusto ko man si Mama na dito na lang din sa bahay ni Gabriel, gusto ko ring maging masaya si Mama. Si Tito Raul ang nakapagbibigay noon sa kanya.

Malinis na ang bahay pag-akyat ko. Nakaupo na si Gabriel sa sofa at nanonood ng TV. T-shirt at jeans pa rin. Hindi pa nagpapalit mula nang sunduin namin si Mama. Ako, shorts at shirt. Ito rin ang suot ko kanina pa. Tumabi ako sa kanya. Hindi siya gumalaw. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Thank you," sabi ko na hindi tumitingin.

Lumingon siya sa akin.

"That's it?" sagot niya na may kakaibang ngiti.

Umiling ako. Atsaka ko siya niyakap nang mahigpit.

"Thank you," ulit ko.

"That's it? Thanks with a tight hug?"

Hindi pa rin binabago ni Gabriel ang pagkakaupo niya.

Hinalikan ko si Gabriel. Humalik din siya. At napahiga na kami sa sofa.

"You're welcome," at ngumiti na si Gabriel.

Natunaw ako. Parang kailangan ko pang magpasalamat ulit para sa sandaling iyun. Salamat Gabriel.

"You're welcome, again," sabi ni Gabriel.

"Huy, wala akong sinasabi," sabi ko.

"But your eyes are thanking me."

"Yes they are."

Huminga ako nang malalim. Kumunot ang noo ni Gabriel.

"That, I don't know kung anong ibig sabihin," sabi niya.

"Gabriel?" sabi ko. "Medyo matagal-tagal na kasi tayong naghahalikan. Hindi naman sa hindi ko gusto yun. Gustung-gusto ko nga. Pero ayus lang ba 'yun?"

"Fine by me," sabi ni Gabriel. "Ayaw mo na ba?"

"Gusto pa," sagot ko.

"Good. I would have been very disappointed otherwise."

"Pero okay lang ba talaga yun? Naghahalikan tayo, magkayakap tayo matulog. Andami mong ginagawang nagpapasaya sa akin..."

"Where is this leading to?"

"Eh hindi pa kasi TAYO. Okay lang ba 'yun?"

"I'm cool with whatever you want. But I think it is much okay if TAYO na. Gusto mo na ba?"

Inilabas ko ang telepono ko. May binago nang kaunti sa setting. Tapos inilagay ko sa mesa. Matapos noon, lumapit ako kay Gabriel. Yumakap. Humalik. Hindi naman ako binigo ni Gabriel. Mas mainit ang mga halik niyang ibinalik sa akin. At ang kanyang yakap, mas mahigpit.

Nahiga muli kami sa sofa. Ako, nakahiga, siya, nakapatong sa akin. Ang isang kamay niya ay pumailalim na sa likod ko, at ang isa sa aking batok, tinitiyak na hindi bibitiw ang aking pagkakahalik sa kanya. Damang-dama ko ang init nang malalambot niyang mga labi. Ang kanyang dila, nilalasap ang aking bawat halinghing.

Hindi ko na matiis. Hinawakan ko ang kanyang harapan, ang kanyang katigasan. Napahinga siya nang malalim nang gawin ko iyun. Napadilat siya. Nakatitig sa akin. Nagtatanong. Alam ko ang isasagot.

Hinawakan ko ang kanyang damit at sinimulang itaas. Pero hinawakan niya iyun, pinigilan ako.

"Gusto mo na ba?"

Nakangiti ako. Huminga muna nang malalim pang isa. Tumango.

"Gusto ko na."


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

727 78 3
Ethan Corpuz is a typical college student who's still not over his first love yet. He is silent and never speaks unless called. He is living his coll...
27.9K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
581K 10.8K 49
Ang crush ko naman talaga ay ang sincebirth bestfriend ko. Ang alam ko straight ako gaya ng ruler, pero noong nakilala ko si Alexdoberman naging stra...
22.5K 742 35
Since he was young, Khaydel De Luna vowed to his parents that he would do everything to achieve the dreams that they wanted for him. With the pen and...