Perfect Couple 2: Mr. Broken...

By FirstLoveLasts

97.4K 2.6K 226

They met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 [The End]
Epilogue

Chapter 58

880 25 13
By FirstLoveLasts

-SUGAR-

Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa tabi ko at nagmamaneho si Klint.

Patay ang aircon ng sasakyan pero ramdam ko pa rin ang malamig na hangin na humahaplos sa mukha ko.

Napangiwi ako. Bakit kasi ang windshield pa ang napagtripan kong basagin?

Nilingon ko si Klint. Seryoso siya habang nagda-drive at hawak ng isang kamay niya ang hita ko.

Mukha siyang pagod at hapong-hapo pero ito siya at ihahatid pa rin ako.

"I'm sorry I broke your windshield," mayamaya ay sabi ko para mabasag ang katahimikan.

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya at pagkatapos ay tinapunan ako ng mabilis na tingin.

"Ang windshield, napapalitan. Pero ikaw, hindi. Kaya kahit na basagin mo pa pati ang mga bintana o tanggalan mo pa ng gulong ang sasakyan ko, hahanapin at hahanapin pa rin kita, Blade. Dahil ayaw ko nang maranasan muli ang naranasan ko noong muntik ka nang mawala sa akin. Masyadong masakit. Nakakabaliw sa sakit."

Nakita ko kung pano'ng nagkalambong ang mukha niya.

Kikiligin na sana ako nang bigla siyang magsalitang muli.

"At nakakasira ng kagwapuhan. Kaya pakiusap, babe, making ka na sa akin, ha?"

Hindi ko na napigilan at bumunghalit ako ng tawa.

Hanggang ngayon isang palaisipan pa rin sa akin kung pano'ng hindi ako natatangay sa hangin ng isang 'to.

"Napakayabang mo, Yuzon," nangingiting sabi ko at itinaas yung dalawang paa ko sa dashboard.

Nakita ko kung paanong sinundan ng tingin ni Klint ang mga hita ko at pagkatapos ay napalunok.

"B-blade, ibaba mo nga iyan. Nakaka-distract ka," he said as he licked his lips.

Napangisi ako.

"Kahlil Anthony," tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Your place or mine?"

Nagulat ako nang biglang lumihis ang sasakyan kaya napahawak ako nang mahigpit sa seatbelt na suot ko.

Pero agad ding naibalik sa ayos ni Klint ang takbo ng sasakyan.

"Yuzon! What the heck?!"

"Damn, woman. Huwag ka kasing magtanong nang gano'n kapag nagda-drive ako!" he hissed under his breath.

Mayamaya pa ay bumagal ang takbo ng sasakyan at pagkatapos ay tuluyang itinabi na niya iyon sa kalsada.

"You're serious, right?" nagniningning ang mga matang baling niya sa akin.

Hinawakan ko ang baba ko at pagkatapos ay umaktong parang nag-iisip.

"Hmm... On the other hand—"

"My place. Please, babe?" pakiusap niya at hinawakan pa ang dalawang kamay ko.

Mukha siyang maamong aso sa hitsura niya talaga pag nagmamakaawa. Sobrang cute!

"Okay. Bayad ko na rin sa pagsira ng sasakyan mo," nakangiting pagpayag ko.

But more than that, I owe him for not leaving my side kahit pa noong nalaman niya kung sino si Vince sa buhay ko.

Akmang hahalikan niya yung mga kamay ko nang bigla siyang tumigil at napakunot-noo.

Pagkatapos ay may kinalkal siya sa bag ko. Nangunot ang noo ko nang kinuha niya ang hand sanitizer ko at pagkatapos ay halos ubusin niya iyon sa mga kamay ko.

Hinampas ko ang kamay niya.

Gago 'to, ah.

"Hindi marumi ang kamay ko!" usal ko habang binabawi ko ang mga iyon sa pagkakahawak niya.

"Marumi iyan. Hinawakan niya ang mga kamay mo kaya marumi na ang mga iyan," sabi niya at nanggigigil na kinukuskos ang mga ito.

Hindi ko na napigilan at natawa ako.

"Seryoso? Napakaseloso mo!"

Tiningnan niya ako nang tuwid sa mata.

"Hindi lang ito pagseselos. Akin ka, Blade. At ayaw kong may ibang humahawak ng kamay mo," seryosong sabi niya.

Naiiling na hinawakan ko ang likod ng ulo niya at hinila iyon palapit sa mukha ko.

"Hawak mo naman ang buong puso ko kaya wala ka nang dapat ikaselos, Yuzon," sabi ko at hinalikan siya.

I heard him groan before he responded to the kiss and took over.

"I love you, Klint... and thank you," I said in between kisses.

"Damn... I love you more, Blade. Let me show you how much. My place, alright?" aniya bago binuhay muli ang makina ng sasakyan.

Kahit na anong bigat ng pangyayari ngayong araw, hindi maitatanggi no'n na isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Akala ko habang buhay kong pagsisisihan ang pag-abandona ko sa anak ko.

But today, I have been redeemed. I was able to easily forgive when I thought it was the most difficult thing to do.

It's amazing how that one thing I was so scared to do will be the same thing that freed me.

Ngayon, masasabi kong kaya ko nang mahalin nang buo ang lalaking ito na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako.

Just you wait, Klint. I'll make you fall even deeper. Hanggang sa pareho na lang tayong malunod sa kawalan.

-MYCA-

"Sigurado kang hindi ka na dito matutulog? Pwede naman tayong magsabi kina Dad. I'm sure papayag sila," sabi ko kay Vince.

Magkahawak-kamay na hinatid ko siya sa labas ng bahay.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, dinala kaming lahat ni Daddy Kai sa isang restaurant at pinakain kami.

Kung noong una ay balot na balot ng katahimikan ang sasakyan, kabaligtaran no'n ang nangyari nung kumain kami.

Unang beses na nakita ko si Mine na tumatawa kasama ni Vann at ang tatay niya.

Kung tutuusin, pareho kaming outcast ni Klint sa grupong iyon.

Wala kami noong panahong pinagdaanan nila ang bangungot na iyon.

Pero simula nang hawakan ni Vince ang kamay ko noong nasa sementeryo pa kami, hindi na niya iyon binitawan, na para bang sinasabi niyang manatili lang ako sa tabi niya.

Pagkatapos no'n ay hinatid kami pabalik sa kompanya nina Vince. Sina Klint at Sugar ay sumakay sa sasakyan nilang basag ang windshield habang si Vann ay binalikan ang sasakyan niya.

Si Vince naman ay nagprisintang ihatid ako kaya pinauna na lang namin si Kuya Edu.

"Hindi na. Nakakarami na ako kay Tito, baka bumingo na ako," sabi lang niya.

"Hmmm. Sa akin ba ayaw mong makarami para bumingo na tayo?" maluwang ang ngiting pagbibiro ko.

Humarap siya sa akin at pagkatapos ay pinitik ako sa noo.

"Inunahan mo na naman ako. Bukas ka sa akin, Mine."

Ako naman ang napatanga ngayon sa kanya.

He was grinning from ear to ear!

Sobrang luwang ng ekspresyon ng mukha niya ngayon. Bumata siyang tingnan... ng mga isang linggo.

"B-bukas?"

Nakangiting tumango siya at pagkatapos ay hinila ako palapit sakanya.

"Aayain mo dapat akong mag-date ngayon, di ba? At dahil hindi iyon natuloy ngayon, gusto mo bang ituloy bukas? Tutal Sabado naman... wala ka namang pasok, di ba?"

Inaaya akong mag-date ni Vince! Hala! Yung saya ko parang nung unang beses na inaya niya akong lumabas!

"Kahit pa may pasok ako bukas, magfa-file ako ng leave kay Dad makasama ka lang!" excited na sagot ko.

He laughed and looked at me while hugging me.

"Then it's a date, Myca," ngiting-ngiting sabi niya at dinampian ako ng halik sa labi.

"Kaso... ikaw may pasok bukas..." biglang sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Huh? Wala akong pasok—"

"May pasok ka sa akin," nakangising putol ko sa sinasabi niya.

Unti-unting nabura yung kunot sa noo niya at napalitan iyon ng halakhak nang mapagtanto niya kung anong gusto kong sabihin.

May panggigigil na niyakap niya akong muli.

"Ikaw talaga. Seriously, ano-ano ba ang nire-research mo, ha?"

"It's for me to know and for you to find out," sabi ko at humagikgik.

"Hmmm..."

Natigilan ako nang bumaba yung ulo niya sa tenga ko at may binulong.

"Hindi ka pa ba buntis, Mine?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Huh?! Hindi pa! Bakit? Pa'no mo nasabi???"

"Para kasing tumataba ka... at bumibilog..."

Ahhh... Vince, ha! Nag-research ka rin!

"At unti-unting nagiging mundo mo? Nako, Mine! Lumang pick-up line na 'yan. Meged ka! Galingan mo pa ang pag-research!"

Mahinang natawa siya.

"No, Mine. Hindi ito pick-up line... Uhm, nagkakalaman ka talaga," aniya at pagkatapos ay hinawakan ang tagiliran ko at pinisil.

"See? Dati wala akong mapipisil dito. And I know your body more than you do," dagdag pa niya.

Pakiramdam ko tumaas ang init sa mukha ko. Mas alam ko rin ang katawan niya kesa sa mas alam niya iyon. Quits kami!

Pero teka... sinasabihan niya akong mataba. Hindi ko iyon matatanggap.

Mabilis na humiwalay ako ng yakap sakanya.

"Sinasabi mo bang mataba na ako? Ayaw mo na sa akin dahil mataba na ako?" naiiyak na sabi ko.

Hindi ko alam pero medyo na-hurt ako sa sinabi niya. At hindi ko alam bakit pakiramdam ko naluluha ako!

"Hey, Mine. Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. I'm just saying na baka buntis ka na. Na baka nabuntis na kita."

Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan iyon.

"Kasi kung oo, isasama ko na si Dad sainyo at mamamanhikan na kami ora mismo," nakangiting sabi niya.

Ang saya sana nun! Ang kaso alam ko namang hindi ako buntis. At alam ko ring medyo bumilog ako.

Kahit masakit aminin, alam kong tumaba talaga ako.

Kasi naman tuwing nami-miss ko si Vince, idinadaan ko sa pagkain ang pangungulila ko sakanya.

Akala ko hindi niya mapapansin.

"Hindi ka pa mamamanhikan kasi hindi pa ako buntis... tumaba lang talaga ako, Mine," nakayukong sabi ko.

Pakiramdam ko tinubuan ako bigla ng insecurities sa katawan.

"Hmmm... we'll see about that," sabi niya.

He touched my chin and lifted my face. Hinaplos niya ang pisngi ko habang diretsang nakatingin sa akin.

"Pero kahit naman hindi ka pa tumaba at bumilog, ikaw na ang mundo ko, Myca. So, cheer up and look forward to our date tomorrow, okay?"

Ahhh... Ginamit niya pa rin yung pick-up line pero sa ibang paraan. 'A' for originality!

Nakangiting tumango na lang ako.

"Anyway, I should get going. Sleep early, okay? Good night, Mine," he said and kissed me on the forehead.

He let go of my hand and walked to his car.

"Good night, Mine. Ingat ka sa pagda-drive, okay?"

"I will. See you tomorrow?"

"Uh-hmn! See you!" sabi ko at bahagyang kinawayan siya.

Binuksan na niya yung pinto ng kotse pero bago pa siya tuluyang pumasok, tiningnan pa niya akong muli.

"Myca?"

"Po?"

Kinikilig ako. Parang ayaw niyang umalis talaga. Dapat kasi dito na lang siya matulog para tabi kami at hindi na ipagpabukas ang date nina Vinci at Mikee.

"I love you."

Awtomatikong lumuwang ang ngiti ko at tumahip ang dibdib ko. Ang sarap-sarap pakinggan ng mga katagang iyon mula sa taong mahal mo.

"I love you, too!" 

"Myca."

"Po?"

"See you tomorrow?"

Natawa na ako. Para kaming mga tanga! Kanina pa kami nagpapaalaman pero walang nangyayari.

"Opo. See youuu!" sagot ko at kinawayan ko na siya ng dalawang kamay.

Tumawa siya at pagkatapos ay sumakay na sa kotse.

Umikot ako sa kung saan siya banda. He rolled the window down.

"Mine?" tawag ko.

"Yours," sagot niya at pagkatapos ay hinila ako palapit at mabilis na hinalikan sa labi.

Akala ko hindi niya gagawin, eh! Nakakabitin kaya yung halik lang sa noo!

Marahang binitiwan niya ako at pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan.

"Go inside now, okay? Good night!" aniya at mabagal na pinatakbo na niya iyon.

Hindi ako pumasok hangga't naaabot pa ng paningin ko ang sasakyan niya.

At nang tuluyan na iyong maglaho sa paningin ko, sa kalangitan naman ako tumingin.

Sobrang liwanag ng buwan at nagniningning yung mga bituin kasi walang kaulap-ulap.

Bakit iba sa lahat ang araw na ito? Ang gabing ito?

Huminga ako nang malalim. Sobrang sarap lang sa pakiramdam.

"Sa ilalim ng puting ilaaaaawwww... sa dilaw na buwannnnnn~"

Napamulat ako nang marinig ko ang nakakapanindig balahibong boses na iyon.

"Len! Grabe ka, ginulat mo ko! Kanina ka pa ba diyan?"

"Medyo lang, Ma'am Myca. Di ko naman narinig na may date kayo bukas ni Sir Vince."

Napahalakhak ako.

"Len... paturo pa ng mga alam mo, ha? Mag-research tayo ulit," sabi ko at kumapit ako sa braso niya at sabay na kaming pumasok sa loob.

Kailangan ko ng matinding paghahanda para sa date ko bukas!

Fighting!

Continue Reading

You'll Also Like

Warak By DyslexicParanoia

Mystery / Thriller

1.7M 25.8K 24
Standalone [Completed] Language: Filipino Don't mess with someone who has nothing to lose. [Official Website] www.warak.dyslexicparanoia.com [Editor...
1.8K 245 35
#1: Ezequiel Chase Robles Ezequiel Chase Robles was a seemingly normal high school student until he slowly began to discover he had a multiple person...
194K 5K 59
Para sa mga nerd, sa mga taong walang tiwala sa sarili. Mga taong may matatabang katawan. May talino, at sa mga hambog na lalaki. Konting payo lang b...
307K 4.6K 106
Si Ikay, di pinoproblema ang Love life, eh wala naman siya nun eh SINCE BIRTH! Kaya lang, halos lahat naman ng tukso sa kanya rin binabato at Sawang...