Perfect Couple 2: Mr. Broken...

By FirstLoveLasts

97.4K 2.6K 226

They met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 [The End]
Epilogue

Chapter 47

901 27 0
By FirstLoveLasts

-VINCE-

"Kuya?"

Napatingin ako kay Vann na pupungas-pungas na lumabas ng kwarto niya.

"Oh, bro. Tinanghali ka ng gising, ah. Nauna na akong kumain kanina. Initin mo na lang yung ulam."

Tumango lang siya sa akin bago nagpunta sa dining area.

Narito ako ngayon sa sala at nagtitipa sa laptop ko. I'm still trying to find ways paano makapag-invest kina Myca without telling her Dad.

Hindi ako makapag-focus kapag nasa kwarto dahil laging nakikita ko si Myca sa apat na sulok ng kwartong iyon. There were just too many memories and it's killing me.

Wala pa kaming bente kwatro oras na naghihiwalay pero sobrang hunghang na ng pakiramdam ko.

"Bakit narito ka pa, Kuya? Di mo ba pupuntahan si Myca ngayon?"

"Hmm? Hindi muna. Myca needs to catch up with her parents. I want to give them some time alone. Bakit? Gusto mo ba siyang puntahan?"

"Pwede?"

Natawa ako.

"Pwede naman. Pero kapag pupunta ako, dun kita isasama."

"KJ," bulong niya bago nagsimulang kumain.

"By the way, saan ka galing kagabi, Vann? Di ko na alam kung anong oras ka umuwi."

"Really, Kuya? Dati naman hindi ka nagtatanong, ah."

"Alam ko yung pakiramdam ng broken-hearted kaya nag-aalala lang ako sa'yo," nakangising sabi ko.

Akala ba niya nakalimutan ko nang niyakap niya sa harapan ko si Myca at sinabihan ng I love you?

"Whatever, Kuya. Hindi ako emosyonal gaya mo. And to answer your question, I was at Gwen's place."

Napatango na lang ako at hindi na nagtanong pa.

I don't want to butt in on his affairs unless he asks of me to do so.

"Kuya, how's Myca? Uhm, kumusta yung parents niya?"

"Apart from almost fainting from the punch her father gave me, everything went smoothly. Mabait yung mga magulang niya at mahal na mahal siya so you don't have to worry about her. I'm sure masaya siya ngayon," nangingiting sabi ko.

"Mabait naman pala, buti kailangan niya pa silang takasan no'n?"

"You know Myca. She's impulsive. Pero buti na lang din tumakas siya no'n. Kung hindi, hindi sana natin siya makikilala ngayon."

"Hmm... Sabagay."

Mayamaya pa ay umupo siya sa kabilang sofa at binuksan ang TV habang may dala-dalang isang slice ng cake.

Yun ba yung iniwan niyang regalo kay Vann?

That woman! Bakit sa akin, undies niya yung iniwan niya?! Gusto niya ba akong baliwin lalo sa pagka-miss sakanya?

I'll keep in mind to punish her later for what she did.

"Kuya..."

"Yes?" sabi ko nang hindi tumitingin sakanya.

"Kuya, we're on the news."

Kunot-noong napatingin ako sakanya. Nakanganga siya habang pinapanood ang kung ano mang nasa TV.

"We're on the fucking news!" he exclaimed.

Mabilis na tiningnan ko ang pinapanood niya. Balita nga iyon.

At sa balitang iyon, pinakita ang iba't ibang pictures namin ni Myca na magkasama.

Nariyang kalalabas lang namin ng bahay, nasa mall, nasa parke, nasa restaurant.

Pero hindi lang iyon ang mga litratong nasa balita.

Mayroon din silang litrato ni Vann. Nasa isang shop, isang salon, paakyat ng condo.

And the pictures were taken in a way that they will appear malicious.

I started breathing heavily. Halos ibato ko ang laptop na hawak ko sa galit na unti-unting gumagapang sa dibdib ko.

Parang may pumitik na kung ano sa ulo ko lalo na nang ilabas ang headline ng balita.

BREAKING NEWS!

Glen Henarez calls off engagement and wedding with Myca Lee! Lee: caught having an affair with two guys! And what's more shocking? She's living with these two in one house!

Putangina! Ipapakulong ko ang tanginang naglabas ng basurang balitang iyon!

Mabilis na isinara ko ang laptop at tumayo.

I need to see Myca. Fuck. I can't let her see this shitty news alone.

"Kuya, can I come?" pagsunod sa akin ni Vann.

Tinanguan ko na lamang siya.

"You drive," sabi ko sabay hagis sakanya ng susi ng kotse. Dahil sa lagay ko ngayon at panginginig ng kamay ko sa sobrang galit, hindi ko alam kung makakapag-drive pa ako nang maayos.

Wait for me, Mine. I'll send that bastard to hell.

-MYCA-

"Dad?" mahinang tawag ko sa Daddy ko habang tahimik na kumakain kami ng almusal.

"Yes, Myca?" sabi niya at sinimsim yung kape niya.

"Can I come with you today? I want to visit the company."

Tiningnan niya ako.

"Are you really sure about this, anak? I don't want to put pressure on you."

"Dad, para saan pa at pinag-aral niyo ako sa magagandang school kung hindi ko gagamitin iyon para matulungan kayo, diba?"

They wanted me to take a course related to my hobbies, but I took up Business Administration instead because I genuinely wanted to help my Dad expand his business.

He sighed.

"If that's really what you want. Eat up, we'll go to the office together," sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nginitian lang si Mom na tahimik lang na nanood sa amin.

Ganito pala kapag nasasabi ang lahat ng nararamdaman, kapag nakakapag-usap nang maayos.

Pagkaalis ni Vince kagabi, nagkaroon kami ng heart-to-heart talk ni Dad.

"Dad?" mahinang tawag ko nang pumunta ako sa study room niya.

Nagtaas siya ng tingin. He removed his reading glasses and smiled at me.

Tumayo siya at pagkatapos ay ibinuka niya ang dalawang kamay.

"Come here, Myca."

Umiiyak na tumakbo ako papunta sa kanya at mahigpit na niyakap siya.

Bumuhos bigla lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Saya dahil tanggap pa rin nila ako. Lungkot dahil nagawa ko iyon sa kanila. Pasasalamat dahil may dahilan kung bakit nangyari ang dapat mangyari.

Naramdaman kong hinahaplos niya yung likod ko at yung buhok ko.

"D-dad, I-I'm sorry. I'm so sorry," humahagulgol na sabi ko.

"Shhh... Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo, anak. Patawarin mo ang Daddy kung pinilit kita sa isang bagay na hindi mo gusto. I just wanted the best for you, and I thought having you marry Glen would be the best thing. I'm sorry, my princess."

Lalo akong naiyak. I should have known that Dad won't let me do things na ikapapahamak ko.

I was just too childish and brattish to understand them.

"I love you, Daddy," parang batang sabi ko at hinigpitan ko pa yung yakap ko sakanya.

"Mahal na mahal din kita, Myca, anak. At kung si Vince ang nagpapasaya sa iyo, mamahalin ko rin siya para sa iyo."

I cried even harder! Hindi ko na isusumbat sakanya kung bakit niya sinuntok si Vince.

"What's this? Kayo lang yung may reunion?" biglang singit ng boses ni Mom.

Dahan-dahang bumitaw ako kay Dad at tiningnan si Mom.

Nakangiting lumapit siya sa amin at pareho ko silang niyakap.

I was so blessed to have them as my parents. And I was glad I have realized this before it was too late.

"I love you so much, Mom, Dad," sabi ko at hinalikan sila sa pisngi at niyakap ulit.

"We love you, too, anak. You are our most precious child."

Nabalik ako sa kasalukuyan nang tumayo na si Dad.

"Are you done yet, Myca? I'll just get ready at tapos pupunta na tayo sa kompanya, okay?"

"Yes, Dad!" masayang sabi ko at tinapos ko na yung pagkain ko.

~~~

Nang makarating kami sa kompanya, hindi magkamayaw yung mga empleyado sa pagtingin sa amin.

Ngayon lang nila ako nakitang isama ni Dad kaya siguradong curious sila.

Kumakaway ako sa mga ngumingiti sa akin.

Pero ang bigat ng dibdib ko. Kasi pa'no kung hindi namin maisalba ang kompanya ni Dad?

Ibig sabihin mawawalan ng trabaho ang lahat ng mga taong 'to.

Which is so unfair! Kaya naman lalong sumiklab yung damdamin kong gagawin ang lahat para lang makatulong.

Wala akong sinayang na oras nang makarating kami sa office. Agad na hiningi ko kay Dad ang latest financial reports at iba pang mga dokumentong kailangan.

I wanted to start looking at them so I could devise some plans.

Isa-isang pinapunta ni Dad ang Head ng bawat Department para i-brief ako sa kalagayan ng bawat isa.

Our company manufactures food and beverage products like coffee, milk, powdered juice, dairies, cereals to name a few.

My dad patiently explained to me the things I don't understand. Kaya kahit ilang oras pa lang ang lumipas, pakiramdam ko sasabog na yung ulo ko sa dami ng impormasyong pumasok sa utak ko.

Napatingin kami ni Dad nang makarinig kami ng tatlong malalakas na katok.

"Come in," ani Dad.

Humahangos at putlang-putlang pumasok sa opisina yung secretary niya.

"Sir Lee, Ma'am Myca, you have to see the news. Mr. Henarez is being interviewed and it doesn't look good," worried na sabi nito at ipinakita ang hawak niyang Ipad.

Kinakabahan na tiningnan namin ni Dad ang pinapakita niya.

It was a live news online at ini-interview nga si Glen.

Pero bukod doon sa mga tanong sakanya, ang higit na nakapanlumo sa akin ay nung makita ko ang mga pictures ko na kasama sina Vince at Vann.

Pakiramdam ko pinupunit ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

How can they do something like this?

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Nandamay na naman ako ng ibang tao. At kasalanan ko lahat ito.

"Mr. Henarez, is it true that you called the engagement and wedding off? So, the merging of your companies will not push through?"

"Unfortunately, yes. I can't let Miss Lee marry me when she clearly has someone she loves, can I?"

Tila malungkot na sagot niya. What a fake! Damn you, Henarez!

"Does this mean you're withdrawing your investment?"

"For us businessmen, business will always be business. I'm sure they have a back-up plan for this. Otherwise, it will be a waste to see one of the top manufacturers in the Philippines go down."

"Did you know that Miss Lee is involved with two guys? That she has two lovers?"

"I can't comment on that. Let's not talk about trivial things, all right? Don't worry, I'm fine. Better than ever."

Hinawakan ko yung kamay ko dahil ayaw tumigil niyon sa panginginig. Sa takot, sa galit, sa kawalan ng magagawa.

"D-dad... what do I do? Dad, w-wala akong ginagawang masama. Hindi totoo yung sinasabi nila. Dad, I'm sorry for dragging you and the company into this..." sabi ko at humagulgol ako sa dibdib niya.

Ramdam ko ang galit niya nang yakapin niya ako.

"Don't cry, Myca. I'll make sure that whoever did this will fucking pay. Let's go home for now, okay?"

"Carmela, cancel all our appointments for today and tell the driver we'll be leaving the office right now. Don't take any calls from the media and tell the guards to not let any of them in," baling niya sa secretary niya.

"Yes, Sir."

At naramdaman ko ang pag-alis niya.

Ilang sandali pa ay inaakay na ako ni Dad palabas ng kompanya. Hindi ko na matingnan sa mga mata ang mga empleyadong kanina lang ay kinawayan ko.

I'm so ashamed. Hindi ko kailanman hiniling na mandamay ng ibang tao.

I just chose myself for once.

Pero bakit kailangang ganito ang mangyari?

"Take that camera away from my daughter! Leave us alone!" galit na sabi ni Dad sa mga media na nasa labas na pala ng kompanya.

Wala akong nagawa kundi umiyak na lang.

Vince... I need you. Please help me.

Continue Reading

You'll Also Like

550K 4.6K 8
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PSICOM. GET YOUR COPY NOW! AVAILABLE ON SHOPEE AND LAZADA. BLURB: Kilala si Yvaine Roxas bilang college student na NBSB...
318K 10.4K 33
Mafia Heirs Series Book 1 Gretel Drinx McNeil.
981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
Chasing Red By MISSL

Teen Fiction

193K 2.9K 59
~She belong's to Him. @2015 @MissLStories