Perfect Couple 2: Mr. Broken...

Por FirstLoveLasts

97.4K 2.6K 226

They met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from... Más

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 [The End]
Epilogue

Chapter 37

979 29 9
Por FirstLoveLasts

-MYCA-

Paglapag namin ng airport, may nakita kaming lalaki na may hawak na placard ng pangalan ni Vince. Isa pala siyang chauffeur ng hotel na tutuluyan namin. Take note, BMW pa yung sasakyang pansundo!

Na-stress ako nang slight. Ang mahal yata nitong binook ni Vann kung may kasamang chauffeur pa!

"Ang laki naman nitong maleta mo, Mine. Parang dinala mo na yung bahay, ah. Wala ka na bang balak umuwi?" nakangiting tanong sakin ni Vince habang inilalagay niya sa likod ng sasakyan yung maleta ko.

"Dinala ko kasi lahat ng sandata ko pang-akit sa'yo, Mine," sagot ko na ikinatigil niya.

Narinig ko ang biglang pagtawa ni Vann. Natawa na lang din ako nang makita kong mamula-mula na yung tenga at mukha ni Vince.

Ginulo lang niya yung buhok ko bago ako iginaya papasok ng sasakyan.

Mabilis lang yung biyahe. Wala man yatang 20 minutes, nakarating kami sa hotel.

Grabe, sobrang ganda ng lugar! Nakapunta na ako sa iba't ibang lugar sa mundo pero first time ko dito sa Boracay!

Hindi pala dinadaya yung mga nakikita kong pictures sa internet. Mas maganda pa pala ito sa personal.

"Good afternoon, Sir. How may I help you? Do you have any reservations?" tanong nung babae na nagpapa-cute kay Vann habang sinusulyap-sulyapan din si Vince.

Aba! Aba!

Agad na kumapit ako sa braso ni Vince habang siya naman ay hinapit ako sa bewang.

Napangisi ako kay ate na kiming nginitian lang ako.

Ayyy. Mabait siya. Na-guilty ako!

"Hi! Ahh, yes. We have a reservation for two rooms under Vince Torres," sagot ni Vann.

"Okay, Sir. Let me check... As per our records, you have reserved one executive suite for Mr. Vince and Ms. Myca. And one premium deluxe suite for Mr. Vann?"

"Yup! That's it."

"Okay, Sir. May I ask for one valid ID and a card for confirmation of details?"

Inabot ni Vann yung kailangan nung receptionist.

"Vann? What's the meaning of this?" tanong sakanya ni Vince.

"I'm getting a room for you two, Kuya," sagot ni Vann at kinuha yung mga key cards.

Nako baby bro! Ikaw ang pinakagwapong Ninong pag nabuo namin si Baby Bora dito!

"Ayaw mo ba, Mine?" tanong ko.

"Are you kidding me?"

Yumuko siya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Nanghihinayang lang ako sa ganda ng lugar kasi baka hindi na kita palabasin ng kwarto."

Naramdaman ko yung unti-unting pag-iinit ng mukha ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Naiimagine ko ang hindi dapat imaginin!

Napatingin ako kay Vince nang bigla na lang siyang tumawa at pagkatapos ay hinila niya ang ulo ko papunta sakanya at niyakap.

"Joke lang, Mine. Breathe," natatawa pa ring sabi niya.

Ayy bakit niya binawi. Okay lang naman sa akin kung magkulong kami. Hehe!

-VINCE-

"Dito na ko sa floor na 'to. See you in... 30 minutes?" sabi ni Vann nang makarating kami sa 8th floor.

Oo, talagang magkaiba pa ng palapag ang mga kwartong binook niya. Siya nasa ikawalong palapag habang nasa ikasampung palapag kami ni Myca. That guy, really.

"Bye-bye, Vann," nakangiting kaway ng isang kamay ni Myca habang naka-thumbs up naman yung isa pa.

Did they seriously plan this?

"You owe me a three-layered chocolate cake, ate. Bye," paalam ni Vann bago sumara yung pinto ng elevator.

Tiningnan ko si Myca.

"So, this is all part of your plan, hmm, Mine?" sabi ko na humakbang palapit sakanya.

Nakayuko siya at humakbang paatras.

I took another step forward.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator kaya wala nang matatakasan itong si Myca.

"V-vince... Kalma, please. Gusto lang naman kitang makasama," she said, avoiding my eyes.

"Mine. Call me Mine, Myca." I love how she calls me Vince, but I love it more when she calls me Mine. Like I solely belong to her. Like she owns me the way I own her.

Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ang mukha niya sa akin.

I could get lost in her black orbs anytime and I wouldn't mind.

"M-mine..."

What I said a while ago was true. Hindi ko alam kung hahayaan ko pang lumabas siya ng kwarto ngayong nalaman kong nasa iisang room lang kami.

Torture na nga sa bahay, torture pa rin dito. Pero ito lang yata yung torture na willing kong pagdaanan.

I closed my eyes and took a deep breath, inhaling her scent. She smelled of shampoo and powder and it was enough to drive me crazy.

I kissed the top of her head as the elevator door opened.

Kinuha ko yung isang kamay niya at hinila siya palabas.

"Tara na sa kwarto natin, Mine," pigil-pigil ang tawang sabi ko.

Ang cute lang talaga ni Myca kapag tinutukso. Di makapagsalita, di makahinga nang maayos, tapos kulang na lang mamula pati buhok niya.

Pagkapasok namin sa kwarto, pareho kaming napanganga sa lawak at ganda nito. Overseeing yung view sa labas kaya naman sobrang nakaka-relax.

"Do you want to take a nap first, Mine?" tanong ko kay Myca na kasalukuyang kinakalkal na yung malaking maleta niya.

Seriously, she looked like she brought all her things!

"Ha? Of course not! Hindi tinutulugan ang ganitong view!" sabi niya bago hinila pataas yung two-piece swimsuit na kulay itim.

Wala sa loob na napalunok ako.

"Mine! Isusuot ko na 'to, ha?! Excited na kong magtampisaw sa labas!" ngiting-ngiting sabi niya bago pumunta sa CR.

I quickly opened my luggage and picked one white shirt.

Ayaw kong sirain yung kasiyahan ni Myca but I can't bear the thought of men looking at her body with awful stares.

"Tada! Mine, look! Ang sexy ko, 'no?"

I closed my eyes and counted one to three before I turned to her.

Pero kahit anong paghahanda ang gawin ko, hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa ganda niya.

Despite her slender figure, Myca had all the curves in the right places. I know that very well. 

Her skin was fair and smooth na lalong lumutang dahil sa itim niyang swimsuit.

God, she was beautiful. And she's mine.

Marahang humakbang ako palapit sakanya.

"You don't play fair, Mine. You clearly don't know what you do to me," sabi ko at maingat na isinuot sakanya yung shirt.

"Hala? Vince? Hindi ko ba bagay?"

"Not that. You're fucking sexy, Myca. And believe me, I'm doing my best right now not to rip that piece of swimwear off your body," I whispered in her ear in a low growl.

Damn.

She cleared her throat but did not say anything else.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga kayang hayaan ka na lumabas nang ganyan when I know what men will be thinking once they see you. I told you before, right? I'm selfish. But I didn't think I could get this possessive."

I actually hate that I'm like this. Most men will let their girlfriends wear what they wanted to wear.

Pero tumututol talaga ang buong pagkatao ko. Ayaw kong mabastos si Myca, kahit sa isip man lang ng mga lalaking makakakita sakanya.

It pisses me off just thinking about it.

"Pero pwede ko bang isuot 'to kapag tayong dalawa lang?"

"Huh? O-of course."

"Then that's okay for me. Ikaw lang naman talaga ang gusto kong akitin," nakangiting sabi niya na kinindatan pa ako.

Damn it. I'm a lucky bastard.

-VANN-

Nangawit na yung panga ko kakangiti sa mga babaeng dumadaan dito sa lobby ng hotel pero wala pa rin sina Kuya.

Hindi pa naman siguro nila bininyagan yung suite 'no?

"Vann!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. At ganon na lang ang tawa ko nang makita ko si Myca na nakasuot ng oversized white shirt on top of her swimsuit.

Damn. I was looking forward to seeing her in one! What a bummer.

"Anong pauso iyan, Myca?" natatawa pa ring sabi ko.

"Fashion ang tawag dito, Vann. Di ka cool kaya di mo alam 'yon," sagot niya.

Lalo akong natawa. Seriously, ang sabaw ng palusot niya.

Halata namang dahil kay Kuya kaya ganito yung suot niya. Kuya just looked away when I turned to him.

Napailing na lang ako. I can't believe I'll be seeing him like this.

"What do you want to do first?" tanong ni Kuya kay Myca.

"Pictures! Let's take some pictures muna!"

"Pero pwede pa naman bukas yun, Mine. Pawala na yung araw, eh."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang paglambong ng mukha ni Myca at pagkatapos ay tumingin siya sa akin na parang nanghihingi ng saklolo.

Naikuyom ko ang isang kamao ko. Ah, damn.

"Actually, it's a good idea. I've heard sunset photos are the best around here. Saka para tuluy-tuloy na lang tayo sa iba't ibang activities bukas," sabi ko.

"O-oo! Yun nga! Sige na, Mine, please?"

"Uhm, alright. You two really planned this well, huh? Wala akong kaalam-alam, eh."

Myca's face became pale. That's my cue to take Kuya away while I fucking ignored the heavy feeling in my chest.

Inakbayan ko si Kuya at hinila na palabas.

"Huwag ka nang magselos, Kuya. Myca's all yours. Now, how does a prenup shoot sound?"

His face lit up. He looked back and told Myca to walk faster dahil kukuha daw kami ng maraming litrato.

I gritted my teeth. Damn it, Kuya. Just, damn it.

-MYCA-

Magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Vince pabalik ng hotel.

Pagkatapos naming mapagod sa pagkuha ng mga litrato kanina, nagkayayaan kaming kumain ng dinner sa isang restaurant.

Vann met an Aussie girl and they hit it off kaya nagpaiwan siya. He said he would be attending a party with the girl tonight.

Hinayaan na lang namin siya ni Vince. Naglakad-lakad na lang kami ni Vince sa dalampasigan, malayo sa mga tao.

It was calm and quiet. Parang sa sobrang tahimik, yung mabilis na tibok na lang ng puso ko ang maririnig mo.

"Did you have fun?" mayamaya ay tanong niya habang nilalaro yung mga daliri ko.

"Oo naman! Ikaw ba?"

"Anywhere with you is fun, Myca," sabi niyang diretsong nakatingin sa mga mata ko at hinahalikan yung kamay ko.

Sa tulong ng malamlam na ilaw na nanggagaling sa buwan, kitang-kita ko ang kagwapuhan ni Vince.

Sumasayaw sa hangin yung buhok niyang medyo may kahabaan na habang yung mga mata niya ay nakatingin lang sa akin.

Tingin na may pagmamahal.

Tingin na nagtitiwala.

Ramdam ko ang pagsakit ng lalamunan ko at pagkirot ng dibdib ko. Kaya bago pa tumulo ang luha ko, inihilamos ko sa mukha niya yung kamay ko.

"Saan mo na naman nakuha yung pickup line mo, ha?" sabi ko at hinila na siya papasok sa hotel.

"Hindi pickup line yun. That came from the heart, Mine. Masyado mo naman akong minamaliit," nangingiti lang na sabi niya.

Inasar ko lang siya hanggang sa makabalik na kami sa kwarto.

"Mine, do you want to take a bath first? I can wait for you here while you bathe," sabi niya.

"Ha? Hindi, mauna ka na. Aayusin ko pa muna itong gamit ko. Ang dami eh!"

"Ewan ko ba sa'yo at ang dami mong dala. Hindi mo naman na kailangan ng maraming sandata para akitin ako kasi kahit wala ka namang gawin naaakit talaga ako."

Napatingin lang ako sakanya.

He was grinning from ear to ear.

"Parang hindi naman. Nambibitin ka kaya lagi," sagot ko.

He just laughed.

"Then I'll go take a bath first. I'll leave the door unlocked, okay? Feel free to join me, Mine," nang-aasar na sabi niya at pumasok na ng bathroom.

I heard the water running kaya alam kong nag-start na siyang maligo.

Huminga ako nang malalim.

You can do this, Myca.

Tumayo ako at hinubad yung puting shirt ni Vince, leaving the swimsuit that only he can see.

Marahan akong naglakad papunta sa bathroom at dahan-dahang binuksan ang pinto. Ang mokong, hindi nga ni-lock!

Mula sa pinto, kitang-kita ko ang hubad na likod ni Vince. Glass partition lang yung naghihiwalay sa toilet mismo at dun sa bath area. Yung tipikal na disenyo ng mga bathroom sa mga five-star hotel.

I can feel my heart starting to beat like crazy.

Kinatok ko yung glass door para makuha ang atensiyon niya.

Mabilis na napatingin siya sa akin.

Pinigilan kong matawa nang nakita ko siyang mapanganga at nabitawan yung sabon na hawak niya.

"Pwede ba kitang samahan sa paliligo, Mine?" tanong ko.

"What the heck, Myca?!" He uttered as his eyes looked at me from head to toe and then back.

Seguir leyendo

También te gustarán

3.2M 4.2K 2
Callia Jane or better known as The Phantom was trained to kill, to be someone's killing machine. Not how to feel. And absolutely not to fall in l...
307K 4.6K 106
Si Ikay, di pinoproblema ang Love life, eh wala naman siya nun eh SINCE BIRTH! Kaya lang, halos lahat naman ng tukso sa kanya rin binabato at Sawang...
1.1M 25.9K 32
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...