Perfect Couple 2: Mr. Broken...

By FirstLoveLasts

97.4K 2.6K 226

They met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 [The End]
Epilogue

Chapter 25

1K 27 0
By FirstLoveLasts

-MYCA-

Mabilis ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako papasok ng condo.

Nakakainis kasi wala akong kaalam-alam na birthday ni Vince ngayon! 

Nakapatay ang mga ilaw kaya medyo madilim. Tanging yung mga maliliit na kandilang nakahilera sa sala ang nagbibigay ng liwanag.

Mukhang iniusog ni Vince ang mga sofa kaya ang luwang ng space ngayon.

Kahit mapusyaw lang ang ilaw, kitang-kita ko ang mga paper roses na nakakalat. 

Oo, paper roses. Maybe because Vince was allergic to flowers kaya ito yung naisip niya. Siya ba ang gumawa nito? Ang dami nila, may mga malalaking roses at may mga maliit tapos puro pula at puti yung kulay.

Natatawa na naiiyak ako na kumuha ng ilan sa mga yon at tiningnan. Inamoy ko yung mga yon kahit wala silang amoy kasi walang mapagsidlan yung saya ko.

Hindi ako yung may birthday pero bakit ako yung nakakaramdam ng ganitong saya?

Sa gitna ng sala ay naka-set up ang table na nakatakip ng kulay maroon na table cloth. May isang kandila sa pinakagitna, dalawang plato, wine glass at mga kutsara, tinidor at table knife.

Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng tunog ng gitara.

And there he was - the love of my life - Vince.

Nakangiti siya habang mabagal na naglalakad palapit sa akin at patuloy sa pag-strum ng gitara.

Kung dati ay sobrang gwapo na ni Vince sa paningin ko, naging triple yata ngayon.

Nakasuot siya ng puting long sleeves polo na nakarolyo ang sleeves hanggang sa may siko niya at black na jeans na pinaresan niya ng Vans na sneakers. Sobrang simple pero ang lakas ng dating sakanya. 

Akala ko wala nang ibibilis yung tibok ng puso hanggang sa marinig ko yung boses niya.

Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko! Why? Because he started singing while playing the guitar!

Now Playing: "I Do" by A Rocket to the Moon

You get lost on your way back home, just about anywhere.
You sing off key to the radio, like nobody's there.
And I love that your Sunday's best is a holey pair of jeans
And I don't stand a chance when you smile.

I bit my lip to keep from screaming. Pigil na pigil kong tumili sa kilig.

Kasi ang gwapo gwapo ng crush ko tapos kinakantahan pa niya ako!

His ears were already turning pink but he continued singing and playing the guitar while looking directly in my eyes.

Yeah the longer that we're together,
The good keeps on getting better,
I never thought that I would ever find someone like you.
Every day you show me I can,
Just when I think that I can't love you anymore than I do, I do.

Wala bang kapintasan itong lalaking 'to? Bakit sobrang perfect niya?

Para kaming tangang nagkakatitigan lang at nangingiti.

Hindi ko na napigilan at unti-unting pumatak yung mga luha ko.

Hindi ko akalaing darating yung panahon na mararamdaman ko yung maiyak sa sobrang tuwa. At hindi ko kailanman inisip na isang lalaki ang makakagawa non sa akin.

At hindi lang siya basta-bastang lalaki.

Inalis ni Vince yung gitara sa katawan niya at pagkatapos ay lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko at sa halip na kantahin niya yung sumunod na lyrics ng kanta, sinabi niya iyon na para bang iyon talaga yung gusto niyang sabihin sakin.

"And all I think is beautiful, when I think of you. And I still can't believe that you're mine," bulong niya habang hinahaplos nang marahan yung mukha ko. He was gently wiping my tears.

Hinawakan ko yung kamay niya na nasa mukha ko.

"Ano 'to? Bakit ako yung sinorpresa mo? Ikaw yung may birthday eh!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Ngumiti lang siya at hinawakan na ng dalawang kamay yung mukha ko.

"Surprised?" 

"Sobra! Ang daya mo naman eh. Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi niyo sinabi ni Vann sakin? Wala tuloy akong regalo sa'yo."

"Bakit pa? Eh natanggap ko na yung pinakamagandang regalo simula nung makilala kita. You're my best gift, Myca," sabi niya at hinalikan ako sa noo bago marahang niyakap.

Naalala ko nung unang magkakilala kami. Ngayon ko ipinagpapasalamat na hinabol ako ng mga guards namin kasi kung hindi, hindi ko maiisipang harangin ang sasakyan ni Vince.

"Sinungitan mo kaya ako nung unang pagkikita natin," sagot ko.

He chuckled. 

"Because I almost ran you over! Tapos broken-hearted pa ako no'n. What do you expect?" sabi niya at ipinatong yung baba niya sa ituktok ng ulo ko.

"Hmmm..."

"Mycs? Did I ever tell you how thankful I am that you came into my life? That I knew the second I met you that there was something about you I needed?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pero hawak niya pa rin ako sa balikat at pagkatapos ay tumingin lang siya sa akin.

" Turns out it wasn't something about you at all. It was just you - it wasn't just something about you but the whole you that I needed."

Parang hinahaplos yung puso ko sa sinabi ni Vince. Sasagad na sana yung kilig ko kaso...

"Vince, pwedeng paki-Tagalog naman para mas ramdam ko?" pa-cute na sabi ko.

Natatawang kinurot niya ako sa magkabilang pisngi.

"You crazy woman... Ang sabi ko, kailangan kita sa buhay ko. Kailangan kita nang buong-buo. Hindi lang mukha mo, o kamay mo, o mga paa mo kundi buong-buo."

Ngayon, sumagad na talaga yung kilig ko. Lumampas pa! 

"Pero hindi mo pa naman talaga ako kilala. Pa'no pala kung may tinatago ako sayo? Pa'no pala kung hindi ako yung Myca na kilala mo?"

I had to ask because sooner or later, Vince will know the truth at iyon ang ikinakatakot ko.

Tiningnan niya lang ako ng ilang sandali. At habang tumatagal ang titigan namin, palakas nang palakas yung tibok ng puso ko.

"My heart knows the real you, Myca. And I assure you that this doesn't lie. So no matter what has happened, no matter what you've done, or no matter what you will do, this heart will only beat for you. I will always love you. I swear it."

Bakit? Bakit ganito pa rin siya magmahal kahit nasaktan na siya dati? Bakit kaya niya pa ring sumugal?

Huminga ako nang malalim. Nag-iisa lang ang nasa isip kong pwedeng iregalo ko sakanya ngayon. 

"Vince? Pwede na ba kitang sagutin?"

He groaned.

"Ugh... Mycs! Bakit inunahan mo na naman ako?"

"Ayyy tatanungin mo na ba dapat ako?"

He shyly looked away at pagkatapos ay napakamot sa batok niya.

"Well... yes... Kaso sinira mo yung diskarte ko."

"Ang tagal mo naman kasi! Sorry naman. Wait, upo ka nga muna diyan," sabi ko at sapilitang pinaupo siya dun sa upuan.

"Teka, bakit?"

"Basta upo ka lang diyan," sabi ko at kinuha yung gitara na isinandal niya sa mesa.

Mayamaya pa ay kinapa ko na at sinimulang tugtugin ang Happy Birthday.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday dear Vince..."

Nakangiwi lang siyang nakatingin sa akin pero kumikinang sa tuwa yung mata niya. Alam ko namang wala talaga sa tiyempo yung pagkanta ko pero at least diba? Ang sweet ko kaya!

"You didn't really have to but thanks for the song, Mycs," he said smiling.

Lumapit ako sakanya at tinakpan ko yung mga mata niya gamit yung isang kamay ko.

"Now, make a wish and say it out loud. You're not allowed to peek, okay? Or else di magkakatotoo yung wish mo."

Huminga muna siya nang malalim. Ako naman eh pilit na pinapakalma ang nagwawala kong puso. This is it, pansit! The most awaited question.

"I really wanted to ask this while I can see you but okay - here it goes. Myca, I promise to love you not only for now, but for always. So, will you please grant my only wish and be my girlfriend?"

Tinakpan ko ng isang kamay ko yung bibig ko dahil napapahikbi ako. 

Sobrang saya ng pakiramdam ko.

"Alam ko sinabi kong liligawan muna kita but like you, I can't wait any longer. I just want to make you mine the soonest that I can. At pwede pa rin naman kitang ligawan kahit tayo na diba?"

Inilapit ko ang mukha ko kay Vince nang hindi inaalis yung kamay ko sa mga mata niya.

"Your wish is my command," I whispered. "Yes, Vince. Magmula ngayon hanggang forever, girlfriend mo na ako. I love you."

At binigyan ko siya ng magaang halik sa labi. Pwede naman na diba! Kami na kaya!

Natigilan ako nang maramdaman ko ang mainit na tubig sa kamay ko.

Agad na inalis ko yung kamay ko at nakitang dumadaloy ang luha sa mga mata niya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak pero ngayon, hindi na sakit ang nakabalatay sa mukha niya. 

Vince was smiling as he cried tears of joy.

Tumayo siya, hinapit ako sa bewang at hinawakan ang mukha ko.

"Thank you, Mine," he said before kissing me fully on the lips. 

I closed my eyes and savored the slow, gentle kiss he was giving me. Walang tigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko kasi ramdam ko kung panong iba ito sa lahat ng mga halik na pinagsaluhan naming. 

Maybe because this time, he is now seeing me even with his eyes closed.

He even called me Mine! Lakas maka-teenager grabeh!  

Dati sabi ko tatawagin ko siyang Mine para quits kami. Pero bakit siya yung unang tumawag sa akin non?!

Pero saka ko na iisipin yon at eenjoyin ko muna itong halikan namin ng boyfriend ko.

Oha! From katulong to girlfriend real quick!










Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 1.4K 53
Teach Me How to Alpha follows the life of Caelen San Rafael, an office girl who mysteriously became a Werewolf. Her life turns upside down when she f...
297K 6.7K 70
Hanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the...
12.3K 641 26
Sa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi na...
13.1K 611 34
Everyone of us have a bestfriend that will support us in every decisions we make. But what if the person he/she loves is also the person who makes yo...