Perfect Couple 2: Mr. Broken...

By FirstLoveLasts

97.4K 2.6K 226

They met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 [The End]
Epilogue

Chapter 16

1.1K 41 0
By FirstLoveLasts

-MYCA-

"So, bakit ka narito, Vann? Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko dito kay Vann na bigla na lang naisipang samahan ako sa paglalaba.

Oo. Sa paglalaba. Hindi ko talaga alam kung pa'no yung takbo ng isip niya, eh. Palibhasa kasi special siya.

"Hmm... let's just say mas importante pa sa school itong project ko ngayon dito," sabi niyang nakangiti nang nakakaloko.

"Baliw ka. Bakit ganito kasi yung project mo? Bakit kailangang iwasan ko si Vince? Di ba lalayo lalo yung loob niya sakin nito?" 

"Basta huwag ka nang magtanong at sundin mo na lang ako. Just trust me, okay?"

Diba usually yung mga taong nagsasabi ng "Trust me" sila yung hindi katiwa-tiwala talaga? 

Parang "Trust me, I'm a liar." Mga ganon. 

Pero kahit nag-aalangan ako dito kay Vann, sinunod ko pa rin ang sinabi niya. 

Kaya naman kaninang breakfast hindi ko na sila sinabayang kumain at sinabi ko na lang na marami pa akong gagawin.

Like magbilang ng mga langgam sa dingding.

Pero kahit hayagang iniiwasan ko si Vince, ramdam ko naman kung pano niya ako tingnan.

Naaawa tuloy ako sakanya kasi halatang gusto niyang kausapin ako kaso nga heto ako at nagmamaganda.

Kung alam lang niya kung gaano ko kagustong kumapit na lang sakanya. Kaso basted naman ako kaya wala akong K na gawin yon.

Haaays...

"Ang lalim naman no'n," sabi ni Vann at pagkatapos ay nilagyan ako ng bula sa ilong. Tingnan mo 'to.

"Kasi naman. Ayaw ko talagang iwasan si Vince. Baka bumalik na naman ako sa Level 1 nito," worried na sabi ko.

Kasalanan ko din naman kasi. Bakit kasi hindi ako nag-isip at bigla na lang umamin. Yan tuloy. 

Tumayo ako at inapak-apakan yung bedsheets na nilalabhan namin. Ginaya naman ako ni Vann. Tig-isang batya kami. 

"Kailan ba kita ipinahamak, ha? Ikaw lang naman yung nagpapahamak sa sarili mo, Myca."

Kung sabagay. 

"Edi ikaw na yung magaling. Pero hanggang kailan ko ba iiwasan si Vince?"

"Hmm.. Mga isang buwan."

"Eh?? Ayaw ko nga! Isang araw pa nga lang ang hirap na eh."

Umiling-iling siya.

"Ewan ko ba sa inyong mga tao kayo. Bakit lahat na lang ng mga kakilala kong nai-inlove, kumukorni at nagiging marupok? Cringe!" sabi niyang umakto pa talagang parang kinikilabutan.

"Palibhasa kasi ikaw wala kang girlfriend. Pero teka, wala ka ba kahit crush man lang?"

"Wala. Sila yung may crush sakin," mahanging sabi niya.

Pinahiran ko nga siya ng bula sa mukha. Masyadong mayabang eh!

Pero ang walanghiya gumanti! Kaya ang nangyari nagpahiran kami ng bula sa mukha, sa buhok, sa braso habang tawa lang kami nang tawa.

"What are you two doing?" 

Natigil sa ere yung bulang ipapahid ko sana kay Vann nang marinig ko yung boses ni Vince. Kaagad na bumilis yung tibok ng puso ko. 

"Ahh. Naglalaba, Kuya. Gusto mong sumali?" sagot nitong si Vann na hindi ko alam kung nang-aasar o ano!

Kahit hindi ko tingnan si Vince, alam kong nakatingin siya sa akin kasi tinatayuan ako ng balahibo sa batok!

"No, thanks. Pero kung maglalaba kayo, make sure na maglalaba lang. Nagsasayang kayo ng tubig at sabong-panlaba."

Yun na yung huling narinig kong sinabi ni Vince bago ko marinig yung mga yabag niya palayo.

Napatingin ako kay Vann nang bigla na lang siyang tumawa.

Ako hindi ako makatawa kasi ramdam kong inis sa akin si Vince.

Syempre, ikaw ba naman yung biglang hindi kibuin tapos nagsayang pa ng tubig at sabon mo, hindi ka maiinis?

"Vann, sabi sayo galit na ang Kuya mo lalo sa akin," malungkot na sabi ko.

Tumatawang pinahiran pa muna niya ako ulit ng bula sa mukha bago sinabing...

"Hindi siya sa iyo galit. Sa akin siya galit," aniya at umalis na siya nang tumatawa.

Tingnan mo iyon! Pagkatapos magkalat, iniwan na lang ako bigla!

Hay nako. 

Pero sana nga hindi galit sakin si Vince. Kasi mas doble yung sakit sa pakiramdam yung malaman kong galit siya sa akin kesa dun sa sakit na naramdaman ko nung ni-reject niya ako.

-VINCE-

Just as I expected, I think Myca has been avoiding me. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin pero laging may ginagawa siya.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya at subukang kausapin ulit nang makarinig ako ng mga tawanan na nagmumula sa laundry area.

So ito yung pinagkaka-busyhan niya?

Parang may sariling mundo sila ni Vann habang nagpapahiran sila ng bula sa isa't isa.

She seemed fine. I was actually worried about her kaya gusto ko siyang makausap. I don't want to see her sad especially if it's because me.

Pero mukhang hindi ko naman kailangang mag-alala.

Dati ko pang napapansin na magkasundo sila ni Vann.

Vann seemed to like her. At alam kong hindi ko dapat maramdaman ito pero bakit naiinis ako?

Ayaw kong magustuhan ni Vann si Myca at ayaw ko ring magustuhan ni Myca si Vann.

Fuck. Ang gulo.

I know I still love Sugar pero bakit hindi rin maalis si Myca sa utak ko? 

This is damn suffocating. I think I need a drink.

Umalis ako at pumunta sa bar na dati kong pinupuntahan pag gusto kong mag-inom. 

"Usual, Sir?" tanong sakin ng bartender.

Tinanguan ko lang siya.

Ngayon na lang ulit ako nagawi dito. For the past days, I felt that I was more at peace at home.

 Inisang-lagok ko yung alak na bigay ng bartender. Mayamaya pa ay may lumapit na babae sa akin.

"Alone?" she asked, her eyes hinting that she wanted to flirt.

I did not answer her. Hindi ba halatang mag-isa lang ako?

Lumapit siyang lalo sa akin at bumulong sa tenga ko.

"I feel lonely tonight, too," she whispered as her hand traveled up my thigh.

"Sorry, Miss. I don't want to be rude but I'm not interested," sagot ko at inalis ang kamay niya sa hita ko.

Her face reddened and she smacked my hand away.

"Jerk," she uttered and walked away.

Ako pa yung jerk? I shrugged and just drank again.

Before, I tell women I'm not interested because they were not Sugar.

Pero ngayon, bakit hindi na si Sugar yung naisip ko?

I was not interested in that woman because her eyes were not innocent, her hair was not messy, her voice was sultry and not sweet. She was not funny. She was not talkative. She was not crazy.

Bottomline? I'm not interested because she was not Myca.

Napahigpit yung hawak ko sa shot glass.

The realization hit me hard.

Am I actually interested in Myca? Am I really starting to like her? 

I downed the alcohol as my heart started beating like crazy in my chest. 

I think my heart just answered "Yes." 

Fuck

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
194K 5K 59
Para sa mga nerd, sa mga taong walang tiwala sa sarili. Mga taong may matatabang katawan. May talino, at sa mga hambog na lalaki. Konting payo lang b...
307K 4.6K 106
Si Ikay, di pinoproblema ang Love life, eh wala naman siya nun eh SINCE BIRTH! Kaya lang, halos lahat naman ng tukso sa kanya rin binabato at Sawang...
1.8K 245 35
#1: Ezequiel Chase Robles Ezequiel Chase Robles was a seemingly normal high school student until he slowly began to discover he had a multiple person...