Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-lima
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing isa
Ika-labing dalawa
Ika-labing tatlo
Ika-labing apat
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-labing siyam
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't dalawa
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-dalawampu't tatlo

40 2 0
By magayonloves

"Ah... shit." Hindi ko nagugustuhan itong pakiramdam na ito. Kanina pa ako hindi mapakali at para bang may gusto akong gawin na hindi ko magawa-gawa.

Paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang pagngiti ni Meriah kasama ang lalaking minsan siyang kinulit at tinanong kung pupwedeng ligawan. Hindi ko maitanggi ang aking nararamdaman. Kumakabog ang aking dibdib at para bang sa loob nito ay may nagpupuyos sa galit.

"Huy, Kuya? Ayos ka lang?" Nag-angat ako ng tingin kay Jane. Siguro ay wala sa aking loob ang iginawad na tingin kung kaya ay nagsalita pa siya. "Nagsasalubong 'yang kilay mo. Nakakatakot."

Sa sandaling iyon ay naramdaman ko nga ang matagal na pagkakakunot ng aking noo nang kusang tumaas ang aking kilay sa sinabi ng kapatid. Sumandal ako sa upuan at tumingala, pumikit at tinakpan ng braso ang mga mata.

Nang matapos maghapunan kanina ay pinilit kong magbasa-basa para sa nalalapit na defense para sa aming research paper. Hindi naman kailangan dahil foundation week pa at halos tatlong linggo pa naman ang nalalabi para sa finals, gusto ko lamang maiba ang laman ng aking isipan.

Napabuntong hininga ako bago dumilat at umayos ng upo.

"Stress lang," sagot ko na lamang kasabay ng pag-aayos ng mga hard copies at ilang libro na aking inaaral.

Hindi ko na lolokohin ang sarili ko. Wala namang saysay itong ginagawa ko kung iba ang tumatakbo sa isipan ko.

"Hindi ka naman stress d'yan, e." Muli akong nag-angat ng tingin sa aking kapatid. "Kayang kaya mo naman 'yan. Alam kong iba ang nasa isip mo, Kuya."

"Wala lang 'to."

"Wala raw pero ang sama ng titig mo d'yan kanina. Pina-practice mo ba 'yong pagtingin na gagawin mo sa mga panel?" natatawa niyang tanong.

Bahagya na lamang akong ngumisi. At sa gabing iyon, napagpasyahan ko na lamang na subukang kausaping muli bukas si Meriah.

"Manang Tasing? Tao po!" ulit ko pa matapos pindutin ang doorbell.

"Wala yatang tao..." ani Nat.

Bumitaw ako sa malaking tarangkahan at pinunasan ang pawis na naramdamang lumandas mula sa noo pababa sa aking sentido. Alas dos na ng hapon at tirik na tirik ang araw. Hindi namin nakita si Meriah sa unibersidad kaya naman minabuti kong sadyain siya rito sa kanila kasama ang dalawang kaibigan upang magpaliwanag at humingi ng tawad sa naidulot nilang malaking abala.

"Tigilan na natin 'to, James. Isa pa, ayaw ko naman talagang gawin 'to." Hindi man sadya, napagtanto kong masama ang naipukol kong tingin kay Andeng, dahilan upang matigilan siya saglit. "Totoo naman kasi 'yon. Talaga namang kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa public schools, lalo na sa ABU! Minaliit niya tayo tapos malaman-laman natin lumipat siya sa eskwelahan natin? Ayos pala siya, e! Dapat lang 'yon malaman sa buong ABU!"

Hinarap kong mabuti si Andeng at taimtim siyang tiningnan. Bahagya man siyang yumuko, hindi bumaba ang paningin niya at nasa akin pa rin ang atensyon.

"Kaibigan kita. Kaibigan ko kayo..." saglit kong tiningnan si Nat nang sabihin ang huling kataga. "Gusto kong nasa tama pa rin ang ginagawa niyo. Si Meriah? Nasa taas 'yon. Hamak layo ng agwat niya sa'tin. 'Yong dahilan ng paglipat niya sa ABU, siguradong hindi niya ginusto 'yon. Alam naman natin ang tingin niya noon sa mga pampublikong paaralan. Kaya alam ko... may kinaharap siyang problema kaya napilitan siyang mag-aral kasama natin." Hindi ko man idinetalye ang impormasyon na nalaman sa nangyari sa ama ni Meriah, pilit ko pa rin silang binibigyan ng kahit katiting na pag-intindi sa sitwasyon tulad ng ginawa ko. Nagbabakasakali na tanggapin nila, lalo na ni Andeng, si Meriah at hayaan na ang nangyari noon. "Alam niyo, ipinagpapasalamat ko pa na hindi siya nagsusumbong kanino man. Na-bu-bully siya, alam niyo ba 'yon? Maraming beses na rin siguro." Naalala ko ang itsura niya nang binalibag siya noon ng mga itlog at nilukot na papel. May kung ano'ng nag-alab sa loob ko pero idinaan ko na lamang iyon sa paghinga ng malalim bago nagpatuloy. "Matatag siya at palaban. Wala siyang pinagsasabihan ng nangyayari sa kaniya sa loob ng ABU dahil kung mayroon? Sigurado akong maaaksyunan 'yon at maaari pang ma-expel ang mga babaeng 'yon." Naramdaman ko ang saglit na pagtiim ng aking bagang nang rumehistro sa utak ko sina Kelsey. "Pati kayo, lalo na't nalaman ni Meriah na kayo ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa nangyari sa'min noon."

"N-nagsisisi na 'ko," sa nanginginig na boses ay sinabi iyon ni Nat. Napakurap-kurap pa siya dahil nagbabadyang luha sa kaniyang maya. "Matagal na akong nakokonsensya na sinamahan ko si Andeng doon sa department ng Com. Arts para ikuwento ang nangyari noon. Sa totoo lang nakakalimutan ko na nga 'yong nangyari noon sa CMU dahil ayos naman palang kasama si Meriah, naaalala ko lang ulit dahil nakokonsensya ako sa ginawa namin," mabilis na paliwanag ni Nat bago hinarap si Andeng. "Andeng, sige na... Magsorry na tayo kay Meriah. Hindi na kaya ng konsensya ko 'yong mga pagtulong niya kay Jef at sa organization. Pati 'yong pagsubok niyang makisama talaga sa'tin kahit na pinaparamdam mong ayaw mo sa kaniya. Nakita naman natin na nagbabago na talaga siya, e. Kaya baguhin na rin natin ang ginawa natin noon. Hindi ko alam na talaga palang bi-nu-bully na siya. Hindi niya deserved 'yon, Andeng."

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Andeng nang kumurap siya pero agad niya iyong pinunasan. Naroon sa mga mata niya ang galit.

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na sinabi ni Andeng. "May gusto ka sa kaniya, James," may diin niyang sambit.

"Hala..." Napasinghap si Nat. "Totoo?" Alanganing pagkagulat at ngiti ang nagbadya sa mukha niya bago inilipat ang tingin sa akin.

Sa halip, seryoso kong tiningnan si Andeng.

"Hindi 'yan ang punto rito, Andeng," tugon ko dahil totoo naman. At ayaw kong isipin nila na kaya ko sila pinipilit magkaayos ay dahil sa sinabi niyang iyon.

"Bakit siya pa?" Nakangisi man, ramdam ko ang sarkasmo sa kaniya. "Bakit siya pa na hindi naman maganda ang ugali at minalditahan ka? Dahil ba maputi, makinis at maganda?" tuluy-tuloy niyang tanong at sa puntong iyon, hindi na ako makasunod sa kinapupuntahan ng pinag-uusapan namin. "Nakakainis kasi, James, alam mo 'yon? Ang tagal na nating magkakasama, 'yon pa ang natipuhan mo! Siya pa na dayo lang at aalis din dito. Parang hindi naman patas 'yon, James."

Alam ko... Alam ko naman. Hindi siya magtatagal dito. Panandalian lang siyang nag-aaral dito at sa Maynila pa rin ang uwi. Alam ko, oo. Pero ang ipamukha ng iba na aalis din si Meriah dito... masakit pa rin pala.

Sigurado rin na sa Maynila magtatrabaho iyon, doon sa negosyo nila. At kung mas aasenso pa sila ay hindi malayong lumipad iyon sa ibang bansa. Kaya naman ang magkagusto ang isang katulad ko sa kaniya ay isang kahibangan.

Hindi ko naman nakalimutan na mayaman sila. Kaya nga hindi ako naghahangad...

"Ano ba'ng problema kung may gusto siya kay Meriah?" walang kaide-ideyang tanong ni Nat kay Andeng.

Sa sinabi niyang iyon, nagpatuloy ang panliliit ko sa aking sarili.

Natawa si Andeng pero hindi dahil sa mayroong nakakatawa. "Maraming iba r'yan, kaya bakit siya?"

Umismik si Nat at nagsalita.

"Kapag gan'yan ka parang sinasabi mo na bakit hindi na lang ikaw." Humalakhak siya at natigilan naman kami ni Andeng. Mukhang napansin naman iyon ni Nat. "Teka..." Mataman niyang tinitigan ang kaibigang babae. "H'wag mong sabihing... Hala!" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'min. Hindi ko alam ang dapat gawin nang muling natawa si Nat at 'di malaman ang sasabihin. "Hala, Andeng? Totoo? Anak ng siomai naman, oo! Syempre, totoo! 'Di ka naman mangangamatis nang gan'yan kung hindi. Shets! Kailangan malaman ni Jef 'to!" Inilabas niya ang cellphone at tangkang magtitipa ngunit kinuha ko 'yon.

Hindi man alam ang dapat na maramdaman, nagawa ko pa ring suwayin si Nat sa inaakto nito. "Sumeryoso ka nga."

"Magtigil ka, Nat. Iniinis mo 'ko." Saglit akong tiningnan ni Andeng. "Umuwi na lang tayo. Walang Meriah dito, baka bumalik na 'yon sa pinanggalingan niya," aniya na parang wala lang ang ginawang pag-amin.

Naiinis man sa pinapakitang ugali ni Andeng, pinili kong manahimik. Kung totoo man... kung totoo man 'yon, naiintindihan ko na kung bakit galit siya kay Meriah.

Awtomatiko ang pagdapo ng aking palad sa gilid ng mukha ko nang maramdaman ang tumulong pawis doon. Siguro nga mas mabuting umuwi na lang muna kami.

Sinulyapan ko ang dalawa. Nag-umpisa na silang maglakad habang pinauulanan ni Nat ng tanong si Andeng. Mga babae nga naman...

Ngunit hindi ko lubos maisip na si Andeng na kaibigan ko ay may lihim na nararamdaman. At dahil doon, maaaring naging rason niya rin iyon para pag-initan si Meriah. Pareho sila ni Kelsey.

Kung ganoon ba ay nakakasama rin ako para kay Meriah?

Huling sulyap sa bahay nina Meriah ang ginawa ko bago umatras at yumuko. Napagmasdan ko ang aking sapatos nang lumakad ako palayo habang dinarama ang init ng araw.

+×+×+×+×+×+×+×+

Weeks... I only have three weeks to stay in Andres Bonifacio University. I can't believe this. No... I mean, I'm not expecting this. Halos makalimutan ko na ngang babalik pa ako sa CMU. I'm even surprised when I realize that in those months of studying in ABU, I didn't think of leaving that university. Naka-focus ako masyado sa pinapatunayan ko sa mga students doon–sa pinapatunayan ko sa sarili ko.

I'm not that bad like what they think of me...

Foundation week is ending, finals then exams at defense na lang namin ang huling gagawin sa pagtatapos ng semester na ito. I'm not yet ready to leave.

Leslie... Am I ready to say goodbye to her?

Andrea... I still want to know why she hates me so much. Every detail of her hatred. Is it because of what happened before that's why she's furious about me until now? I felt it since then. Her dagger looks almost made me roll my eyes at her everytime I caught her looking at me. But her friend Natasha seemed to be nice lately before I find out what they did to me. And Jefferson? I don't think he's up to that kind of things. He's good. He's the president of Business Administration afterall.

Ilang months na rin ang nakalipas nang kumalat 'yong issue about sa'min ni James. Of course, I got mad. Pero ilang beses na kaming nagkasama-sama. Naging mabuti naman ako sa kanila and it was all true. Nagpakatotoo ako sa kanila. And to know that they were the people behind the information given to the Com. Arts group, it made me furious. I wanted to strangle them before... pero ngayong nalaman kong sila iyon, hindi ko na alam. Sila pa na sinubukan kong makalapit dahil friends sila ni James.

That man... James. Now I wonder what he's about to say. Kampi ba siya sa kaibigan niya? Ipagtatanggol ba niya sila kaya niya ako gustong kausapin? Will he get sad when he finds out that I won't come to ABU anymore? Bakit parang ako ang nalulungkot?

I'm getting emotional right now but all I can do is stare at the pool. Sitting on the sun lounger, I remember looking at the reflection of the tree in the pool before I got lost in my thoughts.

After that talk when we were having breakfast, my mood changed that I wanted to be alone. Mabuti na lang nagkaroon ako ng time para mapag-isa nang nagprepare na si Mom ng drinks at iba pang sweets while she's waiting for the brownies that she baked earlier na nilagay niya sa refrigerator. Si Dad naman ay nagshower na. Medyo mahina pa rin ang left part ng body niya pero kaya naman na niyang gumawa ng mga bagay-bagay tulad ng pagligo.

I sighed. Nagkaroon nga ako ng time para mapag-isa even for a little while, but all of these thoughts are draining me already. It's still morning for Pete's sake!

Seeing the pool in front of me makes me want to freshen up. So, I texted Chustine to let him know that I'm in the city and that he should bring swimming attire and come over here. I went inside our house after.

"Mom! I'll be swimming outside!" I voiced out while going upstairs to prepare for my things. "Ipahanda mo na lang 'yan sa labas, alright?"

"Sure, darling!"

"Chustine's coming, Mom!" habol ko pa bago tuluyang nakapasok sa kwarto.

Seeing my walk-in closet again made me realize how I missed this damn room of mine! I remember how I scan through my closet everytime there will be occassions, especially when I'm busy and have no time to go to malls. That's why all types of clothes I needed were here! The clothes I wear on sunny days to rainy days, silk to denim, and local to international.

It's great that I buy many clothes everytime I got the chance to shop things. Like once twice a month? I don't remember exactly because it's been four months since the last time I went shopping! Gosh, this is the first time that shopping crossed my mind since I live in the province right now.

Instead of wearing two piece, I chose a white, spaghetti-strapped top and a white floral swimming shorts. Wala namang occassion para magsuot ako ng two piece.

I put my bathrobe on and brought a white towel and sunscreen with me. When I got there, our two maids are already preparing foods beside the pool. And I noticed na bigla na lang may ihaw-ihaw na nagaganap.

"Dad." I looked up at him when I felt his hand on my shoulder, almost giving me a hug.

"Let's enjoy, alright?"

"Yes, sure." I smiled at him genuinely. "Of course."

"We'll make sure of that. I don't want to see you leave this house with sad eyes like what I saw after our breakfast."

Oh. But really? Sad eyes? Isn't he just exaggerating?

I ushered him to the sun lounger then I put down my things next to him. I applied sunscreen on my face, arms, and shoulders then tiningnan ko muna 'yong foods sa table na inaayos ngayon ni Mommy. I decided to get a stick of barbecue before I slowly go down on the pool.

"Wow, good morning!" I turned towards the gate with a smile.

"Just in time, Chust!" I shouted.

Bumeso siya kay Mommy and nagmano kay Daddy. Binati niya rin ang iba pang nandito before he went near me.

"You didn't inform me ahead of time, sana kanina pa ako rito," his intro. Oh, well...

"Buti nga sinabihan pa kita," I joked and he faked his pain. We both grinned.

It didn't take him long before he finally dip in the pool with me. Just like the old days, he always make fun of me and I will end up coughing the hell out of me.

"Dad, oh!" I brawled and all of them looked at me.

With a hint of smile on his lips, Dad replied.

"'Yan talaga ang katapat mong bata ka."

They both chuckled. Even Mom and Manang grinned while the other suppressed their lips.

"Iba po ang katapat n'yan, Tito." I turned my head to Chustine because of what he just said.

"Who?"

"Now where is this conversation going?" My heart twitched at my premonition. "Not again, please."

When I came back to my senses, nakita ko na lang na nakatingin na sa'kin si Chustine. Damn him and his playful smile!

"Wala po, Tito." Thank God he didn't say anything stupid.

Kinumusta naman ni Dad si Tito, ang father ni Chustine na nasa vacation pala. Chustine joked about not being able to go with his parents–that he's one hundred percent sure that they will come back as three.

The day went on and when the clock strikes at three, my father decided to take a look at our farm in the province before they take me home. I gave Chustine a big hug when he said his goodbye. Gosh, I really missed that man.

I spent the remaining time walking with my parents in the farm. I sometimes eat fruits for taste testing when our farmers give me some.

Ganoon lang ang ginagawa ko hanggang sa dumating ang supplier ng fertilizer. I listened carefully on what they are talking about and when their topic gone too far, I excused myself to be alone and appreciate more the beauty of this farm.

My hair and the lower part of my dress dances as the wind blows. Inumpisahan kong tawirin ang pilapil sa palayan na pinuntahan. Feeling the heaviness inside me lessen as I inhaled the fresh air, I stopped when I reached the part where I am satisfied to be at. I put my hands up and stretched a bit.

I want to cry and beg for this serenity. So while I am here, I think of other things to forget the things that makes me feel unwanted.

"What does it feel like to live a simple life here?" I heaved out a sigh as my thoughts started.

I grew up getting all I want. But that doesn't mean na magastos ako. Hindi ako pinalaking ganoon nina Mom and Dad. Isa pa, kapag mayroong mga okasyon ay nakakakuha ako ng mga gifts. Lots of gifts. That's why I don't really need to buy stuffs.

Yes, we're rich but I'm not abusive when it comes to money. But still I don't know what it feels like to not get what I want. Or eat foods that I don't like.

"Kumusta na kaya 'yong mga nakalaro ko rito noon?" Another thought striked my mind.

They're living the best of their lives back then. Happiness was evident in their eyes just by playing outside with their friends. Maging marungis man, okay lang dahil magkakasama sila at masaya sila.

I shook my head as I remember how scared I was when I saw a carabao. I even clung to a boy I didn't even know. Tss, scaredy cat.

Ako rin naman I have playmates in the city when I was a kid. Yeah, playmates. I don't think they treated me as their friend because there are times that they whisper things to each other and they won't tell me. And at the end of the day, they would say their goodbyes and the insecurity in their eyes would stay in my mind. Unlike the kids I met here, they welcomed me and the anticipation to play with me was present in them.

I inhaled the fresh air again as I fixed my dress. I sat and took pictures of the place. Bakit ba kasi ngayon ko lang na-appreciate ang lugar na ito?

When the golden hour's sunshine kissed my skin, I decided to take a selfie. I angled my phone. I closed my eyes after that and let the wind blew my hair as I captured that moment. I posted it on facebook with a caption: I'll miss this.

When I come back to CMU, I'm sure I can't come here anytime I want. Siguro pupuntahan ko na lang ito palagi habang nandito pa ako.

Not long enough after I posted it, my phone vibrated repeatedly on my lap. My brows automatically pulled themselves together.

What's that?

I checked my phone and saw that it was James.

James dela Vega:
Nasa bukid ka pa??
Pupunta ako. Hintayin mo ako.
Nand'yan ka pa?

I'm shocked. Bakit siya pupunta rito? He saw my post? Oh, c'mon. Of course, he saw!

I received another message.

James dela Vega:
Heto na 'ko.

My eyes widened at that message. What?!

Bigla akong nataranta. I stood up. Napatingin-tingin ako sa paligid at nang pagtalikod ko. Nandoon siya... Si James. Nasa bungad, sa kabilang dulo ng pilapil. Narito siya...

He's obviously panting. His hair was brushed up a bit because of the wind that's blowing on his face. He's a bit far but I can clearly see his expression. Is he worried? But... why?

He started to walk towards me and the heaviness of his stare is something I can't take. Unti-unti, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Habang papalapit siya, kumikirot ang puso ko.

I looked away. I couldn't stand it.

Bakit ako nagkakaganito? Bakit may ganito siyang epekto sa'kin? I'm not really used to this kind of feeling.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na humarap din siya sa kaliwang bahagi ng palayan.

"Aalis... ka na?" his low voice was gentle but the tone of sadness didn't missed my ear. And it sent shivers down to my spine.

It felt like I missed hearing his voice. Or was it because he's here... in my serene place. Siya at ako. A special moment.

At that moment, nahirapan akong makasagot. Was it because it felt like a double-meaning question? Gosh, Buenavidez! Don't be so obvious.

"Uhm... My parents are also here," I replied in a small voice.

He turned around to look for my parents. "Ah, nako... Baka makita nila ako. Hindi pa naman ako presentable ngayon."

Napatingin ako sa kaniya. He smiled shyly as he looked down and caressed his nape. And boy, he's so cute at the moment.

I took the chance to look at his attire.

He's wearing a black shirt and a cotton black and white horizontal stripes shorts. His slippers are okay. Wala siyang dapat ikahiya.

"They're nice, don't worry," I said pertaining to my parents. "Ako lang naman ang hindi," I added.

When I looked away, he looked at me. Mukhang tinitimbang niya ang sinabi ko base sa tagal ng pagkakatingin niya sa'kin. I looked back at him only to witness how intense his stare was. The way the sun kissed his face is something I can't resist.

Naramdaman ko lang nakaawang pala ang labi ko nang tingnan niya iyon. Biglaang kumalabog ang puso ko kaya napaiwas ako ng tingin. Napalunok ako.

What the hell just happened?

"Hindi ka pumasok." I glanced at him.

Malayo na ang tingin niya. His hands are in his pockets. He's standing perfectly by my side.

"Just relaxing."

"Akala ko ayaw mo lang ako makita o kausapin." My brows automatically shot up at his straightforwardness.

Hindi ko kinaya ang bigat ng tingin niya nang sabay kaming magkatinginan.

"B-bakit naman?" That's a shitty question, Buenavidez! You really asked that knowing that you dismissed him yesterday before you listen to him?

I was waiting for him to speak when one of our farmers suddenly came.

"Ms. Meriah, pinapatawag ka na po ni Sir," sabi niya sa matigas na punto.

Wait... Isasama ko ba si James? Dapat ko ba siyang i-introduce sa parents ko? Bakit parang... kinabahan ako bigla?

Continue Reading

You'll Also Like

20.7K 346 73
Cam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she...
7.1K 380 39
" WE MUST STRIVE, TO SURVIVE." Would you rather be alone than to be one of them? Zombies! Isa si Meara sa natatanging natitirang survival sa mundo...
1.3K 92 23
How would you face the world after having experienced a tragedy that has paralyzed your whole system? Maybe for some people, they will choose to hide...
26.2K 176 3
Read the Book 1 in Novelah, Dreame, GoNovel chose one for that apps its all free there. It is okay too if you wont gonna read the Book I you can stil...