Dom's POV
"Paano nangyari to?!" Agad na bungad ko kay Ralph nang nakapasok ako sa opisina niya sa kanilang HQ. Dito dinala si Trisha pagkatapos nilang pumunta sa bahay at binigyan ng first aid si Trisha. Sumama kami ni dad papunta rito. Di ko naman kasi kayang iwan lang si Trisha sa kanila. "Akala ko ba ayos na?" Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin, kanina pa nakabaon si Rafael sa lupa.
"Kalma ka lang, Dom"
"Paano ako kakalma?! Akala ko ba ayos na lahat?!"
"Ayos naman talaga kaya lang..."
"Ano?!"
"Nagkaproblema."
"Alam kong nagkaproblema. Halata naman sa kondisyon ni Trisha ngayon!"
"I'm sorry. Nagkaroon ng problema sa machine."
"Bakit dati wala naman?"
"May sumabutahi sa machine. Wala naman yung problema pero..."
"May traydor sa HQ niyo?"
"Mmm..." Sang ayon niya. "May pinaghihinalaan na kami pero wala pa kaming sapat na ebidensya."
Huminga ako ng malalim. Sana pinigilan ko siyang gawin ito nuong una palang. Ano bang naisip ko at nagpanggp ako na walang alam?
Selfish ka kasi, Dom.
~flashback~
"Kuya, una po sa lahat. Papansinin ko naman kayo kung nagpapapansin kayo, di ako bumalik sa bahay mo kasi di ko naman alam kung nasaan yun. At di ko kaylangan ng 'pinapatawad' mo dahil wala naman akong kasalanan sayo."
"Trisha, huwag ka na mang ganyan. Alam kong masama ang huli nating pagkikita pero may pinagsamahan naman tayo, tumira tayo sa iisang bahay, nag-"
"Kuya, tigil muna." Tumigil naman ako sa pagsasalita. "Siguro hindi ako ang dapat kausapin mo tungkol sa bagay nayan. Sabi mo tumira tayo sa iisang bahay na never ko namang naalala. Ang dapat mong kausapin ay si ate Kimmie."
Kimmie? Paano napasok sa usapan si Kimmie?
"Di ko kasi maipapaliwanag sayo. Dahil basi sa naaalala ko. Ang huli nating pagkikita ay yung nasa park tayo at nahimatay ako."
Mahina naman akong natawa. "Paano naman na mahihimatay ka, eh si Kimmie nga yung nahimatay."
"Hushh! Di ko talaga ma explain. Si ate Kimmie ang magpapaliwanag sayo. Sumasakit ang ulo ko, eh." Aakmang lalagpasan niya ako ngunit hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako para magkapantay kami. Niyakap ko siya.
"Is this kind of joke. Trisha naman. Alam ko ang mga sinabi ko sa iyo pero please kalimutan mo nayun."
"Di ko alam anong pinagsasabi mo, kuya." Irita niyang sabi.
"Alam ko." Nag angat ako ng tingin kay Kim na sumusulpot. Para siyang si Trisha na laging sumusulpot na parang kabute.
Tumayo ako ng matuwid at tiningnan siya ng seryoso.
"Ba't ka nandito? Nakikita mo bang mag uusap kami ng masinsinan?"
"Gusto mong mag usap ng masinsinan? I'm your fiance. Kaya di ako magtatago ng sekreto sayo." Tiningnan ko lang siya. Agad nagdilim ang paningin ko nang nakita ko si Edgar sa likuran niya. Ano bang ginagawa ng lalaking yan?
"Di ikaw ang kaylangan kong makausap." Tumalikod ako sa kanila at nagsimula ng maglakad.
"Trish, please... Leave me alone." Agad akong napatigil sa sinabi niya. Pinapaalis niya si Trisha. Nilingon ko sila pero nagulat ako nang sa akin sila nakatingin. "If you're smart, you'll forget that I exist." Kumunot ang noo ko sa pinagsasasabi niya. "Chanak iyan ang palagi mong tawag sa akin." Saad niya.
"Kaylan man hindi kita tinawag na chanak, si Trisha ang tinatawag kong chanak-"
"Ako si Trisha, Dom!" Irita niyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko.
"Baliw ka ba? Hindi ikaw si Trisha. You know what? Mukhang kaylangan mong maibalik sa mental." Sabay iling ko. Seryoso naman niya akong tiningnan.
"Wala ka ng pag asa, Dom." Saad niya at bumuntong hininga. "Aalis ako pagkatapos ng kasal natin next week."
"Ano?! Next week?! Agad-agad?! Sino namang nagdesisyon niyan?!"
"Ako. May trabaho ako, Dom at wala akong oras sa isang bata na di ako maintindihan." Sabay ikot ng mata niya at nag walk out.
"Naniwala ka sana sa kanya." Sabi naman ni Trisha at umalis.
At umalis sila ng ganun ganun lang. Haysst! Well played, Dom. Nagmumukha kang tanga. Ngayon napagtagpi tagpi ko na kaya pala ang Trisha na alam ko ay nasa Kimmie na fiancee ko. I believe them and I know who's behind this. Akala ko ba lalayuan na nila ako kapag nakuha na nila ang chip? Ibinigay ko na nga eh.
I want my Trisha back!
Kinasal kami ni Kimmie kahit na labag sa loob ko. Gusto kong makasal kay Trisha but Kimmie is Trisha. Nakakalito! Ang gusto ko makasal sa Trisha na chanak. Ang unang tinali sa akin. Ayoko kay Trisha na nasa katawan ni Kimmie. Gusto ko yung batang Kimmie na nasa loob ni Trisha.
"Where are you going?"
"Kagaya ng sabi ko, Dom. Magtratrabaho ako pagkatapos nating ikasal. Di mo kaya ako mabubuhay." Saad niya at binulong pa ang huling pangungusap. Narinig ko naman. Kaya ayokong nasa katawan siya ng matanda eh kasi tinuturing niya akong bata.
"So, ikaw magtratrabaho para sa ating dalawa? Ang matured mo naman." Komento ko nalang.
"Yeah. I know right."
"Sama ako." Saad ko. Isama mo na ako. Para makompirma ko kung kanino ka nagtra-trabaho.
"Ano? Paano ang mga bisita?"
"Kaya nila ng wala ako." Nakangiti kong saad.
"Hindi-"
"I'm your husband. I have the right to know what are you been working on." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Akala mo ha? I want to know that organization you're working with.
"Bawal kasing magdala ng outsider doon." Wala akong pakialam.
"Bakit si Trisha pwede?" Sabay turo ko sa backseat kung saan si Trisha. Wala ka ng dahilan para iwan ako rito.
"Nakikisakay lang siya."
"Pero ano ba talaga ang trabaho mo?" Tanong ko. Kung sasabihin niya baka magbago ang isip ko na sumama.
"Basta-"
"Isama natin siya." Saad ni Edgar. Kahit na naiinis ako sa kanya nagpapasalamat ako kung ba't niya yun sinabi. "Hindi natin alam anong mangyayari sa eksperemento. Wala kaming madadahilan sa kanya kung aalis ka nalang ng basta basta at tama siya. May karapatan siyang malaman."
Naalala ko pa kung papaano ko nakita ang paghihirap niya sa machine nayun. Yes, di ko alam kung ano yung nung una pero napagtagpi tagpi ko ang lahat nang natapos na ang paghihirap nilang dalawa.
Nakita ko yung bata sa hallway.
"Kumusta, bata?" Bati niya sa akin.. Kumunot naman ang noo ko. Siya na ba yan? Ibig sabihin yung machine nga ang gumawa nito sa kanya para malipat siya sa batang katawan. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Trisha? Ikaw na ba yan?
Miss na kita... sobra.
Pero kaylangang makasigurado.
"A-ayos lang. Pupuntahan ko lang si Kim." At nilagpasan ko siya habang hawak hawak ang dibdib ko. Hey, kalma ka lang. Di ka pa nga sigurado eh.
Bago siya makalayo ay narinig ko pa ang sinabi niya.
"I'm paedophile."
Pero kahit na alam ko nang bumalik si Trisha ay nagseselos parin ako kapag kasama ni Kimmie si Edgar. Ano bang meron sa lalaking yun?
~present~
Kinuyom ko ang kamao ko. I'm tired acting like an idiot. I'm fucking tired of it.
"Gusto kong malaman kung sino ang taong sumabutahi sa machine."
"Hindi pwede-"
"Gusto kong malaman." Mariin kong saad na may bahid na pag uutos at pagbabanta. Sawa na akong maging mahina. Hanggang kayalan ako magpapanggap? Kaylan ko ititigil? Kapag namatay na siya? Sawa na ako sa pagpapanggap. Gusto ko ng maipakita ang kaya kong gawin, dahil alam kong sa pamamagitan nito masasagip ko si Trisha kahit na ang ibig sabihin nito ay kamumuhian niya ako.
"Si-"
Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang kapatid ni Trisha. "Gising na si Trisha." Nanlaki ang mata ko.
"Nasaan na siya?"
"Huh? No. I mean yung toong Trisha na nasa katawan ni ate."
"Di paba nagkakamalay si Trisha, I mean Kimmie?"
"H-hindi pa." Sabay iwas niya ng tingin. "Nandoon parin siya sa loob ng lab at tinitingnan ng mga scientist." Tumango ako at tumingin kay Ralph.
"Mag usap tayo mamaya." saad ko at umalis na sa opisina.
~Author's note~
I want to finish this before Christmas. My ghad... Nag isang taon na ito. Mapatawad niyo sana ako sa tagal ng update.
Salamat sa patuloy na pagsuporta and please read my other story.