Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-lima
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing isa
Ika-labing dalawa
Ika-labing tatlo
Ika-labing apat
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-labing siyam
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't tatlo
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-dalawampu't dalawa

40 4 0
By magayonloves

Ano ba itong pinasok ko? Pilit ko ngang tinanggihan ang marriage booth nang mahila ako ng tiga-ibang department, napasali naman ako rito sa partner game na mismong inorganisa pa namin. Hindi ko mapigilang hindi mapaismik. Ano ba itong kalokohang ito?

Nag-aalala tuloy ako kung ano'ng iniisip ngayon ni Jef, lalo na ni Meriah. Bakit ko ba kasi tinanong kung kasali si Meriah? Dapat sinigurado ko muna. At paano nga kung kasali pala si Meriah?

"Nakakunot ang noo mo. Ayos ka lang?" tanong ni... nakalimutan ko ang pangalan ng babaeng katapat ko! Kanina pa niya pinagmamasdan ang bawat kilos ko at napansin ko iyon.

Tumango ako bilang pagkumbinsi sa kaniya na ayos lang ako. Sinulyapan ko naman ang nanonood na si Meriah. Nakatingin siya sa papel na sinusulatan ni Leslie at pinipigilan ang pagngisi sa kung ano'ng sinusulat ng kaibigan. Sa oras na ito ay pinapasulat sa amin ang pangalan at katangiang aming nagustuhan sa natitipuhan namin. Nanatili namang blangko ang aking papel.

Ano ba kasi iyong kagaguhang naiisip ko? Pinipigilan ko ngang may makaalam na gusto ko siya kaya bakit nang akalain kong kasali siya ay sumali ako? Wala na sa katinuan itong utak ko, peste. Pero paano nga kasi kung sumali siya at may magustuhan siyang iba?

May kumurot sa aking puso dahil sa naisip. Napatitig ako sa aking papel at mabagal na pinakawalan ang malalim na hininga. Ang mahalaga ay hindi siya sumali sa kalokohang ito.

Pero kasali ako... Nakakaasar.

Naging malinaw sa aking isipan ang iilang nabasang interview ng kaniyang mga magulang sa mga nakaraang taon. Nakasaad doon na wala pa sa isip ng kanilang unica hija ang pagkakaroon ng nobyo at kung mayroon man ay pagbabawalan nila iyon. Kahit na-stroke si Mr. Buenavidez ay natitiyak niyang kaya pa niyang patakbuhin ang mga negosyo habang nag-aaral pa ang kaniyang anak at pinaghahandaan ang paghawak sa kanilang negosyo. Gayunpaman, hindi maiiwasang may hangaang lalaki ang ama ni Meriah para sa kaniya na nagmula rin sa marangyang pamilya at kapwa matayog na businessman katulad nila.

Ang isiping maging kami ay kasalanan para sa akin. Mayaman siya, wala sa kalahati ng kakayahan nila sa buhay ang kakayahan ko o ng aming pamilya.  Magkakaroon lamang ng kumplikasyon sa pagitan ng mga mundo namin. Hindi ko kayang sumuong sa ganoon, tiyak na wala akong kalaban-laban.

Matamlay kong inilipat ang tingin sa nagsalitang si Therese.

"May nagugustuhan na po ba kayo? Napupusuan? Titigan niyo! Malay niyo, sa titigan na iyon ay malaman niyong pareho pala ninyong gusto ang isa't isa!" nagagalak niyang pahayag.

Napaubo naman ako at napaiwas ng tingin nang maramdaman ang sabay na paglingon sa akin ni Leslie at ng aking katapat. Dumapo ang aking paningin kay Meriah at nasaksihan ang pagpipigil niyang humagikgik dahil sa ginawa ng kaibigan.

Kaya naman pala siya natawa... Naglilipat-lipat ang tingin ni Leslie sa akin at sa katabi ko.

"Hindi ba pupwedeng dalawa ang isulat ko?!" prangkang tanong ni Leslie kina Therese na tumayo pa sa kaniyang kinauupuan. "Hindi ko naman kasi inasahan na sasali pa 'yong isa kong crush dito!" Pabiro ang padabog niyang pag-upo at natatawa na rin sa inaasta.

Nagtawanan naman ang iba kasama sina Jef at Meriah na sumulyap sa akin. Sila lamang ang nakakaalam dito sa pag-amin ni Leslie ng pagkagusto sa akin. Kahit na marami siyang gusto ay hindi nakatulong iyon sa akin upang maging kumportable sa ganitong sitwasyon.

Muli pang tumawa si Meriah nang tuldok-tuldukan ng kaniyang kaibigan ang sinulatang papel na tila dalawang pangalan nga ang isinulat at bulgarang namimili. Itinuon ko ang pansin kay Meriah na natatawa pa rin. Halos bumagal ang paligid dahil sa mumunting tawa niya, idagdag pa ang kaunting pag-ihip ng hangin upang bahagyang liparin ang kaniyang buhok. Sa pagkakataong iyon ay parang gusto ko siyang pagbawalang tumawa dahil napupukaw niya ang atensyon ng ibang lalaki sa aming hilera. Binalot ng iritasyon ang aking sistema dahil sa malagkit na pagtitig ng katabing lalaki pati na rin ang lalaking nasa dulo malapit kay Meriah.

Nang dahil sa hindi magandang kondisyon, blangko ang aking papel hanggang sa natapos ang laro. Mayroong nagkatugma ng inilagay na pangalan kaya naman binigyan sila nina Therese ng couple stuff toy. Sila na ang bahala kung gusto nilang ipagpatuloy ang nabuong koneksyon sa isa't isa o hindi na. Ganoon lamang ang pagtatapos ng Partner Game.

Korni...

Sa sumunod na araw ay kami ulit ang nangasiwa para sa auction. At tulad kahapon, ang gamit na nagmula kay Meriah ang pinag-agawan at pinakamahal na nabili. Nang matapos iyon ay mayroon pa rin kaming oras para maglibot at subukan ang mga booth at stall. Kasama ang dalawang kaibigang babae, food trip na naman nangyari habang hinihintay si Jef na siyang may inasikaso naman kasama ang student council.

Bitbit ang mga biniling pagkain, naglalakad-lakad kaming tatlo upang makahanap ng mapupwestuhan nang mahagip ng aking paningin si Meriah sa 'di kalayuan. Kaharap nito si Kelsey na kasama ang mga kaibigan.

Nabitawan ko ang hawak na supot ng mga pagkain at napasugod sa kinaroroonan nila nang sa isang iglap ay nakasalampak na sa sahig si Meriah.

"James!" naalarmang sigaw ni Andeng.

"Anong nangyayari rito?" napalakas ang boses kong tanong kina Kelsey habang tinutulungang tumayo si Meriah.

"J-james!" Hindi pa sila nakakabawi mula sa biglaan kong pagsulpot. "Siya itong biglang sumugod! Sinampal niya ako! Masyadong matalas ang dila ng isang 'yan! Plastik! Lumalabas na ang tunay na kulay!"

"Oh, wow! Ako pa ngayon?" sarkastikong bulyaw ni Meriah nang tuluyang makatayo at hawiin ang buhok, hinaharap muli ang mga babae. "Gusto ko lang kayong kausapin para matapos na ang lahat ng 'to pero ayaw niyo! And it really looks like that your lives are boring so you're all meddling with mine!" Mabilis ang bahagyang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib at balikat, halatang nagpupuyos sa galit. "Can't you see? I'm minding my own business! Can't you do that, uh?!" Isa-isa niyang pinupukol ng masamang tingin ang mga kaharap habang sinasabi ang mga iyon.

Itong ito ang Meriah na nakadaupang palad ko sa CMU.

"Tumigil na kayo kung ayaw niyong umabot ulit ito sa guidance office," pahayag ko at tiningnan ang dalawang panig.

"Anong ganap dito?" inosenteng tanong ni Nat na nakasunod na pala rito kasama ni Andeng.

"Andrea... Long time no see." Nakangiti man, hindi ko pa rin nagustuhan ang pagbati ng kaibigan ni Kelsey kay Andeng. Nasisigurado kong iba ang kurso nito dahil hindi pamilyar ang kaniyang mukha. "H'wag mong sabihing panig ka na ngayon kay Meriah?" tanong pa nito na hindi ko nagustuhan.

Kunot ang noo kong nilingon si Andeng at sa ekspresyon niya ay halatang natigilan ito sa narinig.

Alam kong hindi gusto ni Andeng si Meriah pero... ano'ng kinalaman ng mga babaeng ito kay Andeng? Malalapit ba sila sa isa't isa para malaman ang tungkol doon?

Tulad ko, na kay Andeng din ang tingin ni Meriah. Titig na titig ito sa kaniya.

"You really hate me, don't you?" kalmado man, ramdam pa rin ang bigat sa binitawang salita ni Meriah para kay Andeng.

'Di tulad ko, nagbaba ng tingin si Nat kay Meriah kaya naman nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Andeng. May hindi ba ako nalalaman sa dalawang ito?

Nabitin ang boses ko nang umalis si Meriah. Hindi ko sigurado kung dapat ko ba siyang pinigilan.

"Oh, James..." Lumipad ang tingin ko kay Kelsey at seryoso siyang tiningnan. Umismik naman siya at nagpakawala muna ito ng hininga bago muling nagsalita. "Bakit mo ba ipinagtatanggol ang plastik na 'yon? Sinugod niya kami! Siya ang nauna ngayon!"

Sa halip, hinarap ko ang bumati kanina kay Andeng.

"Sino ka?"

"Anong–"

"Mamaya ka na, Kelsey."

Dumaan ang iritasyon sa mukha ni Kelsey. Kahit ako ay nabigla sa aking ginawang pagpigil sa kaniya, ngunit hindi ko na iyon inintindi pa at muling hinarap ang babaeng kausap.

"Sino ka?"

Nagtataka man, sumagot pa rin ito.

"Samantha. Bakit?"

"Ano'ng course mo?"

"Communication Arts, bakit?"

Muli ko namang binalingan si Andeng ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat kong itanong. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

Batid kong nagpapakita ng hindi mabuting ekspresyon ang aking mata dahil sa pagkakasalubong ng aking kilay. Ayaw kong tanggapin ang namumuong konklusyon dito sa utak ko.

"James–"

"May hindi ba ako alam?" pagpigil ko sa kung anumang sasabihin nila.

Kinalma ko ang aking sarili sa 'di ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako.

"Alin ba?" sabat ng Samantha'ng ito na bahagya pang lumapit sa amin. "Ano ba'ng gusto mong malaman? 'Yon bang pag-po-post namin ng nangyari sa inyo ng dayo na 'yon?"

Pakiramdam ko'y huminto saglit ang mundo sa narinig. Mabagal ang naging muli kong paglingon kay Andeng. Takot at pag-aalala ang nakita ko sa mga mata niya.

Sa hindi malamang gagawin, tiim-bagang akong umalis sa lugar na iyon. Hindi ko matanggap ang ginawa nila. Hindi ko matanggap na ginawa ng sarili kong kaibigan iyon kay Meriah.

Walang ginawa sa kanila si Meriah. Bakit naman ganoon?

"J-James..." si Andeng, hinabol niya ako. Sumunod sila sa akin.

Biglaan ang naging paghinto ko, nais pa ring marinig ang anumang sasabihin niya.

"Bakit..." hindi ko mahanap ang mga tamang salita. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit nagawa niya iyon.

Lumipat ang aking tingin kay Nat nang mapagtantong mukhang alam niya ang nangyayari. Hindi niya malaman kung paano ipipirmi ang kamay dahil sa paglilikot nito sa dulo ng suot na pang-itaas.

Namumutla man, nagsalita siya. "A-ano... Matagal na 'yon, James! Hindi namin naisip na..." Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Huminga pa siya nang malalim bago nagpatuloy. "Pero, ano... nakita naman naming mabait si Meriah. 'Yon naman ang mahalaga, 'di ba? Ang totoo n'yan, nagsisisi kaming lumapit kami sa mga Com. Arts na 'yon!" natataranta niyang paliwanag ngunit mas napansin ko ang sama ng tingin ni Andeng sa kaniya na para bang gustong magprotesta sa narinig.

Kaibigan ko sila... Hindi pupwede ang ganito. Kailangan nilang magpaliwanag. Kailangan nilang humingi ng tawad.

"Hanapin natin si Meriah." Walang pali-paliwanag, nag-umpisa akong maglakad palayo.

+×+×+×+×+×+×+×+×+×

I stomped my foot and groaned. They are a pain in the ass! Annoying shits!

With the help of Chustine, I've known the people behind the facebook page of Communication Arts that posts good and bad articles. His connections and sources were great. He told me he couldn't take it off his mind when I told him that thing so he asked help from somebody to know the page's admin and operators. The funny thing is, I confronted them outside the campus a couple of minutes ago when I saw them came out from a tea shop. Being the bitch and warfreak that they are, one of them tried to spill their milktea on me. Tinabig ko nga 'yong kamay braso niya. Ha! Ano'ng tingin niya sa'kin? Madaling maapi? I'm a Buenavidez and I can actually sue them! They should be thankful that I'm still not pressing charges against them!

No denial and hateful words came, instead, they left me and went inside the campus. So, I followed them to talk about it. To know more and explain. To clear my name. But they wouldn't want that to happen. Sarcasm was all over the place. So, that happened... I slapped Kelsey because her voice and her nonsense words irritates me. Then suddenly, I hit the ground. Her Com. Arts bitch friends did that and said what I needed to know and I couldn't believe it. Not until Andrea and Natasha came.

I came back on my senses when suddenly, an arm appeared in my front of me with a can of soda on his hand.

"Palamig ka muna." I looked at him.

Without thinking, hinablot ko sa kaniya 'yong soda at walang anu-ano'y binuksan at ininom 'yon. God, just let this drink drains the frustration away.

"Mukhang masama ang timpla mo, ah?" the man beside me spoke. "Having a bad day?"

I don't like nosy people. They're irritating.

"You're familiar," I said instead. I give you that, tutal binigyan mo naman ako ng soda.

But suddenly, he gestured like he's surrendering, the reason why I looked at him with furrowed brows. I saw the amusement in his eyes.

"Mas nakasama pa yata ang tanong ko. Mas lalong nagsalubong 'yang kilay mo." He chuckled and it irritates me.

He's not helping. He's just an addition to my irritation. I know he's just being kind, but I find him very annoying!

Hindi ko lang ba gusto ang mga tao rito o talagang nakakainis sila? To hell with these people!

I glanced at him and saw his smirk while he's looking at the field. Now I realized my feet brought me here in... engineering department? That's what I saw from the tarpaulin from a booth nearby.

Out of the blue, he spoke.

"Can I court you?"

What the fuck is this man... Huh! I remember!

"Tss, right." He was the one who bugged me one morning and asked me for friendship but when I rejected, he said his real intention. And that is if he could court me. So, he got his double rejection at one time. Tss, this man...

"I don't know if I should be insulted that I'm just familiar to you or be glad that a high-class like you would still remember me." I snorted and he looked at me. He literally reminded me that I belong to the high-class. Not here with these kind of people. "Don't worry, I chose the latter."

I sipped on my soda and let seconds passed before I spoke.

"Why are you here?"

"Whoa, wait." When I gazed at him, I saw his amused reaction again. "Department namin 'to, e." He chuckled. "Ikaw ang bakit nandito?"

I just heaved out a sigh. As a response? Maybe.

"So, bakit gan'yan kalalim ang pinakawalang hininga ng magandang babae tulad mo?"

I smirked. That kind of lines... He's a playboy, I think. Dapat ba akong magsalita? He's a stranger, anyway. It wouldn't hurt to tell things like this.

"Wait, di pa pala ako nakakapagpakilala–"

"No," I stopped him. "Don't tell your name."

"Ha? Bakit?"

"Just remain a stranger for me." I need that.

"Grabe, ang sakit na talaga, ah? For the second time, na-reject na naman ako. Akin na nga 'yang soda ko!"

My gaze went to him to know if he's serious about that but when our eyes met, he laughed and I couldn't help but to suppress a grin. Damn him.

Feeling a bit light, I asked him.

"Do you know the issue, uhm... about me?"

"Bakit?"

"I asked first. Now, answer first."

"Yes, so why?"

Oh. Nice. Tss.

"Do you believe it?"

"Honestly speaking, yes." Well, truth really hurts. It hurts because they still remember it. I'm still reminded by it. People just won't move on. But then, someone crossed my mind.

James...

He has forgiven me. He moved on. He's been good to me. He even let me feel things... Things that I'm not sure of. To the point that sometimes I wonder.

His friends... May kinalaman ba siya sa ginawa ng kaibigan niya? Alam niya ba 'yon? Naiisip ko pa lang, pinipiga na ang puso ko.

"Halata naman sa'yo, e," he added. "Ang mga mayayaman, may karapatang magreklamo at magsalita. Kayo ang papanigan. Sa inyo ang tao. Tinitingala kasi kayo. And that made rich people feel that they have much more power than people who weren't on their level. Na hindi dapat kayo kinakabangga. That's their advantage–your advantage. Rich kids like you born like that."

"Grabe ka naman," I muttered.

So straightforward. Like James...

He faced me with intimidating but anticipating eyes. I didn't back down.

"One shot, bull's eye. Sorry not sorry, Meriah baby."

Who's this guy really? What's up with him?

"Aren't you rich?" He laughed at my question.

"You can say that but... I'm the black sheep of the fam so..." He trailed off.

"So?"

"Ako 'yong laging masama, ako 'yong laging sumasapo ng galit... Ang ending? Ako 'yong pahirapang makakuha ng allowance. So..." He shrugged. "I ain't rich."

"And still you have the audacity to court? Pahirapan ka na sa pera, manliligaw ka pa? Did you crack your head already?"

"Rich kid talaga, oo," he muttered and shook his head. "Ganda mo kasi, e. Tinamaan ako." I rolled my eyes so he chuckled. He continued. "Sa panliligaw, 'di lang naman puro pera 'yon, so don't worry. Diskarte ko na 'yon, okay? Kaya... payagan mo na 'kong manligaw." He grinned playfully.

Smooth turn you got there. Tss.

"Meriah..."

We turned our heads. James was the one who called me.

"Oh, ikaw na naman?" My gaze didn't leave James even though I feel irritated again with this guy beside me.

James glanced at him and he became so serious when his eyes met mine again.

"Kailangan mong sumama sa'kin."

Why? For what reason? Kung para mag-explain, I think it won't do.

"Tatangayin mo na naman si Meriah palayo sa'kin. H'wag naman gano'n, brad," this guy said.

Magkasalubong na ngayon ang kilay ni James nang sagutin niya 'tong lalaki.

"Pwede ba? Hindi kita kinakausap."
Oh my–wait! Si James? Nagsusungit?!

Amusement is surely plastered on my face because of James impatience. He's quite maangas for me right now! With that furrowed brows and glaring eyes, it's amusing to see!

"But don't forget that he's friends with Andrea and Natasha! That bitches!" I lectured myself.

Paano kung alam niya at wala siyang ginawa? Ginusto niya rin ba 'yon? Paano ko malalaman kung totoo siya sa'kin? Because me? I showed him my true self! I've been kind to him... to them. And it became so natural for me to let them na makasama sa ilang moments ko rito sa ABU. Kahit na alam kong ayaw nila sa'kin sinubukan kong ipakita na hindi naman talaga ako gano'n kasama.

Kung nagpapakitang tao lang din sa'kin si James... hindi ko yata kakayanin. The thought of him lying to me never crossed my mind. Ngayon pa lang... And I don't understand this feeling inside me.

"Meriah," James called. The plead was evident in his voice.

"Aba't ang lakas din ng–sino ka ba?" He then turned to me. "Sino ba 'to, Meriah? Paalisin mo na nga 'yan." I suddenly want to laugh but I just can't!

Sino ba 'tong lalaking ito sa inaakala niya? He even ordered me, uh?

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Tumiklop naman siya. This guy is funny but unlucky him, I'm not in the mood for his humor.

I breathe and shook my head. I've decided. I took out my phone and glanced at the screen.

Even with mixed-emotions, I tried to talk to James calmly. "Kuya Lando is here. Maybe next time, James..." I barely looked in his eyes when. "I'm leaving."

My eyes turned to this guy beside me and nodded slightly. I even saw how his lips protruded. I didn't wait for their response. Then I headed to the gate.

Wala pa naman talaga si Kuya Lando. I just don't think that whatever it is that he wanted, it wouldn't turn out well. For now. I couldn't believe what they did. Grabe sila...

I signaled to a jeepney driver. Well, it's great that I learned how to commute. At least I can now go home and leave the bad things here in this university. Tss.

"We miss you, darling." That words warmth my heart in this cold night. "When will you visit us? Sabi ni Manang foundation week niyo raw?"

Didn't I tell them? God, nakalimutan ko. Ngayon pa nila nalaman kung kailang last day na bukas.

"I missed you, too, Mom and Dad." I'm sure naka-loudspeaker naman ang phone call namin, just like always. Kaya naman ginawa ko rin 'yon at nilapag sa tabi ko ang phone. "Tomorrow, I'll come visit you." I smiled.

There's just no place like home. Good timing ang tawag ni Mommy. I really need to be there with them.

"That's great. Ipahahanda ko ang mga paborito mo. I'll bake your favorite brownies, too." I smiled at the thought. Wala pa man nabubusog na ako.

"Okay, Mom, umaga pa lang pupunta na kami d'yan. I'll stay 'til night 'cause I really missed you both." And that's true.

Yes, nag-enjoy ako rito but when I found out what James' friends did? I know I need my family. Ngayon ko naramdamang na-mi-miss ko pala sila.

Dad spoke on the other line.

"Another thing, darling... We have something to tell you. I believe this is a good news for you." I could sense that he's smiling base on the way his words reached my ears.

"Can't you tell it now?" I asked with curiosity.

"Tomorrow, my daughter."

"Tss. 'Kay, Dad." I faked disappointment.

The I love you's and goodbyes were said before the call ended and it's just so calming to hear that from my parents. It's very comforting that I realized that I longed for them.

It's morning and I can't help but to clutch the hem of my mint green dress with the thought that I didn't go with James yesterday. And now I'm not going to university for the last day of foundation week. It may look like I'm escaping from him. Bakit nga ba? What am I worrying?

Ayaw kong isipin nila na natatakot ako sa kanila. I'm not. Pero ayaw kong malaman na all this time ay alam ni James ang ginawa ng mga kaibigan niya.

I shook my head. Hindi siya gano'n. Hindi siya involved sa ginawa nina Andrea.

"But why do I feel like I'm just convincing myself? Can I trust him?" On the back of my head, umaasa pa rin talaga ako.

In the end, I just sent a message to Leslie.

A tight embrace is what I gave to my parents when they welcomed me. My heart melts at the warmth it gives me. Kung hindi lang magmumukhang clingy ay hindi ko pa sana sila pakakawalan mula sa pagkakayakap ko.

We talk about everything now that we're eating breakfast. Manang Tasing and Kuya Lando joined us and shared some things as well. To be honest, hindi ko nagugustuhan ang mga kinukwento nila.

"Are you sure, Manang, walang gusto 'yong James sa unica hija namin?"

I almost choked and they seemed to notice it but I immediately drank from my glass of water. So, Manang answered.

"Ay nako, Ma'am, 'di ko masabi, e! Natural 'yong pagiging mabait at magalang ng bata. Ang respeto? Probinsyanong probinsyano." Manang chuckled a bit. "Hindi ko masigurado kung mabait lang talaga siya, pero may laman 'yong mga tingin, e."

"Oo. Sumadya pa 'yon minsan sa bahay noong may problemang inaasikaso sina Ma'am Meriah kasama 'yong mga lalaking nangangailangan yata ng tulong." Yes, I remember that problem we resolved for student council. "Ang sabi may sadya lang daw siya kaya hindi sumabay sa'min papunta sa bahay, noon pala tutulong kay Ma'am!" Amusement can be seen in his face. Then, he asked me. "Hindi naman talaga siya kasali roon, 'di ba, Ma'am? Kasi kung alam niya talaga 'yon at alam niyong tutulong siya, alam kong ipahihintay niyo siya. Kasunuran nga lang nating dumating sa bahay 'yon, e."

Hindi ko na malaman kung paanong kain pa ba ang gagawin ko! Gosh, bakit ba kasi nila iniisip na may gusto sa'kin si James? And why does it feel like my tummy is over-acting? Grabeng mag-react! I don't understand if it's being tickled inside or what! I'm not liking it. Geez!

"He's a man," Dad spoke. "I want to meet that man."

"Bakit naman, Dad?!" They all turned their heads at me.

Oh...

"I mean... He's just a friend. A good friend. Nothing more."

Phwew. Why is it suddenly so hot here? I don't like this. As far as I remember, I'm on the point of being confused on what to feel and think of him. I want to tell them na mayroon pa nga kaming hindi pinag-aayusang bagay kahapon lang.

Oh, gosh, wait. Am I just assuming? It's his friends that I have quarreled with. Not him. Ano nga ulit ang dahilan kung bakit hindi hindi ako sumama sa kaniya kahapon? Gosh. Samantalang noong isang araw halos maghapon kaming magkasama. Uhm...

"Are you okay, darling?" It was Mom who made me come back to my senses.

"H-huh? Yes. Yes, of course, I'm okay. Why, Mom?"

"You're..." She double-checked if I'm really okay by putting her palm on my forehead. "Bigla kang namula."

Oh?! In front of them, Buenavidez?! Really?! Don't think of James! This is sick.

"What's the good news you're talking about nga pala?" I tried to calm my system as my gaze went from Mom to Dad.

Change of topic, people.

"Oh, that... You will go back to Centro Marcello University next semester. Isn't it great, my daughter?"

Wait... Huh? What?

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 37.5K 75
Pumasok sa sikat na Adam Newson Academy o mas kilala bilang Eden Academy. Isang All-boys school na puno ng mga nag-gwagwapuhang nilalang. Bawat dekad...
1.1K 56 20
Sa makapangyarihang paaralan kung saan ang mahika at misteryo ay naglalakbay sa bawat sulok nito. Isa itong paaralan na puno ng sikreto, kung saan an...
1K 140 30
Si Jelailah Dela Vega ay isa sa mga promising Witchcraft Special Force sa modernong henerasyon. Bago siya humantong sa kung saan siya ngayon, mayroon...
105K 6.2K 50
Shimmering in gold. Dripping in blood. The throne is empty. Screaming for another monarchy. Gather your faith. Sharpen your blades. This is your call...