Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-lima
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing isa
Ika-labing dalawa
Ika-labing tatlo
Ika-labing apat
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't dalawa
Ika-dalawampu't tatlo
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-labing siyam

37 5 0
By magayonloves

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling uminom. Ang natatandaan ko lang ay nagsuka ako sa huling beses na uminom ako at naging dahilan iyon ng pagiging huli sa klase ni Jane noong sumunod na araw kaya simula noon ay iniwasan ko nang uminom. Sa ngayon, sinisigurado kong kontrolado ko ang aking sarili at pati na rin ang mga babaeng kasama sa mga oras na ito.

"It's been a long time since we last drink, right?" narinig kong kinausap ni Chustine si Meriah.

"Yeah, it was our Christmas party," sagot naman ni Meriah.

Nakatayo ang iba naming kasama habang nagkakantahan, marahil ay malalakas na ang loob dahil bahagya nang tinamaan mula sa iniinom. Kami lang ang natirang nakaupo nina Jef, Andeng, Chustine at Meriah. 'Di tulad ni Leslie at Nat, si Andeng at Meriah ay beer na rin ang iniinom. Nagpaubaya na sila sa dalawang babae na hindi sanay uminom ng beer at itinira na sa kanila ang kaunting cocktail na nasa tower.

Naramdaman ko ang paghilig ng ulo ni Andeng sa aking balikat.

"Akala ko ba'y kaya mo pa?" bigla kong natanong sa kaniya at nang sulyapan ko ang mata niya ay nakita kong nakapikit na ito.

"Oo nga... Nagpapahinga lang."

Nang mapalagay sa kaniyang sagot ay iniangat ko ang paningin sa nagkakasiyahan. Nabaling ko ang aking paningin kay Meriah nang maramdaman ang pagtitig niya sa amin.

"Is she okay?" tanong niya sa seryosong tono.

"Ah, oo. Nagpapahinga lang."

"Andeng, umayos ka ng upo," ani Jef at iniaayos ng upo ang kaibigan.

Nagmulat ng mata si Andeng at umayos ng upo bago kuhanin ang bote nito at sumandal. Halatang hilo na ito.

"Ayos lang ako," aniya.

"Huli mo na 'yan," sinabi ko sa kaniya sa mahinang boses, sakto lamang upang marinig niya.

Nagsalubong ang kilay nito sa hindi ko malamang dahilan.

"Chustine, matanong ko lang..." umpisa ni Jef. "Sino pala ang nag-asikaso nito? Ah, ano... ibig kong sabihin, kung magkano ang kailangan naming iambag dito?" tanong niya, marahil ay iniisip na isinama lang kami bigla rito at inaalala kung magkano ang ambagan sa pagbabayad.

Sa halip, si Meriah ang sumagot.

"No need, Jefferson. We got this," sinsero nitong sagot at tipid itong ngumiti.

"Naku naman, nakakahiya na masyado 'to, Meriah. Lagi mo na lang sinasagot ang lahat ng gastusin..."

"Magsabi kayo ng kung magkano para makapagbigay kami sa inyo," segunda ko.

"Hindi na talaga," sabi ni Chustine. "Kami na ang bahala. Ako naman ang nag-aya. May ipon talaga ako para rito, pero itong si Meriah, siya na ang sumagot ng room na 'to para may privacy tayo. Doon lang talaga tayo dapat sa ibaba," humalakhak ito sa pagtutukoy sa sayawan sa ibaba. "The best talaga 'tong kaibigan kong 'to!"

Hindi ko inasahan ang mahigpit na pag-akbay ni Chustine kay Meriah.

"Eww! Eww!" Pabiro naman itong itinulak ni Meriah habang natatawa.

Natawa rin ang iba. Ngunit hindi ako. Sa halip ay ininom ko ang aking alak.

Bumalik na rin sa upuan si Leslie at Nat na mukhang mas naging malapit sa isa't isa. Sa palagay ko ay nagkakasundo sila dahil sa pagkakapareho kung paano umasta.

"Paano ba kayo nagkakilala ni Meriah?" tanong ni Jef bago uminom ngunit naiwan ang kaniyang mata sa dalawa.

"Boss ng Papa ko 'yong Daddy niya," sagot ni Chustine.

Ah, ganoon pala...

"Secretary, parang gano'n?"

"Gano'n na nga. Kaya bata pa lang kami, close na kami nito." At muli, inakbayan niya si Meriah.

"Wow, hindi ko akalaing gano'n na kayo katagal magkakilala," saad ni Jef.

"Yes, kaya noong naging student council ako talagang sinundan ako n'yan-," hindi na naituloy ni Chustine ang ikinukwento dahil biglang tinakpan ni Meriah ang kaniyang bibig.

"Don't believe this guy," aniya.

"Don't deny!" Humalakhak naman ang kaibigan nito.

Tumawa nang alanganin si Jef at muling nagtanong na tila biglang naging interesado sa pagkakaibigan ng dalawa.

"Akala ko may kung ano sa inyo kaya lagi kayong magkasama," aniya.

Nasamid naman si Meriah dahil umiinom ito nang sabihin iyon ni Jef.

"Chust?" Muli pa itong napaubo habang nakaturo sa kaibigan. "And me? Eww."

"Maka-eww ka r'yan. Crush mo nga ako dati!"

"E?!" sabay na nagulat si Nat at Jef. Maging ako ay nabigla ngunit hindi na nagulat dahil umpisa pa man, akala ko ay may gusto si Chustine kay Meriah. Baligtad naman pala.

Nang tingnan ko si Meriah ay namumula na ito. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa kahihiyan.

"I hate you!" singhal ni Meriah sa katabing si Chustine.

Humalakhak naman ito at inakbayan si Meriah... Na naman. Kanina pa 'yan, ah?

Wala sa sarili ang paglapit ko ng bote sa aking labi at lagukin ang natitira nitong laman habang 'di tinatanggal ang paningin sa kanila.

"Easy, guys!" pagkuha niya sa atensyon ng iba at nagpakawala ng tawa. "That's so old news. It was when we were in high school. Naipagkamali lang ni Meriah ang pagkagusto niya dahil ako lang ang lagi niyang kasama. Wala kasi siyang ibang nakakausap o nakakasama bukod sa akin before James and Leslie came to her life."

Oh? Ako? Dumating sa buhay niya? Totoo ba?

Samantalang ako, ayaw pumasok sa buhay niya... Hindi gustong sumugal kung saan maaari akong maghangad ng mas higit pa kung mapalapit pa ako sa kaniya. Inaagapan na agad ang sakit na pupwedeng idulot kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili at hindi umayon ang hinahangad na mangyari.

Pero iyon ba talaga ang gusto ko, ang layuan siya? Mukhang iniiwasan ko lang ang kumplikasyon nang hindi lumalaban. Ngayon napapaisip ako kung tama ba ang paglayong ginagawa ko. Pero, talaga bang... dumating ako sa buhay niya? Nakabilang ba ako? May halaga ba?

Tuloy ang tugtugan, kwentuhan at tawanan. Habang ako, nalulunod sa pag-iisip.

'Tang-ina. Duwag ba ako? Kailangan ko bang hayaan ang mga nangyayari o dala lang ng alak itong iniisip ko?

Gagong utak 'to. Ayaw manahimik.

"Saglit lang," paalam ko sa kanila, hindi na inintindi kung may sinabi ba sila o kung ano pa man dahil dumiretso ako sa palikuran dito lang din sa kwartong ito.

Humarap ako sa salamin.

"Sabihin niyong dala lang ng alak itong naiisip ko," bulong ko sa aking isip at napayuko.

Hindi kaya nag-iisip lang ako masyado ngayong oras na ito? Siguro bukas wala na ito. Siguro bukas kaya ko na ulit umiwas sa mga ganiyang isipin.

Muli akong napatingin sa repleksyon ng sarili.

Pero bakit... bakit ganito ang nararamdaman ko? Gusto kong gumawa ng hakbang papunta sa kaniya. Alam kong maayos pa ako at nasa tamang pag-iisip. Itong mga naiisip ko ay kusa at totoo. Walang kinalaman ang alak sa nangyayari sa sistema ko.

Biglang may kumatok mula sa labas.

"James, matagal ka pa? May lalaruin tayo," hindi ko sigurado kung si Peter o si Dave ang tumawag.

"Heto na."

Binuksan ko ang gripo at mabilis na naghilamos. Tinanggal ko ang tumutulong tubig mula sa aking mukha at hindi na nag-abalang magpunas ng panyo bago lumabas.

"Ayos ka lang ba, James?" tanong ni Jef na sinusuri ang itsura ko habang ako ay palapit sa kanila.

"Ayos lang."

Ipinaliwanag ni Dave ang laro at iyon ay "spin the bottle," ngunit hindi truth or dare ang pagpipilian. Sa halip, drop your answers o drink your dare ang pagpipilian. Kapag drop your answers ang pinili ay kailangang sagutin ng taya ang tanong ng bawat kasali sa laro at kapag drink your dare ang pinili ay kailangang inumin ng taya ang gagawing inumin ng ibang mga kasali sa laro.

Sa madaling salita, mas pinatinding bersyon ng truth or dare.

+×+×+×+×+×+×+×+

This is real fun! Really! I never laugh like this before!

"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging lalaki sa loob ng isang araw, ano ang una mong gagawin?" It was Jefferson's question to Leslie this time.

"Syempre..." We held our breaths as she paused and let out a sound-hiccups. "Titingnan ang ano ko!" She pointed her private part down there and laughed.

Laughing at her frank answer, we get all the beer near her as she reaches for one unconsciously. She's already tipsy and we have to stop her on getting all the drinks before she gets drunk.

"Ako na! Ako na!" Andrea announced.

I am fixing Leslie's hair when I was caught off guard by Andrea's question.

"Crush mo si James, 'di ba?"

The boys cheered and teased Leslie and James. I can't tell if Leslie's blushing or not, kanina pa kasi siya namumula dahil sa alak. Kung ako ang tinanong ng ganiyan, baka nangamatis na ang mukha ko.

When I turned my gaze to James, I caught his serious eyes looking at me before he looked away.

"Was he staring at me?" That's the first thing that came to mind.

Suddenly, I got conscious so I grabbed my phone and checked myself on its screen. I think I'm perfectly fine. Hindi pa naman ako haggard. Now why did he looked at me with such serious face?

He's now staring at his drink. I grabbed the opportunity to study his face while the others are teasing them. I'm not sure what is he thinking or feeling. Hindi siya mukhang natutuwa, pero hindi rin naman siya galit or naiinis. The way his brows shot up and his forehead creased a little, it shows that he is worrying about something.

I was taken aback when his eyes shifted on me again. Halata ba ang pagtingin ko?! But... I can say that there is something in it. There's something in the way he looks at me! And... I don't know... I'm not sure what is it.

Basta nakakakaba 'yong pagtitig niya...

"Leslie, ano na?" Andrea's smile didn't reach her eyes.

The question made me remember how Leslie described James when I was asking about him. I admit, when I finally had the chance to be with him, I've seen it with my own eyes. I've seen more.

"Sino ba'ng hindi?" Leslie replied instead with a hint of smile on her lips.

Well, I guess she's still in the right mind to respond and act like that and not put herself in embarassment.

"Whoa!" the boys exclaimed.

"Sigurado ka ba d'yan?" It's Natasha. "Si James talaga?" She laughed exaggeratedly.

Dave and Jefferson massaged James' shoulders like they are giving him encouragement. Still, I can't get a proper expression from him from this situation he's in.

Drifting my eyes to Leslie, I whispered.

"Brave girl, uh?"

"Sana ikaw din," she's smiling at me when she said that.

She winked and I blinked.

"What?" Confusion filled my mind.

"Wala!" she waved her hand dismissively before snatching my bottle from my hand and drank it before I know it.

"Si Leslie!" Chustine yelled, standing already to get the bottle from her.

She's still confusing me that I forgot to yank the bottle away from her!

Leslie burped before clearing her throat. She stood up but I held her arm when she stumbled.

"H'wag kayong gan'yan! OA niyo!" she tried to use a loud voice but it sounded more like a kid. "Marami akong crush, 'no! 'Di lang si James!" She fell back to her seat.

"Hey, kaya mo pa ba?"

She leaned back and gave me a thumb's up. Tss.

"Out na 'yang si Leslie! 'Di na kaya n'yan!" Natasha said with a playful smile.

"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Leslie acted like she's emotional but then they both laughed. They're pretty much alike.

"Pagpahingahin niyo na 'yan," said Jefferson then he chuckled.

"Oh, tuloy na! Tuloy na!" It's Levy and he's ready to spin the bottle.

The slower the bottle spins, the more thrill I feel.

"James!" they shouted when the head of the bottle stopped in James' direction.

My gaze landed on James and did I see it, right? I think he just murmured the word "shit" while massaging his nape. And why is it amusing for me to witness that, huh? Damn.

"Drop your answers or drink your dare?" everybody else asked in unison.

"Ah..." He seriously think what to answer. He leaned forward a bit before asking. "Ano ba'ng ipaiinom niyo kung drink your dare ang piliin ko?"

I startled when Chustine placed a stainless tall glass with such force all of a sudden. Then Levy poured beer in it. After that, he flashed an innocent smile... Okay. Next is Peter, he put the hot sauce and the soy sauce-eww! Gross! But then he also smiled... Okay, that's weird and very kadiri. And here comes Dave... wearing a creepy smile, he poured the leftover soup from our dinner into the glass and added some sisig in it. He stirred it.

"Gosh, that's really gross!" I blurted as I try to peek what the dare-drink looks like.

"Ito lang naman ang iinumin ng kung sino ang pipili sa drink your dare," Dave announced with a smirk.

"Takot ka ba sa tanong, 'tol?" That's Jefferson and he's giving James a mocking grin.

"Matagal lang masyado ang tanungan kaya ko natanong kung ano ang ipaiinom..."

"So, ano nga?" Natasha asked impatiently, suppressing a playful smile.

"Drop your answers, syempre, ano pa ba? Maiinom ko ba 'yan?" he responded to her with a scowl.

"Ako muna!" Leslie volunteered on asking him first like nothing happened a while ago. "Ideal woman?"

Oh.

"Hindi ko talaga iniisip 'yan pero..." he paused as he thinks about it. "Sa tingin ko, makakasundo ko kapag responsable at marunong sa gawaing bahay."

Oh, really... of course, yeah, it's a great characteristic... And I can't do it. Damn it, why am I comparing myself to her ideal girl? Cringe!

But wait... did I just saw Andrea smirked at me? What the hell is wrong with this woman?

"Ano pa?" they asked.

"Ah, ano... ah, simple at maayos ang estado sa buhay."

Well, I am more than that.

They urged him to continue.

"Ano pa ba? Ah, oo, 'yong hindi umiinom ng alak at naninigarilyo, syempre."

What's the matter with drinking alcoholic drinks? I only do it on occassions!

"What's with the face?" asked Chustine who is now looking at me.

"Huh?"

He only chuckled.

"Hmm..." It's Jefferson's turn and he looked at James suspiciously. "Alam mo, 'tol, ang tagal na nating magkakilala pero wala ka man lang binabanggit na babaeng nagugustuhan mo. Heto ang tanong... Ako ba ang gusto mo?"

We burst out laughing. I totally forgot what I was thinking a while ago.

"Oo, 'tol, ikaw ang gusto kong upakan," the laughter continued at James' words.

"Biro lang, heto 'yong totoong tanong... Ano'ng tingin mo kay Meriah?"

HUH?!

Brows shot up and wide-eyed, I looked at Jefferson. He turned to me and just smiled. With the way I looked at him, I'm obviously asking why me? I mean...

"Bakit? Ano'ng mayroon kay Meriah?" It's Chustine and he is now shifting his eyes between me and James.

His eyes focused on me and I know what he's thinking with the way he grins at me! Oh, Chustine... no!

"Something's fishy, uh?" I almost hear him in my mind!

"No! Hindi!" They all looked at me with surprised expression. Then I realized my sudden reaction. My gosh! "I mean... Bakit big deal? Jefferson just probably asked it out of nowhere, right?" I let out a laugh and I'm sure as hell that it doesn't sound right.

They just looked at me.

Uh, shit. What did just came out from my mouth? I sounded like a defensive person. It looked like I'm the one who's making it a big deal.

"Sagot na," Peter urged James.

My heart jumped when James stared at me as he leaned forward and placed his elbow on his thighs. Makapigil-hininga na ang pangyayari pero naputol iyon nang tumuwid siya nang pagkakaupo at tuminging muli sa katabing si Jefferson para magtanong.

"Pisikal ba o ugali?"

Jefferson chuckled and shook his head like his friend's question is unbelievable. I don't understand.

"Pareho," Jefferson answered.

And just like that, I unconsciously held my breath when James landed his eyes at me again. Surprisingly, I didn't back out and stared back at him bravely.

"Maganda..." he said in a serious tone, his eyes not leaving mine.

Yes, I know. Everybody says that. Pero iba sa pakiramdam nang siya ang magsabi. Why naman gano'n?!

"Simple..."

I don't usually get that compliment from others. Maybe because I am here at the province kaya niya nasabi 'yon. Wala naman gaanong mapupuntahan dito para mag-ayos talaga ako at magsuot ng elegant dresses and stilettos.

"Maganda ang hubog ng katawan..."

"D-did you really have to say that out loud?" I asked absentmindedly and he looked away.

Jefferson laughed. He even clapped his hands. He's enjoying this, uh?

"Sexy ka naman kasi talaga, girl!" It's Leslie and I glanced at her with a pout on my lips. "Selos na ako sa pagdescribe sa'yo ni James! Akala ko ako lang ang magaling mag-describe," she laughed together with the others.

I almost chuckle when I remember her description to James but then James continued and it's a very quick answer. Bawing bawi pa nga!

"Mainitin ang ulo, walang pakialam sa paligid, padalos-dalos, at matapobre." I almost showed my frown when I looked away upon hearing his words.

Natahimik ang lahat, siguro ay nabigla rin sa pagpapatuloy ni James sa sinasabi niya.

Matapobre? Really... That kinda hurt.

Chustine tsk-ed and caressed my back as a memory from last year flashed back in my mind.

"Ha! I knew it. You're from public school. And why are you here by the way? You like it here? You're dreaming of studying here? Well, get lost! Di ka bagay dito kaya h'wag kang presko. Take note of this: Stay on your school, don't ever comeback, and never spread that school's virus again!"

"Next na!"

"Teka, hindi pa 'ko tapos..." Napatingin akong muli kay James at nabigla nang makitang direkta na siyang nakatitig sa akin.

"Ano pa?" I wanted to ask him what else does he want to add.

Maybe he's right. Matapobre? Truth really hurts, isn't it? Might as well hear more, right, James?

"Mainitin ang ulo, walang pakialam sa paligid, padalos-dalos at matapobre... Tama naman ako," he paused. He inhaled a deep breath and let it out slowly. "Pero kahit gano'n... responsable siya at matulungin sa ibang paraan. Malakas ang loob. Hindi madaling magpaapekto sa iba. Kumbaga, kayang kaya niyang dalhin ang kaniyang sarili-'yon ang hinahangaan ko sa kaniya," he finished but our eyes seemed to be locked with each other.

Oh God... Really? Is that true, James?

Naputol ang aming titigan nang marinig ang palakpakan ni Chustine at Jefferson. The others followed except Andrea. I even saw her elbowed Natasha to stop her from clapping.

"I really like you, dude!" Chustine pointed at James.

I suppressed a smile as the fun continued.

+×+×+×+×+×+×+×

Pasado alas onse na ng hatinggabi at natapos ang laro nang walang pumili sa inuming para sa dare. Wala nang umiinom at karamihan ay nagkakantahan na lang at pumapapak ng natirang pulutan.

Napatingin ako nang tumayo si Meriah. Kami na lang ang nakaupo ngunit sa magkalayong pwesto kaya naman hindi ko naiwasang hindi mapatingin nang tumayo na rin siya. Dumiretso ito sa banyo at nang lumabas ay nakatali na pataas ang buhok nito.

"First time, kitang nakitang nakatali ang buhok!" bati ni Nat sa bumabalik na si Meriah.

Marahil ay may tama ng alak si Nat kaya nagawa niyang kausapin si Meriah. Pero kahit ganoon ay bahagya akong napangiti.

"True! Parang ready ka na bumaba roon para sumayaw, ah?" birong pagtutukoy ni Leslie sa sayawan sa sa ibaba.

"Right!" bulalas ni Chustine. "Bakit hindi tayo magsayawan?"

"Don't be ridiculous," ani Meriah. "Let's not go down there. This room was paid for a reason and it's for our privacy and safety."

Wala sa sarili akong napatango sa pagsang-ayon sa kaniya.

"Hindi naman kasi roon," tugon ni Chustine.

Kinuha niya ang songbook mula kay Levy at binuklat ito sa pinakahuling pahina. May kinuha siyang CD at ipinalit niya iyon sa CD sa player. Kaparehong tugtugin mula sa sayawan sa ibaba ang tumugtog.

"Ayos!"

"Nice!"

Nag-umpisa silang magsayawan.

"Shall we?" Nakita kong inilahad ni Chustine ang kaniyang kamay upang ayaing magsayaw si Meriah. Tinanggap naman ng kaniyang kaibigan ang kaniyang kamay at iginiya papunta sa espasyo kung saan nagsasayaw na ang iba.

Pagmamasdan ko pa sana ang kanilang pag-indayog sa saliw ng mabilis na musika nang tawagin ako ni Andrea na kasalukuyang nakadikit kina Jef at Nat habang nagsasayaw.

"James, tara!"

Umiling ako hindi dahil sa ayaw ko. Kung 'di dahil hindi ako sanay sa mga ganoong sayawan. Kutilyon pa nga lang yata ang nasayaw ko nang maayos sa buong buhay ko.

"Tara na!" Hinila ako sa magkabilang braso nina Jef at Nat na bahagyang natatawa sa pagpilit sa akin.

"Oo na, sandali!" Binitawan naman ako ni Jef ngunit hindi si Nat.

Inabot ko ang aking bote at inubos ang natitirang laman, nagbabakasakaling mapasayaw ako ng alak. Halos matawa ako sa aking naisip.

Nagpatianod na ako sa kanilang paghila at nang makapunta sa mga kasamang nagsasayaw ay sandali kong pinanood ang kanilang galaw. Parang nilalaro lang nila ang kanilang ginagawa. Sinubukan ko silang gayahin.

Napangisi ako nang makaramdam ng hiya sa ginagawa kaya naman binawasan ko ang aking galaw. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto nilang magsayaw sa mga ganitong lugar.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at bahagyang pinadaanan ng dila ang labi. Natigil ako sa ginagawa nang magtama ang paningin namin ni Meriah. Bahagya itong nakikisayaw na tila nag-aalangan din sa ginagawa.

Sa pagkakataong iyon, naisip kong tama lang ang pinakawalan kong mga salita kanina. Karapat-dapat lamang niyang matamo iyon mula sa akin dahil ramdam ko ang poot mula sa kaniya tuwing magkakatinginan kami noong mga nakaraang araw. Marahil ay hindi sapat sa kaniya ang pagsasabi ko na ayos kami. Nanghihingi siya ng dahilan at eksplanasyon na hindi ko kayang sabihin sa kaniya.

"Duwag!" Napukaw ni Jef ang aking atensyon nang sabihin niya iyon.

"Nakakahiya!" impit ang sigaw ni Nat kay Jef.

"Bakit, ano ba 'yon?" tanong ko kay Andeng na nasa aking tabi.

"Tinutulak ni Jef si Nat kay Chustine para ayaing makipagsayaw."

Nakisali ako sa pambubuyo kay Nat habang pinipilit pa rin siya ni Jef. Para na rin makaiwas sa pagsasayaw.

"Teka, nagsasayaw pa sila!" giit ni Nat dahil nag-umpisa na siyang hilahin ni Jef.

"Ayos lang 'yan!"

"Hey!" bati ni Chustine nang makalapit kami sa kanila.

"Yo!" napapangising bati ni Jef.

Sinulyapan ni Chustine si Nat at nakitang hawak ni Jef ang braso nito. Natawa siya nang mapagtanto ang gustong mangyari ni Jef, na sa tingin ko'y gusto rin naman ni Nat. Sadyang nahihiya lang siya sa lalaki.

"Kayo muna ang bahala kay Meriah," aniya.

Nabigla ako nang hawakan ni Chustine ang aking kamay, pati ang kay Meriah at ipinatong sa aking palad ang kamay nito. Gusto kong mapangisi sa sunod niyang ginawa dahil inilahad niya ang kaniyang kamay kay Nat upang yayaing makipagsayaw. Nahihiya naman itong tinanggap ni Nat at unti-unti silang umindayog kasabay ng mabilis na kalabog ng musika. Naghiyawan ang lahat nang ihawak ni Chustine ang isa niyang kamay sa baywang ni Nat.

Gusto kong mapangisi sa pangyayari sa dalawa ngunit hindi ko magawa dahil sa kaalamang hawak ko ang kamay ni Meriah. Nilingon ko siya at napatingin siya sa akin. Nakita ko ang kaniyang paglunok bago niya inilipat ang paningin sa aming magkahawak na kamay.

"Tara!" hiyaw ni Jef at nag-umpisang hilahin si Andeng sa kamay. Hinawakan niya rin ang aking kamay at unti-unti lumakad ito paikot kina Chustine at Nat.

Naghawak-kamay din ang iba at pabilis nang pabilis ang paglundag-lakad paikot sa dalawa. Nag-umpisang humiyaw sina Levy ng "ChustNat" habang pinaiikutan namin ang dalawang nagsasayaw. Hiyawan at tawanan ang nangyari.

Nang sulyapan ko naman ang babaeng kahawak-kamay ay matamis ang ngiti nito at kumikislap ang mga mata. Walang pagpipigil ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Hindi ko napigilan ang sariling higpitan ang paghawak sa kaniyang kamay bago ibalik ang tingin sa mga kasamang nagkakasiyahan. At dahil sa aking ginawa, nakita ko mula sa gilid ng aking mata na napatingin siya sa akin. Hindi ko na rin pinigilan ang aking labi sa pagsilay ng malawak na ngiti mula roon.

Sa oras na iyon ay hinayaan kong manguna ang nag-uumapaw na kaligayahan sa aking sistema. Ngayon lang... hahayaan ko ang aking sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

26.2K 176 3
Read the Book 1 in Novelah, Dreame, GoNovel chose one for that apps its all free there. It is okay too if you wont gonna read the Book I you can stil...
1.4M 57.3K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1K 40 10
Consequences Series #1 Keene has no girlfriend since birth. Tutok na tutok siya sa pag-aaral kaya wala siyang panahon sa kahit na anong commitment. N...
15.3K 365 44
Everyone says Adira Serene Mckenson has a beauty like aphrodite and a brain like Athena. Yes, it is true. She is also known as a gangster---- a stron...