Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-lima
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing isa
Ika-labing dalawa
Ika-labing tatlo
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-labing siyam
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't dalawa
Ika-dalawampu't tatlo
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-labing apat

55 10 0
By magayonloves

"Suggestion nga iyon ni Chustine. Alam mo na, laking syudad kaya maraming alam na gano'ng lugar. Pero pinag-iisipan pa naman," paliwanag ni Levy.

Tutal ay nag-aaya naman daw ng hang out si Chustine, mabuting isabay na ang selebrasyon para sa tagumpay ng event.

"Titingnan ko pa kung may makakasama ang kapatid ko sa bahay sa gabing 'yon."

"Sige, isasali na kita sa group chat mamaya para alam mo 'yong mga napag-uusapan."

Palabas na kami ng unibersidad nina Jef, Nat at Andeng para umuwi nang makasalubong ko si Levy malapit sa gate. Agad niyang binuksan ang usapan tungkol sa selebrasyon kaya naman pinauna ko na ang tatlo dahil tatawid pa sila sa kabila ng kalsada upang mag-pa-print ng survey forms nila.

Tinapik ako ni Levy sa balikat nang matapos ang pag-uusap. Nang makalabas, sinipat ko ang tatlo mula sa pagitan ng mga nagdadaanang sasakyan at nakitang naroon pa sila. Maraming estudyante roon at nasa linya sila ng pila. Napagpasyahan kong samahan sila at para hintayin na rin si Jane.

Patawid na ako sa kalsada nang marinig ang pamilyar na boses sa aking gawing kanan, 'di kalayuan mula sa akin.

"I said my apologies and I mean it!"

Si Meriah iyon at kausap niya si Kelsey. Kahit nakatigilid, nakita kong kunot na ang kaniyang noo nang magsalita siya. Sa tono ng pananalita niya ay masasabi kong nawawalan na siya ng pasensya. May ibang estudyante na ring nakikiusyoso at napapatingin sa kanila.

Isinantabi ko ang naunang plano at umatras palayo sa kalsada, medyo gumilid papunta sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung kailan sila unang nagkausap o kung madalas ba silang mag-usap ngunit may pakiramdam akong hindi maayos ang mga pag-uusap na iyon.

Diretso ang tingin ko sa harap ngunit ang atensyon ko ay nasa kanilang pag-uusap, alerto sa kung ano'ng susunod na mangyayari.

"Sa tingin mo ba, maibabalik no'n 'yong sinabi mo noon? Alam mo..." Huminto si Kelsey kaya naman bahagya akong lumingon upang makita ang nangyayari. Mas malapit na ito kay Meriah ngayon. Mukha sa mukha, nagpatuloy ito sa kaniyang sinasabi. "Ang kapal ng mukha mong mag-aral dito. Bumalik ka na lang sa palasyo mo dahil kahit ano'ng gawin mo, mayroon pa ring hindi tatanggap sa'yo rito at nangunguna ako ro'n," patuloy ni Kelsey, kalmado ngunit may diin sa kaniyang bawat salita.

"I regret saying those things," pag-amin ni Meriah sa walang emosyong tono, tulad ng kaniyang mukha na walang kaemo-emosyon. "You think I will be here if I still loathe this school? I'm here. I'm studying." Huminto siya saglit at inayos ang pagkakasukbit ng bag pati na rin ang hawak na envelope na sa tingin ko ay ang survey forms namin. "If we're finish, I think I should get going," patuloy niya, tinatapos ang usapan.

Tinalikuran na niya si Kelsey ngunit marahas nitong hinila pabalik ang braso ni Meriah, dahilan upang mapaharap ito.

"Hindi pa tayo tapos," mariin nitong sinabi.

"Don't–."

"Aalis na siya," pagpasok ko sa kanilang usapan na siyang dahilan ng sabay nilang pagtingin sa aking presensya.

Banayad ang naging paghawak ko sa braso ni Meriah upang pakawalan iyon sa mahigpit na pwersa mula sa pagpigil ng nagngangalit na kausap. Nang sulyapan ko ang braso ay napansin ko ang bahagyang marka na naiwan, senyales na matindi ang naging paghawak doon ni Kelsey.

Iniwas iyon ni Meriah. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon ay mukha kaming may pinag-uusapan at nagkaintindihan.

"Ingat kayo ni Kuya Lando sa byahe," pagbasag ko sa katahimikan.

Bahagyang bumalik ang pagkalukot ng kaniyang noo, tila gustong magtanong ngunit pinigilan na ang sarili.

"Salamat," aniya sa mababang boses at muli pang sinulyapan ang kaklaseng babae bago tinungo ang  kaniyang daan papunta sa parking lot.

"J-James," nabalik ako sa pinag-iwanang sitwasyon nang marinig ko ang kaklase.

Hinarap ko siya, ang buo kong atensyon ay nasa kaniya.

"Kailan pa ito?" tanong ko, buo na sa isipan kung tungkol saan ang dahilan nito.

"James, hindi siya pupwede rito!" giit niya, binalewala ang tanong.

"Tumigil ka na, Kelsey," mababa ang aking boses nang sabihin iyon, siniguradong mababakas ang pagbibigay ng babala sa aking tono. "Ayos kami. Maganda ang pakikitungo niya sa lahat. Tanggapin mo na at ng iba mo pang kasama na nandito siya at kasama nating nag-aaral. Bigyan niyo siya ng tyansa... Itigil niyo na ang komunikasyon niyo sa mga Com. Arts at tigilan niyo si Meriah," hindi ko napigilan ang sarili na paratangan siya kahit na walang kasiguraduhan sa sinabi.

"A-ano? Com. Arts? Teka nga..." Natigilan siya, nagsasalubong man ang kilay ngunit sumilay ang ngisi dulot ng isang negatibong emosyon. "Sinasabi mo bang ako ang nagsabi ng impormasyon sa kanila para magpost sila ng tungkol kay Meriah?"

"Hindi kayo?" pagtugon ko rin ng tanong, naguguluhan sa nangyayari.

"'Tang-ina naman, James," nagtiim-bagang ako sa narinig at umiwas ng tingin. "Hindi ako aabot sa gano'n kung 'yan ang iniisip mo. Noong kumalat na si Meriah ang tinutukoy doon sa post, noon ko pa lang din nalaman na siya 'yon." Nang matapos siya sa pagsasalita ay muli akong napatingin sa kaniya, sakto lamang nang abutan ko siyang nagpunas ng luha.

Naglaho ang tatag at tapang sa presensiya niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

"Bakit ka umiiyak?" nais kong itanong.

"Nang malaman ko na ikaw ang tinutukoy na pinagsalitaan ng Meriah na 'yon, sobra ang naging galit ko," nanginig ang kaniyang boses, pinipigilan ang paghikbi.

Nakaharap pa rin siya pero wala na sa akin ang paningin, tila malalim ang iniisip. Inilapit ko sa kaniya ang aking panyo, dahilan upang tingnan niya iyon bago inangat ang tingin sa akin.

"Hindi mo kailangang..." Hindi ko magawang ituloy ang aking sinasabi dahil napagtanto kong katangahan iyon kung ipinagpatuloy kong sabihin na hindi niya kailangang magalit.

Kailanma'y hindi maaaring pigilan ang galit o anumang nararamdaman. May karapatang tumugon ang emosyon sa mga nangyayari. Maaari iyong maitago, ngunit ramdam pa rin iyon sa loob–sa puso.

"Ngunit bakit gano'n ang naramdaman niya?" Tumingin siya sa'kin na para bang nabasa ang aking isipan.

"Iniisip lang kita..." Wala na ang luha na umagos sa kaniyang pisngi ngunit may panibagong luha ang nagbabadya sa mga gilid ng kaniyang mata. "Kasi gusto kita," nabigla ako sa kaniyang pag-amin lalo pa nang magpatuloy siya. "Ayaw kong tinatrato ka ng gano'n. Hindi niya alam kung gaano ka kabuti at kasipag mag-aral. Kung paano kang makisama sa mga tao sa paligid mo. Wala kang alam na napapamangha mo ang ibang tao."

Inayos niya ang kaniyang sarili at kinuha sa aking kamay ang panyo. Pinunasan niya ang natitira niyang luha habang ako ay nakatayo lang, nakatingin sa kaniya at hindi alam ang dapat sabihin.

Nabigla ako nang hawakan niya ang aking kamay. Ibinalik doon ang panyo.

"Salamat," aniya, nakabawi sa bugso ng emosyon kanina. "Masakit pala ang mapagbintangan ng taong mahalaga sa'yo, ano?" Bakas man ang lungkot sa boses, nagawa pa rin niyang ngumiti. Ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkalaglag ng luha sa isa niyang mata nang umiwas siya ng tingin. Pasimple niya itong pinunasan at muli akong tiningnan. "Wala sa plano ang pag-amin ko pero h'wag kang mag-alala... Hindi ngunit umamin ako ay ipipilit ko na ang sarili ko sa'yo. Pero hayaan mo akong gawin ang tingin kong nararapat para sa'yo. Plastik ang Meriah na 'yon. Babantayan ko siya kaya 'wag siyang magkakamali."

Umalis ito na parang walang nangyari. Naiwan akong nakakatitig sa kawalan, hindi alam ang unang iisipin sa mga nalaman.

"Huy, James," pagtawag ni Andeng, dala na ang mga pina-print na forms.

Isinantabi ko ang nasa isipan at ibinalik ang gaan sa ekspresyon.

"Nakita ka namin kasama si Kelsey," ani Nat.

Hindi man nakarinig ng "bakit" sa kaniyang sinabi, sumagot pa rin ako. "Wala lang 'yon."

Naging mapait ang dating sa akin ng aking sinabi. Tila ba gusto kong manghingi ng tawad kay Kelsey.

"Ayan na naman tayo sa linyang 'yan, e," si Jef.

"Wala lang 'yon," panggagaya ni Nat sa nakakalokong bersyon.

Nabaling ang atensyon ko sa nagvibrate kong cellphone sa bulsa. Inilabas ko iyon at nakitang tumatawag si Jane. Sinagot ko iyon.

"Nasaan ka na?" bungad ko. Sakto naman na nakita ko siyang lumabas sa gate tulad ng sabi niya. Nakita na rin niya ako kaya ihininto ko na ang tawag.

"Ligtas ang Papa James niyo," natatawang pahayag ni Jef nang makita na si Jane palapit sa'min.

"Wala! Ikwento mo sa'min 'yan mamaya," si Nat.

"Oo na, sige na." tuluy-tuloy kong sinabi.

"Yes naman, gumaganda tayo, ah?" bungad ni Andeng sa aking kapatid nang makalapit ito sa amin.

"Basic," tugon ni Jane at naghagikgikan sila.

"Blooming, e! Baka may boyfriend?" tukso ni Nat.

Mataman kong tiningnan ang kapatid.

"Boyfriend agad? Ma-i-issue kayo! Tara na nga, Kuya!"

Nagtawanan ang dalawang kaibigan.

"Oh, pa'no? Ingat kayo," paalam ko.

"Magkapatid nga kayo! Mahihilig tumakas!" Humalakhak si Nat.

"Sige, 'tol, kayo rin," ani Jef bago bumaling sa dalawa at akbayan pareho. "Anong oras na, mag-se-survey pa kayo sa bayan."

Umalis na sila at tinungo naman namin ang daan pauwi. Pinagmasdan ko ang nauunang maglakad na si Jane.

Dalaga na nga ang kapatid ko at mukhang may umaaligid ng manliligaw.

"Jane," tawag ko at lumingon naman siya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Tama nga si Nat. Kakaiba ang dating niya ngayon.

"Bakit, Kuya?" taas ang kilay niyang tanong nang mapansin ang matagal kong tingin sa kaniya.

"H'wag ka munang tatanggap ng manliligaw, ha?" banayad kong sinabi.

"A-ah!?" Biglang naging alangan ang ekspresyon nito. Malikot ang mata at hindi alam kung saan ipupukol ang atensyon. Tila nabisto sa kung ano.

"Bakit?" Ramdam ko ang pagsasalubong ng aking kilay. "Mayroon na ba?"

"E, h-hindi naman." Namumula na ito. Anong mayro'n?

"Jane," may pagbabanta na sa boses ko.

"Kuya, kasi..."

Nakaharap ito sa aking direksyon ngunit nakayuko. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil sa namumuong galit.

Abala ang mga tao sa paligid, patuloy ang daloy ng trapiko, ngunit hindi ko ininda iyon dahil ang buong atensyon ay nasa kaharap. Tila nawala ang ingay ng kapaligiran dahil sa paghihintay sa sasabihin ng kapatid.

"Ano, Jane?" nawawalan ng pasensya kong tanong.

"Kuya, hindi ko naman kasi pinayagan..." Ramdam ko ang kaba niya dahil sa pagpiga niya nang paulit-ulit sa kaniyang mga kamay. "S-siya kasi, e! Sinabi ko na ngang hindi pupwede, tuloy pa rin siya sa panliligaw."

Hindi ko alam kung makakahinga na ba ako nang maluwag sa kaniyang sinabi o ano.

"Papuntahin mo sa bahay at ako ang kakastigo."

Hinawakan ko siya sa balikat para mapasunod na siya sa aking paglakad. Sinulyapan naman niya ako, bahagyang nakayuko ngunit ang mga mata'y pinilit itaas para matingnan ako. Pilit ang ngisi ko nang ipatong sa ulo niya ang isang kamay at ginulo ang buhok niya.

"Kuya, naman, e. 'Yong bangs ko!"

Ayaw ko siyang matakot sa akin. Kung magkataon, mananaig lagi ang takot niya at matututo siyang maglihim. Siguro'y kailangan ko pang pigilan ang sarili ko pagdating sa ganiyang bagay.

"Papuntahin mo 'yon, ha? Ano ba'ng pangalan?" tanong ko, mas kalmado na ang pakiramdam kaysa kanina.

"Wala lang 'yon, Kuya." Inangkla na niya ang kaniyang braso sa aking braso. "Hindi ko sasagutin 'yon. Pangit niya, e."

"Pangit pero nagpapaganda ka?"

"Hindi, ah! Wow naman sa kaniya kung gawin ko 'yon. Maganda na kaya ako," depensa niya.

Sana nga ay huwag muna talaga siyang bibigay sa magtatangka.

+×+×+×+×+×+×+×

Damn, I couldn't sleep. Maaga pa akong gigising bukas para maaga kong matapos ang pag-se-survey sa CMU! Ano'ng oras na ba?! The scene earlier made me stay awake! The hell with that!

"E, ano naman kung may gusto siya kay James?" I mumbled under the pillow I'm hugging.

"Stop the car," I commanded when I saw James and Kelsey where I left.

It seems like they're talking about a serious thing. I even noticed how Kelsey look at him. Her aura changed, iba sa kung ano'ng lagi niyang pinapakita sa akin.

"Si James, 'yon, ah?" Kuya Lando noticed but I spoke right after him.

"Let's go."

Inalis naman ni Kuya Lando ang pagkakaparada ng sasakyan sa gilid ng parking gate. But then, the flow of the traffic became slower when a bunch of high school students came out of the main gate. And shit is really shit, you know?

I simply hid by sitting so straight when we stopped right by their side. Yes! James and Kelsey!

 "Iniisip lang kita..." I heard Kelsey. Is she crying? "Kasi gusto kita." Whoaw. I didn't see it coming. Now I understand where her anger came from. "Ayaw kong tinatrato ka ng gano'n. Hindi niya alam kung gaano ka kabuti at kasipag mag-aral. Kung paano kang makisama sa mga tao sa paligid mo. Wala kang alam na napapamangha mo ang ibang tao."

I don't have a say to that. She was right about him. I admit that I clearly see what she saw in him. But she wasn't right about me and I was right about her.

I remember myself volunteering to do a research paper alone.

Kelsey, whom I've known for a couple of minutes because she was called by her friend, and was supposed to be beside me pulled her chair far from me. Our other seatmeates did that, too. I sensed that she doesn't like me to be her partner while everybody else seems to have theirs.

"Ma'am," I raised a hand. "Is it okay if I go solo?"

"But why? I thought sakto kayo para magkaroon ng partner lahat," said the professor. "Sino pa ang walang partner?" she straightened her posture as she asked the whole class.

"Ma'am, solo na lang din po ako," Kelsey said. "Hindi po kami close ni Meriah at mukhang hindi kami magkakasundo kaya mas pipiliin ko na lang din magsolo."

Wow, she's brave enough to say that to the whole class. Brave enough to say that in my face.

And it led me to being partner with James.

It's almost two months when I started studying here and I didn't see them talk. Or baka naman kapag wala ako nag-uusap sila? Close ba sila? Gano'n ba sila kalapit sa isa't isa para harapang umamin si Kelsey?

I burried my face to the pillow and let my thoughts take over my head.

Kahit sa gano'ng sitwasyon, matapang talaga si Kelsey. She doesn't back down. She's brave to fight for the one she likes. Brave enough to confess about her feelings. And... and it bothers me so much.

The thoughts in my head resulted to being zombie the next morning. I put an eye mascara, blush on, red liptint, and concealer under my eyes to cover my eyebags. I still have a long day to go through, you know?

Today, I wore a rusty orange turtle neck sleeveless and partnered it with cream-colored pants. I ponytailed my long hair to make a good emphasize of my tops. I wore my brown sneakers when I went down to the living room. Clasping the envelope of survey forms, I walked outside to go to in our car.

"Malapit na ako," I announced the moment Chustine answered my call. Hell, yeah, I'm back to the city!

He just said that I can just go straight in council's office because he's just finishing something. President duties, tss.

The security guard made me wear a visitor's ID after I signed in the log book and wrote the purpose of my visit. Glancing at me every now and then, he finally let me in.

I can't help but to roam around my eyes while walking my way to the council's office. Nothing changed. God, I missed being here.

"That's Meriah, right?"

I turned upon hearing my name. They're on the lower year, I guess.

"Siya nga!" I heard the amusement on her tone.

They smiled shyly before walking away, probably going to cafeteria for their break time. I even hear them say something before they couldn't be heard anymore.

"She became more beautiful! Mag-aral na lang din kaya ako sa public school?"

"Oh? Sa public school lang ba siya?"

That word... lang.

I used to hate public schools because I encountered male students studying in one univeristy–same area of CMU, and they were catcalling me. I was looking for a good restaurant that time when it led me near a public school. I was wearing my school uniform–vest with white polo shirt underneath and knee length skirt that supposed to be above the knee. The hell's with them, right? Another situation was I heard some female students from different public school talking behind my back.

"Feel ko ang aarte ng mga nag-aaral sa CMU."

"True. Tingnan mo si Ate girl, hindi yata sanay mag-commute 'yan. Pustahan tayo, hinihintay n'yan 'yong sundo niya, oh."

"Obvious naman na hindi nag-co-commute 'yan, e. Mukhang hindi nga sanay sa hirap ng buhay 'yan, e."

I just felt that they were belittling the students from CMU. Maybe they're right at some point. But I believe we can also do something that they cannot do–that we excel at something than them.

Andres Bonifacio University taught me that it's not the school that is producing that kind of students. They still have good quality of education, well-facilitated areas, and secured campus. It is still about the people in it. And many students are still minding their own business–focusing on studying or sports or anything. Good thing.

What I admire about ABU is that they are helping more those students who are struggling financially to study, giving them scholarships by taking an examination for applying  for scholarship. And the school is not after popularity. Money is not a big deal. I also noticed that they have more academic activities than extra-curriculars–I could say that just in almost two months of stay there.

And the people there? Nice and always ready for a battle.

I grinned at the thought.

"The council fund isn't enough to make an extravagant party, Mr. President," I smiled after my dramatic introduction.

Turning around to see me lie down on the sofa, Chustine grinned at me.

"Missin' being my treasurer, aren't you?"

"You can say that." I sighed. I really missed this place.

He stood up and put some files in their holder. I guess he's finished.

"Shall we start?" asked Chustine.

I should be the one who's asking that, you know? Whatever.

Continue Reading

You'll Also Like

20.7K 346 73
Cam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she...
91.3K 6.4K 21
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
327K 8.8K 39
A Ruthless assassin transfer in another world but act an innocent person. She always play someone life and enjoy every blood that drop in her innocen...
1.4M 57.2K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...