Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-lima
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing isa
Ika-labing tatlo
Ika-labing apat
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-labing siyam
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't dalawa
Ika-dalawampu't tatlo
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-labing dalawa

54 9 0
By magayonloves

"May iba sa'yo!" puna ni Andeng nang magkita-kita kami pagkatapos silang gawaran ng award.

Nilingon naman ako ng dalawa at ininspeksyon ako.

"Kung anu-ano na namang pinapansin mo," pabirong singhal ko at sinabayan sila sa paglalakad palabas ng auditorium.

"Oo nga, parang ang gaan ng mood mo today! Hindi nakalinya 'yang kilay mo tulad ng lagi mong ekspresyon na seryoso!" segunda ni Nat.

"May nakitang chiks 'yan kaya gan'yan," naka-angkla na ang braso ni Andeng kay Nat at binibigyang konklusyon ang kung anong napansin sa akin. Patuloy nila akong sinulyap-sulyapang dalawa.

Napa-buntong hininga ako at mabagal silang inilingan, nagkukunwaring nadismaya sa iniisip nila. Minsan din talaga para silang si Jane kung mag-isip.

"Lagi namang gan'yan ang sinasabi niyo kapag maliwanag ang mukha nitong si James, e. Pero may napatunayan ba kayong may chiks nga?" Ngumuso lang ang dalawa sa punto ni Jef. Binalingan naman ako ng isang ito na mukhang alam ko na ang susunod na gagawin kaya idiniretso ko ang tingin sa harap, umiiling. "Ano'ng nangyari?" tanong niya sa mahinang boses kasabay ng pagsiko nito sa aking tagiliran.

Sabi ko na nga ba. Sinulyapan ko ito at nakita ang kaniyang pagngisi.

"Ano?" naka-depensa kong singhal sa kaniya, seryoso ngunit biro lang.

"May nangyari nga kaya ka gan'yan," may kasiguraduhan sa kaniyang tono.

Muli kong nasulyapan ang hawak na trophy ni Nat. Bumalik ang mga nangyari sa aking isipan.

"Wala lang 'yon," tugon ko bago alisin ang unang butones sa pagkakakabit nito sa aking polo nang maramdaman ang init. Medyo hinila ko rin ang kuwelyo sa maayos na paraan.

"Oh-kay," sadya ang pag-exaggerate niya sa kaniyang tugon. "Malihim ang Papa James natin," malakas na ang boses niya kaya napunta na naman sa akin ang atensyon ng dalawa.

"Oo, gusto ko na ngang magtampo, e," ani Andeng.

"Mga loko," singhal ko at binilisan ang lakad upang makatakas sa kalokohan nila.

"Saglit! Dadaan muna tayo sa Dean's office. Itong si James, por que hindi kasali sa quiz bee, kinakalimutan na! Doon naman natin lagi idini-display itong mga trophy na napapanalunan natin."

Sa opisina na ang tungo namin at nangunguna pa rin ako sa paglalakad. Sila ay patuloy naman sa kalokohan nila sa akin.

"Kakaiba 'tong trophy natin ngayon, pati itong medal, 'no?" si Andeng, tuluyan ng iniba ang usapan habang iniinspeksyon ang itsura ng trophy na hawak.

"Pansin n'yo? Akala ko ako lang," ani Jef.

"Maganda naman 'yong style," ani Andeng at iniikot-ikot ang trophy sa harap nila ni Nat. "Mas makintab kaysa sa mga naging trophy natin noon dito sa school."

"'Yong pagka-gold niya, parang kakulay ng trophy natin na nakuha natin sa CMU."

Pinigilan ko ang pagngisi. Pero naglaho na rin ang kagustuhang ngumisi nang sumagi sa aking isip na kamumuhian nila ang trophy na hawak kapag nalaman nilang dahil kay Meriah kaya kakaiba ang trophy ngayon.

Malapit na kami sa gusali ng BA department nang biglang bumukas ang pintuan sa opisina ng student council, ilang hakbang mula sa pwesto namin. Iniluwa no'n si Meriah at Leslie, kasunod ay ang mga student council. At mula rito, rinig namin ang mga boses nila.

"Maraming salamat ulit sa'yo, Ms. Buenavidez. Naabala ka pa ng vice, treasurer, at auditor ko," anang babaeng presidente ng council na si Veronica, nasa bungad ito ng pintuan habang nakaharap si Meriah na nasa labas.

"It's nothing," aniya at tipid na ngumiti. "It's a call of duty and I felt that. Like I told you, I was once a part of council back then kaya may koneksyon ako sa mga gan'yan."

"Lucky bastards, ain't you?" baling ng presidente kay Levy at sa mga kasama pa nito. "Anyway, sana nabusog ka sa mumunting salu-salo. I'm looking forward to have you here and hear some more from you."

"Oo nga, dalaw ka rito, Meriah, para makilala ka pa namin," anang isa pang miyembro

"Mr. Cervantes!" tawag ng presidente kay Jef nang aktong lalagpasan na namin ang kaganapan sa labas ng opisina nila.

Tumingin sila sa gawi namin. Nagkatinginan kami ni Meriah ngunit nag-iwas agad ito ng tingin.

"Yes, Pangulo?" Lumapit si Jef. Wala na rin kaming nagawa kung hindi ang sumunod na rin.

"Kalat sa department niyo na masama ang ugali nitong si Ms. Buenavidez," may pagka-insensitibong panimula ng presidente. Bakas ang gulat sa mukha ng mga nakarinig, maging si Meriah. Medyo napayuko pa ito at nahuli ko saglit ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Pero lahat kami ay nakabawi at hinayaan ang presidenteng tapusin ang kaniyang sinasabi. "Matulungin naman pala at mukhang maalam sa mga gawaing pang-organisasyon si Ms. Buenavidez. Kumonsulta ka sa kaniya minsan kapag may kumplikasyon sa proyekto niyo. Iyon ay kung ayos lang sa'yo, Ms. Buenavidez?"

Umismik ang dalawa sa aking gilid. Muli namang nag-angat ng tingin si Meriah sa presidente.

"U-uh, yes! Of course, it's a thumb's up for me to help the organization," aniya, tipid na ngumiti sa presidente at sumulyap kay Jef para ipakita ang sinsero nitong pagsang-ayon.

"Salamat, Meriah," si Jef. Nakangiti na ito sa pinasalamatan at binalingang muli ang presidente. "Ito talagang si Pangulo... Baka nape-pressure n'yan si Meriah dahil sa'yo," biro niya at pasimpleng hinanapan ng ekspresyon si Meriah kung posibleng tama siya.

"Pero looking forward ka naman," tugon ng kausap. Nakangiti man ay mahirap pa ring basahin ang ekspresyon ng presidente. Si Veronica–matangkad itong babae, halos abutan na kami ni Jef sa katangkaran, at mararamdaman ang awtoridad sa presensiya dahil sa paraan nito ng pagtingin at pagtindig. Muli siyang nagsalita. "Sa klase ng pamumuhay nila, she can definitely say no if it will cause her inconvenience and that's alright," sinulyapan nito si Meriah matapos sabihin iyon nang may ngiti pa rin sa labi.

May katotohanan man ang sinabi, hindi pa rin maitatanggi ang paglabas ng kaprangkahan at pagiging insensitibo nito. Ito ang dahilan kaya takot ang karamihan sa kaniya dahil sa bulgar na pag-uugali niyang iyon. Pero sa kabila no'n, siya pa rin ang nanalong presidente noong eleksyon dahil bukod sa responsable, nagagamit niya rin ang ganoong pag-uugali niya upang magampanan nang mabuti ang tungkulin.

"It's okay," si Meriah. "I can help and I'm almost always available. School works aren't that hard anyway."

"Yabang talaga," bulong ni Andeng.

Sinulyapan ko ito at nahuli ang pag-ikot ng kaniyang mata. May naisip ako.

"Alam mo ba kung bakit nandito si Meriah?" tanong ko sa kaniya, sakto lang ang hina ng boses upang marinig niya. "Nagkaroon ng problema sa pinagpagawaan ng trophy ng council. Tumulong siya at siya ang nagpagawa ng lahat ng trophies at medals na 'yan kaya pinasasalamatan siya ngayon."

Halos lumuwa ang kaniyang mata dahil sa gulat. Unti-unti itong napayuko at tiningnan ang trophy.

"Halika na, dali!" impit ang pasigaw na aya niya kay Nat nang makabawi sa pagkabigla.

Hinila niya ito paalis sa kumpulan. Napatingin pa ang ibang mga kasama namin sa kanilang pagmamadali sa pag-alis.

"Problema ni Andeng?" tanong ni Jef.

Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko naman kayang sabihin pa rito ang tunay na dahilan lalo na't nakaharap si Meriah. Marahil ay pupunta na ang dalawa sa Dean's office para i-display doon ang trophy hindi dahil sa karangalan, kung hindi dahil sa pagkamuhing nararamdaman.

Napabuntong hininga ako. Kung maaalala pa nila, h'wag naman sana nilang ipa-display din doon ang sarili nilang medal.

Hindi rin naman nagtagal, nagpaalam na sila sa isa't isa at muling pumasok ang mga student council sa kanilang opisina. Nang tutungo na sana kami sa dapat naming pupuntahan ay nagsalita si Meriah.

"James... Don't forget. Tomorrow," aniya na inaasahang nakuha ko ang kaniyang tinutukoy kaya tumalikod na rin sila agad at umalis kasama ang kaibigan.

Pero sa totoo lang, hindi ko pa rin nakukuha ang sinabi niya kaya nanatili akong nakatingin sa kanila habang sila ay papalayo. Halos magulat tuloy ako kay Jef.

"Hoy! Ano 'yon, ha? Ano 'yon?" Nakangisi na ito at mas lalo pang ngumisi nang may mapagtanto. "'Yan siguro ang dahilan kung bakit nagliliwanag 'yang mukha mo ngayon, 'no?!"

"Ano?" singhal ko sa kaniya. Unti-unti na rin kaming naglakad. "Ginawa mo pa 'kong bumbilya, loko ka."

"Pero ano nga? Ano'ng mayroon bukas?" pilit nito, sabik sa impormasyon.

Muli akong napaisip. Ano nga ba'ng mayroon bukas? Sabado naman at nasa bahay lang–ah. Natatandaan ko na.

"Gagawa lang ng research paper."

"Parang nakarinig pa ako ng pagkabitin, panghihinayang at pagtatampo r'yan sa sinabi mo, ah?" natatawa nitong sambit. "Lang? Gagawa lang?"

"Ano na naman?" Kunot na ang noo ko nang lingunin ang kaibigan.

"Gagawa lang? Lang!" pagpapaulit-ulit nito, may kung-anong pinupunto.

Lalong kumunot ang noo ko sa kaalamang siya lang ang nagbibigay ng kakaibang kulay sa sagot ko.

"Oh? Ano'ng mayroon?" may paghahamon sa tanong ko. Masyado na namang naglilikot ang isipan nito panigurado.

"Wala, 'tol. Wala! Ang hirap mong tuksuhin!" Humalakhak ito.

Lokong 'to. Tama naman ako. Gagawa kami ng research paper. Gagawa lang. Wala ng iba pa.

+×+×+×+×+×+×+

"He'll just go there on his own," I reminded nonchalantly.

I continued untying this fucked up charger wire. And damn, his charger is also fucking me up as well, tss. Chustine looks like an organized person in the eyes of many people. Little did they know, he's more unorganize than me. Well, I kind of understand it because he's always busy with school stuffs and as a responsible student council president, his idea of doing our research paper in our farm is because he will do his papers as well.

"He said?" I gazed at Chustine who's lying on my bed comfortably. Confusion in his eyes is now visible. And with brows up and slightly creased, he asked. "Alam niya papunta?"

That's also the question in my mind. I am confused. He knows where our farm is?

I just shrugged at him and continued what I'm doing. Maybe he knows it. He lives in this province and well, many people know where our farms and plantations are. It's possible that he really knows it.

"What do you think about him?"

"Huh?" I eyed him as I plug the charger.

"I find him mysterious," he added. "He won't talk unless he was asked or his opinions are needed. Kakaiba rin siyang tumingin."

"Paanong kakaiba?" I asked.

"Kapag sa akin, parang walang emosyon kung tumingin pero 'pag sa'yo, ang gaan tumingin!" He chuckled. "Noon ngang nandito 'yon, 'yong bago kami umuwi, tinawag mo siya, right? Kasi may ipapakita kang reference. You remember? Ang lambing ng pagkakatingin niya sa'yo! May gusto yata sa'yo 'yon, e!" He chuckled again.

L-lambing? What the hell?

"You're just imagining things!" I spatted. "M-maybe he was just sleepy!" Yes, he really was! Ang tagal niyang nagbabasa-basa ng iba't ibang reference. It's so nakakaantok kaya!

Now that memory is coming back! Ugh!

"James," I called.

"Hmm?" His brows were up a bit and he had this, uhm, sleepy eyes? Maybe because of staring on the laptop's screen for a long period of time.

I heard Chustine coughed that caused me to glance at him.

"U-uh, look at this. Look at this," I quickly said, referring to the websites I found.

That was the exact moment Chustine is talking about. I shook my head and tried to clear my mind.

I believe he was just sleepy. I'll stand with that thought. Damn. It isn't a big deal though.

"Yeah, Buenavidez, convince yourself more!" I frowned at the thought. Bwisit kasi 'tong si Chustine!

I just don't like to add more awkward thoughts about him. It makes my face heat up! I don't like it!

"Namumula siya!" mapanukso na rin ang tono niya.

"Damn you!" I ran to him and quickly get the pillow beside him as he sensed what I'm going to do with it. I threw it to him who's now laughing on the edge of my bed.

"This is the second time I actually see you blushing!"

"I'm not blushing!" I shouted back.

"E, ano 'yan? Hinog na 'yang mukha mo? Pupwede na bang pitasin?" He laughed out loud.

"Get out of my room!" Binalibag ko ulit siya ng unan at sinamaan ng tingin.

Damn him! How dare he! James and m-me? I can't imagine!

"Grabe naman sa reaksyon! It's not like I said that you like each other," he eyed me with meaningful look and he continued. "Unless..." he trailed off with a hint of grin.

"No!" I groaned and let myself fall on the bed. Halos magwala na ako sa kama dahil sa kalokohan ni Chustine. "It's a no, okay? Erase whatever you're thinking!"

He laughed.

"You know what? Ang tanda mo na pero wala ka man lang natitipuhan? Wala pa akong ibang narinig sa'yo na sinabi mong crush bukod sa'kin."

Yes, I liked him. It was when we were high school. Siguro dahil lagi ko siyang kasama, kausap, at lagi niya akong binabantayan. Siya lang talaga ang naging malapit na kaibigan ko to the point na nagkagusto ako. But it was just a crush. I confessed last December because the student council had a Christmas party. Uminom kami at naglaro ng truth or dare. When it was my turn for the game, I chose truth and the members asked me if I ever liked Chustine because I'm always with him. Hindi raw nila ako nakikitaan ng ibang kaibigan since first year college. I said yes and explained that I don't have that feeling towards him. It's now a big fat EWW.

"Kasi 'yong mga mukhang alien 'yong type ko!" I joked.

"Hoy, hindi ako mukhang alien!"

We just talked and laughed about nonsense things until Manang called us for lunch. We started preparing the things we have to bring after that.

We decided to go to our farm before 3 o'clock strikes. Although hesistant because of how our conversation went with Chustine, I still sent an online message to James. My physical reaction when my phone beeped is so exagerrated! I almost jumped on my sit!

James said that he's on his way there as well. Expected ko naman na pupunta na rin siya bago mag-3:00 pm. What I don't understand is, bakit kailangan ko pang magulat expecting na nagreply siya?! Kaunting kibot na may kinalaman sa kaniya, hindi na ako mapakali! Damn it! Kasalanan 'to ni Chustine! I'm recovering na nga from what happened yesterday, e! Bumalik tuloy sa sistema ko ang lahat ng mga kahiya-hiyang pangyayari kahapon!

I tried to composed myself but when we got there, my nervousness gets again into my body!

"C'mon, calm down!" pag-alo ko sa sarili.

Holding an eco-bag full of snacks and two laptop, I saw a bike beside the tree where our usual spot is. I turned to Chustine who's carrying throw pillows, comforter and banig.

"It's his bike," I pointed it. I'm sure laptop 'yong nakalagay sa rectangular bag na nakasabit sa manibela. And if I'm seeing it clearly, may mga books doon sa basket na lagayan ng gamit sa harap ng bike. But... "Where is he?"

We look around on our way there, trying to find James.

"There he is!" I turned to where Chustine is pointing at.

There is James. He came from the mango tree plantation and he's carrying a small box of mangoes, obviously.

"Ah, tinawag ako ni Gaspar," he immediately explained when we all both reached our spot. I don't even know that Gaspar. "Binigyan ako ng mangga nang malaman na kasama ko kayo rito para sa gagawin natin."

"That's... nice," I commented awkwardly.

"Good thing we brought a knife," Chustine said.

"Kahit naman wala niyan, makakakain pa rin ng mangga." He's putting the box down as he says it. Chustine looked at me with a little bit confusion and I just shrugged. James straightened up so he turned to him. "Tulungan na kita." James is already offering his hand to get the comforter.

Ibinaba ko ang hawak na eco-bag. Inilatag naman nila ang banig at comforter. We sat down and slightly compressed para magkasya roon, but still having our own personal space we needed to move comfortably.

"Salamat," James thanked me for offering him a throw pillow.

We all do the indian sit and placed the throw pillow on our laps. Doon namin ipinatong ang sari-sarili naming mga laptop.

Habang tumatagal, unti-unti akong naiinis sa sarili ko. I can't help but to glance at him every freaking time! And by him, I meant James! This blank document in front of me adds to my annoyance! Focus, Buenavidez!

Half an hour passed and I'm still on the first page, still typing of something I came up with. Writing something I'm not confident of showing.

"Matatapos ko na 'tong akin." Nagulat pa ako nang magkasabay pa kami sa pagtingin sa isa't isa. Shit! With brows shot up, he asked. "Send mo na lang ba 'yong iyo?" He scratched his neck, hesitating to what he's about to say but kept talking still. "Para mapagdugtong na natin 'yong mga parte natin. Nagconstruct na rin naman ako ng–," I didn't let him finish.

"Oh, sorry," I started. I hope he didn't feel the insincerity of my apology. "I was reading. Wala pa akong masyadong nagagawa." Wala pa talaga! 'Yan ang sabihin mo, Buenavidez!

"Ah, gano'n ba." He paused. "Gusto mong tingnan 'tong gawa ko? Baka makatulong," he said.

"Sure, sure!" Do I sound like an excited brat? Well, I'm desperate to do something and I can't focus! I should grab this chance.

+×+×+×+×+×+×+×+

Hindi ko alam kung paano ko napanatili ang sarili na magpokus sa ginagawa. Ramdam ko ang bawat pagtingin ni Meriah sa akin. Hindi ko alam kung may mali ba sa akin ngayon o may dumi sa aking mukha. Hindi na ako mapalagay. Ngayon lang ako nagkaroon ng pakialam sa itsura ko ngayon.

Nang hindi ko na ramdam ang mga tingin ng kaharap ay kinuha ko ang pagkakataon na tingnan ang aking itsura sa screen ng laptop. Nang matapos ay naisipan kong ideklara ang malapit ko nang matapos na ginagawa. Mukhang nagulat siya.

"Mabilis bang masyado?" pag-aalinlangan ko sa sarili.

"Inaantok ako!" Nag-inat si Chustine at ikinurap-kurap ang mga mata. "It's so peaceful that I can't help but to feel sleepy. Kumain kaya muna tayo?" suhestiyon nito.

Napatingin naman ako sa orasan sa laptop. Isang oras pa lang ang nakakalipas mula nang dumating kami rito. Pasado alas dos pa lang. Bagaman ay tirik ang araw, malamig at sariwa naman simoy ng hangin. Idagdag pa ang tamang laki ng lilim sa ilalim ng punong acacia na sinisilungan namin.

"I'm trying to concentrate here," ani Meriah, hindi tinatanggal ang tingin sa laptop habang nagtitipa. "Both of you can eat. Don't worry about me, I'm still full."

Hindi tulad kanina noong nagbabasa siya, hindi na matanggal ang kaniyang tingin sa ginagawa at masyado na itong abala.

"Kung kakain ka at mabubusog, mas lalo kang aantukin," sambit ko habang inaabala ang sarili sa pagsusuri ng mga natapos na naming mga chapter. "Uminom ka na lang muna ng dala niyong inumin," suhestiyon ko.

Napansin ko pa ang pagsulyap ni Meriah sa'min.

"Mango?" simula nito. "I think pupwede ka namang kumain ng mango, Chust," aniya at pinagpatuloy ang pagtitipa.

"Kayo? Tara kain," aya naman ng isa, nilapag na ang mga gamit at tumalungko upang kumuha ng kutsilyo sa eco-bag sa tabi ni Meriah.

Kumuha ako ng mangga mula sa kahon at inalok si Meriah. Umiling lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Sinulyapan ko ang isa na naghihiwa ng mangga. Muntik na akong mapangisi. Upang mapigilan ay walang pakundangan kong kinagat ang balat ng mangga mula sa dulo nito, kabila ng pinagputulan ng tangkay. Nang humiwalay ang kaunting balat ay hinila ko ito gamit na ang daliri hanggang sa sumilay na ang madilaw nitong laman na sa tingin ko ay nakaakit kay Meriah. Nahuli ko siyang nakatitig sa paraan ng pagbabalat ko.

Muli ko siyang inalok.

"Gusto mo ba?"

"S-sige."

"I'll slice one for you," anang kaibigan nito at inumpisahan na ang paghihiwa.

Ibig ko sanang ipagbalat na siya ng kaniya kung hindi lang ako inunahan ni Chustine. Sa pagtitig niya kanina, mukhang hindi pa siya nakakasubok kumain ng mangga sa ganitong paraan. Iyong hindi na kailangan pa ng kutsara.

Tinatanaw ko ang malawak na palayan habang kinakain ang hawak na mangga. Napangisi ako nang maalala ang namataang kalabaw kanina na nakatali sa puno nang bigyan ako ng mga mangga kanina. Takot pa rin kaya siya sa kalabaw?

Sinulyapan ko ang magkaibigan. Ubos na ang kinakain ni Meriah habang si Chustine ay umuulit pa.

Habang nasa palayan ang mga tingin, nagsalita ako. "Survey na ang sunod nating gagawin," huminto ako at hinintay ang posible niyang reaksyon. Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko ang pag-angat nito ng tingin sa akin. "Saang lugar mo ba gustong magsurvey?"

"Susubukan ko sa CMU at sa other universities nearby."

Tumango lang ako. Inasahan ko na ang pagkokonsidera niyang magsurvey sa CMU. Inasahan ko na rin na sasamahan siya ng kaibigan niya. Mabuti iyon dahil balak ko lang magsurvey sa loob ng ABU. Hindi dahil sa ayaw ko roon. Ang totoo niyan ay itinuturing ko ng magandang pangyayari ang alaala ko roon kasama si Meriah kahit na di talaga maganda ang naging umpisa namin. Magara ang paaralan nila, oo, ngunit hindi ako kumportableng makisalamuha sa mga tao roon.

Bahagya kong nilingon at tiningnan si Meriah.

Kapag ganiyang abala siya ay pumapasok sa isip ko na katulad ko lamang siya. Isang mag-aaral–minsan ding nahihirapan, nagkakamali at tumutulong. Nagkataon lamang na isinilang siyang mayaman. Isang babaeng lumaki sa karangyaan at pribilehiyo ng buhay kaya hindi ko masisisi kung nakaapekto iyon sa ugali niya. Ganunpaman, unti-unti kaming nagkakasundo. May kabutihan pa rin siya.

Ang isang tulad niya ay maaaring hangaan, lapitan, at kaibiganin. Ngunit hinding hindi ang pagiging higit pa roon para sa isang katulad ko. Kaya kung ano man ang naramdaman ko sa'yo isang araw pa lamang ang nakakalipas, sana'y hindi na iyon maulit pa. Kahit na ngayon ko pa lamang naramdaman ang ganoon katinding pagkabog ng dibdib ko nang dahil lang sa simpleng pag-anyaya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.9K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.3K 92 23
How would you face the world after having experienced a tragedy that has paralyzed your whole system? Maybe for some people, they will choose to hide...
1K 40 10
Consequences Series #1 Keene has no girlfriend since birth. Tutok na tutok siya sa pag-aaral kaya wala siyang panahon sa kahit na anong commitment. N...
2.1K 290 36
What lies beyond a sword can never be the key for peace. But the history it has can take you to the dream you once had. Unraveling the mystery to it...