Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-lima
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing dalawa
Ika-labing tatlo
Ika-labing apat
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-labing siyam
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't dalawa
Ika-dalawampu't tatlo
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-labing isa

57 12 0
By magayonloves

Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito.

"Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan.

"Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya.

Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?

Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo sa sinasabi ng mga council. Ayon kay Leslie, bigla itong nagpaalam sa kaniya at may tutulungan daw. Ang mga council ba ang tutulungan niya? Ano naman ang posibleng maitutulong niya kung ganoon nga?

Sinulyapan ko ang parking lot pero walang Meriah doon o kahit ang sasakyan nila o ang council kaya naman lumabas ako. Napakunot ang aking noo nang maabutang sumakay ang tatlong council at si Meriah sa sasakyan nila. Agad akong sumakay sa unang tricycle na nakaparada sa toda.

"Manong, pakibilisan po. Pakisundan ho iyong sasakyan na 'yon." Itinuro ko ang tinutukoy na sasakyan na may kabilisan ang patakbo.

Sumakay at pinaandar agad ng driver ang sinasakyan.

"Mukhang nagmamadali ka, hijo. Kumapit ka't aabutan natin 'yang susundan natin," aniya.

Hindi ko sinunod ang kaniyang sinabi ngunit hinanda ko ang sarili at naging alerto. Hindi ko inalis ang tingin sa sasakyan.

Mukhang seryoso ang pagtulong niya kung kaya't kinailangan pa nilang sumakay sa sasakyan nila. Ang mga council pa lamang yata ang napaunlakan niya sa pagsakay sa sasakyan nila. Kahit si Leslie ay hindi ko pa nakitang sumakay doon. Pagkakaalam ko'y may naghahatid at sumusundo ring sasakyan sa kaniya.

"Pero dapat ako ang una kung hindi lang dumating si Chustine noon," paghayag ko ng katotohanan sa sarili.

Hinanda ko ang aking pitaka, kasabay noon ay ang unti-unting pagiging pamilyar ng aming dinadaanan.

"Pupunta sila sa bahay ni Meriah?" Binagabag ako ng mga naiisip. "Malalapit ba sila sa isa't isa para isama niya ang mga iyon? Pero nakapunta na ako roon dahil partner kami sa research paper. Malapit na rin ba kami kung gano'n?" Napailing ako at ikinalma ang isipan.

Alam kong hindi ko na dapat iniisip pa ang mga gano'ng bagay, hindi ko lang talaga mapigilan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko sa bagay na iyon pagdating kay Meriah. Pakiramdam ko'y nanghihimasok ako kahit na inaalala ko lang siya.

Hindi nga ako nagkamali. May kalayuan ma'y nakita kong huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Meriah. Hindi ito ipinasok sa garahe kaya nakita ko rin ang kanilang pagbaba mula roon. Nakapasok na sila sa bahay nang marating ng tricycle ang likod ng sasakyan nina Meriah. Halos umabot sa isang-daan ang ibinayad ko dahil hindi ko man sinabi, inisip na ng driver na arkilado ko itong tricycle dahil may pinasundan pa ako.

"Oh, James!" bungad ni Kuya Lando nang matanaw ako mula sa harap ng sasakyan.

"Magandang hapon po," bati ko.

Binalewala nito ang bati ko dahil sa gulat.

"Hindi ka pa nasabay sa amin! Kasama ka ba dapat sa kanila?"

"Ah–." Hindi maamin ang isasagot, wala sa isip ko ang paghimas ng batok. "Hindi po," tuluyan kong nasabi.

"Hindi?" Bakas na sa mukha niya ang pagtataka sa pagparito ko.

"Ah, may sadya lang po ako," hindi kumportable kong sagot bago sulyapan ang bahay.

Sadya. Talaga lang, ha? Panindigan natin 'yan.

"Tara, tara. Samahan na kita papasok," anyaya nito sa akin na nag-uumpisa nang lumakad papasok sa tarangkahan. Tahimik lang akong sumunod.

Nasulyapan ko mula sa papasok ng pintuan ang apat na pares ng mata sa sala. Pinagtuonan ko ng pansin ang mga tingin niyang gulat. Hindi inaasahan na makita ako rito.

"James!" nautal man ay malakas ang naging pagtawag ni Meriah. Marahil ay nagtataka sa pagparito ko nang hindi niya nalalaman.

"Umupo ka muna, hijo, susundan ko lang si Manang sa kusina," ani Kuya Lando at nagtungo sa kusina.

Nakatayo pa rin ako rito sa papasok sa pinto, hindi na masalubong ang mata ni Meriah.

"Matutulungan mo kami, James?" namamanghang tanong ng isang council mula sa aming department. Si Levy.

"Siya na ba 'yong tinawagan mo?" anang isang council at bumaling kay Meriah.

"No!" may kalakasan ang naging pagtanggi nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga kasama. "I– I mean... hindi siya, but why are you here, James? I didn't expect you to be here!"

"Ah, ano..." Pinasadahan ko ng tingin ang apat na naghihintay ng sagot. "Narinig ko lang na may problema," sagot ko sabay iwas.

"And you're here to?" she immediately asked with a hint on her eyes.

"Help, syempre! 'Di ba, James?" puno ng pag-asa ang mga tingin ni Levy, ang council na ka-department namin.

"Ah, oo." Tuluyan na akong pumasok at aktong uupo na sa upuan.

"I'm here!" Nahinto sa ere ang aking pag-upo nang lingunin ang pintuan dahil sa deklarasyon ng pagparito. Ganoon din ang iba, nakatingin sa kaniya na tuluy-tuloy ang pagpasok dito. "Here's the delivery!" Napansin namin ang hawak niyang simple ngunit malaking paperbag. Kapansin-pansin din ang suot nito. Naka-uniporme siya.

"Thank you so much, Chust!" Tumayo si Meriah at niyakap ang kaibigan. "You just saved these men's ass!"

Kailangan pa ba ako rito? Mukhang hindi naman na. Ah, hindi. Hindi talaga ako kailangan dito. Sarap mag-aksaya ng oras.

"Is that true?" tanong ni Chustine na unti-unti ang naging pagngiti sa tatlo na napatayo naman bigla.

"Maraming salamat, p're!" Nagkamayan naman sila at nagpakilala sa isa't isa.

"James!" baling ni Chustine sa'kin.

"Chustine," sambit ko at tinapik siya sa balikat.

"Kasama ka pala rito?"

"Ah, tutulong lang sana dapat," nagawa kong itago ang pait sa sinabi. Napaiwas na rin ng tingin.

"Oh, tamang tama. Hindi pa naman talaga tapos ito, e," aniya at tumingin sa tatlo bago nagpatuloy. "Ididikit pa 'yong mga pangalan sa medal kapag inilabas na ang resulta ng placers."

"Syempre, kaya na namin 'yan. Iyon nga lang," napatingin sa relo si Levy. "Baka patapos na 'yong kumpetisyon."

"Oh, shit! Tumatawag si Pangulo!"

Nabigla ang tatlo kaya napatayo.

"I think we need to go back," ani Meriah.

Ano'ng naging silbi ko rito? Wala.

Napailing ako at napansin ang pagtingin ni Chustine sa relo niya.

"Sasama muna ako sa inyo. Mamaya pa naman ako pupunta sa CMU."

"Sige lang, para na rin maipakilala ka namin kay Pangulo at makapagpasalamat," anang isang council.

"Shall we go back?" tanong ni Meriah at tumingin na rin sa relo niya.

"Let's go, let's go! Sa sasakyan ko na kayo sumakay!" Nagtungo kami palabas pero bago namin iyon magawa ay dumating si Manang Tasing na may dalang pagkain.

"Hindi ba muna kayo magmemeryenda?"

"We need to go, Manang, e," si Meriah iyon. Tumingin ito sa council. "But you can get the food so you can eat while on our way."

"'Yon! Maraming salamat talaga, Meriah! Kanina pang umaga huli naming kain dahil sa pag-aasikaso sa event. Nagahol kasi," anang isang council habang kumukuha ng meryenda sa dalang tray ni Manang

"Salamat po sa meryenda," anila kay Manang.

"Oh, James hijo, ikaw?"

"Hindi na po, Manang. Magandang hapon nga po pala." Nagmano agad ako nang ilapag niya ang tray. "Aalis na rin po kami agad, pasensya na po."

"Oh siya, sige't lumarga na kayo," marahan niya kaming iginiya palabas.

"Oh, shoot!" bulalas ni Chustine nang makarating kami sa labas ng tarangkahan. "Vios nga lang pala ang sakay ko. Hindi tayo lahat kasya!"

"Not a problem. I'll ride ours," ani Meriah. Nakasunod pala sa amin si Kuya Lando, nalaman ko lang nang patunugin nito ang sasakyan, hudyat na naka-unlock na ang sasakyan.

"Sure. Sino'ng gustong sumabay sa'kin?" si Chustine.

"Kami na lang," ani Levy. "Masiyado na kaming naging istorbo kay Meriah, baka masyado na kaming nakakagulo sa personal space niya." Ngayon, nabakasan ng hiya ang itsura nila.

Magsasalita na sana ako upang magpaalam para sumakay sa tricycle nang maunahan ako ni Meriah na ngayo'y nakatingin pala sa akin.

"Go with me, James," aniya at tinalikuran kami, naunang sumakay sa sasakyan nila.

Hindi ko napakawalan agad ang aking hininga dahil sa maikling sinabi niyang iyon. Kumabog ang puso, taliwas sa normal nitong lakas at bilis. Sa sandaling iyon ay naguluhan ako sa nangyari sa aking sistema.

"Huy, James, tulala ka r'yan?" si Levy. "Sasakay na kami! Wala ka pang balak?"

"Heto na." At nagmadali ako sa paglakad.

Nagsalita si Kuya Lando nang pasimple kong aninagin si Meriah mula sa madilim na salamin ng bintana.

"Dito ka na, James, sa harap. Hindi naman sumasakay si Meriah dito. Narito na siya sa back seat." Tumango ako bilang pagpayag.

Nang umupo ako sa loob ay bahagya kong nasulyapan si Meriah sa aming likuran na ngayon ay prenteng nakaupo at gumagamit ng cellphone. Nag-angat naman siya ng tingin at sadyang nagkatinginan na agad din naman naming pinutol.

Habang pabalik sa unibersidad ay muling lumipad ang aking isipan. Pilit ko naman itong iniiwasan dahil hindi ko naman dapat intindihin ang simpleng pag-anyaya ni Meriah kanina. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit gano'n ang naging reaksyon ng aking sistema.

"May problema ba?" Napatingin ako kay Kuya Lando dahil sa pagkibo niya.

"Huh?" Bahagya kong nilingon si Meriah.

"Ah, wala, Meriah. Ito kasing si James nakakunot ang noo."

"Ho?" nabigla kong tanong kasabay ng pagbaling ko sa kaniya.

"Oo, nakakunot ang noo mo," pagkumbinsi niya sa'kin na totoo nga ang nakita.

"Ah, may iniisip lang po." Mabagal at kalmado akong humugot ng malalim na hininga.

Wala lang ito. Lilipas at makakalimutan din tulad ng isang pangyayari na walang kahulugan.

+×+×+×+×+×+×+

"Ah, teka, pa'no ba?"asked Peter, one of the student council.

He's nervous because the competition is done and just on a break. Everybody in the competition is now eating and will proceeded on the awarding afterwards.

"You, guys, go. Kami na ang gagawa nito. Send the list and we'll do it immediately," said Chustine.

"Yes, right!" I just said and get the paperbag from Chustine's hold.

"Ganito, maiiwan na lang ako. Sa akin niyo i-send 'yong listahan ng placers para mabilis naming matapos ito," it's Levy.

"Sige, sige. Diyan niyo na lang gawin. Siguradong magagalit at mas mai-stress si Pangulo kapag nalaman na hindi pa tapos iyan–ay! Ayan na! Ayan na nga, tumatawag na naman si Pangulo! Pupunta na kami!"

"Go. Move. We got this," I assured them and then, they ran off.

Levy spread the medals and trophies on the table and started checking the names on the sticker.

Staying here in the storage room makes me want to avoid touching everything and just stand the whole time we're here. There are dusts wherever I look. Well, I can't blame them for choosing this place. This is the nearest place from auditorium.

"Ah," I heard James. "Ano ba'ng pupwedeng maitulong?"

But then, Levy exclaimed.

"Heto na! Nagtext na!"

We gathered altogether. I saw James pulled two chairs near us. He wiped the dust using a towel that I think he got somewhere here. He offers the chair for me.

"Uhm, thanks." I gave him a slight smile before I fix my skirt and sit down.

We designate ourselves on doing our parts. Ako ang gumugupit at naghihiwalay ng cover from the paper sticker then I'm passing it to Chustine because he's the one who's putting the sticker on the medals and trophies. While Levy is the one who says each name and making sure that we won't do any mistake, James is the one who's giving the medals and trophies to Chustine, depending on Levy's list of names. He's also the one to arrange all of it from lowest to highest placer. Five categories ang gagawan namin nito so we need to hurry.

"Hello?" Levy answered a call. "Oo, heto na, heto na," he glanced at us and cleared his throat. "Oo, malapit na matapos." And it's not. Malapit pa lang sa half, actually.

Another phone rings and it's from Chustine this time. Levy replaced him but James help him do Chustine's part.

"Okay, okay. I'll be there. Give me at least one hour–what?" I gazed at him. "Nasa probinsya ako. Wait for me."

"Bakit?" I immediately asked as soon as he put down his phone. "What happened?"

"Si Mia," he paused and massage his temples. "May ipinipilit na namang project outside the campus. Nagpasa na ng approval letter nang hindi dumadaan sa'kin, knowing na hindi ko iyon papayagan. Can't she just wait for the foundation week?" He tsk-ed.

"That president from our department?" I asked like I still study in CMU, pertaining to the same course I'm taking up here. It's understandable, at least for the two of us.

"Yes, so I need to go now. Sorry kung hindi na ako makakatulong."

"Malaki na'ng naitulong mo, p're. Naabala ka pa namin. Maraming salamat talaga." It's Levy, he smiled apologetically. "H'wag mo na kaming intindihin, kaya na namin 'to."

"No problem! It's Meriah's initiative to help you." He smiled genuinely at me like I did a very good thing. "Just a second help here. Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko naman kayo tutulungan." He laughed. "And my first plan was to really stay here a little longer dahil 6:00 pm pa naman ako papasok just to pass some papers," he explained. "So pa'no? Aalis na ako, ah?"

"Sure! Thank you so much!" I stopped to what I'm doing. "Take care, don't speedy speedy too much," I reminded him.

"Oo na, mag-iingat ako. Pero kailangan ko talaga magmadali para maabutan ko si President Marcello or kahit si AVP." I pouted. Tss. "Good thing nandito si James to help out. Ikaw na ang bahala, James."

"Oo, sige. Ingat ka," he lightly said.

"Sure. Let's just hang out some other time. Tell the others, a'right? Gotta go!" Then he walked fast towards the door.

"Sige, sige! Salamat ulit!" habol ni Levy and Chustine just nodded and smile before he disappeared from our sight.

Giving my attention to what I'm doing, I glanced at the remaining medals and trophies. I sighed after remembering some memories.

I'm used to just watching my co-members in council doing these kind of things before. Now that I am no longer part of the student council or any organization, ngayon ko pa naranasang gawin ang bagay na 'to. I never wanted to do something like this. How do I even got to be part of the student council back then? Tss. Realizing those things right now make me want to forget that I confidently announced that I would run for the election of student council back then.

"Ah, may problema ba?" a deep voice interrupted my thoughts.

"Huh?" Napatingin akong bigla kay James.

"Umiling ka," he said.

"Pagod ka na ba, Meriah? Ayos lang kung ayaw mo na 'yang ituloy. Ako na'ng bahala." It's Levy this time.

Whew, I'm getting their attention. I am too preoccupied to even know that I was shaking my head.

"No, no!" I waved my hands to show that I didn't do that out of tiredness. "May naalala lang ako," I admitted.

"Magandang alaala," I glanced at James when he said something. He's not looking at me and still busy with what they're doing. "Pero may pagkadismaya?" he finished.

"Uhm, yes," I answered in a small voice. How did he know? Was he looking at me? Was it written on my face?

Our conversation ended just like that. He didn't ask what I was thinking. We just focused to what we're doing until we finished it.

"Maraming salamat sa inyo, ah?" I stood up upon hearing Levy. "Ako na'ng bahala. Itatakbo ko lang 'to roon. Kita na lang tayo sa auditorium." Without a word from anyone of us, Levy left.

Nagkatinginan kami ni James.

"Ako na ang bahala sa mga kalat," he said and bent down to pick up the trash on the floor.

I wanted to help so I grabbed the plastic bag on the table and opened it widely. I positioned it beside him, good enough for him to see it when he straightened his posture.

"Oh. Salamat." He throw the papers  in the plastic bag.

"No probs," I replied absent-mindedly that made him look up at me. He's a bit shocked to what I said. No, it's more like amused.

He composed himself and gently got what I'm holding. Itinali niya iyon bilang pagtatapos sa ginagawa at medyo pabagsak na umupo sa kaniyang upuan, then slightly tossed the plastic bag onto the table.

I slightly twisted my body from left to right just for stretching. I looked up the ceiling as I closed my eyes and massaged my nape.

"Whoo," I let out a small sound out of relief. "Natapos natin," I declared when it finally sink in my head.

I went back to my sit at agad akong sumandal to relax my neck and back when I felt something that made me straightened my back again. I looked at him.

"P-pasensya." He removed his arm that is resting at the back of my seat. 'Yon ang nahigaan ng ulo ko kanina instead na 'yong sandalan. Damn!

"U-uh, no! It's my fault. I..." I breathe in deeply. "I didn't know."

I looked away when I couldn't take his stares anymore. I swallowed hard.

"A-ano..." He stood up. "Tara?"

"H-huh?" Where? I mean... what? "To... to where?"

Did I say something weird? He looks confuse now.

"Ang ibig kong sabihin, sa..." he even point somewhere at the back using his thumb. He couldn't look straight at me. "Sa auditorium." He then caressed his nape.

"O... Oh, yes! Right, right. C'mon, let's go!" I even touched my forehead with my palm like I remembered something before I immediately walked out.

Shit, I believe my brain is malfunctioning right now. My face heat up... No doubt, I bet it looks like a fucking tomato right now!

I noticed the stiffness in my walk so I stopped and calmed myself. Then, realization hits me again. I rest my head on his arm! Even though it's just a split-second, that caused my brain to malfunction and embarassed myself more for thinking that he's going to invite me somewhere.

"Stop embarassing yourself, Buenavidez!" I reminded myself.

"Ayos lang 'yan," it's James voice and it's from behind! And! And I could sense his smile when he said that!

But wait. Did I say it out loud? It should have been just in my mind! Damn it!

I turned to look at him and that's the time he looked away. Confirmed! He's hiding his smile, damn it!

Just damn it.

I continued to walk away from embarassment.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 92 23
How would you face the world after having experienced a tragedy that has paralyzed your whole system? Maybe for some people, they will choose to hide...
703K 25.9K 55
Alexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his l...
1.4M 56.9K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
20.7K 346 73
Cam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she...