Patalsikin si Ms. Dayo!

By magayonloves

2.6K 321 10

When Meriah Buenavidez - a rich, young woman studying in a prestigious university bumped to a student-partici... More

Author's note
Simula
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ika-apat
Ika-anim
Ika-pito
Ika-walo
Ika-siyam
Ika-sampu
Ika-labing isa
Ika-labing dalawa
Ika-labing tatlo
Ika-labing apat
Ika-labing lima
Ika-labing anim
Ika-labing pito
Ika-labing walo
Ika-labing siyam
Ika-dalawampu
Ika-dalawampu't isa
Ika-dalawampu't dalawa
Ika-dalawampu't tatlo
Ika-dalawampu't apat
Ika-dalawampu't lima
Ika-dalawampu't anim
Ika-dalawampu't pito
Ika-dalawampu't walo
Ika-dalawampu't siyam
Ikatlumpu
Wakas
Espesyal na Kabanata

Ika-lima

68 18 0
By magayonloves

Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan.

"For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin.

"Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya.

"Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino siya," nagsimulang magsalita si Andeng sa mahinang boses. "Sus! Maganda nga, nakakasulasok naman ang ugali. Nako, h'wag lang dito maghahasik ng lagim 'yan–dayo ka lang, oy!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Ang karamihan sa babae ay mukhang na-intimidate. Halos ang kalalakihan naman ay tila nililipad na sa ulap habang nakatitig sa babaeng nasa harapan. Lumingon ako kay Jef upang tingnan ang ekspresyon nito ngunit nakatingin na pala ito sa akin habang nakangisi.

Mayroong naglakas-loob magtanong.

"May boyfriend ka na?" Nagtawanan ang karamihan maging ang professor namin.

Napansin ko ang bahagya nitong pagkunot ng noo.

"I don't have and I don't intend to have one," sagot nito.

Kaniya-kaniyang ingay ang naganap sa klase.

"Enough," anang professor. "You can now go back to your seat Ms. Buenavidez. Thank you for your self-introduction."

"Bakit nagpasalamat si Sir? Nang tayo naman ang nagpakilala noon ay hindi naman siya nagpasalamat. Ano 'yan, special treatment? May favoritism?" iritadong tanong ni Andeng, mahina pa rin ang boses?

Nagkibit-balikat lang ako at minabuting makinig sa klase nang mag-umpisa ito. Maya-maya ay naging interesado ako sa nangyayari.

"I want you to group yourselves into 5 and show a marketing strategy," pauna ng aming professor. "You can choose your members and you also have the freedom on how you will express the marketing strategy you want to do. You can do reporting, role play, live marketing, or whatever you want. Just be creative. You will present it next meeting," dagdag nito at tumingin sa relo. "I'll give you 20-minute break. Finalize your groupings and choose your leader. Write down your members on a 1/4 sheet of paper and pass it to me when I get back. You can now go. Be sure to be back at 4:00 pm," pagtatapos nito.

Hinila na agad ni Nat ang kaklase namin na nakaupo sa aming likuran at awtomatikong naintindihan na siya ang idadagdag sa aming grupo. Hindi naman ito umangal pa.

"Ayan, kumpleto na tayo. Ilista mo na, Jef. Ikaw ang leader," si Nat.

"Ako na naman?" tanong ni Jef.

"Oo, ikaw na. Nagugutom na ako, dali."

"Hilig mo akong pangunahan kapag gutom ka na, 'no?" napapailing nitong sabi habang nagpupunit ng yellow paper.

"Mayroon ka, 'no?" si Andeng, tinutukoy ang isang pambabaeng usapin.

"Sige, ilakas mo pa," ani Nat.

Tahimik naming pinagmasdan si Meriah nang magawi ito sa gawing harapan namin habang hinihintay matapos si Jef sa pagsusulat.

"U-uhm, hello," umpisa nito sa apat na babae sa aming unahan, tila naghihintay ng sasama sa kanila upang mabuo ang grupo nila. "I want to be part of your group," mababa ang boses nito, 'di rin mabasa ang ekspresyon.

Nagkatinginan ang apat na babae, mukhang nag-aalangan. Hindi rin naman nagtagal ay tinanggap na nila si Meriah at sinulat sa papel ang pangalan ng mga miyembro. Naglakad na kami palabas sa aming room nang matapos si Jef. Ilang segundo pa lamang ay nilagpasan na kami ni Meriah na siguro'y tapos nang makipagdiskusyon sa kanilang grupo. Muli itong nagsuot ng earphones, nagsusumigaw pa rin ang pagiging elegante sa paglakad dala ang kaniyang halatang mamahaling bag kahit nagmamadali.

Nang makarating kami sa canteen ay nakita naman namin si Meriah na nakapila. Hindi ko alam kung nilalayuan ba siya ng mga estudyante rito o binibigyan siya ng importansya kaya mayroong bahagyang espasyo ito sa paligid para maayos itong makapila.

Pumila rin kami. Maya-maya'y dumaan si Meriah sa aming gilid na may dalang spaghetti at softdrinks. Nilingon namin ito at nakitang lumabas sa canteen. Saan kakain 'yon?

"Hindi naman pala maarte 'yon, e," ani Jef, pagtutukoy sa biniling pagkain ng dayo.

"Aba, dapat lang!" ani Andeng. "Magugutom siya rito kung uunahin niya ang arte niya!"

Mabilis naming kinain ang binili at nang pabalik na kami sa room na nasa ikalawang palapag ay nakita kong mag-isa sa gazebo si Meriah. Ubos na ang binili nitong pagkain at mukhang may kausap sa kaniyang cellphone na nakasandal sa bote ng softdrinks na may kalahati pang laman, natitiyak kong may ka-video call ito.

Napatingin siya sa'kin at nag-abot ang aming tingin. Umiwas na lamang ako at nagpatuloy sa aking paglalakad.

+×+×+×+×+×+×

I'm about to go upstairs when I saw our professor.

"Ms. Buenavidez," he called.

"Yes, Sir?" Sabay kaming naglakad.

"You should borrow your classmate's notes. Two weeks na ang nakalipas, nag-umpisa na ang discussion ng mga professor since last week."

"Sure, I'll borrow from my groupmates. Thanks for the concern, Sir."

"I suggest that you borrow it from Mr. dela Vega since siya ang may pinakamaayos at kumpletong notes. Not that chine-check pa ang mga notes dito but because lahat ng information ay isinusulat niya. Mula sa ginagamit naming textbooks, online informations at sa iba pang explanations mula sa mga librong nasa library, sinusulat niya iyon o kaya ay kinukuhanan ng litrato para sa karagdagang kaalaman." Well, that's one smart-ass of a guy! Maybe he's a nerd or something. "It is not required to buy our textbooks dahil ang ibang students ay hindi afford. Makakapal ang karamihan sa mga librong ginagamit dito kaya naman it costs 650 pesos and above," he added.

"U-uhm..." I wanted to say that I'm not familiar with the dela Vega he's talking about but I've decided to just ask my seatmate. "Okay, Sir. I'll borrow notes from him." Maybe I should borrow it talaga habang wala pa akong textbooks.

I immediately went to my seat. The leaders passed the list of the members to our professor and they are discussing about the activity. I approached my seatmate that's very tahimik mula pa kanina.

"Uhm, hi," I caught her attention. She looks mesmerized. "Who's dela Vega?" I asked. She turned her head to scan the class.

"A-ah, 'yong lalaking moreno sa gawing likuran." I looked at the back to find that moreno guy. "'Yong medyo matangos ang ilong," she continued. Napapatingin naman sa akin ang ibang kaklase, most of them are guys at ngumingiti sila sa'kin.

"What?!" I almost snorted but rolled my eyes in return. Psh!

"'Yong lalaking bagsak ang itim na itim na buhok." Wait! Is she describing him? Hindi ba pupwedeng sabihin niya na lang?!

I looked at her and saw that her chin is resting on the back of her hand while she's clutching the back rest of her chair. She's looking intently at someone. No, she's fantasizing about someone! God!

"'Yong medyo singkit–," I interrupted her.

"Just tell me who is he and stop fantasizing dela Vega!" I said impatiently.

"What's the commotion all about, Ms. Buenavidez?"

Oops. I'm loud I guess? Tss!

"Nothing, Sir. I'm sorry." Now I'm pretending that I'm busy. Damn, it. The leaders and our professor continued their discussion.

I heard them laugh. I'm about to give them a deadly glare when I heard someone talk.

"Kaya pala walang boyfriend, si dela Vega naman pala ang gusto. Possessive much?"

I turned to them with furious eyes kung saan ko narinig ang nagsalita.

"What?!" I asked in small and irritated voice that's enough for them to hear. "I was just told to borrow his notes!" Damn! I sounded so defensive.

I turned around and closed my eyes. I let my long hair fall when I leaned back at my seat and massage the upper bridge of my nose.

They're annoying!

"Mga notes ko, oh," I heard a baritone voice and that made me open my eyes. My eyes darted at his face. "Ibalik mo bukas o sa makalawa."

I'm shocked. He is dela Vega?!

I looked down to what he is handing to me. 8 fillers.

"Hihiram ka ba o ano?" he asked impatiently but his expression is just poker face.

I looked around and back to him. They are watching us, huh?

"No need," I said quickly.

Kung siya pala ang dela Vega, hindi na ako hihiram sa kaniya.

He walked back to his place. I didn't look at him, it's just obvious that he went back.

Natapos ang aming unang subject and we went out of the room. It's getting dark but the sunset gives wonderful color to the sky. I sighed.

I checked my schedule to see what's my next room number. And now I'm walking behind dela Vega's group. I guess they are my classmates again.

I sat in the middle and the discussion goes on in a blur. I'm fighting back the urge to sleep. I can feel my heavy head on my palm.

"Gusto mo?" I saw a handful of candies in front of me. I looked at my seatmate. She's the quiet one who likes dela Vega! I didn't notice earlier that she's my seatmate. Well, I didn't bother to look at her afterall.

"Sure!" I said in a small voice and get three candies. Binuksan ko ang isa at isinubo. "What's your name, by the way?" I was rude. Yeah, I know, okay.

"Leslie Mendez." She smiled and extended her hand. I'm about to take it when she immediately took my finger and shakes it. "Pasmado, hehe," she said. Oh, okay.

"Meriah," I said and gave her a genuine smile.

Well, she deserved it because she's kind to me. I was the one who's not, tss. I think she's my friend now.

"Gaga, alam ko. Sinabi mo kaya kanina." I thought she's quiet.

Leslie looks like a quiet type of person dahil mahina ang boses niya and parang pambata.

Our chitchat continued. Later on palihim lang kaming nag-selfie-selfie while the class is on-going. Well, that's what she's doing and she wants to have selfies with me. I just enjoyed it.

+×+×+×+×+×+×+

"Parang mga bata," ani Andeng at lumingon na sa professor.

Nakita namin na nagkukuhanan lamang ng litrato ang dalawang kaklase. Hindi pala siya masyadong nakatuon sa pag-aaral. Sabagay, bakit pa nga ba? May business naman na sila at sigurado na ang pagkakaroon niya ng trabaho kapag nakatapos siya ng pag-aaral.

"Ms. Mendez," tawag ng professor kay Leslie. Nagulat pa ito kaya nalaglag ang gamit na cellphone.

"Y-yes, Sir?" Dahan-dahan itong tumayo nang matapos pulutin ang nalaglag na gamit.

"What is your opinion about the problem?"

"A-ah..." Wala itong masagot. Halatang gusto lang siyang patigilin ng professor sa kaniyang ginagawa.

Tinitigan ko si Meriah na pasimpleng nagsasalita. Tila tinuturuan si Leslie habang nakayuko ito.

"I– I think that..." Sinusundan niya ang bawat sinasabi ni Meriah. "If the company will control producing their products... and let the half of their stocks be sold before continuing to produce products... they can finally buy materials... from their resources and at the same time... they can still supply from time to time... without the need to stop." Dahan-dahang umupo si Leslie.

"Well, that's right. But I hope you can come up with your own answer or opinion, Ms. Mendez." Mukhang nahalata rin ng aming professor ang ginawa ni Meriah.

Yumuko lamang si Leslie at nanahimik. Samantala, tuwid pa rin ang pagkakaupo ni Meriah at nakalapag ang parehong braso sa desk nito, halatang naiinip sa sinasabi ng professor.

Nagkaroon kami ng seatwork bago matapos ang klase. Ang bawat natapos magsagot ay pupwede ng lumabas bilang konsiderasyon sa oras ng pag-uwi. Naunang umuwi sina Andeng, Jef at Nat dahil minadali nila ang pagsagot. Essay form ang pinasagutan sa'min, tutukuyin ang mali sa isinulat na company situation problem sa white board at magbibigay ng opinyon at solusyon kung paano iyon mareresolba.

Kanina pa ako natapos sa aking pagsasagot, hinihintay ko lamang si Meriah matapos. Nang tumayo naman siya ay tumayo na rin ako, nagkasabay kami sa pagpapasa ng aming papel. Namangha ako sa haba ng naisulat niya sa bawat bilang ng sinagutan. Mukhang marami siyang alam sa mga ganoong bagay.

Nang makabalik sa pwesto upang kunin ang aking bag, napansin kong umupo pa muna saglit si Meriah. Tinakpan nito ang bibig at humikab. Lumapit ako sa kaniya bitbit ang lahat ng fillers.

"Ibalik mo na lang bukas ang dalawang filler para sa subject bukas," sambit ko at nilapag sa desk niya ang lahat ng aking notes.

"Okay," inaantok niyang sabi.

Namangha ako sa hindi niya pagprotesta at tinanggap na lamang ang mga filler. Ipinasok niya iyon sa kaniyang bag na para bang tamad na tamad. Muli itong tumingin sa akin.

"What? Do you still need something?" kunot-noo niyang tanong at tumayo na, nakasukbit ang bag.

Napaangat ang aking kilay at nabalik sa katinuan.

"Wala na. Sige, una na ako." Tumalikod na ako at naglakad. "Bye, Sir," paalam ko pa sa aming professor bago tuluyang nakalabas.

Malapit na ako sa gate nang lagpasan ako ni Meriah at lumiko papuntang parking lot. Nakasuot na naman ang earphones nito.

Nagtuluy-tuloy lamang ako sa paglalakad hanggang makalabas. Natanaw ko pa ang sasakyan nila nang dumaan ito sa aking tabi. Sa iilang estudyanteng hinahatid ng kani-kanilang sasakyan, iyong kay Meriah ang pinakamagara.

Nang makauwi ay nakahanda na ang hapag-kainan. Si Jane ang nagluluto tuwing inaabot ako ng gabi sa klase.

"Kain na tayo," aya ko sa kapatid nang inilapag sa sofa ang backpack. Pinatay naman nito ang telebisyon at nagtungo na sa hapag-kainan. Sumunod na rin ako matapos tanggalin ang suot na polo at isabit ito sa sandalan ng sofa.

Nang matapos kumain ay nanatali muna akong nakaupo. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at binuksan ang data. Nag-check ako ng aking messenger upang tingnan kung may mahalagang napag-usapan sa mga group chat. Nagbukas din ako ng facebook nang makitang mayroong nag-notify mula roon. Matapos iyong tingnan ay nag-scroll pa muna ako at nakita ang bagong post ni Leslie. Binuksan ko ang buong album sa kaniyang post at tiningnan ang mga larawan.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo r'yan, Kuya?" Nagtangkang sumilip si Jane sa aking cellphone ngunit pinindot ko ang power button nito para wala siyang makita.

Ang dahilan? Hindi ko alam.

"Nang-chi-chicks ka na, Kuya, 'no? Aminin!"

"Chicks ka r'yan," sabi ko lang at tumayo na dala ang pinagkainan.

"Sigurado 'yan! Maganda ba? Nakangiti ka kanina, e!" Di ako sumagot.

Ako nakangiti? Parang hindi naman. Binubwisit lang siguro ako nito.

Tiningnan ko lang naman ang kalokohan nilang dalawa kanina. Namangha pa nga ako nang makita ang mga wacky poses nila. Nausuhan naman pala si Meriah ng ganoon.

"Tulala at nangingiti na naman! Ano ba 'yan, ha, Kuya? Share mo naman!" si Jane, nasa tabi ko na pala at mukhang niligpit din ang pinagkainan.

Kumuha ako ng tubig sa pitsel at uminom. Lumakad ako palayo kay Jane.

"Takas siya, e. Ano nga, Kuya? Magkakaroon na ba ako ng ate?"

Naibuga ko ang tubig at tiningnan nang matalim si Jane. Pinunasan ko ang aking bibig.

"Joke lang, ito naman," aniya. "Napaghahalataan, e– o, Kuya! H'wag yan! Masakit 'yan!" Pumwesto naman siya sa likuran ng upuan nang hubarin ko ang isang suot na tsinelas. Iniamba ko iyon sa direksyon niya. "Pikon masyado, akala mo totoo–Kuya!" Nagtago siya at sumigaw, medyo natatawa. Binalibag ko kasi ng tsinelas pero hindi ko pinatamaan.

"Bahala ka nga r'yan. Ikaw ang maghugas."

Naglakad na ako papunta sa sala upang kuhanin ang aking mga gamit.

"Hala? Grabe! Ako na nagluto at naghain, ako pa ang maghuhugas?"

Tinawanan ko siya at ipinarinig ko talaga iyon sa kaniya. Naasar siya ngunit alam ko namang ayos lang ito sa kaniya. Dalawa lang naman kami rito at walang kahirap-hirap hugasan ang kaunting kasangkapan na ginamit.

Dumiretso ako sa aking kuwarto at binuksan ang aking backpack, babasahin ko sana ang aking notes dahil may quiz bukas. Handouts lang aking nakita, naalala kong ipinahiram ko nga pala ang aking notes.

+×+×+×+×+×+×

I didn't know that walking here in the covered walk can be so tiring. I can't feel my feet, tss. It is as if I'm not walking. But what I feel is the stare of some students. Siguro mukha akong zombie para sa kanila. 7:30 am class is surely hell and I was home at 10:00 pm last night.

I admit, last night was the first time I wrote something so long. Nagsulat ako ng notes habang kumakain ng dinner dahil nakalimutan kong magpadaan sa fast food drive thru. I was fast asleep on our way home! Geez, buti na lang hanggang 5:30 pm lang ako ngayon.

But still, last night is still good though. I enjoyed copying dela Vega's notes because of his good handwriting. I even forgot that I should be sleeping by 12:00 am, it was already 2:00 am when I saw the clock. I finished five subjects kasi one week pa lang naman ang nakalipas. And the rest, I took pictures of it because I have to return dela Vega's fillers today.

I felt my phone vibrated. I took it out and read the message. It was from Leslie and yes, we already exchanged numbers yesterday. She said na hindi kami classmates ngayong morning dahil na-take na niya ang subject na ito last semester. Irregular student siya. I'm an irregular student, too, pero halos lahat ng subjects ko ay nakasama ako sa block section. I think dalawa lang ang subject ko na nahiwalay ako from them.

"Hi, Meriah," someone greeted me. Sinabayan niya ako sa paglalakad. I heard him but I pretended that I did not. I'm wearing my earphones anyway, so be it. It's just props, I'm not listening to any song because I'm really sleepy and I don't want to talk to anybody.

I didn't look at him. And wait, he knows my name? Why is he following me, by the way?

"I said, hi," he repeated and removed my earphone from my right ear. What the hell?

"Huh?" I looked at him and pretended that I didn't hear him.

His uniform is not familiar to me. I'm sure he is not from our department.

"Sigurado akong narinig mo ako," he said. "Hindi naman nakakabit ang earphones mo."

What?! Kailan pa 'to nakatanggal?!

Then, I remember na tinanggal ko pala iyon nang basahin ko ang message ni Leslie. Sagabal kasi.

"And so?" I continued walking.

"Gusto ko lang makipagkaibigan."

I smiled at him. My most fake smile ever.

"As you can see I don't have anyone to accompany with and it's very okay. Really." I said. Nag-poker face ako after. "And I don't want to have one. So, no thanks!" Naglakad na ulit ako at tinanggal nang tuluyan ang aking earphones. It's no use.

"So, pwede kitang ligawan?" He's still following me, God!

"No," I said, trying to calm my nerves.

Friends nga hindi pwede, manligaw pa kaya?! Nasaan ba ang utak nito? Ang aga-agang bad vibes, gosh! I thought sa CMU lang may mga ganito!

"Liligawan kita, hindi ka–," he was interrupted by someone that appeared in front of me.

It was dela Vega.

"Kukuhanin ko na sana ang notes ko," he said and glanced at the guy beside me.

"Can't you wait?" I asked with a frown.

Dito talaga kailangan kuhanin sa daanan? Damn these people, they're really getting on my nerves!

"May quiz tayo at hindi ako nakapag-review."

So, kasalanan ko pa ba 'yon? Siya 'tong nagpahiram kahit sinabi kong hindi na kailangan. Tss.

I opened my shoulder bag and saw that his notes are under my two pouch. Ugh! I looked around to find a table. I'm about to go to the gazebo to place my shoulder bag on the table when I heard dela Vega sighed.

"Tara na sa room, bilisan mo na lang para makapag-review na ako," he said and pulled me.

He didn't even let me talk!

"Teka!" I heard the guy from the other department. I didn't look back.

"Bye, lover boy!" I waved at him but it's all in the mind.

I'm so sarcastic that a smirk formed on my lips while being pulled by dela Vega.

"Oh," I returned his fillers as soon as I reached my seat.

He's still standing right after me like he's expecting something.

"What?" I asked and looked at my watch. I still have fifteen minutes to review.

"Wow." I looked at him, confused on the way he spoke. "Wala man lang pasasalamat?"

"What?" I thought he needs to review his notes? What is he waiting for?

Magkasalubong ang kilay niya.

"Hindi ka talaga sanay magpasalamat, ano?"

'Yon lang pala ang ipinaglalaban niya. Tss.

Magsasalita na sana ako para manahimik na siya pero tinalikuran na niya ako at bumalik sa kaniyang upuan. O...kay?

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 290 36
What lies beyond a sword can never be the key for peace. But the history it has can take you to the dream you once had. Unraveling the mystery to it...
37.1K 1.7K 32
Maxine Ali Espanosa feels that she is a complete disaster. Max spent her life running from the past that she despises the most. All of her life she w...
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
7.2K 380 39
" WE MUST STRIVE, TO SURVIVE." Would you rather be alone than to be one of them? Zombies! Isa si Meara sa natatanging natitirang survival sa mundo...