The 19th Century Vampire (Wat...

By Imcrazyyouknow

131K 5.7K 286

Independent journalists Stella Escott and Ully Harwell visit Freymount in hopes to create a viral blog. There... More

Copyright
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Read this!!!
It's Feedback Time!!!
Wattys 2020 Winner?!
Get It First at MIBF 2024!

Chapter 50

1.4K 56 0
By Imcrazyyouknow

As Aletheia rose up from being dead, hindi niya alam ang gagawin. She was just lying on the ground and then to find next to her was a dug-up grave in which happen to read her own name engraved on the rock. 

Her body stiffened and couldn't believe what happened, She doesn't know what to do. She wasn't sure if she's really dead or not, or it was just a prank by some people. She could vaguely remember what happened and her head was like gonna explode. She tried to remember it but really, nothing clicked on her mind.

She also doesn't know why does her mouth taste like blood.

Pinagpagan naman nito ang kanyang puting damit. It's a dress that fits her body. Aletheia thought she was really dead by the laces around the dress. Hinayaan na lang din naman niya iyon hangga't sa makuha niya ang balanse niya sa pagkakatayo. She felt like sudden dizziness and didn't bother it right after 'cause it will pass if she won't mind about it.

When she decided to go into the manor, she got there so fast and she didn't know it. She's also hearing voices somewhere and doesn't know who it is and where it came from.

Naguguluhan siya kung ano mga nangyayari ngayon at kailangan niya nga magpahinga para bumalik sa dati ang lahat. She was hoping to see her parents at home. Ang hindi lang niya maintindihan pagkapasok niya sa loob ng bahay ay naririnig niyang nagsisigawan ang kanyang mga magulang. It was so loud even if she blocked her hands on her ear, it still went through. Agad naman niyang pinuntahan kung nasaan sila ngayon.

She found them in his father's office room. She stopped at the doorway looking at her mom crying while his father was completely shocked. Hindi niya maintindihan kung bakit sila umiiyak. She thought that it was about politics but she might also think that it wasn't, wala siyang ideya kung bakit gano'n ang sitwasyong nakikita niya.

And when the time she called them out. "Ma... pa..."

Her parents stopped and froze from the moment they've heard their daughter calling them. Mas lalong humagulgol ang kanyang ina dahil sa inakala nitong pagpaparamdam sa kanila, but when Chieftain Sanguine look at the direction where she found her standing at her own feet, wearing the same white dress on her funeral. 

Makailang ulit ang pagpikit ni Chieftain Sanguine upang masiguradong hindi siya namamalikmata pero nang ginawa niya 'yon, nakita niya pa rin ang kanyang anak na nakatayo roon. Aletheia look at them weirdly enough to think that they're just there, she felt like that they have seen a ghost.

Chieftain Sanguine was reaching for his wife to look at the direction where Aletheia's standing. Nagtataka pa ito dahil nang tanungin niya ay tulala itong nakatingin sa isang direksyon and when she follow the direction he's looking at, her mouth dropped seeing over there. Napatayo rin ito sa kanyang kinauupuan at kanyang lalapitan pa sana pero agad siyang pinigilan ng kanyang asawa at mahinang may sinabi ito. "Hindi 'yan si Aletheia..."

But what he doesn't know, Aletheia heard what he said.

"Pa, ano bang pinagsasabi mo riyan? Ako ito, si Aletheia, anak niyo. Bakit parang takot na takot naman kayo sa akin?"

Magkahawak ang kamay ng mag-asawa at bahagyang napaatras ng magsalita ito. They could hear her voice perfectly. Hindi nila maikaiila na naririnig nila ang kanilang anak. But it's still unbelievable to see their dead daughter walking back inside their house. But when Aletheia made her step getting closer to them, Chieftain Sanguine then stopped her from moving closer. Aletheia then stopped, looking so confused.

"Ano po bang problema?" taka nitong tanong.

Her parents look at each other like as if the Clements made fun of them. "Sige na, Rodoro. Ikaw na ang panalo. Hindi mo na kami maloloko rito. Ginamit mo pa talaga ang anak namin para takutin kami pero hinding-hindi ako bababa sa posisyon ko."

"Pa..." Aletheia muttered. "Ano pong ibig sabihin niyo?"

Chieftain Sanguine swallowed. "Sige na, tanggalin mo na ang maskara mo. At kanino mo nakuha ang damit na 'yan? Hawig na hawig sa damit ng namayapa naming anak."

"Hindi ko kayo maintindihan pa," ani Aletheia. "Ano pong sinasabi niyo tungkol sa hindi pagbaba ng posisyon niyo at anong kinalaman ng ama ni Edwardine sa mga ito? Saka 'wag ano pong maskara ang sinasabi niyo? Akong-ako 'to. Si Aletheia Sanguine! May kakaiba ba sa akin ngayon?"

Panandaliang tahimik ang nangibabaw sa paligid.

"Patay na ang anak namin..." usal ng kanyang ina.

She weirdly laughed "Ma, naman... nandito ako ngayon ako. Anong patay ang pinagsasabi ninyo?"

"Pinatay ang anak namin. Inilibing namin siya kanina. Hindi ikaw ang anak namin," pagpapatuloy ni Chieftain Sanguine. "Patay na si Aletheia."

Umiling naman ang dalaga. "Hindi! Ako ito!" pagpupumilit niya. "Hindi ako patay! Hindi ako patay! Ito ako ngayon, oh? Bakit niyo iniisip na patay na ako?!" Naiyak na lamang ang dalaga sa mga naririnig niya sa kanyang magulang.

Naririnig din nito ang mabibilis na tibok ng puso ng mga magulang niya. Unti-unti niyang na-realize kung bakit nagising na lamang siya sa tabi ng hukay at ang kanyang kausotan ay kakaiba. Ayaw niyang tanggapin iyon. Ayaw niyang paniwalaang patay na siya hangga't sa mamula ang mga mata nito at itim na ugat ang pumalibot sa kanyang mukha. Lumabas idn ang pangil nito. Napaatras ang kanyang mga magulang sa lubos na takot na nararamdaman nila.

Wala na nga si Aletheia. Isang halimaw ang naasa harapan nila ngayon.

"Lumayas ka rito!" sigaw ni Chieftain Sanguine sa kanya na dahilan para mas lalo itong magalit. "Hindi ikaw ang anak namin! Isa kang halimaw! Huwag ka nang bumalik dito! Hindi ka namin kailangan! Patay na ang anak namin at kahit anong mangyari, hindi na namin makikita si Aletheia sayo!" Isang mabilis na kilos ang ginaw ni Chieftain Sanguine para kunin ang isang mahabang kahoy na may patusok sa dulo. Napaatras naman si Aletheia. Ganyan nga! Umalis ka!"

"Umalis ka na!" sigaw ng nanay nito.

Nang susugurin na ni Chieftain Sanguine si Aletheia ay tumakas na ito palabas ng manor papasok sa masukal na kagubatan. Nang mapagod sa kakatakbo ay bumalik siya sa kanyang pagiging normal na anyo at napaluhod na lamang ito sa lupa.

Nanatili si Aletheia sa ilalim ng puno, tulala at hindi alam ang gagawin. Kahit kalmahin niya ang kanyang sarili ay wala naman iyong magagawang maganda. Inaalala naman niya ang lahat ng nangyari pero hindi niya lubos maisip kung paano humantong sa ginatong sitwasyon ang lahat. Isang palaisipan sa kanya ang lahat. 

Pero kailangan niyang mahanapan ng sagot ang mga katanungan niya. Mabilis niyang tinungo ang tahanan ni Esmeralda at nang marating niya iyon ay halos magulat ang matanda sa pagdating niya pero hindi naman bago iyon sa kanya nang sabihin ni Edmondo sa kanya ang ginawa nito bago umalis ng Freymount.

Nagkaharap ang bampira at ang witch. Agad namang tinanong ng dalaga kung anong nangyayari sa kanya at walang pagdadalawang isip na ibinigay ni Esmeralda ang mga kasagutan sa kanyang mga katanungan. Natulala na lamang siya hangga't sa maalala niya si Edmondo. Nagtaka ang dalaga kung bakit hindi gaano nitong matandaan ang binata kaya nang malaman niyang ginamitan ito ng mga gayuma upang linlaling ay unti-unti siyang nalinawagan hangga't sa mamatay at mabuhay muli siya. Ang mga alaala niya noong nasa estado ng gayuma ay hindi gano'n kalinaw pero naiintindihan na niya kahit kaunti.

Edmond turned her into a vampire, but he left the town, and Aletheia wouldn't be able to get answers from him. Kabutihan lamang ang ipinakita niya dalaga pero hindi niya inaasahang papatayin siya nito.

Ngayon hindi na alam ni Aletheia kung anong gagawin niya. Pakiramdam niya'y ma-isa na lamang siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung may uuwian pa ba siya. Pakiramdam niya'y tila sumpa ang dumikit sa kanya. Nagsisisi siya na pinatuloy ng kanyang pamilya si Edmond sa kanilang tahanan.

Pinatay nito si Edwardine. Si Homer at siya ang pinakahuli.

Hindi niya alam na isang halimaw si Edmondo. Wala siyang ideya na totoo pa lang may mga gano'ng nilalang na nabubuhay sa mundo.

Sa bawat araw na lumilipas ay gustong bumalik ni Aletheia sa piling ng kanyang pamilya pero wala na siyang babalikan. Itinakwil na siya ng kanyang pamilya. Kinatakutan siya dahil nakita nilang isang halimaw ito.

Sa pagkamatay din ni Aletheia ay kinuha na ng mga Clements ang pagkakataon upang kunin ang posisyon ng liderato sa bayan ng Freymount. Dahil sa depresyon at pangungulila sa anak ay unti-unting bumitaw ang mga Sanguine sa kanilang tungkulin.

Ipinaalam ng mga Clements na ang itinuturing nilang simbolo ng kagandahan at kapayapaan ay siyang magpapabagsak sa kanilang bayan. Naniwala ang mga mamamayan ro'n at tuluyang nabura ang imahe ni Aletheia at napalitan ito ng kasuklaman.

Bagamat sa mga batikos na nakukuha ni Aletheia ay hindi niya nilisan ang kagubatan ng Freymount dahil naniniwala siyang tatanggapin muli ng mga taong nagmahal sa kanya noon.

Nang isang araw ay natagpuan si Aletheia sa sentro ay may nakakilala sa kanya at mabilis na inalerto ang buong bayan. Hindi siya umalis sa pagkakataong iyon hangga't sa makaharap niya ang kanyang magulang at ang mga Clements. Nagpaubaya si Aletheia at ikinulong ng mga Clements sa isang selda. Nagmakaawa at humingi siya ng tulong sa kanyang mga magulang pero hindi siya pinapansin niti. Naniniwala silang patay na ang kanilang anak at hindi ang halimaw na katulad niya.

Limang araw nanatili si Aletheia sa kulungan. Walang pagkain at tubig. Kanila pang tinatakot ito papatayin at sinasabuyan ng kumukulong tubig. Nakuha pa nila igapos ang kamat at paa nito. Sa mga araw na iyon ay pinanood ng mga tao kung paano pahirapan ang dalaga at kanya iyong tiniis upang matanggap lamang muli siya. Pero hindi rin nagtagal nang lumulupit na ang pagmamaltrato na sa kanya ay kanyang nilisan ang selda sa halos isang buwan na pagtitiis at pagmamalabis na makuha muli ang puso ng Freymount.

Ang Clements lamang ang nakakaalam ng pagtakas ni Aletheia. Hindi nila ito pinaalam sa bayan kung hindi ay ipinahanap nila ito. Sa puntong iyon ay tuluyan nang nakuha ng mga Clements ang posisyon sa pagiging lider ng Freymount. Ang dating chieftain ay tuluyang nagkasakit sa halo-halong emosyong nararamdaman niya.

Alam ni Aletheia na hindi na muli siya makakabalik sa loob ng Freymount kung hindi ay iyon na ang kamatayan niya. Bago pa man siya umalis ay kinausap niya si Esmeralda na sa pagkakataong babalik si Edmondo sa bayang ito ay siya ring babalik upang patayin ang binata. Hindi na lamang nagbigay ng sagot si Esmeralda at ang lahat ng impormasyong nakuha niya ay kanyang isinulat sa libro upang mabasa ng mga susunod na henerasyon. Ito ay upang malaman nila kung gaano kalupit ang mga mamamayan ng Freymount.

Taon-taon ay bumabalik si Aletheia sa Freymount upang kunin ang pagkakataon na mahanap si Edmondo at mapatay ito. Unti-unti naman niyang natanggap ang kanyang sitwasyon. Nanalagi siya sa iba't ibang mga lugar hangga't sa nakilala niya si Reubert na isang normal na tao na isang merong malubhang sakit. Ginawan ni Altheia ng paraan upang mawala ang sakit nito at mabuhay pa ng pagkahaba-haba. Sa puntong iyon ay hindi na naghiwalay ang dalawa at nagsama na sila kung saan magpunta.

Si Reubert na lamang ang kinapitan ni Aletheia sa mga panahong walang wala na siya. Ni hindi nga niya napuntahan ang burol ng mga magulang dahil sa pangambang babalikan siya ng mga galit na tao.

Habang lumilipas ang panahon, binago ni Aletheia ang kanyang pangalan sa ngalan na Alycia, ang 19th century vampire. At hindi niya kailanman tutulungan ang bayang ito kung ano man ang mangyari.

Mabubuhay siya... ngunit hindi kailanman.

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 1.1K 62
Victoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else...
446K 23.8K 51
Book 2 of The Master of the Game. A fanfiction for Ricci Rivero Rank #1 on Fanfiction
9.7K 3.5K 34
[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag...
581K 28.4K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...