The 19th Century Vampire (Wat...

By Imcrazyyouknow

128K 5.6K 283

Independent journalists Stella Escott and Ully Harwell visit Freymount in hopes to create a viral blog. There... More

Copyright
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Read this!!!
It's Feedback Time!!!
Wattys 2020 Winner?!

Chapter 45

621 53 0
By Imcrazyyouknow

Edmondo couldn't forget the taste of Aletheia's blood. He knew that it wasn't the first time he was able to taste her, but he couldn't forget it now. It's like he went high when he got a taste of it. More likely an addiction he needed to have again.

He was trying his best not to look the way he used to Aletheia because everything changed then, he's now craving her. Hindi rin niya alam ang gagawin gayong binigay niya sa dalaga ang dalawang potion na siyang binigay ni Esmeralda sa kanya. The love and deceiver potion. It uses to make her fall in love with him and to make her believe that Edmondo didn't do anything wrong, but perfect in her eyes and now, he thought he did a big mistake.

They thought they could wait for Aletheia's parents so they could go all back home together. But the leader has a lot of things to do.

Both of them decided to walk back home, Aletheia's holding his hand and rest her head on his shoulder while Edmondo was trying to think of another way to evade what he was feeling for her right now. 

He felt like he really messed it up, but on the other hand, he didn't want Aletheia to know what he really was. From the start she got curious about him, that was when he knew he has been hanging on a rope because of his true identity and he can't let her figure about it.

He needed to do it even though it was hard for him.

"Anong gagawin natin kapag nakarating na tayo sa manor, Mon?" pagtatanong ng dalaga sa kanya. Napakibit-balikat naman ito, tila naging tahimik sa kanya ngunit hindi naman iyon pansin ng dalaga. "Nasa munisipyo pa naman sila ngayon at mukhang magtatagal sila roon at tayong dalawa lang nasa manor."

"Anong ibig mong sabihin, Aletheia?"

"Malalaman mo rin pagdating natin sa manor," aniya sabay hagikgik.

Not that long when they reached the manor, even though Edmondo wanted to stay alone in the porch, he was pulled by Aletheia to go inside and headed to her bedroom. When they got inside her room, Edmondo roamed his eyes around. He'd never got inside of her room that's why it was odd for him to invade someone else's property.

"Umupo ka muna sa kama Mon," pag-uutos ni Aletheia kanya. Sinunod din naman niya ang sinabi nito at saka siya umupo sa kama. 

While he was still trying to guess what will happen next, he sat on the bed, and a moment later when Aletheia showed up coming out of the dress wall divider on a thin linen robe. Nanlaki ang mga mata ni Edmondo hangga't sa pinadulas nito ang tingin sa kanyang katawan at makita niya niya ang nagniningning sa kaputian nitong kutis.

"A-anong ginagawa mo, Aletheia?" nauutal pa nitong usal.

"Ano pa bang ginagawa sa mga ganitong okasyon, Mon?" hagikgik pa ng dalaga. Dahan-dahan naman itong lumapit sa binata. She started to lift up his shirt when he intended to stop, but Aletheia insisted on something and she wanted it to happen. 

Hindi na napigilan ni Edmondo ang dalaga sa kanyang ginagawa at hinayaan lamang niya ito hangga't sa tuluyan nang mahubad ang kanyang damit at itulak ito pahiga sa kama. Aletheia positioned on top of Edmondo and showered him with kisses on his chest up to his neck and lastly to his lips. 

At first, Edmondo doesn't know what to do. Gusto man niya itong pigilan ay hinayaan na lamang niya ito sa kanyang ginagawa. Inabot ni Edmondo ang pisngi ng dalaga at doon na lamang nagpalit ng pwesto ang dalawa kung saan pinaibabawan ni Edmondo ang dalaga.

"Ganito ba ang gusto mo Aletheia?"

Tumango at humagikgik ang dalaga. Namula ang pinsgi nito. Pinagpatuloy naman ng dalawa ang kanilang ginagawa. Alam ni Edmondo na ang potion ang nagiging dahilan nito sa pagkilos ni Aletheia. Nang idiin ni Edmondo ang kanyang sarili sa dalaga ay napaangat na lamang ang dalaga sa sakit at nang tingnan nila ang nagawang sakuna ay napuno na lamang ng dugo ang kumot.

Naamoy agad iyon in Edmondo at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kaya naman agad siyang tumayo at nagbihis ng damit. Nagtaka naman si Aletheia sa ginawa ng binata dahil hindi pa man sila tapos sa kanilang ginagawa.

Dahil ayaw mauwi ni Edmondo sa isang trahedya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Aletheia ay nilisan niya ang manor. Nang maiwasan si Stella ay napatitig na lamang ito sa dugong nagkalat sa kumot.

Nagulat na lamang si Esmeralda nang biglang dumating sa kanyang tahanan ang bampira. Humahakos ito sa kanyang hininga at napapakunot-noo na lamang ang matanda sa aksyon nito. Ikinalma naman ni Edmondo ang kanyang sarili habang inaalis sa isipan ang dugo ni Aletheia.

"Anong nangyari?" tanong ng matanda sa kanya.

"Dugo... hindi ko kaya."

"Hindi ko maintindihan," pagkunot-noo ng matanda.

"Gustong makipagtalik ni Aletheia sa akin at nang mangyari 'yon ay dinugo siya. Alam mong bampira ako at malakas ang tukso ko sa gano'ng bagay. Iniwan ko siya mag-isa roon at nagtungo ako dito para humingi ng pabor..."

"Anong pabor?" tanong ng matanda.

"Ginamit ko ang mga gayuma sa kanya at gusto kong alisin sa kanya 'yon..."

Bagamat umaasa ang binata sa magandang balitang ibibigay sa kanya ng matanda ay tumawa na lamang ito dahilan para mas lalo siyang mabahala. 

"Nakakatawa ka naman hijo pero ang mga gayumang iyon ay walang pangontra. Hindi ko naman inaasahan na gagamitin mo iyon sa kanya. Bakit mo naman ginamit iyon sa kanya at ngayo'y ay sabik na sabik kang alisin sa kanya 'yon?"

"Gusto ko siya at gusto niyang alamin ang pagkatao ko pero hindi ko nagugustuhan kung paanong paraan niya iyon ginagawa sa akin. Ginamit ko sa kanya ang itim na dahon para alisin sa kanya ang mga bagay na hindi niya dapat malaman sa akin."

"Ano ba dapat ang hindi malaman ni Aletheia... na isa kang bampira?"

Tumango naman si Edmondo. "At ayokong malaman niya na ako ang dahilan kung bakit namatay sina Edwardine at Homer. Ayoko nang malayo sa kanya kaya ko iyon nagawa pero hindi ko inakala na magiging malala ang sitwasyon ngayon. Tila nasa akin na lahat nga atensyon niya."

"Hmm... kung ako rin ngayon, magtataka ako kung sino ka nga ba talaga at paano ka napadpad sa bayang ito. Kung hindi mo naman mamamasain ang tanong ko, saan ka nga ba talaga nanggaling Edmondo?"

Isang malalim na buntunghininga ang kanyang ginawa.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

Tumango ang matanda. "Para sa kaliwanagan ng lahat..."

"Sige..." panimula nito. "Hindi ko talaga intensyon na mapadpad dito sa Freymount. Ang kailangan ko lang gawin no'ng gabing iyon ay ang tumakas sa mga taong gustong pumatay sa amin at ako lamang ang nakatakas at nakaligtas noong gabing 'yon. 

"May grupo ng mga taong hindi namin kilala ang sinugod ang aming tirahan sa isang maliit na bayan. Karamihan ng mga naninirahan doon ay bampira, katulad ko, hangga't sa dumating ang gabing iyon at naubos kaming lahat. Gamit ang mga kanilang armas ay naging abo ang karamihan sa amin, sumigaw kasabay sa pagliyab ng mga apoy. Sinubukan naming lumaban pero hindi namin sila kaya kahit pa sobrang dami namin. 

"No'ng gabing 'yon, naubos ang pamilya ko... nawala ang mga tinuring kong pamilya ko sa buong buhay ko dahil sa mga kagagawan ng mga walang pusong taong iyon. Hinang-hina ako nang umalis sa bayang iyon. Hindi ko pa sana lilisanin iyon ngunit sa huling salita na binitawan ng ama-amahan ko na lumayo na ako at mabuhay pa ng ilang daang taon, sinunod ko ang mga salitang binitawan niya. 

"Napadpad ako sa isang gubat upang magtago at magpahinga ngunit sa pagkakataong iyon ay nakita ko sina Aletheia at Edwardine at doon na nangyari ang lahat. Dahil sa pagod ay agad kong inagaw si Edwardine at ininom ang kanyang dugo. Hindi ko namalayan... unti-unti ko na siyang pinatay... nataranta ako sa pagkakataong iyon at agad kong binigay ang dugo ko paraan para mabuhay muli siya pero hindi nangyari... nakita na lamang kami ni Aletheia sa senaryong iyon na duguan. 

"Simula pa man nang pumasok ako ng gubat ay puno na ako ng dugo, mas naging makalat lang ang lahat ng gawin ko iyon kay Edwardine at pinagmukhang inatake kami ng isang halimaw na agad naman nilang pinaniwalaan. Ayokong malaman ni Aletheia ang mga 'yon..."

"Dahil natatakot kang mawala siya sa sayo..."

"Siguro..." usal ng binata.

"At ngayon, hindi na siya tuluyang mawawala sayo..."

"Hindi ho, mali pa rin."

"Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Napailing naman ang binata. "Hindi ko rin alam..."

"Wala akong magagawa kung hindi mo rin alam kung anong gusto mong mangyari Edmondo."

"Basta, isa lamang ang maipapangako ko sayo rito, ligtas ka sa akin." Hinawakan ng matanda ang kamay ng binata. "At ipapaalala ko lang sayo... hinding-hindi magiging ligtas ang bayang ito. Darating ang araw na babagsak ang lahat at mga tao ay magmamakaawa sa kanilang mga buhay... proteksyon aking inilayag ay tuluyang mabubuwag."

Napakunot-noo na lamang si Edmondo. "Sige ho, babalik na rin ako sa manor at baka kung anong isipin ni Aletheia sa akin. Salamat at pasensya na sa istorbo."

"Walang anuman, basta ikaw..."

Umalis si Edmondo sa bahay ni Esmeralda at saka bumalik sa manor. Pagkarating niya ro'n ay hinahanap din siya ng dalaga. Nakahinga naman ito ng maluwag nang makita niyang nagpalit na rin ito ng kanyang damit pero nang magkalapit ang dalawa ay napansin muli ni Edmondo ang dugo sa pagitan ng hita nito.

Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan na ni Edmondo ang pagtitimpi kung hindi ay nagbago na lamang ang kanyang anyo na ikinagulat ng dalaga. Hindi na pinalagpas ni Edmondo ang pagkakataon kung hindi ay kinagat na niya ito sa leeg.

Walang reaksyong lumabas kay Aletheia at hindi naman alam ni Edmondo na nauubos na niya ang dugo ng dalaga.

Nang matapos ito at mapansing lantang gulay na ang dalaga ay hinawakan ito sa magkabilang braso. Pinilit niya naman itong gisingin pero hindi ito sumasagot. Doon lamang na-realize ni Edmondo ang laking pagkakamaling ginawa niya. Kanyang kinagat ang pulso at pinatulo ang sariling dugo sa bibig ni Aletheia at umaasa siyang maiililigtas niya ito.

Nang makabalik naman ang mga magulang ni Aletheia ay natagpuan na lamang nilang wala ng buhay ang kanilang anak. Mabilis na kumalat ang balita at umikot kaagad sa buong bayan sa biglaang pagkamatay ng dalaga.

Umabot kay Esmeralda ang balita at alam naman niya kung sino ang may kagagawan nito. Ngunit hindi umalis si Edmondo at pinamukha niyang wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.

Kinuwestyon naman ni Chieftain Sanguine si Esmeralda kung bakit nangyari pa rin ito matapos ang pagtataboy sa mga lobo no'ng nakaraang gabi. Ngunit nanatili siyang tahimik dahil ayaw niyang ipaalam ang pagkatao ni Edmondo. Kanya pa rin pino-protektahan ang bampira at pinaliwanag na lamang na hindi na iyon abot ng kanyang abilidad.

Habang pinapanood ni Edmondo ang bawat pangyayari ay hindi nito lubos matanggap na pinatay niya ang beacon of beauty and hope ng Freymount.

At the day of her funeral, all the Freymount people cry their hearts out as the most beautiful girl died of an unknown death. Edmondo was at the funeral, watching Aletheia's body buried under the ground. 

When the people dispersed and as the night came, Edmondo came back to her grave and dug up her body until the night of Aletheia's reborn. 

Edmondo left the town. Hindi niya matanggap na nagawa niya iyon sa dalaga at ngayon, hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Alam niya rin kung saan patutungo ang lahat ng ito. At hindi iyon isang magandang bagay na kanyang haharapin.

Continue Reading

You'll Also Like

198K 8.4K 34
Paano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat n...
249K 5.1K 41
"A WATTPAD FEATURED STORY" Wattys 2017 winner under category of "The Originals" ***COMPLETED*** Highest rank: #19 in Fantasy #5 in Science Fiction A...
327K 4.8K 190
The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (...
521K 6.3K 53
Prologue: "Im pregnant" walang halong pagdadalawang isip na sinabi ko sakanya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "Sakin ba talaga yan?"...