She's Not Just A Nerd! (EDITI...

By _ataraxiaaaa

158K 4.6K 415

Ang kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang... More

N O T E
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Epilogue
SPECIAL CHAPTER

Chapter 66

1.3K 47 3
By _ataraxiaaaa

Aliyah's POV







Nagsimula na ang party. Nagsalita ang emcee na nasa harapan. Ipinakilala nito ang ibang special guest na dumalo. Kasama si Mayor Queron na nakaupo sa harap pati na sina mommy at daddy. Matapos ang pagsasalita ng bawat isa doon ay sinambit ng emcee ang...

"Okay students. Enjoy your night."

Bigla na lamang tumugtog ang kantang Perfect ni Ed Sheeran. Pero violin lang ito, walang lyrics. Maraming nagsitayuan at nag-aya na magsayaw. Nakita ko rin ang iba naming kaklase na lalake at inaya ang mga babae.

"Sayaw tayo babykongbeauty." Kuya Dwayne.

Nakalapit na pala sya sa amin. Ngumiti si Aica at tinanggap ang nakalahad na kamay ni kuya Dwayne saka sila naglakad papunta sa dance floor.

Napasinghap naman si KC nang may nagtakip sa mata nya. Inangat ko ang tiningin ko at nakita kong nakarating na pala si kuya Dave, kuya nya.

"What the, sino ka ha?!" KC

Natawa naman ang kuya nya at inalis ang kamay nito.

"Labyu babydamulag." Kuya Dave.

Tinawagan pala sya ni kuya Khian. Taga ibang school kasi sya eh pero dahil sa amin eh pinayagan syang makapasok.

"Kuya! P-panong..."

"Wala ng tanong. Ako dapat first dance mo dito. Tara!"

Nangiti din si KC at sumama na rito.

Naglakad naman palapit si kuya Khian. Pigil ko ang malakas na mapatawa dahil ang lawak ng ngiti nya at tinaas-baba nya yung kilay nya.

"Sayaw tayo babybunso. Mamaya na daw si Talampas. Isasayaw daw muna nya si tita Eiyah kasi sabi ko ako muna magsasayaw sayo." Kuya

Aww. Kakatouch. Kung pwede lang na tatlo kaming magsayaw eh kaso iba naman ang kanta. Pangdalawahan lang talaga.

Naglakad kami papunta doon malapit kina KC at Aica. Nagkatinginan pa kami at mahinang natawang tatlo.

"Ganda naman babybunso ah." Kuya.

"Bolero ka ngayon kuya ah. Gwapo mo din sa suot mo." Sambit ko.

"Naman! Matagal na akong gwapo. Mas lalo lang ngayon."

Yabang na naman! Hangin!

"Malamig na dito kuya wag mo na dagdagan." Sambit ko at pabiro syang inirapan.

Natawa naman sya ng mahina. Maya-maya ay natahimik kami at sya ang bumasag nun.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na tumira na kasama ang totoo mong pamilya babybunso?" Kuya

Ewan kung bat nya binuksan ang topic na iyon. Syempre gusto ko rin para mas mapalapit pa ang loob ko sa kanila. Pero gusto ko ring na tinirhan namin? Marami kaming masasayang alaala kasama si mama. At yung Thirs Tea na pansamantala muna naming isinara. Hindi naman pwede na basta na lang iwan sa nagtatrabaho doon.

"Naisip ko na rin kuya. Pero ayoko namang iwan ka. Pati na rin yung bahay na kinalakihan ko na." Sagot ko

Ngumiti si kuya habang patuloy pa rin kami sa pagsayaw.

"Malay mo babybunso.. Oras na para makasama mo din sila."

"Kuya..."

Tinitigan nya ako sa mata.

"Alam kong nangungulila ka sa kanila. Kahit ayaw mo sabihin gusto mo silang makasama." Kuya

Nangilid ang luha ko.

"P-pero ayoko na iwan ka kuya. Kung gusto mo, s-sumama ka na lang sa akin doon. Sigurado naman ako na papayag sina mommy." Ako

"Babybunso, ayokong iwan ang bahay. Yun na lang ang malaking bagay na nagpapaalala sa akin kay mama. Nandoon lahat ng alaala natin pati na rin ang kay papa." Kuya

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan agad ito ni kuya.

"Wag ka umiyak, papanget ka nyan."

Sinubukan kong hindi muling mapaluha.

"Ayos lang naman sa akin na tumira ka doon sa totoo nyong bahay. Gustong-gusto ka ring makasama nina Cliff pati na rin si tita Eiyah."

"Totoo ko rin namang bahay yung bahay natin ah." Sambit ko.

"Oo nga. Pero ayaw mo ba makasama ang tunay na pamilya mo?" Kuya

Napaiyak na ulit ako.

"Tunay ko din naman kayong pamilya. B-bakit kuya, ayaw mo na ba akong makasama? Pinapaalis mo ako!"

"Hindi ganun babybunso. Narealize ko lang na masyado na akong nagiging madamot. Ayoko namang maging dahilan para hindi makumpleto ang pamilya nyo. Tsaka pwede mo naman akong dalawin o ako ang dadalaw sayo! Magkikita at magkikita pa rin tayo okay? Ako ang numero unong kuya mo diba? Hindi pwedeng mawala ako sa istorya ng buhay mo no! Mababawasan ng gwapo! Yung pinakagwapo pa!" Kuya

Medyo nangilid rin ang luha nya. Maya-maya ay dahan-dahan akong napatango bilang pagpayag.

"B-basta ba araw-araw ka dadalaw dun. Kung hindi uuwi ako sa bahay natin." Pananakot ko.

Tumawa lamang sya at hinalikan ako sa noo.

"Mahal na mahal kita babybunso, tandaan mo yan."

Ilang saglit pa ay lumapit si kuya Cliff sa amin. Bahagyang kumunot ang noo nya nang makitang bahagyang namamasa ang mata ko.

"Oh ikaw naman talampas. Ingatan mo kapatid ko kundi tatadyakan kita." Kuya Khian

"Baka nakakalimutan mo, kapatid ko din yan." Kuya Clifford

Hinalikan muna ni kuya uno ang noo ko at tinapik ang balikat ni kuya Cliff. Bago sya umalis ay niyakap at hinalikan ko sya sa pisngi.

"Love you kuya kong abnormal." Sambit ko.

"Tsk tsk. Love you too babybunso."

Pinanood namin syang umalis. Kami naman ni kuya Cliff ang nagsayaw.

"Bakit ka umiyak lil sis?"

"Wala yun kuya. May sinabi kasi si kuya uno eh." Sagot ko

Pinakatitigan naman nya ako ng mabuti.

"You sure?"

Tumango ako at ngumiti.

"Siguradong-sigurado. Sya nga pala kuya, ahm uuwi na po ako sa bahay natin."

Kita ko ang gulat sa mukha nya.

"For real? Hell, mom and dad will be happy for sure!" Bakas sa tono nya ang saya.

Napangiti ako. Medyo malaki rin pagkukulang ko. Nagtuloy kami at maya-maya si Nash naman ang pumalit.

"Hey there pretty lady in black."

Pabiro ko syang inirapan.

"Well hello mister. Gwapo mo rin ngayon." Binuntunan ko pa ito ng mahinang tawa.

Nagkatitigan kami kaya bahagya akong nailang.

"I badly wanna kiss you right now. But I know you wouldn't like it so..."

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatitig sya sa labi ko. Dahan-dahan iyong lumapit at natigilan ako nang maramdamang lumapat ang labi nya malapit sa labi ko. Nanlaki ang mata ko.

"I love you nerdy girl." Bulong nya.

Nakarinig kami ng tikhim. Nakita namin sa gilid si Vincent at seryoso ang mukha nya.

"Ako naman." Sambit nya.

Tiningnan pa ako ni Nash bago ibinigay ang kamay ko kay Vincent.

Nagsayaw kami nang wala na si Nash.

"May gusto ka ba kay Nash?" Biglaan nyang tanong.

"H-huh?"

"May... gusto ka ba sa kanya? Sya ba ang gusto mo sa aming dalawa?" Tanong pa nya.

"A-ano bang sinasabi mo dyan?"

Sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"Kalimutan mo na lang ang tanong ko." Biglang bawi nya.

Nakangiti na sya sa pagkakataong iyon. Ilang minuto rin kaming nagsayaw bago ako nag-aya na maupo na. Akmang tatalikuran ko na sya nang tawagin nya ako.

"Keesha."

Paglingon ko ay naramdaman ko ang malambot na bagay na dumapo sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. Isang segundo lamang iyon pero sobra ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bumagal pa ang paligid.

"I love you, Keesha."

Tinalikuran nya ako pagkasabi non.

Nawala ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko walang pumapasok sa utak ko na meron. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa labas. Sa may gilid kung nasaan nakaparada ang mga sasakyan.

Ano bang nangyayari sa buhay ko?

"Malamig rito sa labas iha. Maiging pumasok ka na lamang sa loob."

Nilingon ko ito at nakita kong si mayor Queron. Parang kakaiba ang ngiti nya.

"Pero mas maigi rin na narito ka... Para makapag-isip kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo." Sambit nya pa.

Hindi ako makapagsalita. Nagpaalam na sya at pumasok na sa loob. Nanatili pa ako roon at binati ang ilang guwardiya na naglilibot doon. Bumuntong hininga ako bago napagdesisyonang bumalik sa loob.

Pagkatalikod ko ay nakarinig ako ng sasakyan. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang itim na van. Mabilis ang naging pangyayari at namalayan ko na lamang ang dalawang lalakeng may suot na bonet ang bumaba at may itinakip sa ilong kong panyo.

Sinubukan kong manlaban ngunit nanghihina na ako. Binuhat ako papasok sa van at narinig ko ang pagsigaw ng kung sino at putok ng baril bago dumilim ang lahat...













































~Vote if you want, and I would really appreciate it if you leave some comment.

Lovelotsss signor/signora. Ingat po tayo sa COVID-19.

<<333










Continue Reading

You'll Also Like

609K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
637K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
920K 37.2K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...