CHAPTER 21
Kaya kong gumising araw-araw sa ganitong kama, katabi ng lalaking pinakaperpekto sa mundo ko. Parang sumang-ayon din sa akin ang langit dahil sa kapirasong siwang ng kurtina ng bintana sumisilip ang liwanag ng umaga at tumatawa sa mukha niya. Ang aking anghel, si Gabriel.
Nakatagilid siya at nakayakap ang kanang braso sa akin. Bahagyang nakabuka ang kanyang bibig at doon lumalabas ang kanyang paghinga. Amoy ko ang hanging nanggagaling sa kanya at kasama iyun sa hanging pumapasok sa akin.
"Good morning," nakapikit pa rin siya pero nagsalita niya. Parang alam na pinagmamasdan ko siyang matulog.
"Good morning," bati ko.
Parang hinintay niya ang pagsasalita ko para mahanap ang aking bibig. Dahil walang sabi-sabi, kahit hindi dumidilat ay lumapit ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Diniin niya iyun na may kasabay na malalim na paghinga.
Ang kanyang braso, hinila ako para maglapit ang aming mga katawan.
"Do you now that hindi ko kayang mainis sa iyo, Alex?" bulong niya sa akin.
Bumitaw ako sa pagkakayakap namin.
"Ha?" gulat ko. "Bakit ka maiinis sa akin?"
Ngumiti lang siya. Inalis ang kumot namin at bumangon na. Inayos ang boxer shorts niyang parang nagulo sa pagkakahiga.
"I'll prepare our breakfast," sabi niya.
"Bakit ka naiinis?" Naupo na ako sa kama.
Nakatapis pa sa akin ang kumot namin. Para akong naluging prosti, hindi naman sa alam ko ang itsura nun.
Bumalik si Gabriel sa akin. Muling humalik sa pisngi ko.
"Hays, I'll just be making lambing," sabi niya.
Tumalikod si Gab at lumabas ng kwarto.
"Gab?"
Yung natirang pasta kagabi ang naging breakfast namin. Ininit lang ni Gabriel sa oven toaster, hindi ko alam kung ano pa ang mga binudbod niya, pero iba na ang lasa. Masarap pa rin.
Para naman hindi ako pabigat, nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa. Matapos noon sabay kami kumain, siya, nakaboxer shorts pa rin, ako naman, higit sa boxer shorts na pinantulog ko, nagsuot na rin ako ng sando.
"It's 7am," paalala ni Gabriel. "Ready for your exam?"
"Oo," sagot kong kailangan ding ipasok sa oven toaster dahil kasinlamig na ito ng mga tanong niya.
"What time ka matatapos?"
"12. Tapos may exam ulit ako ng 1pm."
"Let's just have lunch together."
"Ikaw bahala."
"Is there anything wrong?"
"Is there anything wrong?" ulit ko sa tanong niya.
"The truth is, there is," sagot niya. "You are forgetting something."
"Ano?"
"It's for you to remember and not for me to tell. It will spoil everything if I tell you. Okay?"
"Ano nga yun?" pilit ko. "Sabihin mo na lang."
"Nope."
Tinuloy niya ang pagkain. Nakataas ang isang kilay at nakangiti ang mga labi. Siguro ang mga ngiti niyang iyun kahit sinasabi niyang naiinis na siya ang dahilan kung bakit nakalimutan ko ang gusto niyang maalala ko.
After ng isa sa mga exams ko, dumeretso ako sa office ni Sir Cabalfin para tingnan ang standing ko sa course niya. Isang cubicle sa faculty room ng mga professors ang inuokupa niya. Nakaupo siya at sa tabi ay ang mga patung-patong na plates namin mula pa noong Tuesday. Hindi pa niya nache-check-an.
Sinuot ni Sir ang kanyang salamin at tiningnan ang mga grades ko.
"Yung totoo Alex, anong ipapa-check, plates o puso?" tanong niya.
"Puso po," sagot ko.
"I'm sure," sabi niya. "Kung gaano tayo ka-close e ganun din ang grades mo. Kaya kwento na, baka tumaas pa lalo iyan, lumampas na ng uno."
"Sir naman, parang hindi ko pinaghihirapan ang mga plates ko."
"Chika lang. Sige na, spluk the beans."
"Sir bakit ba ayaw na lang sabihin ni Gab kung ano yung problema niya sa akin?"
"Wow, deretsahan ka din ha?"
"30 minutes lang ang consulation time."
"O go!"
"Kasi, may nakalimutan daw ako. Ayaw naman niyang paalala."
"E baka may kinalaman sa kanya ang nakalimutan mo."
"Ano naman ang makakalimutan ko sa kanya, e mula noong lumipat naki-sleep over ako sa kanila e kasama ko siya lagi. Magbi-biyernes na bukas.
"At may esquise tayo. Huwag puro landi."
"Opo," sagot ko sa pagpapaalala niya ng exam namin. "Pero iyun nga po..."
"Yang mga ganyan, Alex, kailangang alalahanin mo talaga. May mga pangako k aba sa kanya. May hingi ba siya na dapat ibibigay mo? Nagpabake ba siya ng cake? Ano bang huling usapan ninyo bago siya magkaganyan?"
"Huli naming usap bago ang linggong ito e yung pagpapaalam niya papuntang Baguio."
Napaisip ako.
"Magkatabi kami, tapos dapat may mangyayari..."
Hala, naparami ang nasasabi ko.
"Ituloy mo," sabi ni Sir. "Huag kang tumigil sa juicy part, ibabagsak kita."
"Pero wala namang nangyari, nagkiss lang kami."
"Ay, walang juice," sabi ni Sir. "O tuloy."
"Yun lang ang huling ala-ala ko."
"Well, mabuti naman at walang nangyari. Huwag kang easy, girl. Hindi pa kayo. Huwag magpadala si libido."
"Iyun naman sir, hindi naman natuloy."
"Pero wish mo, sana matuloy?"
"Hindi ko po alam."
"Baka naman naipangako mo nang iaalaya ang iyong pagkabirhen, tapos e hindi mo pa naibibigay, mag-iisang lingo na kamo siyang nakabalik, tapos lagi pa kayong magkatabi..."
"Naku hindi a, hindi naman ako ganun kamapamahiin."
"E anung naipangako mo? Baka naman hindi aksyon ang hinihintay niya. Baka naman iyan!" at tinuro niya ang puso ko.
May kumatok at sumilip sa pinto ng faculty. Si Arvin. Tumingin kay Sir Cabalfin.
"Okay Arvin, wait lang," sabi ni sir. "O paano. Galingan mo na lang bukas. Atsaka mo na isipin ang sagot dyan sa problema mo. Magreview ka, magtingin tingin sa mga magasin at nang may maisagot ka sa exam bukas. Okay?"
"Sagot..." naalala ko na. "Tama sir, alam ko na! Thank you!"
Agad akong lumabas ng office ni sir. Kinuha ko ang telephone. Nagtext kay Gab.
Sasagutin na kita.
Nagreply siya matapos ang ilang minuto: Naalala mo na.
Reply ulit ako: Oo.
Text ulit siya: Hintayin mo ako sa tapat ng building, papunta na ako.
Nagmadali akong bumaba. Basa pinakataas na floor pa naman ang office ni sir. Mabilis ang hakbang ng mga paa ko sa hagdan. Bakit ko ba nakalimutan. Sabi ko kay Gabriel, kapag bumalik siya sa Baguio, ibibigay ko na sa kanya ang sagot ko, kung ano na ang gusto ko sa aming dalawa.
Isang floor na lang at nasa baba na pinakababa na ako. Napahinto ako. Nawala ang excitement ko.
Ano nga bang isasagot ko?
Bumagal ang aking lakad papalabas ng building. Hindi ko pa alam ang isasagot ko. Kung ibigay ko na kay Gabriel ang puso ko, alam kong wala akong talo. Pero gusto ko na ba? Tanggap ko na ba ang lahat ng pagbabago. Magiging kami na ba?
Masyado nang matagal para paghintayin ko pa hindi lang siya kundi maging ang aking sarili. Sige na.
Nakahinto ako sa harap ng building, dala ang bag sa likod at t-square sa balikat. Nakikita ko na ang kotse ni Gabriel.
Ngunit may isang humaharurot na motor na lumampas sa sasakyan ni Gab. Mabilis na nang huminto ito sa harap ko ay umusok ang kalsada.
"Sakay," sabi ng nakahelmet na lalaki.
Kinabahan ako. Ang buong tindig ni Jessie sa motor, ang kanyang katikasang nananakot. Ang boses niyang nag-uutos. Ang isang lingo kong binuno sa bahay nila, nagbabalik ngayon sa harapan ko.
Napatingin ako sa sasakyan ni Gabriel na bumilis din ang takbo.
Iniabot sa akin ni Jessie ang isa pang helmet. Kulay pula, malaki. Maganda. Bago.
Nagring ang telepono ko.
"Mamaya mo na sagutin yan. Sakay na"
Hindi ko alam.
Sinuot ko ang helmet. Sumakay ako sa likod ni Jessie.
Mabilis na umandar ang motor. Napahawak ako sa bewang ni Jessie. Atsaka ako lumingon. Nakita kong huminto ang kotse ni Gabriel.
Anung ginawa ko?
-----
Follow me on IG: JustAlbertLang
Oh Boy, I Love You is now a published book
Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.
You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph