Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaƱaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With His Sweet Smile

10K 312 28
By AlbertLang

CHAPTER 18

Malayu-layo na ang nalakad ko. Nakarating ako sa gate ng subdivision. Doon nasira ang moment ko. Habang tinatanong ko ang mundo at si god: Bakit kailangang maging ganito kahirap ang buhay ko? Bakit wala naman ako sa isang teleserye, pero may kontrabidang namamayagpag sa bawat araw na ginigisingan ko? Bakit...

"Bakit ka lalabas?" tanong sa akin ng guard.

"Ha?" tanong ko.

"Anung pangalan mo?" sagot ng guard sa tanong kong sagot sa tanong niya.

"Ha?" tanong ko ulit.

Nagtatanungan kami pero walang may gustong sumagot. 

"Sino ka, saan ka galing?" nakukulitan na ang guard sa akin.

Nasa loob nga pala ako ng isang exclusive subdivision. Ang mga aliping namamahay ay kailangan ng permiso ng kanilang amo para makalabas.

"Alex," sagot ko. "Galing ako kina Tito Raul... Reyes."

Nagsimula nang manghusga ang mga mata ng guard. Nakatitig siya nang matagal sa akin bago siya bumalik sa guard house at magdial ng telepono.

Lumilipad pa ang utak ko nang magsalita ang guard.

"Sorry po sir," nag-iba ang tono ng guard. "Safety lang po. Alam naman po ninyo, baka manakawan kayo, kung hindi namin tatanungin..."

"Sige po, walang problema," sagot ko at muli na akong naglakad papalabas ng subdivision.

"Welcome po sa bago ninyong bahay!" pahabol na pagbati ng guard na para sa akin ay isang pagbabanta.

Muling umukilkil sa utak ko ang mga kaganapan. Bakit hindi ko nalaman ito bago pa man ako pumayag na lumipat ng bahay na hindi ko kinikilala ang lilipatan.

Sumabay ang lakad ng paa ko sa pag-iisip at hindi ko namalayan, nakasakay na ako sa jeep. Naglalakad ang paa ko, lumilipad ang isip ko. Kay Kuya, hihingi ako ng tulong kay Kuya. Kailangan ko lang naman nang masasabihan, siguro, gagaan ang loob ko kung may masasabihan ako.

Nagmadali akong bumaba sa jeep na hindi ko alam kung saan papunta dahil alam ko na kung saan ako tutungo. Magsasabi na ako kay Kuya Albert.

Nag-ring ang telepono ko habang naghihintay ng sasakyan. Si Mama.

"Alex," sabi ni Mama. "Nasaan ka na? Nakita ka na pala ng anak ni Tito Raul mo kanina, hindi ka pa sumabay. Umuwi ka nga muna."

"Ma, pupunta lang muna ako kay Kuya," paalam ko.

"Mamaya na si Albert," sabi ni Mama. "Umuwi ka muna ditto, itong bagong kapatid mo muna ang kilalanin mo."

Bagong kapatid. Iyun, wala ng ibang pumasok sa utak ko sa mga sumunod na sinabi ni Mama. Bagong kapatid.

 -------

Nakatitig lang ako sa shadow of the valley of death. Papasok ba ako sa mga gate na ito? Oo. Kasi si mama ang bumulaga sa pinto at nakita akong nakatulala.

"Pumasok ka na nga dito?!" mahinang sigaw ni mama na halatang naiirita.

Dumeretso si Mama sa loob. Sumunod na ako. Isang katulong ang nagsara ng pinto nang nasa loob na ako ng bahay. Sumunod ako kay mama na nawala na sa aking paningin. Itinuro ng katulong ang dining area.

Inabutan ko sina Mama na humahalik kay Tito Raul. Napakasaya ni Mama. Hindi ko alam kung anong magic mayroon si Tito Raul at ngayon ko lang nakita ni Mama na ganito kaligaya. SImpleng kainan lang pero hindi mawala ang ningning ng kanyang mga mata.

Kung anumang magic iyun, iyun din siguro ang magic ni Jessie na kahit tayo pa lang ay napapanginig na ang katawan ko. Iyun mismo ang nararamdaman ko, dahil kasama sa ngitian nina Mama at Tito Raul si Jessie na sumusubo rin ng pagkain.

Ngunit may kakaiba. Ngayon ko lang nakitang ganito kaaliwalas ang mukha ni Jessie. Maaari kayang ibang Jessie ito? Kakambal ni Jessie o ibang Jessie na walang kinalaman sa Jessie na bumubugbog sa akin.

Napatingin sa akin si Jessie at iniwas ko ang tingin ko patungo sa chandelier ng kainan. Iba ang yaman nina Tito Raul, kainan lang, may chandelier pa. Doon na lang ako tumingin para hindi makita ang saya ni Mama sa pakikipagkwentuhan kay Jessie.

"Ayan na ang aking anak," sabi ni Mama. "Alex, ito si Jessie. Architecture ang course niya."

"Hi Alex," sabi ni Jessie.

"Diba, gusto mong mag-shift sa Archi, baka matulungan ka ni..."

Hindi ko na napansin ang mga sinasabi ni Mama. NAkatitig lang ako kay jessie.Wala ang kanyang nanlilisik na mga mata. Contact lense lang ba 'yun na pwede niyang tanggalin kung gusto niya? Para siyang isang maamong shitsu, iba sa parang galit na bulldog na lagi kong nakikita. Siya siguro ang anak ng bulldog at shitsu. Bullshit. Pero kung gusto mo ang ganitong game, sige.

"Hi Jessie," sagot ko.

Gusto mo pala, parang first time tayo magkakakilala ha.

Lumapit si Jessie sa akin at sinubukan akong akbayan. Hindi ko napigilan ang sarili kong umatras. Parang instinct ko na ang matakot sa kanya. Lumapit siya sa akin lalo at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. Ang gaan. Nakakapanibago.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Oo," busog pa ako.

"Talaga?" tanong ni Mama. "Nagluto pa naman ako ng..."

"O tara na," parang alam na ni Jessie ang sasabihin at naputol na niya ang sasabihin ni Mama. "Doon na tayo sa kwarto para masanay ka na sab ago mong bahay."

"Masanay?" tanong ko. Hindi ko gusto ang salitang iyun. Lalo pa nang nanggaling ito sa kanyang bibig.

"Sige na," sabi ni Tito Raul. "Orient mo na ang bago mong kapatid sa bago niyang bahay."

So ito na ang aking bagong bahay. Ito na rin ang aking bagong buhay.

Tahimik ang lakad namin ni Jessie. Nauuna siya, nakasunod ako. Palabas ng dining area, paakyat sa second floor hanggang sa papunta sa kanyang kwarto.  Binuksan niya ang pinto at pinauna akong pumasok. Humarap siya sa akin at ngumiti, itinuro ang loob, pinapapasok ako.

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa mata niya habang pumapasok ako. Walang katiting na bangis ang kanyang tingin, pero kung anong bagal ng hakbang ko ay siya namang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumango lang si Jessie pagkapasok ko. Isinara ang pinto at pinindot ang lock.

Papaupo ako sa kama nang marinig ko siyang magsalita.

"Hindi ka uupo sa kama ko," sabi niya.

Nanatili akong nakatayo.

Tumuro siya sa isang sulok. Sinundan ko ng tingin ang kanyang daliri.

"Dyan ka lang," sabi niya sa napakakalmang boses.

Mas nakakatakot ang boses niyang iyun, kesa sa galit na tinig niyang nakasanayan ko noong sa ibang lugar ko siya nakikita. Hindi ako nakagalaw sa kaba. Ito na baa ng umpisa ng aking pagdurusa?

"Lakad na," utos niya.

Hindi pa rin nagbago ang boses niya. Hindi rin nagbago ang pagkakatayo ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang iniisip niya.

"Huwag mo nang hintaying ako pa ang magbalibag sa'yo patungo sa sulok na iyun!" nagsisimula nang magbago ang pagkakasabi niya ng mga salita.

Doon ako nagulat at napaigtad. Lumakad ako patungo sa sulok, malapit sa kanyang study area, katabi ng maliit na basurahan. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Bumalik ang tamis ng ngiti at pagtingin niya sa akin. Hindi ko naiintindihan ang ginagawang ito ni Jessie.

"Upo ka," sabi niya.

Umupo ako.

"Ayan," sabi niyang muli. "Saktong sakto ka. Diyan ka lang, kapag nasa kwarto ko. Maliwanag."

Tumungo lang ako.

Lumapit siya sa akin.

Yumuko siya at inabot ang aking baba. Itinaas niya ito dahan-dahan hanggang sa sumunod ako sa tumayo. Mas matangkad siya sa akin kaya nanatili siyang nakatungo sa akin. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at nanatiling nasa baba ko ang kanyang kamay. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga. Gabuhok lamang ang layo ng aming mga pisngi. Para bang inaamoy niya ang aking mukha at napapapikit siya habang ginagawa ito. Parang saying saya siya habang ako ay namamawis na nang malamig.

Dumilat siya nang halos magtama na ang aming mga ilong. Bumalik ang matamis niyang ngiti bago niya gawin ang inaasahan ko.

Sinuntok niya ako sa sikmura. Parang nagdidilim ang paningin ko sa sakit.

"Akin ka tuwing nandito ka sa loob ng kwarto ko," bulong ni Jessie.

Ito ang boses niya na sanay ako. Bumalik na ang kanyang pagiging halimaw.

"Gagawin ko sa iyo ang lahat ng gusto ko. Susundin mo ang lahat ng gusto ko. At wala akong maririnig na sumbong sa kahit anong mangyayari sa loob ng kwartong ito."

Bago tuluyang mawalang muli ang aking malay, ay may pahabol pa siyang salita.

"Welcome to my humble abode."


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

457K 22.5K 45
(Numero Series #1) Isang napakalaking milagro ang maging 'in a relationship' status sa isang katulad ni First Sean Cuarez. First year college na ay s...
223K 959 8
Maria Lorena Magbagay is a 28-year-old single, and a certified NBSB. In her younger years she was proud of it, she'd admit that she's a conservative...
49.7K 3.6K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
33.6K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...