She's Not Just A Nerd! (EDITI...

By _ataraxiaaaa

158K 4.6K 415

Ang kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang... More

N O T E
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Epilogue
SPECIAL CHAPTER

Chapter 5

2.9K 78 2
By _ataraxiaaaa

Aliyah's POV






Nanatili pa rin kami hanggang ngayon sa canteen at nagkukwentuhan. Tinignan ko ang oras at may five minutes pa bago ang sunod na klase kaya inaya ko na silang bumalik. Pumayag naman sila kaya eto kami ngayon at tinatahak ang daan papuntang room. Habang naglalakad ay inaasar ako nung panget na Vincent na.

Naiinis na ako ah! Kanina pa yan!

Pero mabuti na lang at walang nagbubulungan sa paligid at nagsasabi ng kung anu-anong masama samin. Natakot siguro kay kuya hahaha. Yung iba naman tilian at sigawan dahil sa apat pero di naman nila pinapansin. Si Nash diretso ang tingin sa daan. Si Steeve kausap si KC. Baka mamaya magkamabutihan yang dalawang yan ha. Si Jhake kinukulit si Aica at halatang naiirita na ang kaibigan ko dito. Si Vincent eto inaasar ako.

"Ano panget? Wala kang masabi dahil ang gwapo ko no? Samantalang ikaw ang panget mo!" Pang-aasar nya. Kanina pa yang bunganga nya nakakairita.

"Ang hangin grabe!" Inis kong sambit.

"Mahangin ka dyan! Eh pinagpapawisan ka nga kasi sobrang hot ko hahaha!" Sya.

Kita nyo na, Gwapong-gwapo sa sarili ang mokong.

"Tumahimik ka na nga, pwede? Ang ingay mo!" Iritang sabi ko.

"Wala kang magagawa dun! Makulit talaga ako at ikaw ang gusto kong pagtripan! Ganito talaga kapag gwapo!" Nakangising sagot nya.

"Gwapo ka? Saan banda?"

"Ayan oh!" Bigla nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko!

Huli na para ilayo nya yun kasi napansin na kami ng mga kasama namin!

"Uyyy!!! May something kayo no!?" Panunukso nila. Agad naman kaming naglayo ni panget. Walangya!

"A-ano!? Wala ah!" Ako.

"Oo nga! Anong something kayo dyan!" Si Vincent.

"Namumula si Vincent hahahaha!" Pang-aasar ni Jhake. Nang tignan ko ay namumula nga sya.

"Tumahimik ka nga! Namumula ka dyan, yuck! Never ako magkakagusto dyan sa nerd na yan!" Sagot nya.

Tsaka pinagsasabi nito? Wala namang sinabi na may gusto sya sakin! Sinasabi namumula sya!

"Hah! Kala mo naman type rin kita! Ewww!!" Sagot ko sa kanya.

"Tama na nga yan. Mamaya langgamin kami sa kasweetan nyong dalawa." Steeven.

"Oo nga. Masakit pa naman mangagat ang langgam." KC

"Bawas bawasan nyo naman yung kaka-ganyan nyo." Aica

"Masyado na kasi kayong nahahalata eh." Jhake

Sinabi nila yun habang naglalakad palayo sa amin! Si Nash parang walang pake kasi nauuna syang maglakad.

"Hoy hintayin nyo ako Aica! KC!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanila. Nilingon nila ako at tumakbo habang tumatawa. Kainis! Tinutukso ba nila kami?!











Vincent's POV




Hindi ako makapaniwala na tinutukso ako nung dalawang mokong na yun! Pero hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Bakit ko nga ba nilapit sa kanya yung mukha ko? Ah oo nga pala, ginawa ko yun para ipakita yung gwapo kong mukha. Tama tama!

Pumasok na rin ako sa room namin at naglakad papuntang upuan ko. Nakita ko si Darcee na nagpipigil ng tawa. Psh!

Napatingin naman ako kay Angelica na nakangiti habang palipat-lipat ng tingin sa akin at kay Aliyah. Si Steeven naman ay natatawa. At ang walang hiyang si Jhake inaasar ako at yung tingin nya parang sinasabing 'ikaw ah! Dumadamoves ka na!' Peste talaga tong mokong na to! Buti pa si Nash. Pagtingin ko sa kanya, ang walang hiya nakangisi pa sakin!

WHAT THE FACT! King ina akala ko naman hindi to sasama! Syete! Naupo na ako sa upuan ko at katabi ko yung bwisit na Jhake.

"Anong palabas yung kanina huh?" Nakangising bulong nya sakin.

"Tumahimik ka nga!" Mahinang sigaw ko. Sigaw na pabulong. Yun basta! Yung kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Sus! Namumula ka nga kanina eh hahahaha." Pang-aasar nya pa!

Bwisit talaga to kahit kelan. Hahanap ako ng tyempo at gagantihan ko to.

"Isa pa tignan mo, makakatikim ka sakin." Banta ko at ang mokong tinawanan lang ako.

"Hahahaha! As if namang matatakot ako dyan."

"Ah ganon ah..." binatukan ko. Buti nga.

"Aray naman!" Reklamo nya at hinimas pa yung ulo nya.

"Ulitin mo pa hindi lang yan aabutin mo sakin." Banta ko ulit.

Nang mapatingin ako kina Aliyah ay parang tinutukso din sya nung mga kaibigan nya dahil namumula sya. Talagang lumipat pa ng upuan si Darcee para lang tuksuhin yung kaibigan. Napatingin kami sa harap nang pumasok yung teacher namin. Bumalik na sa upuan nya si Darcee. Nagsimula na yung klase namin at doon na napunta ang atensyon naming lahat. Hayst, kagaguhan nga naman.











Angelica's POV




Hello! Magandang babae ako sa inyo, este magandang umaga pala. Andito pa ako sa kwarto ko at naghahanda para sa school. After kong magprepare bumaba na ako at naabutan ko sina kuya Dwayne, mama at papa. Si papa nagbabasa ng dyaryo at nagkakape. Si mama naman kumakain ng breakfast namin at si kuya naglalaro sa cellphone nya. Naglalaro sya ng piano tiles. Pataasan kasi sila ni kuya Khian ng score dyan. Napansin nya ata yung presensya ko kaya napatingin sya sakin.

"Hi babykongbeauty! Good morn—ay, na-out! Sayang naman malapit na yung high score eh!" Hindi nya naituloy yung pagbati sakin.

"Good morning kuya." Sabi ko na lang.

"Walang good sa morning! Out na ako." Sabi nya sabay pout. Ayiiieee ang cute ni kuya!

"Cute mo kuya hahahaha!"

"Cute ka dyan, gwapo ako no!" Sagot nya.

"Whatever." Maarteng sambit ko. Ganito talaga kami sa bahay.

"Morning mom, morning dad." Bati ko at humalik sa pisngi nila.

"Good morning sweetie. Ang aga mo ata ngayon ah." Mama.

"Pupunta po ako kina Liyah. Sabay na po kaming papasok." Sagot ko.

"Mabuti naman kung ganon. Akala ko may lakad ka pa eh."

"Lakad? Saan naman ako pupunta mom?" Tanong ko sabay subo nung nakahain sa mesa.

"You know, like going out on a date in this morning." Pagkasabi ni mama nun bigla akong naubo. Agad naman akong inabutan ni kuya ng tubig.

"Mom naman eh!"

"Hahahaha, why? Wala pa bang nanliligaw sayo?" Mama.

"Walang manliligaw dyan! Sa sobrang taray nyan walang susubok hahahaha!" Singit ni kuya.

"Shut up ka nga kuya! Badtrip ka!" Nagpout na lang ako. Grabe sila sakin ah.

"But baby, kung may manliligaw sayo ipaalam mo agad samin ng mommy mo okay?" Si dad.

"Dad naman eh! Pinagtutulungan nyo pa ako!" Inarte ko.

Pinagtawanan naman nila ako. Kainis!

"See? Pinagtatawanan pa!" Sabi ko at padabog na kumuha ng bacon.

"Let's eat na nga." Mommy.

Nagsimula na kaming kumain lahat. Si kuya inaasar lang ako habang kumakain. Minsan natatawa pa sina mom sa mga pinagsasabi ni kuya.

Nakakainis naman! Hindi man lang nila pagsabihan si kuya? Eto rin kasing kuya ko, kanina pa to ah. Tignan nya gaganti ako.

"Hahahaha! Si Angelica may kasama na apat na lalaki! Crush nya yung isa dun mommy!" Bigla ay sabi ni kuya!

The hell kuya! Ba't mo sinabi sa kanila?! Iba na naman tuloy iisipin nila mom!!!

"Anong crush ka dyan?! Wala nga akong crush ngayon!" Sagot ko rito. Tatawa-tawa naman sya.

"Sus! Kunyari ka pa eh nung nakita nila tayo sa parking lot ng Fare University ikaw agad ang binati nya!!" Kuya.

"Trip nya lang yun no! Mom wag po kayo maniwala sa praning kong kuya." Sabi ko kina mama at dad na ngayon ay kakaiba ang ngiti sa akin!

"Oh bakit ka defensive?! Kasi totoo noh!! Bwahahahaha! Pumapag-ibig na si little sis ah!" Kuya

"Arrgh! Kuya!!" Tinignan ko sya ng masama pero tinawanan nya lang ako ng malakas.

"Bwahahahahaha!!!!"

"Shut up!! Shut up!! Shut up!! Shut-your-big-mouth-up!!!" Malakas na sigaw ko kaya natahimik sya. Pati sina mommy tumigil sa ginagawa nila at tumingin sa akin. Bigla na lang pumatak yung luha ko kaya nag-alala agad si kuya.

"Uyy hala! Little sis wag ka na umiyak, joke lang naman!" Sabi nya at lumapit sa akin pero hindi pa rin ako tumigil. Konti na lang talaga hindi ko na mapipigilan...

"Uyy little sis.. Babykongbeauty tahan na... Sorry na..." Dagdag nya pa kaya humagalpak na ako sa tawa.

"Hala! Mom! Dad! Nababaliw na si Angelica! Dalhin po natin sya sa mental!" Kuya.

"Hahahahaha!!!" Mom and dad.

"Bakit ba kayo tumatawa?! Nakakainis naman kayo eh!!!" Kuya

"Hayst, son. Hindi mo pa rin ba nakukuha? Your sister is just playing with you." Sagot ni dad.

"Playing? What do you mean dad?" Nalilito pa rin si kuya.

"Tsk tsk tsk. Lagi nya ginagawa yan sayo di ba. She will cry until you stop teasing her then she'll laugh. Nagdadrama lang ang kapatid mo Dwayne Blaster Marqquez. Hahahaha." Mom.

Tinignan ako ng masama ni kuya.

"What? Hahahaha! Kuya you still don't get it right? Lagi kitang naloloko hahahaha!" Ako.

"Tumahimik ka na nga! Pasalamat ka love kita eh." Kuya.

"Sorry kuya! I love you too." Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nya.

Kumain na ulit kami at ng matapos ay nagpaalam na ako at pumunta kina Liyah...























Vote if you want, and I would really appreciate it if you leave some comment <33






Continue Reading

You'll Also Like

610K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
920K 37.2K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
1.7M 72.1K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
709K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.