MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPI...

By emoon11

931K 21.6K 852

ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap... More

MYSTERIOUS VOICE I • THE VAMPIRE KING'S MATE
KABANATA 1 • BAHAGI 1
KABANATA 1 • BAHAGI 2
KABANATA 1 • BAHAGI 3
KABANATA 1 - BAHAGI 4
KABANATA 2 • BAHAGI 1
KABANATA 2 - Bahagi 2
KABANATA 2 - Bahagi 3
KABANATA 2 - Bahagi 4
KABANATA 3 - Bahagi 1
KABANATA 3 - Bahagi 2
KABANATA 3 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 4
KABANATA 4 - Bahagi 1
KABANATA 4 - Bahagi 2
KABANATA 4 - Bahagi 3
KABANATA 4 - Bahagi 4
KABANATA 5 - Bahagi 1
KABANATA 5 - Bahagi 2
KABANATA 5 - Bahagi 3
KABANATA 5 - Bahagi 4
KABANATA 6 - Bahagi 1
KABANATA 6 - Bahagi 2
KABANATA 6 - Bahagi 3
KABANATA 6 - Bahagi 4
KABANATA 7 - Bahagi 1
KABANATA 7 - Bahagi 2
KABANATA 7 - Bahagi 3
KABANATA 7 - Bahagi 4
KABANATA 8 - Bahagi 1
KABANATA 8 - Bahagi 2
KABANATA 8 - Bahagi 3
KABANATA 8 - Bahagi 4
KABANATA 9 - Bahagi 1
KABANATA 9 - Bahagi 2
KABANATA 9 - Bahagi 3
KABANATA 9 - Bahagi 4
KABANATA 10 - Bahagi 1
KABANATA 10 - Bahagi 2
KABANATA 10 - Bahagi 3
KABANATA 10 - Bahagi 4
KABANATA 11 - Bahagi 1
KABANATA 11 - Bahagi 2
KABANATA 11 - Bahagi 4
KABANATA 12 - Bahagi 1
KABANATA 12 - Bahagi 2
KABANATA 12 - Bahagi 3
KABANATA 12 - Bahagi 4
MENSAHE NG MAY - AKDA
PASASALAMAT NG MAY - AKDA
MGA BIDANG TAUHAN
MGA SUPORTING KARAKTER
MGA KANTA SA KWENTO
MGA KATAYUAN NG GENRE
MAY - AKDA
MGA PARANGAL (AWARDS)
MGA PATALASTAS (ADVERTISEMENT)

KABANATA 11 - Bahagi 3

13.8K 347 42
By emoon11


               Isang linggo ang nakalipas ay patuloy pa rin ang pagpapahirap nila kay Scarlett. Wala ni isang hari ang dumalaw sa dalaga maliban sa mga kawal na araw - araw siyang pinaparusahan. Sa araw na ito ay halos naligo na sa dugo ang katawan ni Scarlett. Hindi pa nga siya pinapakain o pinapainom ng tubig. Nanghihina na siya.

               Sa kanyang selda ay dumating ulit ang mga kawal ngunit nakita ni Scarlett na wala itong dalang kahit anong kagamitan na pamparusa. Agad na lamang inilabas ng mga kawal ang dalaga sa selda at tinakpan ng itim na tela ang buong ulo nito. Hindi alam ni Scarlett kung ano ang gagawin sa mga kawal  sa kanya. Ang tanging alam lang niya ay ang pahihirapan siya ulit ng mga ito. Dinala siya sa malawak na silid kung nasaan ang upuang trono ni Apollyon. Naroon din sina Kieran, Lorcan at Great Thorn kasama si Venus. Nakita nila na punong - puno ng sugat si Scarlett ngunit hindi sila naawa rito dahil sanay na silang makakita ng mga taong naghihirap at kung minsan ay pinapatay nila ito gamit ang kanilang matutulis na pangil. Agad na inalis ng isang kawal ang itim na tela sa ulo ni Scarlett. Nakatambad sa kanila ang mukha ng dalaga na nakatakip ng bandana. Doon ay nakita ni Scarlett ang apat na hari at ang babaeng kasama ng kanyang iniirog. Nakita niya na hindi halos makatingin si Great Thorn sa kanya. Nakita niyang hinawakan ng binata ang kamay ni Venus. Napayuko na lamang si Scarlett at pinilit na huwag lumuha ngunit hindi niya makontrol ang sarili na umiyak.

"Mahal ... siya na ba? Siya na ba ang mahal mo ngayon. Nakalimutan mo na nga ako ngunit salamat dahil hindi ka na masasaktan pa," saad ni Scarlett sa isipan.

"Naaawa ka ba sa sarili mo Scarlett?," saad ni Apollyon sa dalaga.

               Nanggigil si Apollyon nang makita si Scarlett. Gusto niya itong magdusa sa ginawang masama. Gayon din si Lorcan na nanlilisik ang mga mata kay Scarlett. At si Kieran ay nakatingin lamang kay Scarlett na hindi malaman kung ito ba ay nagagalit o hindi. Walang ekspresyon ang mukha nito.

"May surpresa kami sa'yo Scarlett," saad ni Apollyon.

"Ilabas sila!," pag - uutos ni Lorcan.

               Inilabas ng mga kawal ang dalawang babaeng bihag na nakakulong sa metal na nakapanghihina sa kanila. Lumingon si Scarlett sa kawal na may dalang kulungan at doon ay nakita niya ang kanyang tita at Alaia. Nakita niya ang panghihina nila na siya namang ipinag - alala ni Scarlett.

"Ti ... tita! Alaia!," pagsigaw ni Scarlett.

"Nagustuhan mo ba ang regalo namin Scarlett?," saad ni Kieran.

"Huwag niyo silang idamay pakiusap," mangiyak na saad ni Scarlett.

"Hahaha! Huli na ang lahat katulad mo ay paparusahan din sila," saad naman ni Great Thorn.

"Sila ay masusunog sa init kapag sumapit ang umaga," saad naman ni Apollyon.

"Huwag! Nakikiusap ako  ... ako na lang ang parusahan niyo huwag sila," mangiyak na saad ni Scarlett.

" ... kahit na ang kapalit ng kanilang kaligtasan ay ang aking kamatayan," paluhang saad pa ni Scarlett.

"Hahaha! Hindi ko akalain na ang kriminal na kagaya mo ay magliligtas pa rin ng kasamahan," patawang saad ni Lorcan.

"Ayos lang kahit mawala na ako. Ano pa ba ang rason ko upang mabuhay gayo'y puros pasakit lamang ako sa inyo. Kahit sabihin kong wala akong nagawang kasalanan ay hindi niyo pa rin ako paniniwalaan kahit na ... ang taong pinakamamahal ko," mangiyak na saad ni Scarlett.

"Pakiusap palayain niyo na sila," saad pa ni Scarlett.

"Huwag Scarlett! Huwag mong gawin ito," mangiyak na saad ni Sophia.

"Tita gusto kong ako naman ang tumulong sa inyo. Kahit
ito man lang," saad naman ni Scarlett.

               Dahil sa narinig ni Great Thorn ay napalingon siya kay Scarlett. Hindi niya kayang matingnan ang dalaga no'ng una dahil nawawasak ang kanyang damdamin. Nang makita niya ito ay nakaramdam siya ng awa sa dalaga. Awa na hindi niya alam kung gaano ba ito kalalim. Nahihirapan ang kanyang kalooban sa kalunos - lunos na sinapit nito na halos madurog ang kanyang puso. Kung titingnan ay nakakaawa na nga si Scarlett. Ang buo nitong katawan ay naligo na ng sugat at dugo ngunit magkagayon man ay kinayanan pa rin ito ng dalaga. Kitang - kita niya na hinang - hina na si Scarlett. Nakikita niya ang mga mata ng dalaga na wala ng pag - asa. Nawala na ang kinang nito at napalitan ng kalungkutan. At kung papaano niya sinabi  na isasakrispisyo niya ang kanyang sarili ay ang hudyat na hindi na niya gustong mabuhay pa.

"Scarlett," saad ni Great Thorn sa isipan.

"Oh sige kung 'yan ang gusto mo. Ngayon din ay mamamatay ka," saad ni Apollyon.

"Bago man ako mamatay pwede ko bang malapitan man lang si lola Swara kahit iyon lang ang huling kahilingan ko bago ako mawala," mangiyak na saad  ni Scarlett.

"Oh sige bibigyan ka namin ng walong minuto kapag naubusan ka ng oras ay sisipsipin namin ang iyong dugo upang mamatay ka na," saad ni Kieran.

"Salamat sa inyo," mangiyak na saad ni Scarlett.

               Dahan - dahang lumapit si Scarlett sa matanda. Hindi na rin maayos ang pagkakalakad ni Scarlett dahil sa napuruhan ng husto ang kanyang paa. At sa bawat paglalakad niya ay ang pag - agos ng kanyang dugo sa sahig. Sa paglapit niya ay lumuha siya at niyakap ang matanda. Nakahiga ang matanda sa nakabukas na kabaong. Doon ay napagdesisyonan ni Scarlett na buhayin ang matanda para sa kaligtasan ng mga bampira kahit ang sinukli sa kanya ay puros mga kasamaan. Tiningnan niya ang matanda at lumuha siya habang tinatanggal ang kanyang bandana maging ang kwentas na ibinigay ng matanda sa kanya.

"Lola wala ng saysay ang aking buhay ... ngunit nais ko pa ring makatulong sa iyo," mangiyak na saad ni Scarlett.

              Dahil sa ginawa niya ay nagbigay ito ng napakabangong paligid. Ito ay dahil sa kanyang dugo. Dahil dito ay pumula ang mga mata ng mga hari maging ang mga kasamahang bampira na nandoon. Nakalantad na rin ang napakagandang mukha ni Scarlett. Napakaakit - akit na kagandahan kahit na maputla na siya.

"Napakaganda mo naman pala kung gano'n ay hindi kami mandidiri na sipsipin ang iyong dugo," patawang saad ni Apollyon.

"Scarlett ... wala ka na ngang pag - asa," saad naman ni Great Thorn sa isipan.

                Wala ng pakialam si Scarlett sa kung anong isipan ng karamihan sa kanya. Agad niyang ikinumpas ang kanyang kamay sa kutsilyong nakatusok sa puso ng matanda. Dahil doon ay biglang umilaw ang punyal dahilan ng pagkagulat ng mga bampira.

"Gumagawa siya ng ritwal! Patigilin siya!," pasigaw ni Valentina na tumatakbo papunta sa mga hari.

"Ano!," saad ni Apollyon.

               Agad na tumakbo ang mga kawal papunta kay Scarlett upang patigilin ito ngunit sa paglapit nila ay parang may enerhiyang humaharang at nagpoprotekta sa paligid ni Scarlett. Dahil dito ay hindi makalapit ang mga kawal sa dalaga. Agad lumapit ang mga hari maging si Valentina upang patigilin si Scarlett ngunit hindi din nila mailapit ang kanilang sarili sa dalaga.

"May gagawin siyang masama!," pasigaw ni Wattus na dumating din kung nasaan naroroon ang mga hari.

"Guguho ang paligid dahil sa kanya. Kailangan siyang patigilin!," dadag pa ni Wattus.
           
                Kaya dumating pa ang maraming mga bampirang kawal upang pigilin si Scarlett ngunit hindi pa rin nila magawa hanggang sa nakarinig sila ng napakagandang tinig na nagmumula sa loob ng enerhiya. Ito ay nagmumula kay Scarlett.

"I hear your voice on the wind
And I here you call out my name
'Listen my child', you say to me
'I am the voice of your history
Be not afraid, come follow me
Answer my call and I'll set you free'
I am the voice in the wind and the pouring rain
I am the voice of your hunger and pain
I am the voice that always is calling you
I am the voice, I will remain
I am the voice in the fields when the summer's gone
The dance of the leaves when the autumn winds blow
Ne'er do I sleep throughout all the cold winter long
I am the force that in springtime will grow
I am the voice of the past that will always be
Filled with my sorrow and blood in my fields
I am the voice of the future
Bring me your peace
Bring me your peace and my wounds, they will heal
I am the voice in the wind and the pouring rain
I am the voice of your hunger and pain
I am the voice that always is calling you
I am the voice
I am the voice of the past that will always be
I am the voice of your hunger and pain
I am the voice of the future
I am the voice
I am the voice
I am the voice
I am the voice," pagkanta ni Scarlett.

                Dahil sa kantang iyon ay biglang gumalaw ang punyal at ito ay lumutang sa ere. Ang kantang narinig nila ay pamilyar sa mga hari. At naalala nila na ang kantang iyon ay nagmula pa sa mga taong ibon. Naalala nila na tanging taong ibon lamang ang makakaalis sa punyal.

"Di kaya ay ... siya ang hinahanap natin," saad ni Great Thorn.

"Scarlett! Huwag mong gawin iyan, mamamatay ka!," pasigaw ni Sophia.

"Hindi niyo nakikita! Isasakripisyo niya ang kanyang buhay upang bumalik ang proteksyon sa Bezna (Dark World)," pasigaw naman ni Alaia.

"Scarlett tumigil ka na! Mamamatay ka sa gagawin mo!," saad naman ni Great Thorn habang sinusuntok ang pangharang na nakapalibot kay Scarlett.

               Walang marinig na kahit na ano si Scarlett. Hindi niya marinig ang hiyaw ng nasa kanyang paligid. Kinuha niya ang punyal at sinugatan ang kanyang kamay. Gumuhit siya ng bituin  at ang dugong umagos dito ay ipinatak niya sa bibig ng matanda.

"Pakiusap lola ... gumising ka," mahinang saad ni Scarlett.

               Inulit niya ang kanyang kanta hanggang sa hindi na niya makayanan ang malakas na enerhiyang ginawa niya. Nanghina ang kanyang katawan. Hindi na siya makagalaw at habang kumakanta ay umagos ang dugo sa kanyang bibig maging sa kanyang ilong. Napayuko siya at napahinto sa kinakanta hanggang sa nawala na ang pangharang na pumapalibot sa kanya.

"Mga kawal lumayo kayo!," saad ni Apollyon.

"Sca ... Scarlett," saad ni Great Thorn.

               Sa pagtawag ni Great Thorn ay hindi sumagot si Scarlett. Nakayuko lang ang dalaga at hindi ito gumalaw kasabay nito ay ang pag - agos ng dugo mula sa kanyang ilong at bibig papunta sa sahig. Napapikit na lamang si Scarlett at bumulong.

"Bakit wala akong marinig ... ito na si ... guro ang huli kong araw," maluhang saad ni Scarlett.

               Sa pagyuko ni Scarlett ay hindi niya napansin ang papalapit na pana. Ang mabilis na pana na tumusok sa kanyang likod na tumagos papunta sa kanyang puso. Natumba si Scarlett at humilata siya sa sahig. Lumingon si Great Thorn sa kinaroroonan ng nilalang na pumana sa dalaga. Doon ay nakita niya si Wattus. Mabilis na pumunta si Great Thorn doon sa lalaki at sinakal niya ito ng mahigpit.

"Bakit mo 'yon ginawa! Walang hiya ka!," pagalit na saad ni Great Thorn.

"Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Siya ang sisira sa mundo ng mga bampira," pagdahilan ni Wattus.

"Talaga?," saad ni Great Thorn.

"Kuya! Maghunos dili ka," pagsingit na saad ni Valentina.

"Tumahimik ka!," pagsigaw ni Great Thorn.

              Sa paglapit ni Valentina sa kanyang kuya ay siya namang paghampas ni Great Thorn sa kanyang kamay sa kanyang kapatid dahilan ng paglagapak ni Valentina sa sahig. Puno ng galit si Great Thorn. Dahil hindi niya ito makontrol ay hindi siya nag - atubiling hugotin ang puso si Wattus gamit ang kanyang kamay. Dahil dito ay agad namatay si Wattus ng walang kahirap - hirap. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan ni Scarlett. Niyakap niya ito at hinimas ng mahina.

"Scarlett ....," saad ni Great Thorn.

"Mahal .... paalam. Sana sumaya ka na at kalimutan mo na ako kailanman," mahinang saad ni Scarlett.

               Pinikit ni Scarlett ang kanyang mga mata at sa sandaling iyon ay wala ng marinig na kahit ano ang dalaga. Lahat ay tahimik at ang tanging nakikita niya ay ang kadiliman. Sa araw na ito ay patay na si Scarlett. Patay na ang babaeng pinakamamahal ng binata.

"Scarlett ....," mahinang saad ni Great Thorn na lumuluha.

"Scarlett patawad ....," saad pa ng binata.

"Thorn -----," saad ni Venus na naputol din.

                Niyakap ni Great Thorn si Scarlett. Lumuha siya sa pagkawala ng dalaga. Kahit pa pilitin niyang kalimutan ito at kasuklaman ay hindi niya maipagkakaila na mahal niya si Scarlett. Tinapik ni Kieran si Venus upang hayaan si Great Thorn na gawin ang gusto.

"Venus ..., hayaan mo muna siya. Kahit pagaanin mo man ang loob ni Thorn ay hindi mo pa rin magagawa iyon pagkat mas mahal niya si Scarlett kaysa sa iyo," saad ni Kieran.

                Ngayon ay wala ng buhay si Scarlett. Wala na siya. Wala na ang huling Umana (Human Bird).

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 23.3K 38
Wolf Series #2 Highest Ranking in Werewolf #1 "I don't want your love or anything from you Anya" He flatly said. I smiled bitterly and bowed my head...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
110K 3.2K 68
Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ni Scarlet pagkatapos niyang maging isang ganap na bampira? May mga panibagong hirap kaya siyang mararanasan? Kam...
959K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...