MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPI...

By emoon11

931K 21.6K 852

ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap... More

MYSTERIOUS VOICE I • THE VAMPIRE KING'S MATE
KABANATA 1 • BAHAGI 1
KABANATA 1 • BAHAGI 2
KABANATA 1 • BAHAGI 3
KABANATA 1 - BAHAGI 4
KABANATA 2 • BAHAGI 1
KABANATA 2 - Bahagi 2
KABANATA 2 - Bahagi 3
KABANATA 2 - Bahagi 4
KABANATA 3 - Bahagi 1
KABANATA 3 - Bahagi 2
KABANATA 3 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 4
KABANATA 4 - Bahagi 1
KABANATA 4 - Bahagi 2
KABANATA 4 - Bahagi 3
KABANATA 4 - Bahagi 4
KABANATA 5 - Bahagi 1
KABANATA 5 - Bahagi 2
KABANATA 5 - Bahagi 3
KABANATA 5 - Bahagi 4
KABANATA 6 - Bahagi 1
KABANATA 6 - Bahagi 2
KABANATA 6 - Bahagi 3
KABANATA 6 - Bahagi 4
KABANATA 7 - Bahagi 1
KABANATA 7 - Bahagi 2
KABANATA 7 - Bahagi 3
KABANATA 7 - Bahagi 4
KABANATA 8 - Bahagi 1
KABANATA 8 - Bahagi 2
KABANATA 8 - Bahagi 4
KABANATA 9 - Bahagi 1
KABANATA 9 - Bahagi 2
KABANATA 9 - Bahagi 3
KABANATA 9 - Bahagi 4
KABANATA 10 - Bahagi 1
KABANATA 10 - Bahagi 2
KABANATA 10 - Bahagi 3
KABANATA 10 - Bahagi 4
KABANATA 11 - Bahagi 1
KABANATA 11 - Bahagi 2
KABANATA 11 - Bahagi 3
KABANATA 11 - Bahagi 4
KABANATA 12 - Bahagi 1
KABANATA 12 - Bahagi 2
KABANATA 12 - Bahagi 3
KABANATA 12 - Bahagi 4
MENSAHE NG MAY - AKDA
PASASALAMAT NG MAY - AKDA
MGA BIDANG TAUHAN
MGA SUPORTING KARAKTER
MGA KANTA SA KWENTO
MGA KATAYUAN NG GENRE
MAY - AKDA
MGA PARANGAL (AWARDS)
MGA PATALASTAS (ADVERTISEMENT)

KABANATA 8 - Bahagi 3

14.6K 412 10
By emoon11


              Tumakbo si Scarlett ng mabilis. Tumakbo siya sa mahabang daan na nababalutan ng mga nagtataasang puno. Ito ay napalilibutan ng manipis na hamog hanggang sa nakita niya si Beatrice. Iyon ang nalaala ni Scarlett matapos siyang magising. Nagasing siya sa lugar na madilim. Tanging ang ilaw lamang ng bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa lugar. Nakagapos si Scarlett sa kadenang bakal. Ang kanyang mga kamay ay hindi makagalaw maging ang kanyang mga paa. Mula sa kanyang harapan ay nakita niya si Beatrice. Napangiwi ito habang nakaharap kay Scarlett na parang may  gagawing masama.

"Scarlett ... ano kaya ang nasa bandanang iyan?," saad ni Beatrice.

"Bakit mo ba 'to ginagawa Beatrice?," mangiyak na saad ni Scarlett.

              Napangiwi ulit si Beatrice at hindi sumagot kay Scarlett. Walang anu - ano'y agad inalis ni Beatrice ang bandana ni Scarlett. Nabigla siya sa kanyang nakita. Ang iniisip niyang pangit na mukha ay kabaliktaran pala. Kitang - kita sa kanyang ekspresyon ang pagkabigla at pagkadismaya. Hindi niya akalaing may mas nakahihigit a sa kanyang ganda. Sadyang napakaganda ni Scarlett. Dahil sa nakita ni Beatrice ay napakamao siya at napakunot noo. Bigla na lamang namula ang kanyang mga mata at tumubo ang matutulis na mga kuko sa kanyang daliri. Walang anu - ano'y hinawakan niya ng mahigpit ang panga ni Scarlett.

"Napakaganda mo nga ngunit huwag kang mag - alala, gagawin kong kahindik - hindik ang iyong mukha. Mukha na pandidirihan ng kahit sino man," pangiwing saad ni Beatrice.

             Iyon ang gagawin ni Beatrice. Susugatan niya si Scarlett ng napakalalim upang magmarka ito sa mukha ng dalaga. Agad niyang ikinumpas ang kanyang kanang kamay sa ere. Dahil doon ay lalong humaba ang kanyang matutulis na kuko na handa ng sugatan ang mukha ni Scarlett. Nang akma ng sugatan ni Beatrice ang mukha ni Scarlett ay napapikit na lamang ang dalaga. Ilang sandali pa ay mararanasan na niya ang sakit na gagawin ni Beatrice. Sa pagpikit ni Scarlett ay hindi niya alam na may pumigil sa ginawa ni Beatrice. Narinig na lamang ni Scarlett ang malakas na kalabog at boses ng isang lalaki. Alam niya ang boses ni Great Thorn ngunit ang kanyang narinig ay hindi naman boses ng binata. Napadilat siya sa kanyang mga mata at nakita si Lorcan.

             Kitang - kita niya ang mapupula nitong mga mata na nakatutok sa dalaga. Nakita niyang sinasakal ni Lorcan si Beatrice. Dahil sa pagkakasakal ni Lorcan ay nanghina si Beatrice. Sadyang malakas si Lorcan kaysa sa kanya lalo na't lumantad ang bilog na buwan sa labas ng bintana. Mas lalo lamang nawala sa isipan si Lorcan dahil sa buwan na iyon. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Lorcan sa leeg ni Beatrice ay bigla na lamang nawalan ng malay ang dalaga. Hinagis ng binata ang katawan ni Beatrice at agad lumapit kay Scarlett. Napangiwi ang mukha nito habang nakatutok sa dalaga. Tila ay may masamang gagawin si Lorcan sa kanya.

"Scarlett ....," pangiwing saad ni Lorcan.

"Hu ... huwag kang lumapit pakiusap," mangiyak na saad ni Scarlett.

             Hindi nakinig si Lorcan sa pagmamakaawa ni Scarlett. Hinimas ni Lorcan ang mukha ni Scarlett na parang nababaliw sa ganda ng dalaga. Nawala na nga sa isipan si Lorcan. Agad na lamang hinalik - halikan ni Lorcan ang leeg ni Scarlett dahilan upang matakot ang dalaga at napasigaw ng tulong.

"Huwag pakiusap! Tulong!," pasigaw ni Scarlett.

            Kahit sumigaw pa man si Scarlett upang humingi ng tulong ay wala pa ring makakarinig sa kanya. Naiyak na lamang si Scarlett sa ginawa ng binata. Kahit gano'n man ay patuloy pa rin sa pagsigaw upang humingi ng tulong. Umaasa siyang may makakarinig sa kanya. Gano'n  na lamang ang karanasan ni Scarlett. Lagi na lamang siyang napapahamak. Tama nga ang sinabi ni Laura sa kanya na mapapahamak siya. Napapikit na lamang siya at hiniling na sana ay hindi ito nangyari. Ngunit sadyang malupit ng kanyang tadhana.

            Sa kabilang dako, napatakbo ng mabilis si Valentina. Alam niyang pupuntahan ni Lorcan si Scarlett. Nakatitiyak siyang gagahasain ito ng binata dahil wala ito sa katinoan. Hindi niya nakayanan ang lakas ng kanyang pinsan. Hindi niya napigilan si Lorcan. Hindi naman pahihintulutan ni Valentina na galawin ni Lorcan ang babaeng pinakamamahal ng kanyang kapatid. Hinding - hindi siya makapapayag doon. 

            Kumaripas ng takbo si Valentina upang pumunta sa parang (field). Alam niyang naroroon ang kanyang kapatid. Walang magawa si Valentina kondi ay humingi ng tulong sa kanyang kapatid pagkat hindi niya kaya si Lorcan. Mas malakas si Lorcan kaysa kay Valentina dahil na rin sa asul na buwan.

               Nang makaabot na si Valentina sa kanyang destinasyon ay hindi niya nakita ang kanyang kapatid. Wala ito sa parang (field) maging sina Kieran at Apollyon. Napagtanto niya na tapos na pala ang palaro kaya maaring pumunta ito sa Veto (bar) kung saan ay may maraming mga babaeng parausan. Natatapos kasi ang palaro eksaktong alas dose ng hating gabi kung saan nagsisimula ang unang araw ng Nobyembre.

            Ngayon alam ni Valentina na nawala na sa kontrol ang kanyang kapatid ngunit pipilitin pa rin niyang paalalahanin ang kanyang kuya. Hindi na siya nag - atubiling pumunta sa Veto (bar). Malaki ang lugar na iyon dahil sa malapad na istruktura ng gusali. Sa loob ay may mga kababaihang nagsasayawan, nag - iinoman at naglalampungan sa mga lalaking bampira. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang kapatid. Pulang - pula ang mga mata nito at nawala na pag - iisip. Maraming mga kababaihang lumapit sa kanya at nakikipagharutan. Napataas ng kilay si Valentina sa mga babae at napasaad ng hindi maganda.

"Arum fossoribus! (Gold diggers!)," pagalit na saad ni Valentina.

             Walang anu - ano'y hinagis niya isa - isa ang mga babaeng nakikipagharutan sa kanyang kapatid. Matapos no'n ay kinausap niya ito at humingi ng tulong upang mailigtas si Scarlett.

"Kuya! Bumalik ka naman sa iyong diwa. Tulungan mo si Scarlett dahil nanganganib siya sa kamay ni Lorcan. Kuya!," saad ni Valentina na tinatawag ang kanyang kapatid.

"... Scarlett?," saad naman ni Great Thorn.

             Bumalik sa diwa si Great Thorn nang marinig ang pangalan ni Scarlett. Nawala ang pamumula ng kanyang mga mata at agad tumayo upang hanapin si Scarlett. Kasama niya si Valentina na hinahanap ang bakas ng dalaga ngunit hindi naman nila makita. Hanggang sa napuntahan nila ang maliit na bahay na malayo sa siyudad. Doon nakarinig sila ng sigaw na humihingi ng tulong. Alam ni Great Thorn ang boses na iyon. Iyon ang boses ni Scarlett na umiiyak at sumisigaw. Walang pag - alinlangang pumasok si Great Thorn maging si Valentina. Sa pagpasok nila ay nakita nila si Lorcan na hinuhubaran si Scarlett. Kitang - kita ni Great Thorn ang pagpupumiglas ni Scarlett. Sobrang nagalit si Great Thorn kay Lorcan pagkat gagahasain niya sana ang babae. Napakamao si Great Thorn at agad umatake kay Lorcan. Hinagis niya si Lorcan palayo kay Scarlett at nag - away sila. Agad na lumapit si Valentina kay Scarlett at tinulungan itong makatayo. Inalis pala ang kadenang ipinolupot ni Beatrice sa kamay ni Scarlett.

"Hali ka na Scarlett, umalis na tayo dito," saad ni Valentina.

"Pero ang iyong kapatid baka mapahamak siya," sagot naman ni Scarlett.

             Ayaw umalis ni Scarlett sa kinaroroonan niya kung wala si Great Thorn. Hindi niya gustong may mangyaring masama sa kanyang iniirog. Narinig niya ang malakas na kalabog sa labas ng maliit ng bahay. Nag - aaway ang magpinsan. Sinuntok ni Great Thorn ng malakas si Lorcan dahilan upang umatake din ito. Sa pag - atake ni Lorcan na parang susunggaban si Great Thorn ay kaagad siyang kumuha ng matulis na bakal na nakahilata sa lupa at sinaksak ito ang puso ni Lorcan. Dahil do'n ay hindi makagalaw sa kinaroroonan si Lorcan. Naging rebulto siya sa ginawa ng kanyang pinsan hanggang sa nakahilata na siya sa lupa. Tila nanghina ito sa ginawa ni Great Thorn.

             Agad na pumunta si Great Thorn kay Scarlett upang yakapin ito ng mahigpit. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Scarlett sa kanyang piling. Gagawin niya ang lahat upang mailigtas ito. Ngunit nang makalapit  na siya kay Scarlett ay agad na lumaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Tila walang lumabas na salita sa kanyang bibig dahil sa kaakit - akit na ganda ni Scarlett. Ang tangi lang niyang nagawa ay tingnan ito. Kitang - kita sa mukha ng binata ang pamumula ng kanyang pisngi na waring mahihiya o kinikilig. Agad na lamang siyang niyakap ni Scarlett at hinalikan sa pingi.

"Bumalik na tayo sa mansyon," saad naman ni Valentina na natawa sa reaksyon sa kanyang kapatid.

              Bumalik sila sa mansyon  ni Apollyon. May natitira pang ilang araw upang mamalagi doon sa mansyon. Walang katao - tao doon at tanging sina Valentina, Scarlett at Great Thorn lamang ang nandoon sa mansyon. Tila abala ang karamihan dahil sa kabilogan ng buwan. Umalis din agad si Valentina dahil gusto niyang bigyan ng oras ang dalawa. Mukhang kinilig si Valentina sa kanila. Napaisip tuloy siya kung kailan niya mahahanap ang para sa kanya. Mangungulit na naman ito kay lola Swara. Gagawin niya iyon pagbumalik na sila sa palasyo ni Apollyon. Nagpaiwan kasi ang matanda doon sa palasyo. Ayaw pa naman no'n na makaapak sa Tenebris (City of Dark).

             Naiwan sa mansyon sina Scarlett at Great Thorn. Sila ngayon ay nasa silid. Iisa lang kasi ang silid nila dahil iyon ang gusto ni Great Thorn. Gusto niyang makasama ang babaeng pinakamamahal niya hanggang sa pagtulog. Niyakap ulit siya ni Scarlett at nagpasalamat sa binata.

"Maraming salamat mahal," saad ni Scarlett.

"Scarlett ....," maikling saad ni Great Thorn.

             Hinimas lamang ni Great Thorn ang balikat ni Scarlett. Napatingin si Scarlett sa binata at nakita niya ang mapupulang mga mata nito. Tila nawawala na naman sa sarili ang binata.

Continue Reading

You'll Also Like

144K 2.9K 71
Never hurt an innocent girl. Never tell her any lie. Never cross that line. Never teach her to be sly. But then it happened and nightmare she met. Du...
956K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...