MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPI...

By emoon11

931K 21.6K 852

ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap... More

MYSTERIOUS VOICE I • THE VAMPIRE KING'S MATE
KABANATA 1 • BAHAGI 1
KABANATA 1 • BAHAGI 2
KABANATA 1 • BAHAGI 3
KABANATA 1 - BAHAGI 4
KABANATA 2 • BAHAGI 1
KABANATA 2 - Bahagi 2
KABANATA 2 - Bahagi 3
KABANATA 2 - Bahagi 4
KABANATA 3 - Bahagi 1
KABANATA 3 - Bahagi 2
KABANATA 3 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 4
KABANATA 4 - Bahagi 1
KABANATA 4 - Bahagi 2
KABANATA 4 - Bahagi 3
KABANATA 4 - Bahagi 4
KABANATA 5 - Bahagi 1
KABANATA 5 - Bahagi 2
KABANATA 5 - Bahagi 3
KABANATA 5 - Bahagi 4
KABANATA 6 - Bahagi 1
KABANATA 6 - Bahagi 2
KABANATA 6 - Bahagi 3
KABANATA 6 - Bahagi 4
KABANATA 7 - Bahagi 1
KABANATA 7 - Bahagi 2
KABANATA 7 - Bahagi 3
KABANATA 8 - Bahagi 1
KABANATA 8 - Bahagi 2
KABANATA 8 - Bahagi 3
KABANATA 8 - Bahagi 4
KABANATA 9 - Bahagi 1
KABANATA 9 - Bahagi 2
KABANATA 9 - Bahagi 3
KABANATA 9 - Bahagi 4
KABANATA 10 - Bahagi 1
KABANATA 10 - Bahagi 2
KABANATA 10 - Bahagi 3
KABANATA 10 - Bahagi 4
KABANATA 11 - Bahagi 1
KABANATA 11 - Bahagi 2
KABANATA 11 - Bahagi 3
KABANATA 11 - Bahagi 4
KABANATA 12 - Bahagi 1
KABANATA 12 - Bahagi 2
KABANATA 12 - Bahagi 3
KABANATA 12 - Bahagi 4
MENSAHE NG MAY - AKDA
PASASALAMAT NG MAY - AKDA
MGA BIDANG TAUHAN
MGA SUPORTING KARAKTER
MGA KANTA SA KWENTO
MGA KATAYUAN NG GENRE
MAY - AKDA
MGA PARANGAL (AWARDS)
MGA PATALASTAS (ADVERTISEMENT)

KABANATA 7 - Bahagi 4

15.9K 347 4
By emoon11


            Sa silid kung nasaan si Scarlett at Great Thorn ay nakahiga sila at nagyayakapan. Wala namang nangyari sa kanila ngunit tinatamasa nila ang kaligayahan na sila ay nagkasama. Mahal nila ang isa't isa at ang pagsasama nila ay pahiwatig na ayaw nilang magkalayo. Matapos yakapin ni Great Thorn ang dalaga ay hinalikan niya ito sa noo. Halik na may halong respeto at pag - iingat.

"Bumangon na tayo mahal na hari," saad ni Scarlett.

"Mahal na hari?," patawang saad ni Great Thorn.

"Opo, hindi po ba kayo ang hari?," pagtatakang sagot ni Scarlett.

"Ikaw ang aking amor (beloved), hindi ko gustong marinig ang salitang 'yan sa iyo," saad naman ni Great Thorn.

"Kung gano'n gusto niyo po bang tawaging Thorn?," pagtatakang saad ni Scarlett.

            Tininingnan lang siya ng binata at hinimas ang pisngi nito kahit nakatakip ang mukha. Ang katahimikan ng binata ay nagpapahiwatig ng oo sa katanungan ni Scarlett. Nakarinig sila ng katok mula sa pintuan. Bumangon ang binata maging si Scarlett upang pagbuksan ang pintuan. Nakita nila si Valentina na nakangiti at nagpahayag ng nais sabihin.

"Kuya, magkakaroon ng huling selebrasyon ngayon," masiglang saad ni Valentina.

"Tila nagmamadali si Apollyon na tapusin ang tatlong Linggong pagdiriwang ng asul na buwan o di naman kaya ay may binabalak siya," pagtatakang saad ni Great Thorn.

"Kuya umaapaw na naman ang katalinohan mo para isipin 'yan at ----," saad naman ni Valentina na agad ding naputol.

"Sige umalis ka na," malamig na saad ni Great Thorn na agad sinara ang pinto.

"Ang sungit talaga, teka ... tama ba 'yong nakikita ko? Si Scarlett ba 'yon? Naku ito talagang dalawa," pakilig na saad ni Valentina.

              Umalis si Valentina sa kinaroroonan ng kanyang kuya. Sa kanyang paglalakad palayo sa silid ng kanyang kapatid ay nadatnan niya si Beatrice, ang kapatid ni Kieran. Ang totoo ay hindi sila nagkakasundo sa maraming bagay. Bukod kina Amelia at Alexa, isa din sa kalaban niya ay si Beatrice. Masama kasi ang ugali nito. Alam niyang hindi din gusto ni Beatrice si Scarlett. Nakatitiyak din si Valentina na gagawa ito ng paraan upang mapahamak si Scarlett.

"Balita ko gagawa ka ng paraan para makita ang mukha ni Scarlett," pagtataray na saad ni Valentina.

"Aba oo, sino ba naman ang hindi maghihinala ng masama," saad naman ni Beatrice.

"Baka matulad ka lang kina Amelia at Alexa na nabaliw," pagtataray ni Valentina.

"Hindi ko naman hahayaang mabaliw ako katulad nila," sagot naman ni Beatrice na napangiwi ang labi.

"Tandaan mo, hindi ka kinokonsente ng iyong kapatid lalo na kapag may kasalanan ka," pagtataray na saad ni Valentina.

             Tumaas ang kilay ni Beatrice nang masambit ni Valentina ang katagang iyon. Umalis si Valentina na nakangiwi ang labi. Naramdaman niya ang kanyang pagkapanalo sa pag - inis niya kay Beatrice. Hindi maipinta sa mukha ni Beatrice ang pag - iinis ni Valentina sa kanya. Napakamao siya sa galit ngunit hindi pa rin maiwawaglit sa dalaga ang kanyang masamang plano kay Scarlett. Kahit kailan ay hindi niya napipigilan ang sarili na manghasik ng lagim.

"Nakakainis talaga ang babaing iyon," saad ni Beatrice na mukhang nanggagalaiti sa galit.

             Ilang oras din ang nagtagal bago silang lahat ay tumungo sa labas ng palasyo. Nakagawian nila kasi na pumunta sa kagubatan ng Vestic Deces (Death in West) upang doong ipagdiriwang ang huling araw ng selebrasyon sa asul na buwan. Ang ikinapagtataka ni Great Thorn ay kung bakit maaga ang pagdiriwang gayong may dalawang Linggo pa ang natitira. Sa labas ng palasyo ay nandoon na sina Valentina at Apollyon na naghihintay sa kanila. Ang problema nga lang ay walang sasakyan si Valentina kaya wala siyang magagawa kundi ang makisakay kay Apollyon. Ayaw pa naman ni Apollyon na may nangungulit sa kanya ngunit wala din namang magagawa ang binata kundi ang isakay ito dahil hindi siya titigilan ni Valentina.

             Maya - maya ay dumating si Great Thorn kasunod naman si Scarlett. Nakaparada kasi ang sasakyan ni Great Thorn sa harapan ng kastilyo ni Apollyon. Nakita iyon nina Valentina at Apollyon. Napansin ni Valentina na may kakaiba sa kanilang dalawa. Totoo ngang may kakaiba kina Scarlett at Great Thorn. Nakasunod lang si Scarlett sa likuran ni Great Thorn patungo sa sasakyan. Kasunod nila ay si Kieran na agad namang lumapit kay Scarlett.

"Scarlett, gusto mo bang sumakay sa sasakyan ko?," paanyayang tanong ni Kieran sa dalaga na katabi na niya sa paglalakad.

"Ah ----," saad ni Scarlett na agad dinh naputol.

"Hindi pwede ... sa akin siya sasakay," seryosong saad ni Great Thorn na nakatingin kay Kieran.

             Bigla na lamang hinawakan ni Great Thorn si Scarlett sa kamay. Mahigpit ito ng may halong pag - aangkin. Kitang - kita ni Kieran kung papaano hawakan ng kanyang pinsan ang dalaga. Tila ito ay nagpapahiwatig na kay Great Thorn lamang si Scarlett. Lumingon si Scarlett kay Kieran at sumenyas ng kapatawaran. Ngumiti lamang ng mapakla si Kieran. Hindi niya inakala na mangyayari ito.

             Nang na nasa harapan na sina Great Thorn at Scarlett sa sasakyan ay pinagbuksan ng binata ang dalaga ng pintuan ng kotse. Inilalayan ng binata si Scarlett papasok ng sasakyan. Mula sa di kalayuan ay napanganga ng bibig si Valentina. Nabigla siya sa inasal ng kanyang kapatid gayon din naman si Kieran.

"Himala! Ito nga yata ang hiwaga ng pag - ibig," masiglang saad ni Valentina.

"Mukhang magkakaroon ng gulo sa pagitin nina Thorn at Kieran," pangiwing saad ni Apollyon.

            Naunang umalis sina Apollyon at Valentina. Kasunod no'n ay si Kieran na nag - iisa sa sasakyan. Matapos no'n ay sumunod naman  sina Great Thorn at Scarlett. Sa loob ng sasakyan ay hindi pa rin kumalas sa pagkakahawak ang binata sa kanyang iniirog na si Scarlett. Gusto niyang mahawakan ang malambot nitong kamay. Gusto din niyang damhin ang init na bumabalot dito habang nakatingin sa dalaga. Hindi maikaila ng binata na masaya siya gano'n din naman si Scarlett sa kanya.

             Gaano man kasaya sina Scarlett at Great Thorn ay siyang kabaliktaran naman sa nararamdaman ni Beatrice. Naiwan siya sa palasyo. Wala din siyang sasakyan papunta sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya. Buti nalang ay nandoon si Lorcan, ang isa sa hari ng Bezna (Dark World). Hambog ito kung tutuosin kaya nga hindi masaya si Beatrice na makita ito. Ngunit walang magagawa si Beatrice kung hindi ay pakisamahan si Lorcan.

             Dumating si Lorcan na napangiwi ang labi. Nabatid na ng binata kung bakit nandoon si Beatrice sa labas ng palasyo. Nilampasan lang ng binata si Beatrice sa paglalakad at pumunta sa kanyang sasakyan. Ang kanyang itim na sasakyan ay umiilaw ng bughaw na kulay mula sa ilalim ng gulong patungo sa harapan nito. May mga pangil na hugis ang harapan ng kanyang sasakyan na animo'y nanlalapa ng tao. Tila pangsasakyang karera ang kotse niya. Katulad nina Great Thorn, Kieran at Apollyon, ang sasakyan ay parang nasa modernong panahon.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

            Binuksan ni Lorcan ang pintuan ng sasakyan. Maangas siyang napatingin kay Beatrice na waring nang - iinsulto.

"Sasakay ka ba o hindi?," maangas na saad ni Lorcan.

"Aba sasakay ako no!," pagtataray na saad ni Beatrice kasabay ng pag - ikot ng kanyang mga mata.

            Napakrus ng braso si Beatrice papunta sa sasakyan ni Lorcan. Nakangisi lang ang binata sa kanya na parang may masamang binabalak. Hindi pa rin pumasok si Lorcan sa kanyang sasakyan. Nakatitig lang siya sa dalaga na agad ding ikinagalit ni Beatrice.

"Ano naman kaya ang plinaplano ng mokong na 'to," saad ni Beatrice sa isipan.

"Pasok na," saad ni Lorcan na agad pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan si Beatrice.

             Nang akmang papasok na si Beatrice sa sasakyan ay agad nalang isinara ni Lorcan ang pintuan. Humalakhak ito ng malakas dahil sa panloloko sa dalaga. Dahil doon ay nagalit si Beatrice sa kanya dahil sa  masamang biro.

"Ano ka sineswerte," panlolokong saad ng binata.

"Nakakainis ka talaga!," pasigaw ni Beatrice.

"Mag - isa mong buksan 'yan," patawang saad ni Lorcan.

             Padabog na pumasok si Beatrice sa sasakyan at napakunot noo sa binata na hindi pa rin humihinto sa pagngiwi ng labi. Napipikon na talaga si Beatrice sa kanya. Nangunguna kasi sa panloloko ang binata lalo na kay Beatrice.
Napakrus ulit ng braso si Beatrice at napatingin kay Lorcan ng may halong galit.

"Ikaw na ang pinakabaliw na hari sa lahat!," pagalit na saad ni Beatrice.

"Hahaha! Ikaw naman ang pinakamasamang 'bitch' na nakita ko," patawang saad ni Lorcan.

"Baliw!," pasigaw pa ni Beatrice.

"Sabihin mo, ano ba ang masama mong plano? Bakit mo nga 'to ginagawa? Ah ... nabaliw ka kasi kay Thorn," pangiwing saad ni Lorcan.

"Wala ka ng pakialam sa mga plano ko," pagtataray na saad ni Lorcan.

"Gaano ba kasaya ang planong 'yan?," saad ni Lorcan.

"Sobrang kasayahan na halos sasaya ka na malulungkot si Great Thorn," sagot naman ni Beatrice.

"Marunong ka talagang magpaikot ng isip Beatrice," pangiwing saad ni Lorcan.

"Gusto mo bang sumali sa plano ko Lorcan?," masamang paanyaya ni Beatrice.

"Kung magtatagumpay ka sa plano mo bakit hindi ako sasali," sagot naman ni Lorcan na may binabalak ding masama.

               Sa kabilang dako, nakarating na sa destinasyon sina Apollyon at ang mga kasamahan nito. Plano ni Apollyon na mamalagi doon sa Tenebris (City of Dark) ng dalawang Linggo. Ang siyudad na iyon ay nasa liblib ng kagubatan ng Vestic Deces (Death in West) kaya maraming mga puno ang nakabalibot sa lugar. Gano'n pa man ay may malalim na balak din si Apollyon kung bakit niya pinaaga ang pagpunta doon  kasama ng mga pinsan niya. Iyon ay ang subukin kung hanggang saan lamang ang relasyon nina Great Thorn at Scarlett. Kung seryoso nga ba si Great Thorn sa dalaga lalo na't ang lugar na pinuntahan nila ay nababalutan ng mga magagandang babae na nang - aakit ng mga kalalakihan. Ito ay ang mga bampirang kababaihan na naging parausan. Makokontrol kaya ni Great Thorn ang pagiging agresibo sa mga babae gayo'y  malakas pa rin epekto ng asul na buwan sa kanya. Hanggang saan lamang kaya ang pagkakaroon ng relasyon ng binata kay Scarlett. Baka sa huli ay masasaktan lamang si Scarlett dahil sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

406K 12.1K 80
Would you still love a boy who's everyone telling you to be careful of? He's a demon--- they say.
110K 3.2K 68
Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ni Scarlet pagkatapos niyang maging isang ganap na bampira? May mga panibagong hirap kaya siyang mararanasan? Kam...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
374K 12.5K 55
Nilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito. Naaninag ko ang pam...