MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPI...

By emoon11

931K 21.6K 852

ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap... More

MYSTERIOUS VOICE I • THE VAMPIRE KING'S MATE
KABANATA 1 • BAHAGI 1
KABANATA 1 • BAHAGI 2
KABANATA 1 • BAHAGI 3
KABANATA 1 - BAHAGI 4
KABANATA 2 • BAHAGI 1
KABANATA 2 - Bahagi 2
KABANATA 2 - Bahagi 3
KABANATA 2 - Bahagi 4
KABANATA 3 - Bahagi 1
KABANATA 3 - Bahagi 2
KABANATA 3 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 4
KABANATA 4 - Bahagi 1
KABANATA 4 - Bahagi 2
KABANATA 4 - Bahagi 3
KABANATA 4 - Bahagi 4
KABANATA 5 - Bahagi 1
KABANATA 5 - Bahagi 2
KABANATA 5 - Bahagi 3
KABANATA 5 - Bahagi 4
KABANATA 6 - Bahagi 1
KABANATA 6 - Bahagi 2
KABANATA 6 - Bahagi 3
KABANATA 6 - Bahagi 4
KABANATA 7 - Bahagi 1
KABANATA 7 - Bahagi 2
KABANATA 7 - Bahagi 4
KABANATA 8 - Bahagi 1
KABANATA 8 - Bahagi 2
KABANATA 8 - Bahagi 3
KABANATA 8 - Bahagi 4
KABANATA 9 - Bahagi 1
KABANATA 9 - Bahagi 2
KABANATA 9 - Bahagi 3
KABANATA 9 - Bahagi 4
KABANATA 10 - Bahagi 1
KABANATA 10 - Bahagi 2
KABANATA 10 - Bahagi 3
KABANATA 10 - Bahagi 4
KABANATA 11 - Bahagi 1
KABANATA 11 - Bahagi 2
KABANATA 11 - Bahagi 3
KABANATA 11 - Bahagi 4
KABANATA 12 - Bahagi 1
KABANATA 12 - Bahagi 2
KABANATA 12 - Bahagi 3
KABANATA 12 - Bahagi 4
MENSAHE NG MAY - AKDA
PASASALAMAT NG MAY - AKDA
MGA BIDANG TAUHAN
MGA SUPORTING KARAKTER
MGA KANTA SA KWENTO
MGA KATAYUAN NG GENRE
MAY - AKDA
MGA PARANGAL (AWARDS)
MGA PATALASTAS (ADVERTISEMENT)

KABANATA 7 - Bahagi 3

14.8K 322 26
By emoon11


             Matapos ang pangyayaring iyon ay tila nagkaroon ng koryusidad ang mga hari maliban kay Valentina. Si Beatrice naman ay nagbabalak na sa anong gagawin kay Scarlett. Ang hindi alam nina Scarlett at Valentina ay bumalik si Beatrice sa silid pagkainan. Nandoon pa kasi ang apat hari at si lola Swara na huli na ng dumating. Nagpangiwi lamang ng labi si Beatrice habang nakakrus ang kanyang mga braso. Nang makalapit na siya sa kinaroroonan ng mga hari ay nagsaad siya ng salita na naging dahilan ng pagiging pagkataka nila kay Scarlett.

"Mukhang alam ko na kung bakit nakatakip ng bandana si Scarlett," saad ni Beatrice.

"Gusto niyo bang makita ang mukha niya?," dagdag pa ni Beatrice.

"Beatrice, huwag kang gagawa ng gulo kung ayaw mong mapahamak," saad naman ni lola Swara.

"Ngunit lola Swara ... ang babaing iyon ay may lihim. Siya ay nagsisinungaling sa amin. Hindi ko maaatim na bilogin niya ang pag - iisip ng mga hari," saad naman ni Beatrice.

"Beatrice tumigil ka na!," pasigaw na saad ni Kieran sa kanyang kapatid.

"Bahala kayo! Gagawa ako ng paraan upang malaman ninyo ang katotohanan sa babaing iyon," saad naman ni Beatrice.

              Agad umalis si Beatrice sa kinaroroonan ng mga hari at ni lola Swara. Mukhang wala siyang kakampi sa mga ito. Wala naman talaga itong kakampi pagkat masama ang ugali ng dalaga. Isa din siyang perpeksyonis sa  lahat ng bagay. Ayaw niyang binaliwala ng sino man ang kanyang gustong gawin. Pinalaki kasi siyang mausisa kaya gano'n na lamang ang pag - uugali nito.

               Matapos ang pag - uusap nina Scarlett at Valentina, nagising si Scarlett na parang may mabigat na nararamdaman.  Naramdaman niyang parang may masamang mangyayari sa kanya. Nakarinig ng katok si Scarlett mula sa kanyang pinto. Pinagbuksan niya ito at nakita ang isa sa mga tagasilbi ni Apollyon.

"Binibini, pinapatawag po kayo ni prinsesa Beatrice," saad ng tagasilbi.

"Ha? Bakit niya ako pinapatawag?," pagtatakang saad ni Scarlett.

             Kahit kinotuban si Scarlett kay Beatrice ay pumunta pa rin siya doon. Alam niyang mabigat ang nararamdaman ni Beatrice sa kanya dahil sa hindi kaaya - ayang pagtrato nito. Sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang malaki at malakapeng pintuan. Antigo ito kung titingnan dahil sa mga kaakit - akit nitong ukit. Binuksan ni Scarlett ang pinto upang kausapin si Beatice dahil sa pagtawag nito sa kanya. Nang binuksan niya ang pinto ay nakita niya si Great Thorn na nakikipag halikan sa babaing nakasuot ng maiksing itim na damit. Kitang - kita sa mga mata ni Scarlett kung papaano hinahalikan ng binata ang babae. Gustong tumulo ng luha ni Scarlett ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ilang beses ng nasaktan ang damdamin ni Scarlett sa lalaking mahal niya. Wala naman siyang napala sa pag - ibig na walang kasiguradohan. Nahulog yata siya sa maling lalaki.

              Napahinto si Great Thorn sa kanyang ginagawa nang makita si Scarlett. Nanlaki ang mga mata ni Great Thorn kung bakit nandoon ang dalaga. Ayaw niyang makita ni Scarlett kung ano ang pinaggagawa niya. Napatitig siya sa mga mata ni Scarlett gayon din ito.

"Pasensya na po sa abala mahal na hari, akala ko po nandito si prinsesa Beatrice" saad ni Scarlett at nakayuko matapos tingnan ang binata.

             Walang sagot na narinig si Scarlett mula sa hari. Mukhang naabala niya ang binata sa ginagawa. Agad siyang umalis sa kinaroroonan ng binata. Mabilis siyang naglakad upang makalayo sa silid na iyon. Hindi niya nakontrol ang sarili na umiyak habang naglalakad. Kahit anong punas niya sa kanyang luha ay hindi pa rin ito huminto sa pagdaloy. Ito nga siguro ang kapalaran niya, ang mabigo sa pag - ibig.

"Ang sakit - sakit ng nararamdaman ko," saad ni Scarlett sa isipan.

                   Mahina ang kanyang hagulhol sa kasawian habang naglalakad. Sa paglalakad niya ay may humawak sa kanyang kamay at kinuyod ito papunta sa nilalang na humawak sa kanya. Ngayon ang nilalang na iyon ay nasa likuran ni Scarlett. Hinawakan ng nilalang na iyon ang dalawang braso ni Scarlett at hinimas ito ng paulit - ulit.

"Scarlett ....," saad ng nilalang.

"Po," sagot naman ni Scarlett.

                  Alam ni Scarlett kung sino iyon. Alam niya kung kaninong boses iyon maging ang malamig ng pagkakahimas nito sa kanya. Kinontrol ni Scarlett ang kanyang paghikbi ngunit ang kanyang luha ay patuloy parin sa pag - agos na parang ilog. Hindi din siya makatingin sa binata ng diretso dahil ayaw niyang makita nito ang lungkot ng kanyang mga mata. Ngunit agad din siyang iniharap ng binata. Nakita ng binata na umiiyak ito. Marahil ay nasaktan niya ang dilag.

"Huwag kang umiyak, nakakarinding pagmasdan," malamig na saad ni Great Thorn.

"Pasensya na po," sagot naman ni Scarlett.

                  Napayuko si Scarlett habang nakaharap sa binata. Ngunit kinontra ni Great Thorn ang pagyuko ng dilag. Inangat niya ang ulo ng dalaga habang hinahawakan ang pisngi nito. Naramdaman niya ang pag - agos ng luha ni Scarlett mula sa pisngi nito hanggang sa diliri ng binata.
Pinahid ng binata ang luha ni Scarlett at sinubukang patahanin ito.

"Scarlett ... patawad," saad ni Great Thorn.

"Bakit naman po kayo humihingi ng tawad sa tagasilbing katulad ko," saad naman ni Scarlett na nanliit sa sarili.

"Hindi ka tagasilbi sa aking paningin. Ikaw ay aking kabiyak. Patawad kung naging masama ako sa iyo. Kinontrol ko ang aking nararamdaman ngunit hindi ko na kayang pigilan kapag nakikita ka. Scarlett ... mahal kita," saad ni Great Thorn na seryoso ang pinagsasabi.

"Mahal mo ba ako?," dagdag pa ng hari.

                Walang narinig na sagot si Great Thorn mula kay Scarlett. Niyakap na lamang niya ito ng mahigpit at inisip na ayos lang kung hindi sumagot ang dilag. Alam ni Scarlett na sa puntong iyon ay masasaktan din siya sa huli. Ang lalaking yumakap sa kanya ay lapitin ng mga babae at kaya siya nitong ipagpapalit sa maraming kababaihan. Ngunit gusto din niyang sumugal sa pag - ibig. Gusto din niyang maranasahan ang magmahal sa piling ng binata. Kung masasaktan man siya ay desisyon niya iyon kaya bibigyan niya ng tsansa ang kanyang puso upang lumigaya. Niyakap din niya ang binata at hinimas ang likuran nito.

"Mahal din kita," saad ni Scarlett.

                Napangiti si Great Thorn sa kanyang narinig. Masaya siya dahil mahal din siya ng dalaga. Hindi na mapipigilan pa ang kanilang umaalab na damdamin sa isa't isa. Mahal nila ang isa't isa at kahit anong pagpipigil nila ay hindi nila kayang kontrolin ang nakatadhana. Hindi binitiwan ng binata ang pagkakayakap niya sa kanyang iniirog maging si Scarlett. Tinamasa nila ang kasayahan sa kanilang nararamdaman.

               Hindi nila napansin sa kanilang pagyayakapan ay nakita sila ni Apollyon na nakangiwi ang labi. Alam na niya na may gusto nga ang kanyang pinsan dahil sa nagbago ang gawi nito. Tahimik na lamang ito at hindi na din bigla - biglang nagagalit. Ang problema lamang kay Great Thorn ay hindi niya nakokontrol ang sarili tuwing sasapit ang asul na buwan. Mapusok ito sa mga babae tuwing asul na buwan. Kung hindi niya nasisipingan ay napapatay niya ito o di kaya naman ay sinisipsip ang dugo dahil sa sobrang pagkauhaw. Kaya napatawa nalang sa isipan si Apollyon.

"Masubukan nga ang dalawa kung magtatagal sila," saad ni Apollyon.

----------------------------------------------------
PASASALAMAT:

               Ako po ay nagpapasalamat sa mga mambabasa at sa mga sumusuporta sa kwentong ito. Ako po ay naging rank 95 sa Vampire Genre. Marami pong salamat sa inyo.

             Nagpapasalamat din po ako kay jenkyjamore at sa iba pang mga taong binasa ang kwento ko. Kayo po ang aking inspirasyon sa paglikha ng estorya.


PAALALA:

              Nais ko lang pong ipaalam sa inyo kung bakit may nakikita kayong [ ... ]. Ang tawag po dyan ay ellipsis. Sa wikang Filipino, ang elipsis (ellipses) ay tutuldok - tuldok. Ito po ay isa sa mga gamit ng bantas.

BAKIT KO PO ITO SINASABI SA INYO?

             Meron po kasing nagkomento sa akin na ang pangit daw tingnan kapag maraming tuldok. Ang pahiwatig niya ay ang salitang elipsis. Ito po ang eksplinasyon kung bakit ginamit ko iyon upang mapaliwanagan din po siya at sa mga mambabasa.

ANO BA ANG GAMIT NG ELIPSIS o TUTULDOK - TULDOK?

Ang elipsis ay nagpapahiwatig ng kusang pagbitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin.

1. Sa pagsasalaysay o dyalogo sa isang dula na nagpapahiwatig ng paghinto.

Halimbawa ng pagsasalaysay o dyalogo:

Lola: Ed ... Ed ... Bakit? Apo ....

Ed: Di ba sabi niyo, gusto niyo po ng pulang rosas, heto po lola ang regalo ko sa'yo, happy birthday lola ... I love you po....

Tandaan:

             Kinakailangan na dinamdam niyo ang emosyon ng karakter upang maintindihan kung bakit nilagyan ito ng elipsis o ng iba't ibang bantas. Kapag naramdaman at naintindihan niyo ang emosyon sa mga karakter ng kahit ano mang kwentong babasahin ... kayo po ay isang mahusay na mambabasa.

2. Sa hulihan ng pangungusap ay apat na tuldok.

Halimbawa:

Sa huli siya pa rin pala ang natalo ....

Totoong ang pag-asawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kung napapaso ....

3. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o gitna ng pangungusap, subalit apat na tuldok kung sa mga nawalang salita ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:

Si Dr. Jose P. Ri ....

Nawala ang lahat dahil ....

Continue Reading

You'll Also Like

82.2K 1.9K 38
Its just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully h...
77.7K 3.3K 27
Angel discovered a mysterious door in the middle of the lane. She went in and realized that beyond the door is a world where witch, elves, werewolves...
45K 1.3K 48
We used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to acce...
10.4K 591 53
"Umalis ka na nga!" Napanguso ako nang muli niya akong ipinagtabuyan pero hindi ako umalis at patuloy na sumunod sa kaniya. "Ano ba, Patricia? 'Di mo...