Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaΓ±aque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With the Jugs and Teddy

12.1K 364 62
By AlbertLang

CHAPTER 13

"Lahat ng desisyon, may kapalit."

Matapos ang Arki class ko, kinausap ko si Sir Cabalfin. Pinakita ko ang plano ng bahay namin, at tinanong ko kung paano mai-improve ang kusina, gusto kasi ng nanay ko na palitan ang mga kitchen cabinets.

"You should have checked in google muna, nandoon naman ang standard sizes ng cabinets," sabi niya. 

Inayos ni sir ang lalim ng mga cabinets at lapad. Pati na rin ang taas at kung saan ilalagay ang mga handles. Matapos noon, nilibre ko siya ng lunch sa canteen.

"So dear, Alex, anung kapalit nitong pag-aayos ko ng cabinetry ng kusina ninyo?" tanong niya.

"Naku sir, masama yan," gulat ko. "Hindi pa po ako handa."

"Gaga," sabi niya. "Hindi ako pedophile. Makukulong pa ako sa iyo."

"E anong ibig sabihin ng kapalit?" tanong ko.

"Kapalit," nagpaliwanag si Sir. "Chikahan mo naman ako ng love life mo. Anu nang score ninyo nung bantay mo? Nagholding hands? Kiss? Sleep together? Bongkang?"

"Nino po?" tanong ko.

"Ni Gabriel,' sagot ni Sir.

"Alam nyo po?"

"Ang alin?"

"Na ano po si Gabriel."

"Na ano? Bakla?"

Hindi ako nakasagot. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Oo naman," sagot ni sir na may pagmamalaki. "Some things are hidden from the naked eye. At isa ang mga uri ni Gabriel. Yang yung mga baklang bina-vibes, inaamoy, ginagamitan ng gaydar. At nang matapat ako sa kanya. Ay!!! Nag-vibrate ang aura ko. Check, plangak, pasok sa banga."

"Bakit hindi ko po nakita yun agad?"

"Hindi mo naman kasi hinahanap," sabi ni sir. "Eh ngayong knowsung mo na, ano na?"

Hindi ako nakasagot.

"Ay namula ang bakla," sabi ni sir.

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Hanggang sa magbago ang tingin ni sir. May pagtataka. ayan nanaman, kailangan ko nang magpaliwanag.

"Sir yun na nga po," sabi ko. "Hindi pa po ako bakla."

"Ay hindi pa?" gulat ni sir. "Naka-schedule?"

"Sir natatakot pa po ako," sabi ko, "Kasi diba, wala nang balikan yun?"

"Medyo, at alam kong nakakatakot nga ang stigma," sabi ni sir. "Pero okay lang. It's worth it. Look at me. I am old, but I'm happy. Or hindi rin."

Tumawa si sir na parang baliw. Nakatingin lang ako sa kanya. Tuloy ang pagkain niya ng lunch. Tapsilog ang lunch namin. 

"Sorry," sabi niya. "Kabe-break ko lang. Kaya gusto ko ng mga happy stories. Para kahit vicariously lang, sumaya ako. So, what't the real score?"

"Naisip ko na rin po iyan. Pag nag-out ako, baka maging kami na ni Gabriel," sabi ko. 

Itinuloy ko na rin ang pagsubo sa Tapsilog ko.

"Kainggit naman. May welcoming committee ang paglabas mo sa closet," sabi ni sir.  

Mukha ngang nainggit siya. Binaba niya ang kutsara't tinodor, nagsalumbaba at tumingin sa akin na parang batang nakakita ng ice cream. 

Ikinuwento ko na tuloy lahat ng ginawa ni Gabriel para sa akin. Kilig na kilig si sir lalo pa nang sabihin ko na nagkiss na kami sa pool.

"Hanggang kiss pa lang pala, or smack for that matter," sabi ni Sir. "Eh kiskisan, plantsahan? Ano plano mo? Top ka ba or bottom?"

"Sir wala pa," nahiya ako sa mga tanong ni sir.

"Sorry, too much na yata," sabi ni sir. "O sige, change topic. Paano na si Jessie?"

"Wala lang po iyun."

"Sa iyo wala, pero alam naman nating yung mga tingin niyang iyun sa iyo..." pahiwatig ni sir. 

"Nababasa din ba yun ng gaydar?' tanong ko.

"Minsan," sabi ni sir. "At ayon sa vibes ko, parang may gusto sa iyo."

"Opo," sagot ko.  "Gusto niya akong patayin."

Hindi ko ikinuwento kay sir ang pambubugbog sa akin ni Jessie. Ayoko nang may makaalam pa nun. Ayoko nang gawing issue. Ayoko na lang alalahanin. Mabuti na lang at nagring ang phone ko. Si Gabriel.

"Nandito ako sa canteen, with Sir Cabalfin," paalam ko.

"Wow naman," sabi ni Sir. "Hindi naman pala kailangan ng plano-plano dyan kay Gabriel mo. Ikaw na si Winnie the Pooh."

Ibinaba ko ang tawag ni Gabriel.

"Bakit naman sir?" tanong ko.

"SI Gabriel ang pot of honey mo!"

Tumawa na lang ako. Prof ko ito. Nakakahiyang hindi. Medyo matagal na, in three counts, masasabing awkward na, kaya naitanong ko na ang isang awkward na thought.

"Sir paano po kami magse-sex if ever?"

"Now you are asking the relevant question," sagot ni sir. "Pero ang sagot, malalaman mo kapag nandun na kayo. At kung gusto mong pangunahan ang mga kaganapan, i-google mo na rin. Gusto mo na ba?"

"Actually, sir," sabi ko. "Hindi ko talaga naisip, hanggang kaninang tinanong ninyo kung ano na ang nagawa namin."

Ngayon tuloy, andami ko nang iniisip. Bakit ba hindi ko naisip na kung gugustuhin ko talagang maging bakla, e kailangan ko ring makipagsex sa lalaki. Kay Gabriel.

"Sorry," sabi ni sir. "BInigyan ba kita ng problema?"

"Okay lang po," sagot ko. "Mukhang kailangan ko naman pala talaga itong pag-isipan."

"Oo naman," sabi ni Sir Cabalfin. "Sa karakas nung si Gabriel, e parang hindi natatapos ang lingo na wala iyung jugs and teddy."

"Anung jugs and teddy?"

"Jugs, kangks, fuckito diaz," sabi niya habang minumwestra sa kamay niya ang sex.

Noong una, iniisip ko kung kaya ko bang mahalin si Gabriel. Ngayon naman iniisip ko kung kaya kong gawin namin iyun ni Gabriel. Ang naïve ko pala talaga. Andami ko pang hindi alam.

Ilang sandal lang, dumating si Gabriel.

"Oh, nandito na pala ang welcoming committee mo," biro ni Sir.

"Si sir, puro biro," sabi ni Gabriel.

"O sya, babushkaneska na!" paalam ni sir. "Gab ha, first timer ito, alagaan mong mabuti."

"Of course, sir," at inakbayan ako ni Gabriel at idinikit sa katawan niya.

"Mahihiya ang beverages ng CBTL sa tamis ninyong dalawa," comment ni sir habang papaalis.

"So pogi, what do you plan to do?" tanong naman ni Gab sa akin.

Gusto ko sanang planuhin na namin ang sitwasyon namin. Pero paan ko naman sasabihin yun. 

Kaya dumeretso na lang kami sa bahay namin. Para na rin maihanda ko na ang mga gamit ko. Mukhang seryoso si Mama sa paglipat namin sa bahay nina Tito Raul. 

"And I am your Welcoming Committee," biro ni Gabriel habang nasa kotse kami, pabalik sa bahay.

"Gab, huwag mo na akng asarin," sabi ko.

"I'm not nang-aasar" sabi ni Gab. "Actually, I am flattered."

"Bakit?"

"Well, I think it is sweet na kinukwento mo ako sa prof mo," humawak ulit siya sa hita ko at tumingin sa akin. "It means you're really thinking about us. Pero di ako nagmamadali. Take your time."

"Thank you," sabi ko. 

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Is this it?" sabay ngiti at tingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niyang nakapatong sa hita ko.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Pero okay na rin naman."

"Sure?"

HIndi ko na lang pinansin. Kasasabi ko lang na hindi ko alam, tapo smagtatanong kung sure. Nag-assume ba siya? Pinalampas ko na lang. 

"Gab, question lang," sabi ko. 

Gusto ko lang talagang linawin. Wala naman akong ibig sabihin.

"Yes?" sabi niya. 

Napansin siguro niyang naka-hang ako.

"Hindi, wag na lang," sabi ko.

"Go, ask."

"Hindi na," sabi ko. "Baka ma-spoil ko ang gabi."

"It wouldn't."

Napaisip ako nang matagal.

"Now you are spoiling the night," sabi ni Gabriel.

"Sige, pag-iisipan ko muna, okay lang ba? Hindi ko alam kung paano sasabihin e."

"Okay, basta mamaya, tell me."

Huminto kami sa tapat na bahay. Nandoon din sa labas sina Mama ko at si Tito Raul. Nakatingin sila sa bahay habang may mga lalaking lumalabas na may dalang kanya-kanyang mga plywood.

"Anak, bumagsak ang kisame. Pinapalitan lang ni Tito Raul mo yung socket ng ilaw, tapos bumagsak, buti hindi siya nadaganan, kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang Tito Raul mo..."

Patuloy sa pagkukwento si Mama sa nangyari na titigil lang kapag hihikbi siya at lalakas ang iyak.

"There you go," bulong ni Gabriel. "Lagot ka dyan, Alex."

"Bakit naman?" tanong ko.

"She just said it," tuloy ni Gab. "She's setting you up na hindi na niya kayang mawala ang Tito Raul mo sa buhay niya."

"Anak!" sigaw ni mama habang yakap ako. "Hindi ko kayang mawala ang Tito Raul mo sa buhay ko!"

"Ma, sineset up mo lang ba ako?" tanong ko kay Mama.

"Oo anak," sabi ni Mama na bumitaw sa akin at nagpahid ng luha at sipon. "Set up lang to. Ikaw, nagda-drama ako dito, anlakas mo mambasag ng trip e."

"Ma, wala," sabi ko. "Masaya ako at umiiyak ka ngayon dahil masaya ka."

"I know my boy," sabi ni Mama na yumakap ulit sa akin. "At dahil dyan, dahil bumagsak ang kisame, wala tayong tutulugan. Gusto mo ba, dun ka na rin kina Tito Raul mo matulog? Kasi doon ako matutulog. Para makilala mo na rin ang anak niya..."

Gusto ko ba? O sa iba ko gustong matulog? 

"Saan ba si Tito Raul nakatira?" tanong ko.

"Sa Paranaque?" sabi ni Tito Raul. "Naku, sayang, wala si Je-Ar ko. Naka boarding house ngayon. Pwede sana kayong magkita."

"May next time pa naman," sabi ni Mama. "Overnight lang naman tayo, 'Nak. Siguro bukas, maaayos na ng karpentero aang kisame, balik bahay na tayo sa gabi."

"Naku, maaga pasok ko bukas Tito," paalam ko. "Baka ma-late ako kung sa Paranque pa ako."

"Well, natawag ko na rin naman kay Albert ang issue. Okay naman daw na doon ka muna," sabi ni Mama.

"Okay," sabi ko.

Nagpasama ako kay Gabriel na pumasok sa bahay. Kailangan kong kumuha ng mga gamit pamasok. Para bukas. Medyo maalikabok nga. Parang bumagsak ang kisame dahil sa bigat ng alikabok na natambak sa itaas nun.

Kita na ang bubong namin pag-akyat namin ni Gabriel sa second floor. Sa may kwarto ko, ang isang plywood na kisame ay nakasabit pa. Papalapit ako nang bigla itong bumagsak. Napaatras ako at natalisod. Mabuti na lang at nasalo ako ni Gabriel. 

Itinayo niya ako at napadikit ang likod ko sa harap niya. Naramdaman ko siya. Naramdaman ko rin ang bahagyang paglapit niya ng katawan niya sa katawan ko. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya. May ngiting kakaiba.

Umiling lang ako. Baka naman sinalo lang talaga niya ako at tiniyak na ligtas ako.

Ngumiti siya at nagnakaw ng halik sa pisngi ko.

Bakit naman kasi sa ganitong pagkakataon, sa maalikabok na lugar. Biglang pumasok ang mga tanong sa akin ni Sir Cabalfin.

"Let's go," sabi ni Gabriel. 

Nauna na siya at binuksan ang kwarto ko.

Mabuti naman at hindi damaged ang kwarto ko. Naupo Gabriel sa kama habang kinuha ko ang mga damit na isusuot ko. Shorts at tshirt. Medyas at brief. Hindi na ako nagdala ng towel. Hihiram na lang ako kay Kuya. Coloring materials. Drafting tools. Books at notebooks. Pagkalagay ko sa isang bag, tumabi ako kay Gabriel sa may kama. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"So what it is that you wanna say?"

Tumingin ako sa kanya. Patingala, hindi ko pa rin inaalis ang ulo ko sa balikat niya. Siya naman, nakayuko sa akin.

Kinunot ko ang noo ko at medyo nilukot ang mukha.

"Sige na nga," sabi ko.

Tumungo siya at nilukot din ang noo.

Huminga muna ako nang malalim.

"Gab," sabi ko.

"Yup?"

"Gab, kailangan ba nating mag jugs and teddy?" tanong ko. 

Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at nayuko na lang ako. Hindi ko alam, bakit ko ba kailangang itanong pa yun.

Natawa si Gab.

"Andaya mo naman," sabi kong nakayuko pa rin. "Dapat..."

Umakbay siya sa akin. Habang ang isang kamay naman ay kinuha ang baba ko sa pagkakatungo at iniharap ang mukha ko sa kanya.

"We don't have to, if you are not ready," sagot ni Gab. "Isa-isa lang sa iyo."

"Seryoso?"

"Yuh."

"Thanks."

"No problem," tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko para tumayo na rin.

Niyakap ko siya. Isa na naman sa mga biglaan kong desisyon.

"Salamat talaga," sabi ko. "Hintayin mo ako ha."

"Of course," sabi niya na nakatitig sa akin. "Even if I'm not sure kung isususko mo ang pagkalalaki mo sa akin."

"Hala," sabi ko. "May ibig sabihin ba 'yun?"

"Yuh."

"Ano?"

"I'm willing to wait for you. And until you've decided on going to my world or not, hindi muna ako maghahanap ng iba."

Napangiti ako. Ngumiti din siya. Kaya't hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya.

"Pero sige, kung gusto mong makipag-jugs and teddy sa iba," sabi ko. "Papayagan kita. Hangga't hindi ko pa kaya, sige, hindi ako magagalit kung maghanap ka sa iba."

Lumuwag ang yakap niya sa akin. Hanggang sa magbitaw kami. Pinisil niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Ang cute, cute mo!" sabi niya.


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

338K 12K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...
254K 14.1K 49
(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified Public Accountant is his priority. He's p...
21.2K 866 152
"Let's stay in each other's lives forever, shall we? Because my late nights aren't complete anymore without you." Started: May 20, 2019 Finished: Apr...
9.1K 658 27
Looks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kula...