The Royal Vampires Academy ✔

By yeshrheyy

1.9M 68.6K 16.7K

A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
WEBTOON
WEBTOON TEASER

Chapter 9

41.6K 1.7K 378
By yeshrheyy

Bumalot ang katahimikan sa amin. Ilang beses ako na napapasulyap sa kaniya. Napaka-gwapo niya tila ang mababagsak nalang ang panty mo kapag tumingin siya sa'yo, Ganon na ganon ghorl.

Nanlaki ang mata ko na napatingin siya saakin at agad ko iniwas ang tingin at pa simpleng sumisipol kaya nairnig ko siya natawa. Mabuti pa siya nakakausap ng ganito hindi tulad ng iba nakakaba at nakakatakot na mag-approach lalo na ang masungit na akala mo kulang sa aruga.

Bakit ba lagi dumadaan siya sa isip ko? Sinisira niya lang araw ko tsk.

"Ano pala ang tatanungin mo?" Tanong niya bigla. Napatulala ako sa mukha niya at ngayon lang napag-tanto na nakalimutan ko na ang tatanungin ko. Mabuti na lang naalala ko agad dahil sa usapan namin ni Rachel.

"U-uhh, gusto ko lang sana itanong kung kilala mo ang ex girlfriend--" natigilan ako sa pag sasalita kasi may tumawag sa phone niya. Tumingin siya saakin at tila nag papaalam tumango na lang ako at ngumiti.

Tinignan ko siya na lumayo ng kaunti saakin at sinagot na ang tawag. Nakita ko ang pag-sumangot niya na pagkatapos niya patayin ang tawag at bumalik sa akin.

"Sino yung tumawag?" nakangiti na tanong ko. Lalo siya napasimangot sa tanong ko.

"Dylan." sabi niya parang naiinis. Oh? May problema ba sa Academy? Baka hinahanap ako at sigurado mapapagalitan ako nito.

"Bakit daw?" nagtataka na sabi ko at kinakabahan.

"Hi to our love birds!" Sigaw ni.. Blake? Ano ginagawa nila dito? Ewan ko ba pero natatawa ako sa reaksyon ni Kevin kasi para siyang bata inis na inis.

"Kira!" napalingon ako sa sumigaw. Nanlaki ang mga mata ko na makita si Rachel kaya agad ako napatayo at nanatiling nakanganga.

"Ano ginagawa niyo dito?" gulat na sabi ko.

"We were planning to soccer, it became our tradition." Natatawang sabi ni Rachel. Namangha ako na tumango tango.

Umagaw sa aking atensyon ay si Ace. Walang emosyon ang mukha, nanlaki ang aking mga mata na tumingin siya saakin kumabog ang dibdib ko at iniwas ang tingin. Ano ba nangyayari sayo, Kira?

"K-kasama si Master Ace?" bulong ko sakanya habang nakatingin kay Ace na nakasuot ng mamahalin na shades.

"Ewan ko diyan." nakasimangot na sabi niya at umirap pa.

"Kira! Sali ka gusto mo?" aya saakin ni Dylan habang pinaglalaruan ang bola.

"Ah pasensya na po hindi ako marunong eh." sabi ko sabay kamot ng ulo.

"Manonood na lang po ako." sabi ko sabay upo sa damuhan.

"Sige." sagot sa akin ni Jacob at sinundan ang mga kapatid.

"Are you sure, Kira? Our game is little bit crazy." Biglang sabi ni Kevin tinaasan ko siya ng kilay.

"B-bakit? May nakakatakot ba susulpot dito? Saan?" Sabi ko at lumingon pa. Narinig ko siya natawa at umiling pa.

"Here it comes..." Ang tanging sabi ni Rachel at nakatingin sa langit. Nagtataka naman ako na tumingin rin sa langit at kamalas-malasan, may butil ng tubig tumulo sakto sa aking mata kaya napapikit ako.

At napagtanto na umuulan! Agad ako napatakbo sa maliit na gazeboo para sumilong at hindi inaasahan na makakatabi si Ace.

"This is what we're waiting for, babe.." Naka-ngising sabi ni Blake at kumindat pa saakin bago pumunta sa iba pa niyang kasama. Umirap ako at umakto na kunyari nasusuka kaya nakita ako ni Ace at tinaasan ng kilay. Umiwas na lang ako at tumikhim.

Hindi ako makapaniwala na maglalaro sila sa gitna ng ulan? Is this even possible? Hindi ba parang nakakairita at istorbo ang ulan kapag naglalaro pero kahit ganon parang sanay at mahusay na sila sa ganito.

"Formation guys!" Sigaw ni Rachel at lahat sila ay ngumisi at umayos.

Namangha ako sa mga postura nila na parang professional players ang naglalaro kahit naliligo na sa ulan.

Nakita ko kung paano isuklay ng mga lalaki ang mga mahahaba nilang buhok gamit ng kanilang daliri.

Napanganga ako nang makita si Kevin na sinuklay ang basa nitong buhok kaya tumalsik ang tubig nito mula rito.

Bigla kumidlat kaya napaigtad ako dahil sa gulat. Ang kidlat na iyon ay napaka-lapit kung tutuusin, bata pa lang ako na natatakot ako na matamaan ng kidlat but I enjoyed watching them afar. Kahit malayo ang kidlat na-eenjoy ko kahit papano pero kapag malapitan hindi ko maiwasan matakot.

"You shouldn't have come here if you are afraid on lightning." Malamig na sabi ng katabi ko. Unting unti ko siya nilingon at tumingin pa sa paligid kung ako ba talaga ako kausap niya.

"I'm not afraid master, actually I appreciate the lightning when they started to appear." Pagyayabang ko para hindi ako maliitin. Hindi siya makapaniwala dahil sa sinabi ko at tila iniisip na baka pinagloloko ko lang siya.

"Hmm..I see." Ang tanging sabi niya at tila nanunudyo kaya umirap na lang ako palihim at piniling manahimik na lang at binalik ang atensyon sa harapan at nagsimula na manood.

Dalawa ang team. Team nila Rachel at team nila Blake. Napangisi ako nang napunta kay Rachel ang bola. Hinabol siya ni Kevin kaya sumeryoso si Rachel sa pag sipa ng bola.

Maagaw na sana si Kevin ito nang nakalusot si Rachel sa kaniya. Mabilis tumakbo si Rachel habang sinisipa ang bola. Sisipain niya na sana ito sa soccer net nang mabilis ito inagaw ni Jacob.

Sumimangot si Rachel habang si Jacob ay ngumisi. Nakaharang si Andrew sa soccer net para bantayan ang susunod na kilos ni Jacob. Sinipa niya ang bola papunta kay Kevin at sinipa naman nito ng malakas papunta sa soccer net.

Ngunit parang na-sobrahan ata ito sa sipa kaya nasira ang net. Tumalsik ang bola sa kung saan kaya napatayo ako.

Natawa na lang ang lahat habang si Kevin ay ngumiwi.

"Napalakas mo ata, bro." Natatawang sabi ni Jacob.

"Kailan ba ako naging mahina?" Tugon ni Kevin kaya natawa si Jacob. Kukuhanin sana nila ito dalawa nang nagsalita si Rachel.

Tinignan ni Rachel ang kuya Ace nito kaya kumunot ang noo ko. Napahinto tuloy ang dalawa at tila nakuha rin ang pinaparating ni Rachel.

"Kuya..." Mahinang tawag ni Rachel kay Master Ace kaya napalingon ako rito. Mabilis nag bago ang ekspresyon ni Master Ace kaya kinabahan ako.

Nakita ko kung paano natigilan lahat ng bampira na kasama ko at nag tinginan silang lahat at parang alam nila ang nangyayari.

Nagsi-tanguan ang mga ito. Lumapit sila sa isa't isa habang seryoso ang mga mata nito. Narinig ko na napamura si Dylan.

Nilagay ni Master Ace ang kamay niya sa kaniyang bulsa habang isa ay hinablot ang kamay ko kaya napatulala ako sa kaniya. Ang lamig ng kamay at malambot kaya bigla ako nahiya sa texture ng palad ko.

"What are we going to do?" Kinakabahan ma sabi ni Rachel. Natauhan ako sa sinabi ni Rachel.

Hala! Ano nangyayare?! Mamatay na ba kami?! May lion ba, baboy ramo? Ano?!

Bigla lumakas yung hangin nahampas ito sa buhok ko at nakita ang mga hindi pamilyar na mga pagmumukha sa aking harapan.

"You brought an interesting creature, Prince Ace." Nakangisi sabi ng lalaki kaya mas lalo ako natakot at nagtago sa likod ni Ace.

'Hindi sila tao.. mga bampira sila.'

Yan ang mga tumatak sa aking isipan.

Bigla napatingin yung isa saakin. Kinabahan na rin ako sa mga nangyayari.

"Leave, before I kill you." Sabi ni master Ace tsaka pumunta sa harapan lumapit naman saakin si Rachel parang tinatakpan rin ako.

"Oh sorry, your highness..." sarkastiko na sabi ng lalaki saka yumuko sa harapan niya.

"We just can't believe you made friends with your enemy?" Tumaas ang mga balahibo ko na tinignan ako ng babae at ngumisi. Sino ba ang tinutukoy niya?

Paalis na sila kaya nagagalaw kami ng maayos pero biglang humangin at lumingon sila saamin ulit at this time nakatingin sila saakin naging kulay red mata nila.

"So, would you mind if we can taste the delicious food you brought?" Sabi ng babae at nagulat na sumugod.

Tumakbo yung babae papunta saakin pero mabilis tumakbo si Dylan at tinulak ito ng malakas grabe ang lakas niya!

Nag labasan naman yung pangil, mamatay na talaga ako. Tumakbo sila ng mabilis pero bigla may sumulpot na ice spikes na tumubo mula sa kalupaan.

"I will give you a chance to leave this place or else you're going to die within seconds." malamig pa sa yelo sabi ni Master Ace.

Natatakot ako, hindi ko na kakayanin kapag ganito sitwasyon parang nasa pelikula kami kahit anong oras pwede ako mamatay.

Bigla tumakbo yung tatlo naka hinga naman ako ng maayos pero hindi masyado, parang sumisikip dibdib ko, hindi ako maka hinga.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang may gumigising sa aking sistema na hindi dapat?

Ang huling ko naalala ay nilamon ako ng kadiliman.

Rachel's POV

Bigla ako napalingon kay kira nahulog siya sa damo ginamit ko ang bilis ko para makapunta sa kinaroroonan niya.

Ano nangyari sa kanya?

"Ano nangyari?!" Sabi ni Kevin sabay hawak sa kamay ni Kira alalang-alala sya

"Hindi ko alam kung bakit sya nahimatay." natataranta na sabi ko.

"They can't be right." Umiiling at balisa na sabi ni James kaya nagtataka ako lumingon sa kaniya.

"Absolutely, they can't. She's human." Matigas na sabi ni Ace kaya mas lalo ako kinabahan.

~~••~~

Continue Reading

You'll Also Like

910 58 11
[COMPLETED] ✓ Every blink of a firefly's light say's... believe. She's all about mystery, adventure and risk. And her heart was wild and full of magi...
2.2K 117 32
Enjoy reading! No spoiler and No bashing pls. Thank you!🤎
21.2M 543K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
E R R O R ! By P A T C H I E

Mystery / Thriller

714 106 7
╰N E V E R T R U S T S O M E O N E Y O U J U S T M E T O N L I N E╮ →N O C T U R N A L O N E S H O T E N T R Y← 🚫R E A D A T Y O U R O W...