Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Paraรฑaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Where His Hope Starts

13.1K 404 54
By AlbertLang

CHAPTER 12

Nakuha ko ang last slot. Swimming na ang PE ko.

"Coach, ito na po ang trunks," sabi ko sa kanya na humahangos pa.

Matapos ko kasing halikan si Gabriel, agad akong tumakbo papunta sa pool area. Ang totoo, hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyun. Mabilis na halik lang. Idinampi ko lang ang labi ko sa labi niya. Tapos nanlaki ang mga mata niya. Nanlaki rin ang mga mata ko. Tapos, binawi ko na ang pagkakalapit ng mga mukha namin.

Para hindi na ako magpaliwanag, agad akong tumalikod at tumakbo.

Nagpaalam naman ako. "Sige na, papasok na ako, punta ka na ulit sa class mo," at kung anu ano pa pero di ko siya nilingon. Nahiya ako sa ginawa ko.

Nakatingin lang sa akin si coach habang ipinapakita ko sa kanya ang trunks na hawak ko.

"Sir ito na po yung trunks," ulit ko.

"Anong gagawin natin diyan sa trunks?" tanong niya.

"Sorry po," tumalikod ako at naglakad papunta sa shower area.

Oo nga pala, uniform pala ang trunks, bakit ko naman winagayway sa mukha ni coach.

Habang naglalakad, naalala ko, nandun pa kaya si Gabriel? Anung mukha ang ihaharap ko sa kanya. Hinalikan ko si siya. Nakakahiya.

Malalim ang paghinga ko habang pabalik sa shower area. Sana wala na si Gabriel. Hanggang sa makarating ako sa loob. Wala akong nakitang ni anino. Yes! Ligtas. Lumuwag ang paghinga ko.

Naghubad ako ng damit, tinanggal ko na rin ang brief ko dahil wala akong isusuot pabalik. Ayoko namang umuwing walang underwear. Pero naku, wala akong twalya.

"I left the towel in the car," si Gabriel sabay hagis sa akin ng twalya.

Tumalikod ako at sinalo ang twalya. Gaano katagal na siya sa likod ko? Nakita niya ba akong naghuhubad?

"Salamat," sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

Lumapit si Gabriel. Nakangiti. Ngumiti rina ko. Alam kong may mali sa mga ngiti ko. Alam kong nababasa niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko.

"You don't have to explain anything," sabi niya. "Yet."

"Sorry," sabi ko.

Pinanood na lang ako ni Gabriel na maglakad pabalik sa pool.

Hinintay ako ni Gabriel buong swimming class. Nakita ko siya sa bleachers na pinapanood kung paanong mula sa parang aso, natuto agad ako ng proper freestyle. Hindi naman perfect, pero pwede ko na raw praktisin, sabi ni coach.

Mula langoy aso, nagmukha akong basang pusa na hiyang hiya sa naghihintay na si Gabriel.

"Hintayin mo ba ako," sabi ko kay Gabriel with the hopes na hindi.

"Of course," sabi ni Gabriel.

Kaya naman habang nagbabanlaw at nagbibihis, naisip ko na kung gaano ka-awkward ang magiging byahe namin.

Mga sampung minuto na rin siyang nagmamaneho at pareho kaming walang imik sa loob ng kotse. Nangingiti-ngiti siya. Alam kong alam niya na nahihiya ako sa kanya.

Napatigil kami sa isang intersection.

"Look at the stoplight," sabi ni Gabriel.

"Okay. Bakit?" tanong ko.

"Mas mapula ka pa dun," at tumawa si Gabriel.

Nag-init ang pisngi ko na mukhang lalong namula. Nakatingin pa rin sa akin si Gabriel. Napapikit na lang ako. Pwede na lang ba akong matunaw. Bakit ko pa ba kasi tinanggap na sumabay ako sa kanya pauwi?

"Alex, you don't have to explain anything," sabi niya. "Yung nangyari kanina, kung ayaw mong pag-usapan, huwag mo na lang isipin. Okay lang sa akin yun."

Tumingin ako sa kanya.

"We can just forget about it," sabi ni Gabriel, nakangiti.

Ang ngiting iyun. Parang masayang masaya siya sa naganap. Kahit sinasabi niyang kalimutan ko na lang, alam kong aalalahanin niya.

Umandar na ulit kami na hindi pa rin nagkikibuan. Nagpatugtog na lang siya ng mga love songs. Hindi ko alam kung nang-aasar ang mundo dahil saktong-sakto ang kanta... Strike up the band and make the firelies dance silvermoon's sparkling. So kiss me.

Natawa kami nang malakas. Pati ako natawa na rin talaga.

Inilipat niya sa hita ko ang kamay niya pagkaayos ng radio. Napatingin ako dito, tapos sa mata niya. Nakangiti. Tapos kinuha ng kamay niya ang kamay ko at hinawakan. Habang nakapatong pa rin sa hita ko.

May kung anong saya akong naramdaman. Kailangan ko na namang kwestyunin ang sarili ko. Teka, gusto ko na bang maging kami? Hinalikan ko na naman kasi siya. Iyun na ba yun, iniisip na kaya niya na kami na? Pero pag tinanong ko, tapos ibinalik niya sa akin ang tanong? Ano'ng isasagot ko?

"If you don't wanna talk about it," sabi ni Gabriel. "Dont think about it."

"Nababasa mo ba ang nasa isip ko?" tanong ko.

"It's written all over your face."

"Sorry."

"So, where do you wanna go. Absent ang prof ko. I'm all yours," napatigil si Gabriel, tapos tinuloy. "Sana, I can call you mine na."

"Loko, namba-baffle ka na naman, eh," sabi ko na. "Sa bahay na lang."

"Ayaw mo?"

"Si Mama kasi, pinauwi talaga ako," binago ko na ang usapan. "Inaayos kasi ang bahay."

Sa bahay kami sa Marikina tumuloy. Nagpark siya sa tapat na bahay namin. Nandoon si Mama sa labas. Nakatingala. Maya-maya, nakita ko si Tito Raul sa bubong. Kumaway.

"Nandyan na pala ang binata mo, may kasamang reinforcement," sabi ni Tito Raul.

"Ay bano 'tong si Alex ko sa pagkakarpentero," sabi ni mama.

"Nakow, hindi pwede yang lalaking lalamya-lamya," sabi ni Tito Raul, "Akyat ka dito at tuturuan kitang maging tunay na lalaki. Palibhasa yata e pagluluto at paglalaba ang naituturo ng Mama mo sa iyo."

"Ewan ko sa'yo" sigaw ni Mama. "Mas gusto ko nang ganyan ang anak ko, kesa yung anak mong parang mambubugbog anytime."

"Mukha lang maton yun, pero mabait yung si Je-Ar," sabi ni Tito Raul. "Huwag kang mag-alala, pag naging anak na kita, magiging mas matigas ka pa sa mga poste ng bahay na ito. Tara, akyat ka na dito."

Sinamahan na rin ako ni Gabriel sa bubong. Bukas ang kisame at isang yero papunta sa bubong. Kita rin ang pamakuang mukhang sira na.

"Bulok na kasi itong pamakuan," sabi ni Tito Raul. "Kailangan na ring palitan itong dos por dos. Mukhang kakapusin itong naakyat ko. Hingi ka pa sa mama mo. May nalagare na ako kanina."

Sinilip ko si Mama sa baba. Hindi ko gusto ang naramdaman ko. Nanlambot ang mga tuhod ko, at may kung anong umiikot sa loob ng sikmura ko. Napaatras ako. Mabuti na lang at nasalo ako ni Gabriel kundi, natumba ako. Nakakahiya kay Tito Raul.

"Tita," tawag ni Gabriel, "Paakyat na daw po nung nalagareng kahoy."

"Okay!" sigaw ni Mama.

"Sige na Alex," sabi ni Gabriel. "I'll help your Tito. Stay with your mom."

"Ayus," sabi ni Tito Raul. "Ano bang alam mo sa pag-ayos ng bubong?"

"Let's see po," sabi ni Gabriel habang tinataas ang mga manggas ng white t-shirt.

Dinampot ni Gabriel ang martilyo. Mukhang nagpapasikat, dahil may kaunting pagpe-flex ng muscle akong napansin. Tong poging ito, pasim-flex.

Habang hawak ni Tito Raul ang kahoy, itinapat ni Gabriel ang pako at pinukpok pabaon sa dalang dos por dos. Malakas pero eksakto na pako ang bawat pukpok ni Gabriel. Nang matapos niya, tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tapos, ilang pamakuan pa ang pinagdugtong nila habang ako, nasa bubong din. Nabawasan ang takot ko sa heights habang pinapanood si Gabriel. Ilang sandali lang, natapos din.

"Nakakahiya naman," sabi ko habang pababa na kami.

"Just think of this as my pamamanhikan" bulong ni Gabriel. "Tayo na, di'ba?"

"Luko-loko," sabi ko.

Natawa naman siya.

Bumaba na ako dahil ayoko na magtuloy pa ang usapan. Iyun na nga ang kinakatakot ko. Hindi pa ako handang maging kami. Oo, hinalikan ko siya, pero spur of the moment lang iyun.

Nag-aayos na si mama ng pagkain nang abutan ko siya. "Pagkatapos ng bubong, papapalitan natin ng kulay ang pader," sabi ni Mama.

"Bakit Ma?" tanong ko naman.

"Ipaparenta na natin itong bahay," sabi niya habang dinedrain ang pasta. "Tapos doon na tayo kay Tito Raul mo titira. Magsasama na kami. Isasama na rin kita. Pakikuha naman yung cheese sa ref para magadgad na."

"Ma," sabi ko. "Mababago ang buhay natin, tapos yung pagkakasabi mo, ka-level lang ng pagpapakuha ng keso."

"E paano ba dapat?" tanong ni Mama.

"Sana tinanong mo muna ako kung gusto ko ba yun?" sabi ko. "Ma, college na ako. Mag-e-eighteen na ako. Kasama sana ako sa desisyon."

"Anak, mahal mo naman si Mama diba?

"Ayan, gagamitan mo naman ako ng ganyan..."

"Oo, gagamitin ko talaga ito, at mag-iiyakan lang tayo, tulad nung pagpapaliwanag ko sa iyo noon tungkol sa daddy mo, at tatanggapin mo lang din lahat ng gusto ko," tuluy-tuloy na sabi ni Mama. "Anak, magaling akong umarte, at wala ka nang magagawa kapag umiyak na ako. Magtitiwala ka rin naman sa akin as usual e."

"Wala ka bang ibang atake ma?"

"Anung gusto mo sumbatan?" tanong ni Mama. "Hindi pa natin iyun nagagawa."

"Reserve na lang natin ang sumbatan next time," sabi ko. "Malaki ba yung bahay ni Tito Alex?" maganda ba. Subdivision ba? Baka naman Gillage yan."

"Anung Gillage?"

"GIlid ng Village."

"Gaga, hindi. Anak, may gate yung subdivision at may Guard din. At required pa-check ang plano ng bahay. Bawal maiba sa theme ng subdivision. O, saan ka pa?"

"O sige na," sabi ko. "Kung saan ka masaya. Basta ma, huwag akong pakikialaman ha, kung paano ka sa akin, dapat ganun din siya."

"Anak, mahal na mahal kita, mas nauna ka kesa diyan sa mokong na yan. Nagkataon lang na mahal ko rin siya. Pero pag ayaw mo sa kanya..."

"Iiwanan mo siya?"

"Pag-usapan muna natin. Anak, mahal ko itong si Raul. First time ulit after ni... kita mo na, di ko na matandaan. Nabura na niya lahat ng sakit na naramdaman ko. Siya na talaga. Kaya gustuhin mo na rin siya. Unless papatayin ka niya, e tiisin mo na muna."

"Ay naku, 'pag ako nabatukan niyan."

"Batok lang naman, malayo sa bituka," sabi ni Mama na tumalikod sa ref, may kinuha.

"Talaga, papayagan ninyo akong saktan niyang lalaki mo."

"Oo."

"Ha?"

"Charot lang!" sabi ni Mama. "Syempre hindi. E di naghiwalay kami. Pero may balikan pa yun. Mahal ko nga."

"Ano?" Papayag ka ba o hindi? Ma, alam mo naman na..." napahinga ako nang malalim. "At parang galit siya sa mga malalambot at malalamya..."

"Nakausap ko na siya. Hindi ka niya pwedeng pagbuhatan ng kamay. Pwede ka lang niyang tapikin, yakapin at hawakan nang may pagmamahal, pero hindi ka niya pwedeng saktan. Syempre nasabi ko na sa kanya iyun. Ikaw nga, huwag mo akong ina-underestimate. Naayos ko nang lahat yan."

"Okay," sabi ko. "Basta..."

"Magtiwala ka na lang sa akin."

"Okay."

Nang matapos ayusin ang bubong, tumuloy kami ni Gabriel sa kwarto. Akala ko ay uuwi na siya, pero parang hindi pa. Nagyaya siya sa kwarto na tumambay muna. Wala naman akong nagawa. Sabi ni mama, pagpahingahin ko daw muna si Gabriel dahil napagod.

Inayos ko ang laptop niya dahil gusto niyang manood ng Game of Thrones. Pagkatapos ay tumabi na ako sa kanya.

Nagulat na lang ako nang makita ko siyang topless. Hinubad na niya ang t-shirt. Ang katawan niya, tamang-tama ang hugis ng dibdib, at kahit hindi hiwa-hiwa ang abs niya e flat naman ang kanyang tiyan. Maganda rin ang kanyang braso, namintog sa pagpupukpok. Bakit naman napakaganda ng katawan nito? Nahiya akong tingnan.

"Is it okay?" tanong niya. "Wala akong pamalit eh, pawisan na, I don't wanna stink on my way home."

"Basta yang shirt lang."

"Pati na rin itong shoes, please," sabi niya. "Hindi mabaho ang paa ko."

"Sige, pero hindi ang pants," dineretso ko na.

"Okay," sabi niya "Your turf. Your rules. Pero sa bahay ko, iba ha. Kailan mo nga ba ako plan bisitahin"

Nangiti na lang din ako na nahihiya. Parang dahil sa halik ay nagkakaroon na siya ng expectations. Kaya naman sige na, pag-usapan na ang elephant sa room.

"Gab," sabi ko. "Yung kiss, walang ibig sabihin yun, ha?"

"Oh, was that a kiss?" sabi niya.

"Oo," inis ko. "nagdikit kaya ang mga lips natin. Lips to lips nga yun e!"

"Smack lang yun," sabi niya. "You want me to show you what a kiss is?"

"Yabang," sabi ko. "Iyun e kung makikiss mo pa ako."

"Why?" tanong ni Gabriel na nalungkot. "wala bang chance na maging tayo?"

"Meron, syempre," Shet, ambilis ko na naman sumagot.

E parang sinabi ko na rin na oo, tayo na, nag-iinarte lang ako sa sagot ko na meron.

"Don't worry, hindi ko iisiping nag-iinarte ka lang," sabi ni Gabriel. "This is your first and you want it to be right. Walang balikan ang desisyon na yan. Basta I'm ready when you are."

Niyakap ko na lang si Gabriel. Siya at ang hubad niyang katawan.

"I really thought that kiss was a yes," sabi ni Gabriel habang nakayakap rin siya sa akin.

"Akala ko ba, hindi pa halik yun?" sabi ko na bumitaw sa yakap.

Pero hindi ako pinayagan ni Gabriel. Hinigpitan niya ang yakap at bumulong, "I don't want to assume. Ayoko mapahiya."

"E bakit ngayon," sabi ko, guto ko ang usapannaming ito habang magkayakap.

"You just said, 'Meron, syempre,' and it sounds like a yes to me," sabi ni Gabriel na bumitaw na at tumitig sa akin.

Ngumiti ako. Ngumiti rin siya. Parang naintindihan na niya ako.

"Gab," sabi ko.

"Yup?" tugon niya.

"Huwag kang magsasawa sa akin ha," sabi ko.

"Never," sabi ni Gabriel. "You'll always have a space in my heart."


.

-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 690 37
"Don't forget me, please. I will always love you and support you. Remember me. I love you." *** Gabbie, a 3rd year Tourism student from UP Diliman ha...
3.5K 187 3
BxB *** WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. *The photo used on the book cover is not mine...
339K 12.1K 76
Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa kapwa nila lalaki! Bukod kasi sa napaka...
241K 15.8K 62
Because of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The si...