MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPI...

By emoon11

931K 21.6K 852

ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap... More

MYSTERIOUS VOICE I • THE VAMPIRE KING'S MATE
KABANATA 1 • BAHAGI 1
KABANATA 1 • BAHAGI 2
KABANATA 1 • BAHAGI 3
KABANATA 1 - BAHAGI 4
KABANATA 2 • BAHAGI 1
KABANATA 2 - Bahagi 2
KABANATA 2 - Bahagi 3
KABANATA 2 - Bahagi 4
KABANATA 3 - Bahagi 1
KABANATA 3 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 4
KABANATA 4 - Bahagi 1
KABANATA 4 - Bahagi 2
KABANATA 4 - Bahagi 3
KABANATA 4 - Bahagi 4
KABANATA 5 - Bahagi 1
KABANATA 5 - Bahagi 2
KABANATA 5 - Bahagi 3
KABANATA 5 - Bahagi 4
KABANATA 6 - Bahagi 1
KABANATA 6 - Bahagi 2
KABANATA 6 - Bahagi 3
KABANATA 6 - Bahagi 4
KABANATA 7 - Bahagi 1
KABANATA 7 - Bahagi 2
KABANATA 7 - Bahagi 3
KABANATA 7 - Bahagi 4
KABANATA 8 - Bahagi 1
KABANATA 8 - Bahagi 2
KABANATA 8 - Bahagi 3
KABANATA 8 - Bahagi 4
KABANATA 9 - Bahagi 1
KABANATA 9 - Bahagi 2
KABANATA 9 - Bahagi 3
KABANATA 9 - Bahagi 4
KABANATA 10 - Bahagi 1
KABANATA 10 - Bahagi 2
KABANATA 10 - Bahagi 3
KABANATA 10 - Bahagi 4
KABANATA 11 - Bahagi 1
KABANATA 11 - Bahagi 2
KABANATA 11 - Bahagi 3
KABANATA 11 - Bahagi 4
KABANATA 12 - Bahagi 1
KABANATA 12 - Bahagi 2
KABANATA 12 - Bahagi 3
KABANATA 12 - Bahagi 4
MENSAHE NG MAY - AKDA
PASASALAMAT NG MAY - AKDA
MGA BIDANG TAUHAN
MGA SUPORTING KARAKTER
MGA KANTA SA KWENTO
MGA KATAYUAN NG GENRE
MAY - AKDA
MGA PARANGAL (AWARDS)
MGA PATALASTAS (ADVERTISEMENT)

KABANATA 3 - Bahagi 2

18.5K 461 6
By emoon11

~~~•••~~~

MATAPOS ang mga pangyayari ay agad binuhat ng katulong ang mga kagamitan ni Scarlett. Pumunta sila sa malapad na daanan patungo sa isang malaking pinto.

Ang daanan ay napapalibutan ng nagtataasang posteng may malakapeng desinyo na nakatakip sa puting kulay. Nakadikit din ang malaking bintana sa poste na kung titingnan ay makikita ang labas ng palasyo. Ang sahig ay natatakpan ng malakapeng mahabang alapombra (carpet) na may kakaibang desinyong hugis. Sa dulo ng alapombra ay may malaking malaarkong pinto na may kakaibang linyang desinyo rin.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Pumasok sila sa malaking pinto. Doon ay nakita ni Scarlett ang malaarkong poste na nakadikit mula sa pader patungo sa itaas ng kisame. Ang malaarkong poste ay nakapalibot sa bawat sulok ng daan. Nakita din niya doon ang maraming pinto at mga maliliit na rebulto ni Kieran na nakatayo sa bawat pinto.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Tiningnan siya ng baguhang katulong habang dala - dala ang mga bag ng dalaga. Tinanong niya ang dalaga kung saan ito mamamahinga.

"Ah ... binibini saan mo gustong magpahinga? Pumili ka lang ng pinto at ipapasok ko ang mga kagamitan mo," saad ng katulong.

"Hindi ko kasi alam kung saan dito ang pipiliin ko kasi sobrang dami ng pinto. Ah! Alam ko na! Pwede bang ikaw ang pumili sa akin am ----," saad ng dalaga na tila ay inaalam ang pangalan ng tagasilbi.

"Ah ... Seraphina po ang pangalan ko," sagot ng katulong.

"Seraphina? Kakaibang pangalan. Ako pala si Scarlett, pwede bang tawagin mo ako sa aking pangalan tulad ng nagtatawagang kaibigan?," pangiting saad ng dalaga.

"Oo naman po, masaya ako dahil pinili mo ako," patuwang sagot ng katulong.

"Ituturo ko sa iyo ang isang pinto na may kakaibang rebulto," dagdag pa ng katulong.

"Kakaibang rebulto?," pagtatakang saad ni Scarlett.

"Opo, isang kakaibang rebulto," sagot naman ng tagasilbi.

Hinatak siya ng katulong papunta sa kakaibang rebulto. Ang rebultong iyon ay isang nakatayong lalaki na ang mga braso ay may nakadikit na pakpak tulad ng anghel. Hindi ito kamukha ni Kieran dahil may kakaiba itong mukha sa lahat ng rebulto. Ang wangis nito ay kaakit - akit. Ito ay yari sa matibay na malakapeng kahoy.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

Napatigil sila sa kakaibang rebultong nakalagay sa gilid lamang ng pintuan. Tiningnan ito ni Scarlett at nagtaka kung bakit ito ay kakaiba sa lahat. Nakita ng katulong ang mga mata ng dalaga na may halong pagtataka kaya siya na mismo ang nagpaliwanang sa dalaga.

"Ito ang rebulto ng taong ibong matagal ng naglaho sa mundo ng Bezna (Dark World)," pahayag ng tagasilbi.

"May taong ibon palang nabuhay noon Seraphina?," tanong ni Scarlett.

"Aba oo naman Scarlett, tinawag silang umana (taong ibon) sa lugar ng Bezna (Dark World). Siya ang kauna - unahang kaibigan ni Haring Kieran at pinaukit niya ng rebultong ito bilang pagbibigay pugay sa kanyang kaibigan ngunit naglaho din siya kasabay ng mga kasamahan nito katagalan," saad ng tagasilbi.

"Ngunit bakit sila naglaho?," tanong naman ni Scarlett.

"Naglaho sila dahil sa nagkaroon ng pagtangi ang mahal na hari sa prinsesa ng mga umana (taong ibon). Tinutulan ito ng hari at reynang umana (taong ibon) kaya minabuti nilang magpakalayo," saad ng tagasilbi.

"Hindi ko akalaing may minahal pala si Kieran. Hindi niya kinekwento sa akin ang tungkol dyan," sagot naman ni Scarlett.

"Usap - usapan iyon sa lahat ng halos daang libong taon na ang nakalipas at ngayon ay naging kasaysayan na lamang. Ngunit hindi niya ito sinasabi kahit kanino man kung ano ang totoong nangyari, kung bakit sila naglaho gayong sila ay nagpakalayo lamang," saad naman ng tagasilbi.

"Huwag niyo pong ipagsabi ito kay Haring Kieran tiyak na papatayin niya ako dahil hindi niya ito ipinagsabi kahit kanino kahit ito ay naging kasaysayan na," dagdag pa ng tagasilbi.

"Makakaasa kang hindi ko ito ipagsasabi kahit kanino Seraphina," pangiting saad ni Scarlett.

Matapos ang pag - uusap ay pumasok sila sa silid. Ang silid na iyon napapalibutan ng maladagat na kulay. Ang kurtina nito na may kulay bughaw at ginto na nakasabit sa malaking puting bintana. Nakita ni Scarlett mula sa di kalayuan ang malapinggang mesa na natatakpan ng puting telang may mga bulaklak na desinyo. Napalilibutan ang mesa ng mga bughaw na upuang may kutsyon. Sa ilalim ng maliit na mesa at mga upuan ay nakalatag ang malabughaw at malagintong kulay na alapombra (carpet) na nakapinta ng kakaibang linyang desinyo. Sa itaas ng kisame ay may pilak na aranyang (chandelier) nakasabit at malaking salamin sa gilid ng mesa.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng mga kagamitan sa kwento.)

Inilatag ng tagasilbi ang mga kagamitan ng dalaga at hinatak ito papunta sa puting pinto. Doon ay nakita ni Scarlett ang kanyang maladagat na higaan. Ang puting kama na may puting unan at kumot ay parang bulak dahil sa lambot. Sa tabi ng unan ay may malabughaw na telang nakasabit sa kisame na siyang desinyo para sa kama. Ang pader ng silid ay nababalutan ng maladagat na kulay na may mga pintang bulaklak. Sa paanan ng kama ay may puting mesa na pinintahan ng malabughaw na linya. Ito ay may malabughaw ding upuan na may salaming nakasabit sa pader. Ang kisame ay may malapinggang hugis na may malabughaw na kulay. Ito ay nakaharap sa puting kama na kapag titingnan ay tila isang maliwanag na kalangitan.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng mga kagamitan sa kwento.)

Inilibot ni Scarlett ang kanyang mga mata sa silid. Hindi niya inakala na ganoon kaganda ang silid na may rebultong taong ibon sa labas ng pinto.

"Espisyal ang lugar na ito, natitiyak akong importanting silid ito para kay Kieran," saad ni Scarlett.

"Siguro nga po espisyal ito pero hindi ko naman nakikita si Haring Kieran na pumupunta dito," sagot naman ng tagasilbi.

Napansin ni Scarlett na nagpalinga - linga ang tagasilbi habang ito ay nakikipag - usap sa dalaga hanggang sa hinawakan siya ng tagasilbi mula sa braso at bumulong sa dalaga.

"Scarlett ... may sasabihin ako sa'yo," saad ng tagasilbi.

"Ano iyon Seraphina?," sagot naman ni Scarlett.

"May natagpuan akong mahiwagang daanan sa silid na ito. Nakita ko iyon kahapon ng naglilinis ako dito," saad naman ng tagasilbi ng pabulong.

"Talaga Seraphina? Naku! Ipakita mo sa akin pakiusap," pananabik na saad ng dalaga.

"Oh sige po pero huwag po kayong maingay baka marinig tayo ng mga ibang bampirang tagasilbi," saad naman ng tagasilbi.

"Oh sige," pabulong na saad ni Scarlett.

Hinatak niya ulit ang dalaga papunta sa silid paliguan. Doon sa paliguan ay nadatnan nila ang malabuhaw na banyera (bathtub) na sa tabi ay may maliit na malabughaw na aparador. Sa itaas ng aparador ay may tatlong mahahabang salaming hugis bahay. Ang salamin ay may lalagyan ng kandila sa gilid at sa lababo ng aparador ay may nakalatag ng mga kagamitan. Napapalibutan ang pader ng kahating puting pinta
at kalahating kulay bughaw.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng mga kagamitan sa kwento.)

Itinuro ng tagasilbi ang maliit na aparador sa dalaga. Dahan - dahan silang pumunta sa aparador at binuksan ito. Sa pagbukas nila sa aparador ay nakita ni Scarlett ang hagdanan. Tiningnan niya ang tagasilbi at ngumiti ito sa kanya.

"Scarlett, gusto niyo po bang pumasok sa loob ng daanang iyan? Teka kukunin ko lang 'tong tuwalya," saad ng tagasilbi.

"Pwede bang samahan mo ako sa loob?," paanyaya ni Scarlett.

"Oh sige po, nakapasok na rin po ako diyan. Magagandahan po kayo sa loob ... natitiyak ko 'yon," saad ng tagasilbi.

"Naku nasasabik na akong pumasok, pasok na tayo Seraphina," pagmamadaling sagot ni Scarlett.

Pumasok nga sila sa loob ng aparador. Dahan - dahan silang humakbang sa hagdanang yari sa bato. Gayon na lamang ang pagkataka ng dalaga kung bakit may lagusan sa paliguan kaya ay tinanong niya ang tagasilbi.

"Am ... Seraphina, bakit may lagusan dito?," saad ni Scarlett.

"Tiyak ko pong ginawa ito ng sinaunang kaibigan ni Haring Kieran at natitiyak ko rin pong hindi ito alam ng hari," saad ng tagasilbi.

"Ngunit bakit kaya ito ginawa ng kanyang kauna - unahang kaibigan?," patanong ni Scarlett.

"Yon nga po ang nakapagtataka. Ngunit isa lang po ang masasabi ko, ito ay mahiwagang lagusan papunta sa lugar na kinalakihan ko," saad ng tagasilbi.

"Lugar na kinalakihan mo?," pagtatakang saad ni Scarlett.

"Oo, hali na po kayo ... may ipapakita ako sa inyo," saad ng tagasilbi.

Mula sa di kalayuan ay nakita ni Scarlett ang madilim na lugar na nababalutan ng mga mala bughaw at malaluntiang liwanag na tila ay mga bintuin mula sa madilim na kalangitan. Sa loob ng lugar na iyon ay may tubig na dumadaloy sa lupa na tila ay may karugtong ito mula sa dulo.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Pumasok siya sa loob ng madilim na lugar at napakapit sa tagasilbi.

"Ito ay isang kweba Scarlett, kapag sinundan natin ang liwanag na ito ay matatagpuan natin ang napakagandang paligid," paliwanag ng tagasilbi.

"Kakaiba ito Seraphina," saad ni Scarlett.

Sinundan nga nila ang mga bituing ilaw at dahan - dahang naglakad mula sa tubig na nasa lupa ng kweba. Ilang minuto ding nakalipas ay nakita nila ang liwanag sa labas ng lagusan.

Doon sa labas ng lagusan ay nakita nila ang magkahalong malabughaw at malaluntiang kulay ng tubig. Naroroon pa rin sila sa loob ng kweba ngunit ang kaibahan lamang ay mas maliwanag sa lugar na iyon na tila ay may sinag ng araw.

Napatingin si Scarlett sa itaas ng kweba at nakita ang mga batong may kakaibang kulay. Ang kulay nito ay katulad ng kulay ng tubig sa kweba na may malakape at malaabong kahalong kulay. Ang mga bato sa kweba mula sa itaas ay may malaarkong hugis na katulad sa daanan papunta sa kanyang silid.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Tiningnan ng tagasilbi ang dalaga at ininyayahan niya itong maligo sa tubig ng kweba. Ngunit bago pa man sumang - ayon si Scarlett ay nakita niyang nag - iba ang kulay ng mga binti ng tagasilbi. Nagulat siya dahil ang mga binti nito ay naging katulad ng balat ng isda. Ang kulay nito ay naging puting may mga umiilaw na kristal na nagliliwanag. Gayo'n na lamang ang pagkabigla ng dilag na halos napalaki ang kanyang mga mata.

"Se ... Seraphina ... ang iyong mga binti," saad ni Scarlett na may halong pagkabigla.

"Nagliliwanag ito sa tuwing nakakaapak ako sa tubig, ipapakita ko po sa inyo," pangiting sagot ng tagasilbi.

Agad hinubad ng tagasilbi ang kanyang damit at lumublob sa tubig ng kweba. Sa paglublob niya sa magandang tubig ay naging buntot ng isda ang kanyang mga paa. Gayon na lang ang pagkagulat ni Scarlett dahil hindi niya inakalang ang kanyang bagong kakilala ay isa pa lang serena.

Iniwagayway ng tagasilbi ang kanyang buntot na may malabahag - haring kulay mula sa tubig. Dahil sa pagkalublob niya ay nabasa ang kanyang malagintong mahabang buhok at ang kanyang maladagat na mga mata ay nadungisan ng tubig mula sa kweba.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

Namangha si Scarlett sa kanyang nakita dahil ito ang kauna - unahang pagkakataong makakita siya ng serenang may magandang kulay na buntot. Dahil sa pagkamangha niya ay agad niyang hinubad ang kanyang damit at dali - daling lumublob din sa tubig.

"Seraphina ikaw pala ay serena. Ngunit kakaiba ang iyong kulay sa serenang nakita ko sa gilid ng daanan," saad ni Scarlett habang nakalublob sa tubig.

"Ah ... ang nakita mo ay mga batran (gray mermaid). Isa silang uri ng serena na nagbabantay at mandirigma sa palasyo. Mayroon din silang kaakit - akit na tinig upang bihagin ang kalaban at lunorin ito sa dagat hanggang sa mamatay," sagot naman ng tagasilbi.

"Ano naman ang kauri mo Seraphina?," pagtatakang saad ni Scarlett.

"Kauri ko ang mga alba (white mermaid). Ang mga serenang katulad ko at ng aking mga kasamahan ay nanggagamot katulad ng mga mangkukulam ngunit mas marami kaming alam kaysa sa kanila. Naghahatid din kami ng kapayapaan sa mga nilalang na nawawala mula sa karagatan," sagot naman ng tagasilbi.

"Gayon ko lang nalaman na nahahati pala sa dalawang uri ang mga serena," saad naman ni Scarlett.

"Gano'n na nga Scarlett, katulad mo rin ay naramdaman kong may kakaiba kang katanginan ngunit mag - iingat ka sa katangiang ito dahil maari mo itong ikapahamak," saad ng tagasilbi.

"Nauunawaan ko ang iyong pahiwatig Seraphina," saad naman ni Scarlett.

Mula sa di kalayuan ay napansin ng dalawa na may gumagalaw sa tubig ng kweba habang sila ay nag - uusap. Sa kanilang harapan ay may bumulaga sa kanila. Dahil sa may biglang bumulaga sa kanila ay tumalsik ang tubig sa kanilang harapan.

Nakita nila ang isang batang serena na nakatingin sa kanilang harapan. Ito ay nakangisi na halos umabot na sa kanyang tenga. Nang makita ito ng tagasilbi ay napakunot noo ito sa batang serena.

"Vera! Bakit nandito ka!," saad ng tagasilbi.

"Eh kasi naman ate naramdaman ko ang iyong presensya dito kaya agad akong pumunta," saad naman ng bata.

"Sino siya Seraphina?," pagtatakang saad ni Scarlett.

"Siya si Vera, ang aking bunsong kapatid. Naninirahan kami sa isla malapit lamang sa kwebang ito," sagot naman ng tagasilbi.

"Sige na nga babalik na ako doon sa isla basta umuwi ka na pagkatapos ng paninilbihan sa palasyo," pakunot noong saad ng bata.

"Oo na! Uuwi din ako... umuwi ka na doon mapapahamak ka kapag tumuntong ka sa lupa," saad ng tagasilbi.

"Oh sige na nga uuwi na ako," sagot naman ng batang serena.

Napangiti si Scarlett sa bata dahil sa matamis nitong ngiti kani - kanina lang. Kumaway siya sa bata hudyat ng pamamaalam dahil aalis na pala ang musmos na serena. Umalis nga ang batang serena sa kweba at umuwi sa isla. Matapos no'n ay bumalik na sina Scarlett at ang tagasilbi sa silid paliguan at agad isinara ang bughaw na aparador.

~~~•••~~~

Continue Reading

You'll Also Like

374K 12.5K 55
Nilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito. Naaninag ko ang pam...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
77.5K 3.3K 27
Angel discovered a mysterious door in the middle of the lane. She went in and realized that beyond the door is a world where witch, elves, werewolves...
802K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...