TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

REMINISCE

1.4K 55 39
By simply_author

Hi guys!

Alam nyo natutuwa ako kasi nagagandahan kayo sa updates ko pero sa sobrang tuwa nyo ayaw nyo ng ipatapos sakin yung story😂 wag naman ganun haha. Pagawin nyo naman ako ng ibang story kasi gagawa pa ko ng Book ko😂😆. Ipahinga muna natin ang KAYEAH malay nyo after a year bumalik sila hahaha chaaarr!!

Nga pala. Konti pa lang nagpapasa ng design ng shirt sakin! Anu ba? Tutuloy pa ba natin to? Nang aanu kayo eh!😂 Aayaw ako sige kayo! Sayang ang CD at ang T-shirt😁😂.

Wait ko gang JUNE 12 guys ha.

Thank you!

Enjoy!!!








*****


REAH'S P.O.V.

"Okay na po lahat para bukas nakausap ko na din yung friend ko pinareserved nya na yung resort nya for us. Oh di ba ang bongga." Sabi ni Jessy habang kumakain kaming lahat ng dinner.

"Buong resort?!" Gulat at sabay sabay na tanong namin.

"Ay ang galing sabay sabay silang nagtanong. Syempre hindi! Chika ko lang yun. Basta sabi nya sakin pagpunta natin dun may mga rooms na for us." Natatawang sagot ni Jessy.

"Aaahh." Sabay sabay na naman kami.

"Ikaw naman kasi Jessy linawin mo ginugulat mo kami eh." Natatawang sabi ni Mama.

"Hindi na kayo nasanay sakin Tita." Sagot ni Jessy.

"Nakakaexcite na bukas. Sana bukas na." Excited na sabi ni Kamille.

"Wag masyadong maexcite baka di ka makatulog." Pang-iinis ni Jed.

"Grabe ka. Syempre matutulog naman ako." Sagot ni Kamille.

"Ready na ba gamit nyo?" Tanong ni Tito.

"Ready na!" Sabay na sagot ni Kamille at Jed.

"Ikaw Kaye?" Tanong ni Tito kay Kaye napatingin kami sa kanya. Wala pa syang naaayos dahil buong araw lang kaming magkasama.

"Wala pa po. Uuwi na lang ako mamaya para kumuha ng gamit." Sagot nya.

"Bumalik ka din agad. Dito ka na matulog para sabay-sabay na tayong umalis ng maaga bukas." Utos ni Mama.

"Sige po Tita." Sagot ni Kaye.

"Pinapauwi na kasi kita kanina ayaw mo pa." Mahinang sabi ko at sinigurado kong si Kaye lang yung makakarinig.

"Kung umuwi ako walang mangyayari." Nakangising sagot nya sabay tingin sakin.

Hindi na ako nakapagsalita. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napainom na lang ako ng tubig. Pinipilit ko yung sarili ko na hindi mapangiti ng dahil sa sinabi nya pero hindi ko talaga kayang pigilan lalo na't naaalala ko pa lahat ng nangyari kanina sa kwarto ko.

"Gusto mong sumama?" Aya ni Kaye. Napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

"Sumama sa Condo?" Tanong nya.

"Ahh.. Hindi ko alam." Napangiti sya sa sagot ko.

"Samahan mo na lang ako. Alam ko naman halos lahat ng gamit mo nasa Condo pa." Nakangiting sabi nya.

"Okay sige." Simpleng sagot ko.

Hindi na nagsalita si Kaye tinapos nya na lang yung pagkain nya. Nagkanya-kanya na ding kwentuhan ang lahat samantalang kaming dalawa ni Kaye tahimik lang. Hindi ko alam kung anung nasa isip nya pero kung anuman yun sana parehas kami. Napangiti na lang ako habang tinitignan ko syang kumain.

Lumipas na ilang minuto natapos na din kaming lahat. Nagpaalam lang kaming dalawa ni Kaye na aalis at pupunta sa Condo nya. Akala ko hindi pa ako papayagang sumama sa kanya dahil baka daw mabinat ako pero mapilit si Kaye. Gusto nya kong isama at hindi ko alam kung bakit. Siguro namiss lang nya kong kasama.

Habang nasa byahe kaming dalawa nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tahimik kaming dalawa pero okay lang kasi ganito din naman kaming dalawa dati pa kahit nung hindi pa kami nag-away.

"Masama pa ba pakiramdam mo?" Biglang tanong nya. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman na. Medyo okay na ko." Nakangiting sagot ko.

"Sure ka?" Tanong nya. Tumango lang ako para sagutin sya ng Oo.

Tahimik na ulit si Kaye. Hindi na sya nagtanong ulit. Binuksan nya na lang yung radio nya at nagpatugtug. Medyo traffic kaya ang bagal ng byahe namin. Ganun pa din ako, busy na nakadungaw sa labas. Maya-maya lang napatingin ulit ako kay Kaye ng marinig kong kumakanta sya.

"Bakit?" Tanong nya. Napatingin sya sakin pero saglit lang at binalik nya din agad yung tingin nya sa daan.

"Wala lang." Nakangiting sagot ko.

"Akala ko may problema ka sa boses ko." Natawa ako sa sinabi nya.

"Wala. Ang ganda-ganda ng boses mo eh. Nagulat lang ako kasi ngayon ko na lang ulit narinig na kumanta ka." Paliwanag ko.

"Namiss mo?" Nakangising tanong nya.

"Sobra." Napatingin sya sakin sabay ngiti.

Hindi na sya nagsalita ulit at nagdrive na lang. Hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng mga ngiti nya. Masyadong pamisteryoso si Kaye ngayon kaya ang dami-dami ko tuloy naiisip.

Malapit na kami sa Condo nya ng may bigla akong nakita na pamilyar sakin.

"Meron pa rin pa lang ganito dito." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Oo meron pa bakit ngayon mo lang nakita?" Tanong nya. Binagalan nya bigla yung pagdadrive nya.

"Oo. Hindi ko kasi napapansin to pagpauwi na ako iba kasi yung way ko."

"Gusto mong bumaba?" Tanong nya. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi okay lang at saka kailangan nating bumalik agad mag-aayos ka pa ng gamit mo." Sagot ko habang nakatingin sa mga nakahilerang tindahan ng mga street-foods na napakamemorable para sakin.

Hindi na nagsalita si Kaye. Nagdrive lang sya pero nagulat ako ng bigla syang lumiko at nagdahan-dahan. Napatingin ulit ako sa kanya.

"Kaye? Anung ginagawa mo?" Tanong ko pero hindi nya ko sinagot.

"Kaye sabi ko okay lang kahit wag na. Hindi ko naman---"

"Gusto ko Reah." Pinutol nya yung sinasabi ko. Hindi na ako nakapagsalita hanggang sa nakapagpark na sya.

"Suot mo na lang to." Sabi nya sabay lagay sa ulo ko ng sumbrero nya.

Bumaba na ng kotse si Kaye habang ako nasa loob pa din at inaayos yung pagkakalagay ng sumbrero sa ulo ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kaye. Pagkalabas ko tumingin ako sa kanya. Nakangiti lang sya kaya napangiti na lang din ako.

"Tara." Aya nya sabay hawak sa kamay ko.

"Kakain ka ba?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Kakain tayo." Sagot nya.

"Busog pa ko Kaye kakakain lang natin ikaw na lang."

"Sure ka? Hindi mo ba namiss to?" Nakangiting tanong nya pagkahinto namin sa mga nakahilerang tindahan ng street-foods.

Hindi ako nakasagot. Napangiti na lang ako. Namiss ko to. Hindi yung pagkain kundi yung memories na nagawa naming dalawa sa lugar na to.

Hindi na din nagsalita si Kaye. Busy na sya sa pagbili ng makakain naming dalawa habang ako natatawa lang sa kanya. Alam ko busog pa ako pero ngayon na lang kasi ulit nangyari to kaya kakain na lang din ako.

Habang kumakain kaming dalawa ng kung anu-anung mapili ni Kaye may bigla akong naalala.

"May fireworks display pa din kaya sila dito?" Tanong ko.

"Hindi ko lang alam baka meron pa." Sagot nya.

"Ate may fireworks display pa din po ba sila dun sa park?" Tanong ko sa tindera.

"Meron pa po mamaya maya magstart na sila." Nakangiting sagot sakin ng tindera.

"Salamat." Nginitian ko din sya sabay tingin kay Kaye.

"Talagang nagtanong ka pa." Natatawang sabi ni Kaye.

"Gusto ko lang masigurado. Tara nuod tayo." Para na naman akong bata dahil sa mga ngiti ko at halatang excited akong makakita ulit ng fireworks kasama sya.

"Manunuod talaga tayo." Nakangiting sabi nya.

"Yehey." Tuwang tuwang sabi ko.

"Ay wag na pala. Nagmamadali tayong umuwi di ba? Tara." Sabi nya sabay lakad papunta sa kotse nya.

"Hala grabe sya! Kaye!" Sigaw ko pero hindi nya ko pinansin dumiretso lang sya. Ang sama na naman ng ugali nya.

"Bahala ka. Umuwi ka mag-isa basta ako manunuod ako." Pagmamatigas ko. Naglakad ako papunta ng park at hinayaan ko na sya.

"Hindi ka na mabiro." Natatawang sabi nya habang sumusunod sakin.

"Ewan ko sayo." Naiinis na sabi ko.

"Joke lang yun syempre gusto ko din manuod dadalhin ba kita dito kung ayaw ko?" Nakangising tanong nya.

Hindi na ko nagsalita naglakad na lang ako. Maya-maya lang hinawakan nya ko sa kamay. Napatingin ako sa kanya. Nginitian nya lang ako.

"Wag mo kong ngitian ng ganyan." Sabi ko.

"Bakit? Nagwagwapuhan ka?" Natawa ako sa tanong nya.

"Bigla yata akong nilamig. Lakas ng hangin." Natatawang sabi ko. Natawa na lang din sya.

Naghanap na kami ng pwesto naming dalawa. Ang dami ng tao at ang daming nagdi-date. Napangiti na lang ako sa idea na nagdi-date din kaming dalawa ni Kaye ngayon gaya nila.

"Ang daming tao dito na lang tayo." Sabi nya sabay upo sa upuang nakita nya. Hindi na ako nagsalita sinunod ko na lang sya.

Tinignan ko ulit si Kaye nakasumbrero din naman sya gaya ko sana walang makakilala sa kanya dito dahil sa oras na mangyari yun yari kaming dalawa. Baka dumugin sya dito hindi ko yata kayang maging marshall nya.

Habang hinihintay namin magsimula napatingin lang ako sa paligid. Nakakatuwa talaga na nandito ulit kaming dalawa. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon dati na bumalik dito dahil nagkahiwalay din naman kami kaagad.

"Okay ka lang?" Tanong nya. Napatingin ako sa kanya sabay ngiti.

"Oo naman."

"Tahimik ka kasi baka kasi mamaya masama na naman pakiramdam mo hindi mo lang sinasabi." Sabi nya sabay hawak sa ulo ko at pinasandal nya ko sa balikat nya. Ang sweet nya ngayon kinikilig ako.

"Tahimik ako kasi may naaalala ako." Sabi ko habang nakapatong yung ulo ko sa balikat nya.

"Naaalala ang alin? Yung first date natin dito?" Natatawang tanong nya. Tumingin ako sa kanya.

"Date ba yun? Hindi naman date yun kumain lang tayo nun dito kasi gutom ka tapos hinila mo ko papunta dito." Natatawang sagot ko.

"Oo naaalala ko yun." Nakangiting sabi nya.

"Sobrang tagal na nun 5 years na yata." Sabi ko sabay balik tingin sa mga taong naghihintay din ng fireworks gaya namin.

"Dun nagsimula lahat." Nagulat ako sa sinabi nya.

"What do you mean?" Tanong ko. Inalis ko na pagkakapatong ng ulo ko sa balikat nya.

"Dun nagsimula lahat satin." Sagot nya.

"Dun ba? Bakit inlove ka na ba nun sakin?" Natatawang tanong ko.

"Hindi pa? Hindi ko alam pero..."

"Pero anu?"

"Pero para sakin nung mga panahong yun especial yung araw na yun." Nakangiting sagot nya.

"Talaga? Kung sa bagay natatandaan ko after nun nakapag-usap na tayo ng maayos. Hindi mo na din ako madalas napapagalitan at for the first time nakapag-usap tayo ng matagal pagkabalik natin sa condo mo." Nakangiting sabi ko. Naaalala ko pati yung kasunduan naming dalawa.

"Oo dahil sa isang tanong isang utos na kasunduan natin." Natatawang sabi nya.

"Naaalala mo pa yun. Nakakatawa lang no? Sobrang bata pa talaga natin nun at talagang nakaisip tayo ng ganung set-up." Natatawang sabi ko.

"Ikaw lang naman nakaisip nun." Sabi nya.

"Hoy! Hindi kaya ako. Ikaw kaya nakaisip nun. Ikaw pa nga gumawa ng contract natin. Ooh sabihin mong hindi. May pacontract contract ka pa dyan." Natatawang sabi ko.

"Hindi ako. Ikaw!" Ayaw nya talagang magpatalo. Natatawa na lang ako.

"Ikaw may gawa nun. Grabe kaya ang sama ng ugali mo nun sakin samantalang si Nicky dati sobrang bait sakin." Sabi ko.

"Eh bakit hindi sya pinili mo?" Nakangising tanong nya. Kung dati kapag nasasabi ko pangalan ni Nicky sa usapan namin nagagalit sya pero ngayon parang baliwala na lang kasi okay na kaming lahat.

"Kasi hindi sya yung mahal ko at saka wala na kong magagawa naunahan mo sya eh." Natatawang sagot nya.

"Kung nagkataon pa lang nauna si Nicky sa panliligaw sayo sya sasagutin mo?" Tanong nya.

"Actually nauna naman talaga sya." Nakangiting sagot ko.

"Nauna sya? Bakit sabi mo kanina naunahan ko sya?" Tanong nya.

"Naunahan mo syang makuha ako pero mas nauna syang magsabi sakin na manliligaw sya pero hindi ko sya pinayagan at ang dahilan ko sa kanya kasi masyado akong nabibilisan pero yung totoo hindi ako sigurado sa kanya nung mga panahon na yun kasi..." Pabitin na sagot ko.

"Kasi mahal mo na ko?" Nakangising tanong nya.

"Kasi nalilito ako." Sagot ko.

"Nalilito ka? Bakit?"

"Nalilito ako kasi kahit saan ako magpunta wala akong ibang iniisip kundi ikaw. Kahit sobrang inis na inis at galit na galit ako sayo dati ikaw pa din palagi kong hinahanap. Alam mo yung kahit si Nicky yung nasa harap ko ikaw pa din yung iniisip ko. Yung palagi kong tinatanong yung sarili ko na paanu kaya kung ikaw kasama ko? Anu kayang gagawin mo? Anu kayang sasabihin mo sakin? Pagagalitan mo ba ako kasi ginawa ko yung bagay na ayaw mo? Alam mo yun? Kaya nung time na sinabi sakin ni Nicky na gusto nya ako at gusto nya kong ligawan humindi ako sa kanya kasi alam ko magiging unfair ako sa kanya at saka naisip kita. Baka kasi magalit ka sakin kapag nalaman mong kami na."

"Anu naman ngayon kung magalit ako?" Tanong nya.

"Ayaw ko kasing nagagalit ka sakin dati. Ewan ko ba kung bakit iwas na iwas akong gumawa ng mga bagay na magpapabadtrip sayo dati mas inuuna ko pang isipin yung nararamdaman mo samantalang ikaw wala kang paki sakin." Sagot ko.

"Nadala ka ng pagiging masamang ugali ko sayo." Natatawang sabi nya.

"Oo nga! Ewan ko ba! Kahit ayaw ko sa ugali mo kasi sobrang sama mo talaga ikaw pa din yung pinili ko." Nakangiting sabi ko.

"Ganun naman talaga. The more you hate the more you love." Nakangiting sabi nya.

"Yes at naniniwala na ko dun simula ng maging tayo. Grabe ang dami nating kalokohan dati." Nakangiting sabi ko.

"Parehas tayo. Ngayon lang din ako naniwala sa kasabihang yun." Nakangiting sabi nya.

"Bakit? Hate mo ba ko nun?" Tanong ko.

"Oo kasi napakapasaway mo."

"Hindi naman ako pasaway maarte ka lang talaga."

"Sinung maarte? Ako? Hindi kaya. Mas maarte ka sakin lalo na kapag kaharap mo si Nicky naiinis ako sayo masyado kang pa-cute."

"Hoy! Anung pa-cute hindi ah!"

"Oo kaya!"

"Hindi no! Ang sabihin mo nagseselos ka lang nun kaya naiinis ka."

"Hindi no."

"Asus. Nagseselos ka nun. Napaseloso mo kaya."

"Oo na! Nagselos na ko dati kasi mahal kita at ayaw kong nakikitang may iba kang kasama at may ibang dumidikit at nagpapasaya sayo. Gusto ko ako lang." Ang diin ng pagkasabi nya. Hindi ko alam kung may gusto ba syang palabasin sa sinabi nyang 'gusto nya sya lang'.

"Alam ko." Simpleng sagot ko. Umiwas sya ng tingin sakin.

"Ang tagal namang magsimula." Segway nya. Iniba nya na agad yung usapan. Mukhang tama ako may pinanghuhugutan nga sya dun sa sinabi nya.

"Magsisimula na din yan hintayin na lang natin." Sabi ko.

Pagkasabi ko nun hindi na nagsalita si Kaye. Tumingin na lang sya sa cellphone nya. Mukhang nagtext na sa kanya si Tita. Matagal tagal na din kaming nandito at hindi pa din kami nag-aayos ng gamit namin.

Habang busy si Kaye sa cellphone nya may bigla akong naisip na itanong sa kanya.

"Kaye?" Tawag ko. Napatingin sya sakin sabay bulsa ng cellphone nya.

"Bakit?"

"Itatanong ko lang kasi naisip ko lang bigla. Natatandaan mo pa ba kung bakit tayo naghiwalay dati?" Tanong ko.

"Bakit mo natanong?" Tanong nya pabalik sakin.

"Wala lang gusto ko lang malaman kung kailan mo narealized na mahal mo talaga ako at hindi mo na lang itutuloy yung plano mo?" Tanong ko. Halatang nagulat sya sa sinabi ko dahil hindi sya nakapagsalita agad.

"Hindi ko naman talaga gustong gawin yun." Sagot nya.

"Pero bakit ginawa mo?"

"Hindi ko ginawa Reah. Sinunod ko lang kung anung nararamdaman ko." Napangiti ako sa sagot nya.

"Eh di ba plano mo nun na ligawan at pasagutin ako kasi gusto mong makaganti kay Nicky?" Tanong ko ulit.

"Oo plano ko yun nung una pero hindi ko ginawa kasi ayaw kong saktan ka. Yung ligawan at pasagutin ka ayun lang yung ginawa ko."

"Kailan mo naisip na baguhin yung plano mo?" Tanong ko.

"Simula nung..." Napahinto sya bigla.

"Simula nung? Alin?" Tanong ko.

"Nung may sinapak ako ng dahil sayo." Natawa ako sa sagot nya.

"Si Jake." Natatawang sabi ko. Naalala ko pa yung gabi na yun sa bahay nila Kim.

"Oo sya nga. Hindi ko alam kung bakit kasi nakikipag-usap ka sa mga ganung tao." Naiinis na sabi nya.

"Hindi ko sya kinausap at saka kung hindi nangyari yun malamang hindi ka natauhan." Nakangiting sabi ko.

"Kung sa bagay ayun din yung araw na umamin ako sayo na gusto kita. Totoo lahat ng sinabi ko nun sayo Reah. Totoo lahat ng pinakita ko sayo at niisa dun walang halong pagpapanggap. Gusto na kita nun kaya naiinis ako kapag kasama mo si Nicky. Nasasaktan ako kapag nakikita kong masaya kang kasama sya. Kaya nung time na yun sinabi ko sa sarili ko na dapat sakin ka mapunta at hindi sa kanya baka kasi saktan ka lang din nya."

"Gaya ng nangyari kay Jane?" Nagulat sya sa tanong ko.

"Iba si Jane. Oo naisip ko na baka matulad ka sa kanya pero naisip ko na iba ka. Iba yung sitwasyon nating dalawa sa sitwasyon namin noon ni Jane. Gusto ko kasing ipakita kay Nicky na mas kaya kitang alagaan kaysa sa kanya. Pero dati sa totoo lang buong akala ko si Nicky talaga yung gusto mo pero kahit ganun yung nasa isip ko hindi ako nagdalawang isip na subukang ligawan ka. Kaya nagulat ako nung nag I love too ka sakin nung nasa condo tayo. Sobrang saya ko nung mga panahong yun." Nakangiting kwento nya.

"Bakit mo ba ko nagustuhan?" Tanong ko.

"Kasi iba ka. Pasaway ka kasi at palaging sablay." Sagot nya.

"Dahil lang dun kaya mo ko nagustuhan?" Natatawang tanong ko.

"Oo. Kasi napaparanoid ako sa tuwing hindi kita nakikita at kasama. Gaya mo palagi kitang iniisip nun baka kasi mamaya kapag wala ako sa tabi mo kung anu-anu ng gawin mo at madisgrasya ka na naman. Pasaway ka pa naman." Natawa ako sa sinabi nya.

"Bakit tumatawa ka?" Tanong nya.

"Wala lang. Nakakatawa lang kasi naalala ko yung mga kapalpakan ko dati. Sobrang lampa ko pa." Natatawang sabi ko.

"Buti alam mo! Kaya ayaw kong nahihiwalay ka sakin kasi kinakabahan ako sayo. Baka may mabalitaan na lang ako bigla na may masama na namang nangyari sayo."

"Kaya pala bigla kang naging concern sakin dati kasi yun pala mahal mo na ko." Nakangiting sabi ko.

"Oo. Mahal kita kahit na pasaway ka."

Pagkasabi ni Kaye nun bigla ng nagliwanag yung paligid. Nagsimula na yung fireworks display. Napatingin kaming dalawa sa langit. Nakangiti lang ako habang nanunuod. Naramdaman ko yung kamay ni Kaye na humawak sa likod ko at inakbayan ako. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya habang nanunuod. Halatang masaya sya dahil kitang kita yun sa mga mata nya.

"Mahal din kita." Sabi ko. Napatingin sya sakin sabay ngiti. Napangiti na lang din ako at napayakap sa kanya. Niyakap nya ko pabalik.

"Thank you." Mahinang sabi ko.

"Para saan?" Tanong nya habang nakayakap pa din sakin.

"Sa gabing to. Kung hindi ka huminto hindi mangyayari to. Hindi sana ako magiging masaya ng ganito."

"Happy ka?" Tanong nya.

"Sobra kasi kasama kita."

"Ako din." Pagkasabi nya nun inalis ko na pagkakayakap ko sa kanya.

"Gawin ulit natin to sa susunod ha. Tara na para makauwi na din tayo." Aya ko sabay tayo. Hinawakan nya ko sa kamay ko.

"Reah." Tawag nya habang nakaupo pa din sya.

"Anu yun?" Tanong ko.

"Bakit ako?" Tanong nya.

"Anung bakit ikaw? Anung ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Bakit ako yung pinili mo?"

"Bakit naman hindi?" Natatawang tanong ko pero seryoso sya.

"Bakit ako? Bakit ako pa at hindi na lang yung iba na pwedeng magbigay ng normal na buhay sayo?" Nagulat ako sa tanong nya. Nawala bigla yung ngiti sa mukha ko at napaupo ulit ako.

"Bakit naman hindi ikaw? Kaye. Hello? Ang dami kayang nagkakandarapa sayo na pwede kong maging kaagaw sayo. Ang dami kayang babae dyan na handang gawin lahat para lang sayo at mas kaya pang higitan yung pagmamahal na binibigay ko sayo. Mas madaming mas maganda sakin sobrang dami nila sa totoo lang at lahat sila isang ngiti mo lang pwede mo ng makuha tapos tatanungin mo ako kung bakit ikaw? Kaye mahal kita kaya ikaw yung pinili ko kasi mahal kita at sapat ng dahilan yun para magstay ako sa tabi mo. Hindi ko kailangan ng ibang tao para bigyan ako ng normal na buhay kasi mas kailangan ko yung isang taong magkukumpleto ng buhay ko at ikaw yun." Pagkasabi ko nun napangiti ko sya.

"Thank you." Nakangiting sabi nya.

"Para saan?" Tanong ko.

"Kasi pinakita mo sakin na pwedeng maging posible yung mga imposibleng bagay. Basta gusto mo, makukuha mo. At mangyayari lahat basta maniwala ka lang. Marami akong natutunan sayo Reah. Sobrang dami." Naiiyak ako sa sagot nya.

"Parehas lang naman tayo Kaye. Sabay tayong natuto sa mga napagdaanan natin. Sobrang dami na kasi sobrang tagal na natin. Hindi man naging tuloy-tuloy yung relasyon natin. Naghihiwalay man tayo palagi hindi na importante yun kasi ang mas mahalaga alam natin kung sinung babalikan natin. I love you Kaye." Naiiyak na sabi ko. Niyakap ko sya.

"I love you Reah." Napangiti ako sa sagot nya.

Masaya ako at okay na kaming dalawa. Sana totoo na to. Sana okay na talaga kami dahil sisiguraduhin ko na hindi na ulit ako makakagawa ng isa pang pagkakamali sa kanya.

Hindi na.


















































































(AUTHOR'S NOTE😊: Alam ko maraming nakamiss nito kaya mag-iinsert ako ng.... haha alam nyo na yun. Isa lang to at last na to sinagad ko na dahil ayaw ko ng ulitin kasi ang hirap!(whoooo ang hirap!😂) kaya mag-enjoy sana kayo. Marami kasing nagrerequest kaya pagbibigyan ko kayo😂. Natagalan ako dahil dito. Megad!!!! Kikal patawad😂. Paalala lang kung ayaw nyo ng scene wala akong paki!😁😂✌ chaarr! Wag nyo ng basahin kung ayaw nyo😂. Eto na enjoy.)














*****


"Tama na siguro to." Sabi ko pagkatapos kong ilagay sa bag yung damit naming dalawa ni Kaye.

"Ang dami na nyan." Natatawang sabi nya.

"Hayaan mo na para marami kang pagpilian." Nakangiting sabi ko habang pinipilit kong isara yung bag.

"Hay anu pa nga bang magagawa ko eh nailagay mo na." Lumapit sya sakin at tinulungan akong isara yung bag.

"Thanks." Sabi ko sabay halik sa pisngi nya. Pumunta ako sa damitan nya para ayusin yun kasi nagkalat na lahat ng damit namin kakahanap ko ng pangswimming ko.

"Okay na to tara na baka nag-aalala na sila satin anung oras na di pa tayo nakakabalik." Pagkasabi ko nun sinara ko na yung damitan nya.

"Mamaya na." Sabi nya sabay hawak at yakap sakin.

Nakatalikod ako sa kanya. Nakayakap sya sa bewang ko habang hinahalikan ako sa ulo ko.

"Anung ginagawa mo?" Tanong ko.

"Wala."

"Wala daw. Tara na para makapagpahinga pa tayo."

"Mamaya na Reah."

"At bakit? Anu na naman balak mong gawin natin?" Tanong ko sabay harap sa kanya.

"Wala naman bakit anu ba nasa isip mo?" Nakangising tanong nya.

"Wala akong naiisip kaya tara na bumalik na tayo." Sagot ko sabay hila sa kanya pero hindi ko sya kaya.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung anung nasa isip ko?" Nakangising tanong nya sabay hila ulit sakin palapit sa kanya.

"Hindi ko na itatanong dahil mukhang alam ko na kung anu." Nakangiting sagot ko.

Hindi na nagsalita si Kaye. Tinignan nya lang ako na para bang may sinasabi sya sakin. Hindi ko gusto yung mga ngiti nya sakin para kasing tinatablan ako. Bumilis bigla tibok ng puso ko ng unti-unti nyang nilapit yung mukha nya sakin at hinalikan yung kamay ko.

"Wag mo kong tignan ng ganyan." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Hindi sya nagsalita. Hinawakan nya ko sa pisngi ko at saka pinatingin ulit sa kanya. Hinawakan nya din ako sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya para magkadikit na kaming dalawa. Sobrang lapit nya na sakin. Nararamdaman ko yung tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Napatingin ako sa labi nya. Gusto ko na syang halikan pero hihintayin ko na lang na sya maunang gumawa nun.

"Masyado kang maraming naitanong kanina alam mo ba kung anung ibig sabihin nun?" Tanong nya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Isang tanong. Isang utos. Kaya ngayon ako naman." Sagot nya. Ang sexy ng boses nya.

"Okay." Yun lang nasabi ko. Hindi ko na kaya tong ginagawa nya. Hindi ko na maprocess ng maayos sa utak ko yung gusto nyang sabihin.

"Gusto kong sumunod ka sa utos ko at wala kang ibang gagawin kundi sundin lang ako dahil sakin ka ngayong gabi to." Pagkasabi nya nun bigla nya kong hinalikan.

Napahawak ako sa braso nya dahil sa diin ng halik nya. Hinalikan ko din sya pabalik. Naramdaman ko yung kamay nya na nakahawak sa likuran at likod ng ulo ko para hindi ako makaalis sa halik nya.

Napaatras ako. Tinutulak nya ko paatras pero inaalalayan nya ako. Alam ko kung saan nya ko gustong dalhin kaya umatras lang ako hanggang sa naramdaman kong tumama na ako sa gilid ng kama.

Hindi pa din kami humihinto hanggang sa mapaupo ako sa kama at dahan-dahan nya kong pinahiga. Saglit kaming nagkahiwalay dahil umayos ako ng pwesto ko pero saglit lang talaga dahil hinalikan nya ulit ako. Napapikit na lang ako dahil gusto ko lang maramdaman yung ginagawa naming dalawa.

Nasa ibabaw ko sya. Nakahawak ako sa likod at ulo nya pero naramdaman ko yung kamay nya na unti-unting tinanggal yung mga kamay ko na nakahawak sa kanya. Nilagay nya yung mga kamay ko sa taas ng ulo ko at hinawakan nya lang yun para hindi ko sya mahawakan.

Nararamdaman ko yung bigat nya pero wala akong pakialam dahil mas ramdam ko yung init ng katawan naming dalawa. Huminto na sya sa paghalik sakin at tinignan ako. Magkadikit pa din mga labi namin. Parehas kaming hingal na hingal dahil sa tagal ng halikan naming dalawa. Ramdam ko yung init ng hininga nya.

Maya-maya lang nilayo nya yung mukha nya sakin at hinalikan ako sa leeg ko. Napapikit ulit ako. Inalis nya na pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napayakap ulit ako sa kanya. Nararamdaman ko yung madidiin na halik nya sakin. Napadilat ako ng bigla syang huminto banda sa dibdib ko. Tinignan nya lang ako na para bang may gusto syang sabihin sakin.

Hinalikan nya ulit ako sa labi ko at naramdaman ko yung kamay nya na unti-unting tinataas yung damit ko. Hinayaan ko lang syang tanggalin lahat ng gusto nyang tanggalin at ng makontento na sya hinalikan nya ulit ako sa labi ko hanggang sa unti-unti sya bumaba papunta sa leeg ko. Nararamdaman ko init ng kamay nya na nakahawak sa dibdib ko. Nakapikit lang ako habang pinapakiramdaman lahat ng ginagawa nya sakin hanggang sa bumaba na sya ng bumaba.

Napatingin ako sa kanya at napahawak sa ulo nya. Napatingin din sya sakin at ngumiti. Isang nakakalokong ngiti yung binigay nya sakin bago nya gawin yung pinakagusto nya.












Ang angkinin ako.





Wala na kong nagawa kundi umungol na lang at bigkasin yung pangalan nya na alam kong gustong gusto nya. Nahihirapan na akong huminga. Hindi ako mapakali dahil sa ginagawa nya.

Naramdaman kong huminto sya didilat na sana ako pero bigla nya akong hinalikan ulit sa labi ko at hinawakan sa baba ko. Ang diin ng halik nya. Gusto ko syang halikan pabalik pero hindi ko na kaya dahil naramdaman ko sya...













sa loob ko.


Napahawak na lang ako ng mahigpit sa kanya habang hingal na hingal na ako dahil sa ginagawa nya. Napadilat ako at nakita ko syang nakatingin sakin. Pinapanuod nya ko. Hindi ko gusto yung tingin nya dahil naiilang ako pero alam kong nagugustuhan nya yung nagiging reaksyon ko dahil sa ginagawa nya.

Napahigpit lalo yung hawak ko sa kanya nang maramdaman kong malapit na ako. Napahinto na sya sa ginagawa nya ng maramdaman nya na yung hinihintay nya. Dahan-dahan nya akong hinalikan. Hinalikan nya lang ulit ako sa labi ko at hinalikan ko din sya pabalik kahit na hingal na hingal na ako at para bang hirap na hirap ako sa paghinga ko.

Ramdam ko yung pawis ko dahil sa init ng ginawa naming dalawa. Hindi pa din kami nagsasalitang dalawa. Huminto na sa paghalik sakin si Kaye at humiga sa tabi ko. Napayakap ako at siniksik yung katawan ko sa kanya. Niyakap nya din ako pabalik at hinalikan sa ulo ko.

"I love you." Mahinang sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

"I love you." Nakangiting sagot ko.

Magsasalita pa sana si Kaye pero napahinto sya ng biglang magring yung cellphone ko. Kinuha nya yun at inabot sakin.

Tumatawag na si Mama at ang dami nya ng missed calls kanina pa. Hindi ko narinig na nagring kanina cellphone ko dahil sa pagkabusy naming dalawa ni Kaye.

"Hello Ma."

"Hello Reah! Nasaan na ba kayo? Bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa ko tumatawag." Galit na sabi ni Mama. Napangiti ako bigla at pinipilit na hindi matawa.

"Ma sorry. Hindi ko kasi napansin na tumatawag ka. Pabalik na po kami ni Kaye inaayos lang namin yung damit namin." Hindi po ako nakasagot kasi nagmamake-love kami ni Kaye. Ayun talaga gusto kong sabihin kaya natatawa ako.

"Oh sya sige dalian nyo na para makapagpahinga na din kayo. Anung oras na kasi maaga pa tayo bukas. Hindi na namin kayo hihintayin dahil inaantok na din kami may susi ka naman ng bahay di ba. Ingat kayo ha. Pakausap naman ako kay Kaye."

"Sige po Ma. Good night po." Sabi ko sabay abot ng cellphone kay Kaye.

"Kakausapin ka daw." Sabi ko kay Kaye sabay tayo para makapagbihis na.

"Yes Ma." Sagot ni Kaye kay Mama.

May sinasabi na si Mama sa kabilang linya at tahimik lang na nakikinig si Kaye pero parang hindi sya talaga nakikinig kasi nakatingin lang sya sakin habang nagbibihis ako.

"Sige po. Good night." Pagkasabi ni Kaye nun tumayo na din sya at lumapit sakin.

"Bakit nagbibihis ka na?" Malokong tanong nya.

"Tumigil ka uuwi na tayo." Natatawang sabi ko. Natawa na lang din sya at niyakap ako.

"Tara na para makapagpahinga na tayo." Sabi ko.

"Bakit napagod ka ba?" Nakangising tanong nya.

Hindi na ako nakasagot hinampas ko lang sya sa braso nya at tinawanan nya lang ako. Hinawakan nya na ako sa kamay at kinuha nya yung bag naming dalawa. Naglakad na kami palabas.

Habang naglalakad kami napatingin ako kay Kaye. Nakangiti lang sya. Ang aliwalas ng mukha nya at ang gulo ng buhok nya pero bumagay sa kanya. Natatawa ako. Hindi ko alam na may mangyayari ngayon gabing to. Sobrang haba ng gabi ko ngayon at isang memorable na gabi na naman kasama sya.






































___________________________________________________

Wit.wit!🙈🙈🙈😁

Eto na po ang last chapter😂.

Hinihintay ko na mga comment nyo😂.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 456 17
"This story will make you feel sane because you'll either feel less alone in your crazyness or you'll realize how crazy I actually am and you'll sudd...
60.3K 953 7
Dahil niloko siya ng kapatid niya at ex niya.. naisipan niyang magrebelde at yun ay ang paggigirlfriend niya kahit babae din siya.. Maging totoo kay...
81.4K 511 51
Si Ezekiel ang Una kung naging karelasyon na Lesbian , sa kanya ko unang naranasan ang lahat-lahat . May FOREVER kaya kaming dalawa ? o katulad lang...
395K 1.4K 7
(GIRLXGIRL) SHANE BLAIRE HART..A half filipino half canadian. she's a sweet girl, pretty and smart at may pagkainosente sa mga bagay bagay.. meron di...