UNCONDITIONAL LOVE

1.8K 133 24
                                    

Hi guys!

Kamusta ang mga puso? Nakikita nyo ba mata ni Kaye? 😍😍😍 Panu kaya kung kayo si Reah? At ganyang tingin palaging nakikita nyo sa umaga, sa gabi, sa oras-oras na kasama mo sya? Papakawalan mo pa ba sya? At makakatangi ka ba pag tinanong ka nya kung pwede ka ba nyang halikan?😲😍

Alam ko sagot nyo 😂😂😂.

Hahaha tara guys! Kape tayo. Hahaha.

Isang update para Good Vibes tayong lahat!😊😊😊





Enjoy!!!

















*****





REAH'S P.O.V.





Alas kwatro na ng umaga. Gising pa din ako. Nakatingin lang ako kay Nicky. Hinihintay ko lang na magising sya. Habang si Kaye nakatulog na. Nakahiga sya sa sofa na kinauupuan ko din ngayon. Nakaunan sya sa mga hita ko. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Nicky habang hinihimas ko sa ulo si Kaye. Pinatulog ko na sya kanina pagkatapos naming magkulitan. Alam kong sobrang pagod na pagod na din sya. 


Napangiti na naman ako. Naaalala ko na naman ginawa ni Kaye kanina. May patanong tanong pa sya kung pwede nya kong halikan. Hindi nya naman na hinintay yung sagot ko. Hinalikan nya na lang ako bigla. Nakakamiss yung ganitong Kaye. Yung may pagkapilyo pero sweet.


Hindi ko alam kung anung oras babalik si Kim. Pero sana maaga-aga ng konti dahil ngayon ang alis nila Khel at Baby KC. Gusto ko pang magkaroon ng konting oras sa kanila bago sila umalis. Hindi ko alam kung kailan ako makakapunta ng Ilocos para bisitahin sila.


Maya maya lang habang nakatingin ako kay Nicky biglang nagring phone ko. May tumatawag sakin. Kinuha ko agad phone ko sa bag ko at tinignan kung sinu. Si Khel. Tumatawag sya. Sinagot ko agad.


"Hello." Mahinang sabi ko. Ayaw kong magising si Kaye.


"Reah? Sorry nagising ba kita?" Tanong ni Khel.


"Hindi Khel. Hindi pa ko natutulog."


"Ha? Wala ka pang tulog? Hindi ka man lang umidlip kahit saglit?" Galit na tanong nya.


"Khel wag kang sumigaw baka anung isipin nila Mama dyan. Okay lang ako. At saka isa pa binabantayan ko si Nicky baka magising sya bigla." Paliwanag ko.


Napabugtong hininga na lang si Khel.


TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon