GIRLFRIEND DUTIES part 2

909 54 31
                                    

Hi guys!!!

Alam nyo ba? Kasi ako di ko pa alam 😂😂😂 chaaarrr. Nakaisip na ako ng idudugtong sa story so ibig sabihin may extension tayo! Yehey! Hahaha.

Naeexcite ako sa mangyayari. Kinikilig na din at the same time hahaha. Yiieehh🤗😊.

By the way guys, sali na kayo sa Pa-GIVEAWAYS ko ha. Promise kapag yung design nyo yung nanalo hindi lang CD makukuha nyo pati yung T-Shirt at...... secret😄. So sali na guys!!!!!!

Enjoy sa update ko sana kiligin kayo!!











*****

REAH'S P.O.V.

"Oo sinabi na sakin ni Kamille kanina. Nagkita kami." Sagot ko sa tanong ni Kim habang tinutulungan ko syang magluto. Sya nakatoka ngayon na gumawa ng breakfast nila ni Nicky kaya anung oras na hindi pa din sila kumakain.

"Talaga? Nagkita kayo ni Kamille?" Gulat na tanong nya.

"Oo kahapon pa. Pa-check nga muna nito kung okay na." Sabi ko habang hinahalo ko yung niluluto ko.

"Okay na. The best ka talagang magluto pero syempre mas the best pa din si Nicky." Natawa ako sa sinabi nya. Pinatay ko na yung niluluto ko.

"Oo na. Tawagin mo na si Nicky at kanina pa gutom yun. Aalis na din ako." Sabi ko habang tinatanggal ko yung apron na suot ko.

"Wait. Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"May lakad ako." Sagot ko. Ayaw kong sabihin na pupunta ako sa Condo ni Kaye para maglinis.

"Saan?" Tanong nya ulit.

"Dyan lang. Sige na aalis na ako ha. Tawagin mo na si Nicky dahil late na kayong magbre---" Napahinto ako bigla sa pagsasalita ko ng may narinig akong familiar na boses.

"Bakit?" Tanong ni Kim.

"May bisita ba kayo?" Tanong ko.

"Bisita? Ikaw lang nam--- OMG! I forgot pupunta nga pala ngayon si Kaye!" Tuwang tuwang sabi nya sabay hila sakin palabas ng kitchen.

"Wait! What?!" Gulat na tanong ko.

"Sige na Kaye mamaya ka na umalis. Dito ka kakain di ba? At saka sasamahan pa kita sa mall show mo." Sabi ni Nicky. Halatang pinipigilan nyang umalis si Kaye.

"Kaye!!!!!" Sigaw ni Kim. Nakahawak pa din sya sakin at hila-hila ako. Napatingin saming dalawa si Kaye at Nicky.

"You're here! Ang saya. Nandito din si Reah. Kumpleto na naman tayo! Tara na sa loob para makakain na tayo nagluto si Reah." Excited na sabi ni Kim. Binitawan nya na din ako sa wakas. Napatingin na lang ako kay Kaye. Mukang hindi sya natutuwang makita ako dito.

"Kayo na lang. Aalis na ko." Sabi nya sabay lakad papunta sa kotse nya.

"No! Wait! Walang aalis. Dito ka lang." Hinarang ni Kim si Kaye sabay hawak at hila din sa kamay nya.

"Kim anu ba?! Bitawan mo nga ako." Naiinis na sabi ni Kaye. Walang nagawa si Kim kundi bitawan sya.

"Kaye tara na. Minsan na lang tayo magsamang apat. Ngayon na lang ulit oh pagbigyan mo na kami. Dito ka na magbreakfast." Aya ulit ni Nicky.

"Hindi na kayo na lang. Next time na lang." Sabi ni Kaye sabay tingin sakin.

"Sige na dito ka na magbreakfast. Don't worry aalis na din naman ako." Singit ko. Napatingin silang tatlo sakin.

"Anung aalis? Walang aalis. Period!" Sabi ni Kim sabay hila saming dalawa ni Kaye papunta sa table. Wala na akong nagawa kasi sobrang higpit ng hawak sakin ni Kim.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon