CHANGES

3.2K 164 44
                                    


"TWO HEARTS"
(THE BOOK 3)




"Sa paglipas ng panahon madaming bagay ang pwedeng mangyari sa buhay ng isang tao.
Mga bagay na gusto mo at mas madalas yung mga bagay pa na hindi mo inaasahan ang mangyayari sayo.


Expect the unexpected nga sabi nila.


Expect mo na yung mga bagay na biglaan. Yung mga bagay na kung kailan malungkot ka bigla kang sasaya kasi di mo ineexpect na sasaya ka. Tapos kung kailan masaya ka bigla ka na lang iiyak hindi dahil sa sobrang saya, kundi dahil sa sobrang sakit kasi nga di mo na naman inexpect na mangyayari yung mga bagay na ikalulungkot mo.


Ang gulo di ba?


Kasi naman....


Yang tadhanang yan.


Maloko yan.


Kala mo naman gwapo para magloko.
Kung pwede mo lang sana syang iwanan at itakda yung mga bagay na pwede at gusto mong mangyari sayo...


Kaya lang....


Hindi pwede.


Pero sa buhay ko. Hindi na ako nagugulat sa mga nangyayari. Sanay na ko. Tanggap ko ng magloko talaga ang tadhana ko.


Nakakabaliw.


Parang roller coaster ika nga.


Paikot-ikot.

Nakakahilo.

Nakakapraning.


Pero ok lang....


Sanayan na lang. Kasi pagkatapos naman ng pagsakay ko sa nakakatakot at nakakatuwang roller coaster trip ng buhay ko. Masasabi kong.


"Masaya ako."


Nasaktan man ako o hindi. May mga umalis man at iniwan ako may mga bago naman dumating at alam kong hindi ako iiwan.


Yung mga sakit nasa una hindi mo alam kung bakit nangyayari sayo. Pero sa huli mapapangiti ka na lang dahil alam mo na yung dahilan kung bakit nangyari lahat.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon