JANE

1K 61 14
                                    

Hi guys!

Kamusta? Alam ko marami ng naiinis sakin pero but hahaha 😂😂😂 easy lang guys! Kayo naman parang di na kayo nasanay sakin haha. Marami pang mangyayari pero dahil busy si author isa-isa lang. Sana maiyak kayo sa mga susunod na eksena haha ihanda nyo ng mga sarili nyo dahil may masasampal kayong katabi nyo 😂😂😂. Charrr lang!

Namiss kong magNote ng ganito kahaba. Oh anu guys may tumama ba sa inyo sa guessing game naten? Haha mukang walang nakahula kasi nga naman mga judgmental kayo!😂 Sabi sa inyo laliman nyo dahil iba ang utak ko (in short baliw ako😆) Oh sya sige na simulan na naten to at para malaman nyo na kung bakit at saang planeta manggagaling si Michael. Grabe nakakaexcite!! Hinabaan ko na to para masaya!

ENJOY!!!













*****


REAH'S P.O.V.

"Anu!!!??" Sigaw ni Kim sa phone.

"Aray! Kim naman bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ko. Tumawag kasi sya sakin para magtanong kung anu ng gagawin ko para bukas sa anniversary namin ni Kaye.

"Bakit kasi pumayag ka?" Tanong nya.

"Ha? Bakit naman ako kokontra trabaho nya yun?"

"Oo nga trabaho nya pero paanu kung di sya makabalik bukas?"

"Nagpromise si Kaye na babalik sya kaya pumayag na lang ako. Kung ako lang naman masusunod ayaw ko sana pero wala naman akong magagawa."

"Anung walang magagawa?! Marami kang pwedeng magawa Reah dapat pinigilan mo sya!"

"Kim anu ka ba babalik naman agad si Kaye eh."

"Eh paanu nga kung di sya makabalik? Paanu ka? Anung gagawin mo? Magcecelebrate kang mag-isa ganun?"

"Nagpromise si Kaye at may tiwala ako sa kanya okay? Babalik si Kaye makakabalik sya."

"Oo nga may tiwala ka kay Kaye eh sa iba may tiwala ka ba?"

"Ha?" Naguluhan ako sa tanong nya.

"What I mean is, paanu kung hindi sya paalisin agad-agad syempre di naman byaheng manila to makati lang yun no. Reah Aklan yun sobrang layo nun!"

"Kim mas matagal pa nga ang byahe papunta ng bahay nyo galing dito sa office kaysa byahe papuntang Aklan dahil sa sobrang traffic ." Natatawang sabi ko.

"Ah ganun? Sige mamilosopo ka pa! Bahala ka pag yang si Kaye hindi makabalik bukas tignan lang natin kung sinung iiyak!"

"Aray naman Kim. Wag ka namang magsalita ng ganyan. Babalik si Kaye okay? Basta pag sinabi nyang babalik sya gagawin nya yun at malaki tiwala ko kay Kaye. Hindi nya ko iindianin kaya wag ka ng mag-alala dyan ha."

"Ikaw bahala basta sinabihan na kita. Nakaalis na ba sya?"

"Mamaya pa lang."

"Ihahatid mo ba sya?"

"Baka hindi na kasi may aasikasuhin pa ako pero dadaanan nya ko dito sa office bago sya umalis."

"May aasikasuhin ka o baka naman ayaw talaga nyang sumama ka?"

"Kim naman pati ba naman paghahatid kay Kaye sa airport bibigyan pa ng meaning? Syempre ayaw lang din naman ni Kaye na mapagod pa ko at umiyak sa airport na parang batang iiwan ng magulang nila. Kasama nya naman si Ms. Ad eh."

"Si Ms. Ad nga lang ba?" Tanong nya.

"Alam mo ikaw may napapansin na ko sayo ha. Anung problema mo kay Kaye? Bakit parang yung mga tanong mo may something?" Tanong ko. May kakaiba kay Kim ngayon. Parang pati sya pinaghihinalaan si Kaye.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon