A DAY WITH YOU

1.7K 133 24
                                    

Hi guys!

Sorry sa bitin na last update ko😂😂😂. Pagod lang kaya super bitin. Pinilit ko lang para may mabasa naman kayo. Pero eto babawi ako.


Enjoy!!!




















*****


REAH'S P.O.V.







"Hello Kim?"

"Reah? Nasaan ka?" Tanong ni Kim. Biglang tumayo si Kaye at lumayo sakin. May kausap din sya sa phone nya.

"Nasa bahay bakit?" Tanong ko.

"Pwede ka bang pumunta dito sa resto. Please "

"Bakit may problema ba?"

"Wala naman may gusto lang sana akong sabihin. Please."

"Okay sige. Now na ba?"

"Oo sana."

"Okay pupunta na ko. Bye."

"Bye. Ingat."

Binaba ko na yung phone at pinuntahan si Kaye. Kailangan kong magpaalam sa kanya o baka pwedeng sa kanya na lang ako magpahatid bago sya umuwi. Tinatamad pa akong magdrive. Hindi ko alam anung sasabihin ni Kim pero parang importante. Nakita ko si Kaye sa may garden. May kausap pa din sya sa phone nya. Napatingin na sya sakin nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya.

"Okay sige pupunta ako. Bye." Sabi ni Kaye sa kausap nya.

Mukang may pupuntahan din sya. Hindi ako pwedeng magpahatid.

"Reah kanina ka pa?" Tanong nya bago sya lumapit sakin.

"Hindi naman ngayon ngayon lang din. Aalis ka na ba?" Tanong ko.

"Oo sana. Pupunta ako sa resto nila Nicky. May kailangan yata sila ni Kim." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Ha? Teka. Pupunta din ako ngayon sa kanila."

"Talaga? Si Kim kausap mo kanina di ba?"

"Oo. Si Nicky ba kausap mo? Bakit daw? May nasabi ba sya sayo?" Tanong ko.

"Wala naman. Basta sabi nya pumunta na lang daw ako. Bakit na naman kaya?" Nagtatakang tanong ni Kaye.

Mukang may balak na naman yung dalawa at hindi maganda ang kutob ko.

"May nasabi ba sayo si Kim?" Tanong ni Kaye.

"Wala din. Ang nasa isip ko lang naman kanina baka may emergency na naman kay Nicky kaya nya ko pinapapunta. Pero mukang mali yata hinala ko. May binabalak na naman yatang gawin yung dalawa. Nasabi mo bang nandito ka sa bahay?" Tanong ko.

"Hindi. Nagmamadali din kasi sya kanina. Sabay na lang tayo pumunta." Aya nya.

"Okay sige. Magpapalit lang ako ng damit."

"Sige wait na lang kita.

Pagkasabi ni Kaye nun umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Hindi ko pa din talaga alam kung anung nasa isip ng dalawa naming kaibigan ni Kaye. Pero kung anuman yun sana naman yung maayos at hindi puro kalokohan na naman. Buti na lang at game lang din si Kaye kahit papanu. Hindi na ako masyadong naiilang na kasama sya. Parang bumalik lang din kami sa dati pero syempre may distansya na ng konti. Hindi na kaming dalawa. Magkaibigan na lang kami. At yan ang dapat at lagi kong iisipin.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon