SPACE

977 52 25
                                    

Hey guys!

Baka naguguluhan kayo ha. Nasa FLASHBACK pa din po tayo ng break-up ng KAYEAH ha. Malapit na din namang matapos ang FLASHBACK at malapit na din nating malaman yung totoong dahilan ng hiwalayang KAYEAH. At ang tanong panu kaya kapag bumalik na ulet tayo sa PRESENT time magtutuloy tuloy na kaya ang happy ending nila? Ayiieehh naeexcite na talaga ako at natutuwa ako sa mga reactions nyo.

Thank you pa din guys sa pagbabasa ha. Sana sa mga susunod na story ko nandyan pa din kayo at sasamahan nyo kong gumawa ng mga bagong stories at loveteams kahit hindi na si Kaye ang bida pero but wait! 😂 asahan nyo pa din na mas madaming bida ay si Kikal 😂.

Oh sya hindi ko na patatagalin pa ituloy na natin to habang nasa mood pa ako 😂😄😃.

Enjoy!!!!!!















*****

KAYE'S P.O.V.


"Kim please sabihin mo na sakin kung nandito ba si Reah." Pumunta ako ng bahay nila Kim at Nicky dahil alam kong dito unang pupunta si Reah.

"Kaye bakit ba ang kulet mo wala na nga dito si Reah kanina pa sya umalis at galit na din sya pati saming dalawa ni Nicky." Naiinis na sagot ni Kim.

"Sinabi ko na kasi sayo noon pa Kaye na sabihin mo ng lahat kay Reah tignan mo tuloy kung anung nangyayari!" Galit na sabi ni Nicky.

"Hindi ko naman alam na mangyayari lahat to." Paliwanag ko. Pinipilit ko pa ding tawagan si Reah pati na si Jessy dahil magkasama silang dalawa pero ayaw nilang sumagot.

"Hindi mo alam pero alam mong magagalit si Reah di ba? Sana man lang ginandahan mo pagpapaliwanag sa kanya kanina."

"Hindi ko alam Kim nagulat lang din ako kanina nang makita ko si Reah sa studio at kausap ni Jane."

"What?! You mean nagkita silang dalawa? Oh my God! Baka kung anu-anung sinabi ni Jane sa kanya kaya sya ganyan."

"Malamang ganun na nga Kim bago ko kasi kausapin si Reah kanina galit na galit na sya sakin. Naunahan na sya ng galit nya bago nya ko pakinggan. Naiinis ako kay Jane kasalanan nyang lahat to."

"Hindi lahat Kaye may kasalanan ka din dahil nilihim mo lahat kay Reah." Naiinis na sabi ni Nicky. Halatang galit na galit talaga sya sakin.

"Sorry nadamay ko pa kayong dalawa sa problema ko. Alam kong galit kayo pero please tulungan nyo ko. Kayong dalawa lang pwedeng makatulong sakin. Tulungan nyo kong kausapin si Reah." Nagmamakaawa na ko sa kanilang dalawa. Wala na kong pakialam kung magmuka akong tanga sa harapan nila pero handa kong gawin lahat para mapatawad lang ako ni Reah.

"Anu pa nga bang magagawa namin? Kahit naman magalit kami sayo ni Nicky hindi din naman namin matitiis makitang maghiwalay kayong dalawa di ba? Sayang lang lahat kung di nyo to maaayos." Sabi ni Kim.

"Salamat. Aalis na muna ako pupuntahan ko sya sa bahay nila baka nandun sya ngayon."

"Sige pero kung ayaw ka pa nyang kausapin wag mo na munang pilitin. Bigyan mo muna sya ng space para makapag-isip sya." Bilin ni Kim. Tumango na lang ako at hindi na sya sinagot.

Nagmadali na akong umalis dahil gusto ko talagang kausapin ng maayos si Reah. Gusto kong ipaliwanag sa kanya lahat ayaw kong matapos tong gabing to na hindi kami okay.

Habang nagdadrive ako iniisip ko pa din kung paanu ko ipapaliwanag lahat kay Reah. Hindi ko talaga alam kung anung gagawin ko. Hindi ko inaasahang mangyayari lahat to lalong lalo na yung kanina. Nagulat ako ng makita kong magkausap silang dalawa. Natakot at kinabahan ako dahil hindi sa ganitong paraan ko gustong malaman ni Reah lahat. Tama si Nicky dapat talaga noon pa lang sinabi ko na. Ang tanga tanga at ang duwag ko dahil hindi ko sinabi lahat sa kanya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon