YOU'RE FIRED!

910 51 12
                                    

Hi guys!!

KAYEmusta? 😂 natawa naman ako sa comments nyo lalo na sa DADDY part 😂. Anu masama ba? Sabihin nyo lang kung may sama kayo ng loob pwede namang mapag-usapan eh😂.

OKAYE simulan na ulet natin to KAYEsi naeexcite na ako sa..... I love you can't you hear me 🎶🎵 ayiieee😍. Lakas maka TIMY ang peg. Maygad! Eto na!

Enjoy!!!!!




*****

KAYE'S P.O.V.

"Reah magiging okay din lahat wag ka ng umiyak please." Pakiusap ko kay Reah. Hanggang pag-uwi namin umiiyak pa din sya.

"Anung gagawin ko?" Tanong nya.

"Magpahinga ka na muna bukas na natin isipin lahat ha." Sabi ko at niyakap ko sya.

"Galit si Ninong hindi ko alam gagawin ko. Anung dapat kong sabihin sa kanya? Hindi ko alam Kaye. Hindi ko alam."

"Reah please tama na magiging okay lang lahat. Ipaliwanag mo na lang na aksidente yung nangyari. Maiintindihan ka nya alam nya naman kung bakit eh. Hindi ka pa sanay maghandle ng mga ganung project kaya I'm sure maiintindihan ka nila." Nakangiting sabi ko para mapagaan loob nya pero mukang hindi nakakatulong.

"Hindi ganun kadali yun Kaye lalo na sa part ko. Alam kong madami ng naghihintay sa kanila na magkamali ako. Hinihintay lang talaga nila to at binigay ko sa kanila yun. Iniingatan kong hindi makagawa ng pagkakamali dahil alam ko na once I failed marami silang masasabi sakin dahil sa isang pagkakamali noon na hindi naman ako yung may gawa pero ako yung naghihirap. Ayaw kong ibalik na naman nila yung nakaraan. Natatakot ako Kaye. Matagal ko ng nalinis yung pangalan ni Papa pero eto naman ako ngayon. Kasalanan ko tong lahat. Alam kong malaking kasiraan sa company tong nangyari kaya hindi nila ako basta basta maiintindihan lalo na at wala ako dun kahapon. Wala ako dun kung kailan kailangang ako." Umiyak na naman sya ng malakas.

Pagkasabi ni Reah nun hindi ko na alam yung isasagot ko. Hindi ko alam kung nagsisisi ba sya na pinaglaanan nya ng oras at panahon yung anniversary namin pero wala naman akong karapatang magalit kasi kahit ako mismo hindi ko naibigay sa kanya yung buong araw na yun gaya ng ginawa nya. Pinili nya kong unahin pero ako mas inuna ko pa yung ibang tao kaysa sa kanya. Pati ako kinakabahan sa mangyayari. Alam kong malaking problema tong kinakaharap nya ngayon pero wala akong magawa para masolusyunan to. Kung pwede ko lang akuin lahat para di na sya masaktan ginawa ko na pero hindi ko kaya.

"Matulog na tayo. Ipagdasal na lang natin na maging okay ang lahat." Yun lang nasabi ko.

"I'm sorry Kaye pati ikaw nadadamay sa problema ko." Umiiyak pa din sya. Hanggang kailan ba sya ganito. Ayaw kong nakikitang ganito sya.

"Problema natin to hindi ka mag-isa dito. Sasamahan kita. Nandito lang ako." Niyakap ko lang sya ulet at pinakalma para tumahan na sya. "Wag ka ng umiyak please. Nasasaktan ako pagganyan ka." Bulong ko sa kanya. Naramdaman kong tumango lang sya sakin at sinuksok nya lalo yung ulo nya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Naramdaman ko pagtulo ng luha nya. Hinayaan ko lang na ganun si Reah. Pinaayos ko lang sya ng upo para hindi sya masyadong mangalay.

Maya maya lang hindi ko na naririnig na humihikbi si Reah. Kumalma na sya at sa tingin ko tulog na sya. Napatingin ako sa kanya at tinanggal yung mga nakaharang na buhok sa muka nya. Tulog na nga sya. Umayos ako ng pagkakaupo ko para maipahiga ko sya ng dahan dahan sa kama. Pagkahiga nya tumabi na din ako agad sa kanya. Kinumutan ko sya at saka niyakap. Pinunasan ko yung muka nya na hanggang ngayon basang basa pa din.

Napapabugtong hininga na lang ako dahil sa mga nangyari. Sana maging okay lang si Reah. Wag naman sanang lumala pa yung sitwasyon nya dahil sobrang hirap nito at kahit ako hindi ko kakayaning ihandle to. Hanga lang din ako sa kanya dahil sinusubukan nya pa ding iayos lahat at isipin yung ibang tao kahit na pwede nya na lang namang isipin ay yung kapakanan nya pero hindi nya ginawa.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon