HEARTBEAT

847 54 9
                                    

As you wish hahaha...

Sarap iinsert ng Give me a chance hahaha...









*****


KAYE'S P.O.V.





"Anu Kaye? Nandyan ka na ba?" Tanong ni Jessy.


"Kakacheck-in ko pa lang sa hotel baka bukas ko na simulang hanapin yung address na binigay mo." Sagot ko habang nagpapalit ako ng damit.

"Sorry ha yan lang naibigay kong address si Tita kasi ayaw sabihin sakin kung saan eh baka nga nakahalata yun kaya ayaw nyang sabihin pero sana makatulong yan."

"Okay lang Jess. Thank you ulet."

"Sana makita mo sya. Sige na Kaye magpahinga ka na."


"Sana nga makita ko agad sya. Thank you Jess." Pagkasabi ko nun binaba ko na agad yung cellphone ko.

Humiga na ako sa kama at nagpahinga na. Nakakapagod bumyahe wala pa akong tulog. Napatingin ako bigla sa orasan, umaga na pala mamaya lang uumpisahan ko ng hanapin si Reah pero hindi pa din ako natutulog. Sana lang mahanap ko agad sya kahit kulang yung address na binigay sakin ni Jessy.


Kahit pagod ako hindi pa din ako makatulog dahil gustong gusto ko na talagang makita si Reah. Kinuha ko ulet yung cellphone ko at sinubukang hanapin sa maps yung address na binigay ni Jessy. Habang nagtatype ako sa cellphone ko nagulat ako ng makita kong may nagtext sakin. Napaupo ako bigla ng makita ko pangalan ni Reah. Nagmadali akong buksan yung text nya.




R: I miss you.



Napangiti ako bigla sa text nya. Dinial ko agad number nya at baka sagutin nya na ako pero wala pa din. Ilang beses ko syang tinawagan pero ayaw nya talagang sumagot. Bakit ganun? Nagtext syang miss nya na ako pero ayaw nya namang sagutin mga tawag ko. Napatingin ulet ako sa oras. Madaling araw na pero nagtext pa sya ibig sabihin gising sya ng ganitong oras pero bakit? Hindi kaya sya makatulog kasi iniisip nya ako? Nireplyan ko na lang sya. Pagkasend ko sa kanya ng text ko nag-ayos na ako ng mga gamit ko at nag-ayos na din ng sarili ko gusto ko ng simulang hanapin kung nasaan man si Reah.

Isang linggo din kaming hindi nagkita ni Reah kahit isang text wala akong natanggap galing sa kanya ngayon lang sya nagtext kaya mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa at lakas ng loob para hanapin sya. Ayaw ko ng magsayang pa ng oras dahil isang buwan na lang malapit na yung araw na pinakahihintay namin.

Pagkaayos ko ng mga gamit ko. Tinext ko lang si Tyng at Princess para ipaalam sa kanila na nakarating na ako at nakapagcheck-in na. Manghihiram na lang ako ng kotse dito sa hotel para hindi na ako mahirapan sa gagawin ko. Naghintay lang ako ng ilang oras bago ako bumaba. Nang makita kong okay na lahat bumaba na ako at pumunta sa reception para manghiram ng kotse. Pagkakuha ko ng susi nagmadali na agad akong lumabas ng hotel. Pasikat na yung araw at ang lamig ng hangin. 

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon