FACE OFF

790 59 10
                                    

Hi guys!

Hulaan nyo anung mangyayari sa chapter na to? Haha masaya kaya o hindi? 

Guys alam kong masaya tayong lahat ngayon pero aminin nyo may halong lungkot yan kasi aalis sya huhubels. Don't worry the feeling is mutual hahaha.

Para sumaya kayo lalo may pa-update si Author.

Enjoy!














*****


KAYE'S P.O.V.



Pagkabalik ko ng hotel humiga agad ako sa kama. Nilabas ko cellphone ko para tawagan si Jessy at sabihin na nakita ko na si Reah pero hindi sya sumasagot kaya si Nicky na lang muna tinawagan ko.


"Hello Kaye. Kamusta? Napatawag ka?" Tanong agad nya.


"Okay lang. Ikaw?"


"Eto medyo busy teka kamusta na kayo ni Reah nakauwi na ba sya? Sorry ha di kami makabalita sa inyong dalawa kasi busy kami ni Kim dito sa business namin."


"Okay lang. Hindi pa umuuwi si Reah pero alam ko na kung nasaan sya. Nakita ko na sya kanina." Pagkasabi ko nun hindi ko maiwasang makaramdam na naman ng sakit.


"Ha? Anung nakita mo sya kanina? Bakit nasaan ka ba?"


"Nandito sa Ilocos sinundan ko sya."


"What!? Sinundan mo sya? Kailan pa? At saka nagkita na ba kayo?"


"Hindi pa. Hindi nya alam na nandito ako pero nakita ko na sya kanina hindi lang ako nagpakita sa kanya."


"Bakit?"


"Hindi ko alam siguro hindi pa yun yung tamang oras para dun."


"Dapat nagpakita ka malay mo naman di ba masurprise sya at yun lang talaga hinihintay nya yung hanapin mo sya para malaman nya kung talagang importante sya sayo."


Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nya. Oo nga bakit hindi ko naisip yun? Baka sinusubukan lang ako ni Reah. Baka kaya hindi sya bumabalik kasi gusto nya ako mismo yung pumunta sa kanya at baka kaya hindi sinasabi ni Tita kung nasaan sya kasi gusto nyang ako mismo yung mag-effort para hanapin sya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon